1És lõn az Úrnak beszéde hozzám, mondván:
1At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
2Embernek fia! fordítsd arczodat Jeruzsálem felé, és szólj a szent helyek ellen és prófétálj Izráel földje ellen!
2Anak ng tao, itingin mo ang iyong mukha sa dakong Jerusalem, at magbadya ka ng iyong salita sa dako ng mga santuario, at manghula ka laban sa lupain ng Israel;
3És mondjad Izráel földjének: Így szól az Úr: Ímé, én reád [megyek,] és kivonszom kardomat hüvelyébõl, és kivágok belõled igazat és gonoszt.
3At sabihin mo sa lupain ng Israel, Ganito ang sabi ng Panginoon: Narito, ako'y laban sa iyo, at aking bubunutin ang aking tabak sa kaloban, at ihihiwalay ko sa iyo ang matuwid at ang masama.
4Azért, hogy kivágjak belõled igazat és gonoszt, azért megyen ki kardom hüvelyébõl minden test ellen délrõl északig.
4Yaman nga na aking ihihiwalay sa iyo ang matuwid at ang masama, kaya't aking bubunutin ang aking tabak sa kaloban na laban sa lahat na tao na mula sa timugan hanggang sa hilagaan:
5És megérti minden test, hogy én, az Úr vontam ki kardomat hüvelyébõl, [mert belé] többé vissza nem tér.
5At malalaman ng lahat na tao na akong Panginoon ay bumunot ng aking tabak sa kaloban; hindi na isusuksok pa.
6És te, embernek fia, nyögj! Derekad fájdalmában keserûséggel nyögj szemök láttára.
6Magbuntong-hininga ka nga, ikaw na anak ng tao; na may pagkasira ng iyong mga balakang at may kapanglawang magbubuntong-hininga ka sa harap ng kanilang mga mata.
7És lészen, mikor mondják néked: Miért nyögsz te? ezt mondjad: A hírért, mert beteljesedett: és elolvad minden szív és elerõtlenedik minden kéz és elcsügged minden lélek és minden térd elolvad mint a víz. Ímé beteljesedett és meglett, ezt mondja az Úr Isten.
7At mangyayari, pagka kanilang sinasabi sa iyo, Bakit ka nagbubuntong-hininga? na iyong sasabihin, Dahil sa mga balita, sapagka't dumarating; at ang bawa't puso ay manglulumo, at ang lahat na kamay ay manghihina, at ang bawa't espiritu ay manglulupaypay, at ang lahat na tuhod ay manglalambot na parang tubig: narito, dumarating, at mangyayari, sabi ng Panginoong Dios.
8És lõn az Úr beszéde hozzám, mondván:
8At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
9Embernek fia! prófétálj és mondjad: Ezt mondta az Úr: Mondjad: fegyver, fegyver! megélesített és meg is fényesített!
9Anak ng tao, manghula ka, at sabihin mo, Ganito ang sabi ng Panginoon: Sabihin mo, Isang tabak, isang tabak ay nahasa, at kuminang din naman;
10Hogy öldököljön, megélesíttetett, hogy legyen villámlása, megfényesíttetett. Avagy örüljünk-é? Fiam [e] veszszeje megvet minden fát!
10Nahasa upang manglipol; kuminang upang maging parang kidlat: gagawa nga baga tayo ng mga kasayahan? ang tungkod ng aking anak ay humahamak sa bawa't punong kahoy.
11És adta azt megfényesítésre, hogy marokba fogják; megélesíttetett az a kard s megfényesíttetett, hogy adják a megölõnek kezébe.
11At pinakikinang, upang hawakan: ang tabak, ito'y nahasa, oo, pinakinang, upang ibigay sa kamay ng manglilipol.
12Kiálts és jajgass, embernek fia! mert ez az én népemen lészen és Izráel minden fejedelmin: e kardra jutnak népemmel együtt, ezokért üss czombodra.
12Humiyaw ka at manambitan ka, anak ng tao; sapagka't nauumang sa aking bayan, nauumang sa lahat ng mga prinsipe sa Israel: sila'y nangabigay sa tabak na kasama ng aking bayan; tampalin mo nga ang iyong hita.
