1למנצח מזמור לדוד יענך יהוה ביום צרה ישגבך שם אלהי יעקב׃
1Ang Panginoon ay sumasagot sa iyo sa araw ng kabagabagan; itaas ka sa mataas ng pangalan ng Dios ni Jacob;
2ישלח עזרך מקדש ומציון יסעדך׃
2Saklolohan ka mula sa santuario, at palakasin ka mula sa Sion;
3יזכר כל מנחתך ועולתך ידשנה סלה׃
3Alalahanin nawa ang lahat ng iyong mga handog, at tanggapin niya ang iyong mga haing sinunog; (Selah)
4יתן לך כלבבך וכל עצתך ימלא׃
4Pagkalooban ka nawa ng nais ng iyong puso, at tuparin ang lahat ng iyong payo.
5נרננה בישועתך ובשם אלהינו נדגל ימלא יהוה כל משאלותיך׃
5Kami ay magtatagumpay sa iyong pagliligtas, at sa pangalan ng aming Dios ay aming itataas ang aming mga watawat: ganapin nawa ng Panginoon ang lahat ng iyong mga hingi.
6עתה ידעתי כי הושיע יהוה משיחו יענהו משמי קדשו בגברות ישע ימינו׃
6Talastas ko ngayon na inililigtas ng Panginoon ang kaniyang pinahiran ng langis; sasagutin niya siya mula sa kaniyang banal na langit ng pangligtas na kalakasan ng kaniyang kanang kamay.
7אלה ברכב ואלה בסוסים ואנחנו בשם יהוה אלהינו נזכיר׃
7Ang iba ay tumitiwala sa mga karo, at ang iba ay sa mga kabayo: nguni't babanggitin namin ang pangalan ng Panginoon naming Dios.
8המה כרעו ונפלו ואנחנו קמנו ונתעודד׃
8Sila'y nangakasubsob at buwal: nguni't kami ay nakatindig at nakatayo na matuwid.
9יהוה הושיעה המלך יעננו ביום קראנו׃
9Magligtas ka, Panginoon: sagutin nawa kami ng Hari pagka kami ay nagsisitawag.