1למנצח עלמות לבן מזמור לדוד אודה יהוה בכל לבי אספרה כל נפלאותיך׃
1Ako'y magpapasalamat sa Panginoon ng aking buong puso; aking ipakikilala ang lahat na iyong kagilagilalas na mga gawa.
2אשמחה ואעלצה בך אזמרה שמך עליון׃
2Ako'y magpapakasaya at magpapakagalak sa iyo: ako'y aawit ng pagpuri sa iyong pangalan, Oh ikaw na kataastaasan.
3בשוב אויבי אחור יכשלו ויאבדו מפניך׃
3Pagka ang aking mga kaaway ay magsisibalik, sila'y matitisod at malilipol sa iyong harapan.
4כי עשית משפטי ודיני ישבת לכסא שופט צדק׃
4Sapagka't iyong inalalayan ang aking matuwid at ang aking usap; ikaw ay nauupo sa luklukan na humahatol na may katuwiran.
5גערת גוים אבדת רשע שמם מחית לעולם ועד׃
5Iyong sinaway ang mga bansa, iyong nilipol ang masama, iyong pinawi ang kanilang pangalan magpakailan man.
6האויב תמו חרבות לנצח וערים נתשת אבד זכרם המה׃
6Ang kaaway ay dumating sa wakas, sila'y lipol magpakailan man; at ang mga siyudad na iyong dinaig, ang tanging alaala sa kanila ay napawi.
7ויהוה לעולם ישב כונן למשפט כסאו׃
7Nguni't ang Panginoon ay nauupong hari magpakailan man: inihanda niya ang kaniyang luklukan para sa kahatulan.
8והוא ישפט תבל בצדק ידין לאמים במישרים׃
8At hahatulan niya sa katuwiran ang sanglibutan, siya'y mangangasiwa ng karampatang kahatulan sa mga tao.
9ויהי יהוה משגב לדך משגב לעתות בצרה׃
9Ang Panginoon naman ay magiging matayog na moog sa napipighati, matayog na moog sa mga panahon ng kabagabagan;
10ויבטחו בך יודעי שמך כי לא עזבת דרשיך יהוה׃
10At silang nangakakaalam ng iyong pangalan ay maglalagak ng kanilang tiwala sa iyo; sapagka't ikaw, Panginoon, ay hindi mo pinabayaan sila na nagsisihanap sa iyo.
11זמרו ליהוה ישב ציון הגידו בעמים עלילותיו׃
11Magsiawit kayo ng mga pagpuri sa Panginoon, na nagsisitahan sa Sion: ipahayag ninyo sa gitna ng bayan ang kaniyang mga gawa.
12כי דרש דמים אותם זכר לא שכח צעקת עניים׃
12Sapagka't siyang nagsisiyasat ng dugo ay umaalaala sa kanila: hindi niya kinalilimutan ang daing ng dukha.
13חננני יהוה ראה עניי משנאי מרוממי משערי מות׃
13Maawa ka sa akin, Oh Panginoon; masdan mo ang kadalamhatian na aking tinitiis sa kanila na mangagtatanim sa akin, ikaw na nagtataas sa akin mula sa mga pintuan ng kamatayan;
14למען אספרה כל תהלתיך בשערי בת ציון אגילה בישועתך׃
14Upang aking maipakilala ang iyong buong kapurihan: sa mga pintuang-bayan ng anak na babae ng Sion, ako'y magagalak sa iyong pagliligtas.
15טבעו גוים בשחת עשו ברשת זו טמנו נלכדה רגלם׃
15Ang mga bansa ay nangahulog sa balon na kanilang ginawa: sa silo na kanilang ikinubli ay kanilang sariling paa ang nahuli.
16נודע יהוה משפט עשה בפעל כפיו נוקש רשע הגיון סלה׃
16Ang Panginoon ay napakilala, siya'y naglapat ng kahatulan: ang masama ay nasilo sa mga gawa ng kaniyang sariling mga kamay. (Higgaion. Selah)
17ישובו רשעים לשאולה כל גוים שכחי אלהים׃
17Ang masama ay mauuwi sa Sheol, pati ng lahat ng mga bansa na nagsisilimot sa Dios.
18כי לא לנצח ישכח אביון תקות ענוים תאבד לעד׃
18Sapagka't ang mapagkailangan ay hindi laging malilimutan, ni ang pagasa ng dukha ay mapapawi magpakailan man.
19קומה יהוה אל יעז אנוש ישפטו גוים על פניך׃
19Bumangon ka, Oh Panginoon; huwag manaig ang tao: mahatulan ang mga bansa sa iyong paningin.
20שיתה יהוה מורה להם ידעו גוים אנוש המה סלה׃
20Ilagay mo sila sa katakutan Oh, Panginoon: ipakilala mo sa mga bansa na sila'y mga tao lamang. (Selah)