13Már megpróbáltatott. De hát ha a vesszõ maga is vonakodnék? Nem úgy lészen, ezt mondja az Úr Isten!
13Sapagka't may paglilitis; at paano kung pati ng tungkod na humahamak ay mawala? sabi ng Panginoong Dios.
14Te pedig, embernek fia, prófétálj, és csapd össze tenyeredet, mert kettõs lesz a kard, most harmadszor; öldöklõ kard az, a nagy öldöklõ kard körüljárja õket.
14Ikaw nga, anak ng tao, manghula ka, at ipakpak mo kapuwa ang iyong mga kamay; at ang tabak ay malupi sa ikatlo, ang tabak ng nasugatan sa ikamamatay: siyang tabak ng dakilang nasugatan sa ikamamatay na pumasok sa kanilang mga silid.
15Hogy elolvadjon a szív és sokan elhulljanak: minden kapujokban rájok vetem a kard villámlását, hisz villámlásra készült, öldöklésre kifényesíttetett!
15Aking iniumang ang kumikinang na tabak laban sa lahat nilang pintuang-bayan, upang ang kanilang puso ay manglumo, at ang kanilang mga pagkatisod ay dumami: ah! ang pagkayari ay parang kidlat, na inihasa upang ipangpatay.
16Szedd össze magadat; tarts jobbra, tarts elõre, tarts balra, a merre éled irányozva van.
16Humayo ka sa isang dako, lumagay ka sa kanan, o lumagay ka sa kaliwa, saan man mapaharap ang iyong mukha.
17Én is összecsapom tenyeremet, és megnyugotom haragomat. Én, az Úr szólottam.
17Akin din namang ipapakpak kapuwa ang aking mga kamay, at aking lulubusin ang aking kapusukan: ako ang Panginoon, ang nagsalita.
18És lõn az Úr beszéde hozzám, mondván:
18Ang salita ng Panginoon ay dumating uli sa akin, na nagsasabi,
19És te, embernek fia, csinálj magadnak két útat, a melyen jõjjön a babiloni király kardja; egy földrõl jõjjön ki mind a kettõ; s egy kezet véss föl, a városba vezetõ út fejénél vésd föl.
19Gayon din, ikaw na anak ng tao, magtakda ka sa iyo ng dalawang daan, na mapanggagalingan ng tabak ng hari sa Babilonia; silang dalawa ay kapuwa lalabas sa isang lupain: at landasan mo ng dako, landasan mo sa bukana ng daang patungo sa bayan.
20Útat csinálj, hogy jõjjön a kard az Ammon fiainak Rabbájára, aztán Júdára, a körülkerített Jeruzsálemre.
20Ikaw ay magtatakda ng daan para sa tabak na paroon sa Raba ng mga anak ni Ammon, at sa Juda sa Jerusalem na nakukutaan.
21Mert megáll a babiloni király az útak kezdetén, a két út fejénél, hogy jövendõt láttasson; megrázza a nyilakat, megkérdezi a Teráfimot, megnézi a májat.
21Sapagka't ang hari sa Babilonia ay tumayo sa pinagkakahiwalayan ng daan, sa bukana ng dalawang daan, upang magbadya ng panghuhula: kaniyang iniwasiwas ang mga pana na paroo't parito, siya'y sumangguni sa mga diosdiosan, siya'y nagsiyasat sa atay.
22Jobbjába adta a jövendölés Jeruzsálemet, hogy állasson faltörõ kosokat, hogy nyissa száját ordításra, hogy üssön zajt trombitával, hogy állasson faltörõ kosokat a kapuk ellen, hogy töltsön sánczot, építsen tornyot.
22Nasa kanang kamay niya ang panghuhula sa Jerusalem, upang mag-umang ng mga pangsaksak, upang bukahin ang bibig sa pagpatay, upang itaas ang tinig sa paghiyaw, upang mag-umang ng mga pangsaksak laban sa mga pintuang-bayan, upang maglagay ng mga bunton upang magtayo ng mga katibayan.
