1בני לחכמתי הקשיבה לתבונתי הט אזנך׃
1Anak ko, pakinggan mo ang aking karunungan; ikiling mo ang iyong pakinig sa aking unawa:
2לשמר מזמות ודעת שפתיך ינצרו׃
2Upang makapagingat ka ng kabaitan, at upang ang iyong mga labi ay makapagingat ng kaalaman.
3כי נפת תטפנה שפתי זרה וחלק משמן חכה׃
3Sapagka't ang mga labi ng masamang babae ay tumutulo ng pulot, at ang kaniyang bibig ay madulas kay sa langis:
4ואחריתה מרה כלענה חדה כחרב פיות׃
4Nguni't ang kaniyang huling wakas ay mapait kay sa ahenho, matalas na parang tabak na may talim sa magkabila.
5רגליה ירדות מות שאול צעדיה יתמכו׃
5Ang kaniyang mga paa ay nagsisibaba sa kamatayan; ang kaniyang mga hakbang ay nagsisihawak sa Sheol;
6ארח חיים פן תפלס נעו מעגלתיה לא תדע׃
6Na anopa't hindi niya nasusumpungan ang kapanatagan ng landas ng buhay; ang kaniyang mga lakad ay hindi panatag, at hindi niya nalalaman.
7ועתה בנים שמעו לי ואל תסורו מאמרי פי׃
7Ngayon nga, mga anak ko, dinggin ninyo ako, at huwag kayong magsihiwalay sa mga salita ng aking bibig.
8הרחק מעליה דרכך ואל תקרב אל פתח ביתה׃
8Ilayo mo ang iyong lakad sa kaniya, at huwag kang lumapit sa pintuan ng kaniyang bahay:
9פן תתן לאחרים הודך ושנתיך לאכזרי׃
9Baka mo ibigay ang iyong karangalan sa iba, at ang iyong mga taon sa mga mabagsik:
10פן ישבעו זרים כחך ועצביך בבית נכרי׃
10Baka ang mga di kilalang babae ay mapuno ng iyong kalakasan; at ang iyong mga pinagpagalan ay mapasa bahay ng kaapid;
11ונהמת באחריתך בכלות בשרך ושארך׃
11At ikaw ay manangis sa iyong huling wakas, pagka ang iyong laman at ang iyong katawan ay natunaw,
12ואמרת איך שנאתי מוסר ותוכחת נאץ לבי׃
12At iyong sabihin, bakit ko kinayamutan ang turo, at hinamak ng aking puso ang saway:
13ולא שמעתי בקול מורי ולמלמדי לא הטיתי אזני׃
13Ni hindi ko man sinunod ang tinig ng aking mga tagapagturo, O ikiling ko man ang aking pakinig sa kanila na mga nagturo sa akin!
14כמעט הייתי בכל רע בתוך קהל ועדה׃
14Ako'y malapit sa lahat ng kasamaan sa gitna ng kapisanan at ng kapulungan.
15שתה מים מבורך ונזלים מתוך בארך׃
15Uminom ka ng tubig sa iyong sariling tipunan ng tubig, at sa nagsisiagos na tubig sa iyong sariling balon.
16יפוצו מעינתיך חוצה ברחבות פלגי מים׃
16Mananabog ba ang iyong mga bukal sa kaluwangan, at mga agos ng tubig sa mga lansangan?
17יהיו לך לבדך ואין לזרים אתך׃
17Maging iyong magisa, at huwag sa di kilala na kasama mo.
18יהי מקורך ברוך ושמח מאשת נעורך׃
18Pagpalain ang iyong bukal; at magalak ka sa asawa ng iyong kabataan.
19אילת אהבים ויעלת חן דדיה ירוך בכל עת באהבתה תשגה תמיד׃
19Gaya ng maibiging usa at ng masayang usang babae, bigyan kang katiwasayan ng kaniyang dibdib sa buong panahon; at laging malugod ka sa kaniyang pagibig.
20ולמה תשגה בני בזרה ותחבק חק נכריה׃
20Sapagka't bakit ka malulugod, anak ko, sa ibang babae, at yayakap sa sinapupunan ng di kilala?
21כי נכח עיני יהוה דרכי איש וכל מעגלתיו מפלס׃
21Sapagka't ang mga lakad ng tao ay nasa harap ng mga mata ng Panginoon, at kaniyang pinapatag ang lahat niyang mga landas.
22עוונותיו ילכדנו את הרשע ובחבלי חטאתו יתמך׃
22Ang sarili niyang mga kasamaan ay kukuha sa masama. At siya'y matatalian ng mga panali ng kaniyang kasalanan.
23הוא ימות באין מוסר וברב אולתו ישגה׃
23Siya'y mamamatay sa kakulangan ng turo; at sa kadahilanan ng kaniyang pagkaulol ay maliligaw siya.