23De ez nékik hamis jövendölésnek látszik: szent esküik vannak nékik [Istentõl;] ám Õ emlékezetbe hozza vétköket, hogy megfogassanak.
23At sa kanila ay magiging parang panghuhulang walang kabuluhan sa kanilang paningin, na nanumpa sa kanila; nguni't ipinaa-alaala niya sa kanilang kasamaan, upang sila'y mangahuli.
24Ezokáért ezt mondja az Úr Isten: Mivelhogy emlékezetbe hozzátok vétketeket, midõn nyilvánvalókká lesznek gonoszságaitok, hogy megláttassanak bûneitek minden cselekedeteitekben; mivelhogy eszembe juttok, kézzel megfogattok.
24Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sapagka't inyong ipinaalaala ang inyong kasamaan, palibhasa'y ang inyong mga pagsalangsang ay nalitaw, na anopa't sa lahat ninyong gawa ay nagsilitaw ang inyong mga kasalanan; sapagka't dumating ang pagkaalaala sa inyo, kayo'y huhulihin ng kamay.
25És te elvetemedett, te gonosztevõ, Izráel fejedelme, a kinek napja eljött az utolsó vétek idején:
25At ikaw, Oh masama na nasugatan ng ikamamatay, na prinsipe sa Israel, na ang kaarawan ay dumating, sa panahon ng parusang pinaka wakas;
26Így szól az Úr Isten: El a süveggel, le a koronával! Ez nem lészen ez: az alacsony legyen magas, és a magas alacsony!
26Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Ilapag mo ang tiara, at alisin mo ang putong; ito'y hindi na mangyayari pa uli; itaas mo ang mababa at ibaba mo ang mataas.
27Rommá, rommá, rommá teszem azt; ez sem lesz állandó, míg el nem jõ az, a kié az uralkodás, és néki adom azt!
27Aking ititiwarik, ititiwarik, ititiwarik: ito rin nama'y hindi na mangyayari uli, hanggang sa dumating yaong may matuwid na kaniya; at aking ibibigay sa kaniya.
28És te, embernek fia, prófétálj, és mondjad: Ezt mondja az Úr Isten Ammon fiairól és gyalázkodásukról, és mondjad: Fegyver, fegyver, öldöklésre kivont, megfényesíttetett, hogy ragyogjon, azért, hogy villámljék;
28At ikaw, anak ng tao, manghula ka, at iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios tungkol sa mga anak ni Ammon, at tungkol sa kanilang kapulaan; at sabihin mo, Isang tabak, isang tabak ay binunot, na ukol sa pagpatay ay kuminang upang papanglipulin, upang maging parang kidlat;
29De mivel felõled hiábavalóságot látnak, hazugságot jövendölnek, hogy odatesznek téged a megölt gonoszok nyakára, a kiknek napjok eljött az utolsó vétek idején:
29Samantalang sila'y nangakakakita sa iyo ng walang kabuluhan, samantalang sila'y nanganghuhula sa iyo ng mga kabulaanan, upang ipasan ka sa mga leeg ng masama na sinugatan ng ikamamatay, na ang kaarawan ay dumating, sa panahon ng parusang pinaka wakas.
30Tedd vissza hüvelyébe azt; a helyen, melyen teremtettél, származásod földjén ítéllek meg téged.
30Isuksok mo iyan sa kaniyang kaloban. Sa dakong pinaglalangan sa iyo, sa lupain ng kapanganakan mo, hahatulan kita.
31És kiontom reád haragomat, búsulásom tüzét fúvom reád, és adlak goromba férfiak kezébe, kik mesterek, [téged] elveszteni.
31At aking ibubuhos ang aking galit sa iyo; aking hihipan ka sa pamamagitan ng apoy ng aking poot: at aking ibibigay ka sa kamay ng mga tampalasang tao na bihasang pumatay.
32A tûz eledele leszel; véredet benyeli a föld; emlékezetbe nem jösz többé, mert én, az Úr szóltam.
32Ikaw ay magiging pinakapanggatong sa apoy; ang iyong dugo ay mabububo sa gitna ng lupain; ikaw ay hindi na maaalaala: sapagka't akong Panginoon ang nagsalita.