1Eljöve pedig a csapatoknak minden tisztje, és Jóhanán, Káreának fia, és Jazánia, Ozániának fia, és az egész nép kicsinytõl fogva nagyig,
1Nang magkagayo'y ang lahat na kapitan sa mga kawal, at si Johanan na anak ni Carea, at si Jezanias na anak ni Osaia, at ang buong bayan, mula sa kaliitliitan hanggang sa kadakidakilaan, ay nagsilapit,
2És mondának Jeremiás prófétának: Hallgasd meg alázatos kérésünket, és könyörögj érettünk az Úrnak, a te Istenednek mind e maradékért; mert kevesen maradtunk meg a sokaságból, mint a te szemeid [jól] látnak minket;
2At nangagsabi kay Jeremias na propeta, Isinasamo namin sa iyo, na tanggapin ang aming pamanhik sa harap mo, at idalangin mo kami sa Panginoon mong Dios, sa makatuwid baga'y ang lahat na nalabing ito (sapagka't kaming naiwan ay kaunti sa karamihan, gaya ng namamasdan ng iyong mga mata sa amin),
3És jelentse meg nékünk az Úr, a te Istened az útat, a melyen járjunk, és a dolgot, a mit cselekedjünk.
3Upang ipakita sa amin ng Panginoon mong Dios ang daan na aming marapat na lakaran, at ang bagay na marapat naming gawin.
4És monda nékik Jeremiás próféta: Meghallottam. Ímé, én könyörgök az Úrnak, a ti Isteneteknek a ti beszédeitek szerint, és mindazt, a mit felel az Úr néktek, megjelentem néktek, el nem titkolok semmit tõletek.
4Nang magkagayo'y sinabi ni Jeremias na propeta sa kanila, Aking narinig kayo; narito, aking idadalangin kayo sa Panginoon ninyong Dios ayon sa inyong mga salita; at mangyayari, na anomang bagay na isasagot ng Panginoon sa inyo; aking ipahahayag sa inyo; hindi ako maglilihim sa inyo.
5Õk pedig mondának Jeremiásnak: Az Úr legyen ellenünk tökéletes és igaz tanúbizonyság, ha nem mind ama beszéd szerint cselekszünk, a melylyel elküld téged mi hozzánk az Úr, a te Istened.
5Nang magkagayo'y sinabi nila kay Jeremias, Ang Panginoon ay maging tunay at tapat na saksi sa gitna natin, kung hindi nga namin gawin ang ayon sa buong salita na ipasusugo sa iyo ng Panginoon mong Dios sa amin.
6Ha jó, ha rossz, hallgatni fogunk az Úrnak, a mi Istenünknek szavára, a melyért mi téged õ hozzá küldünk; hogy jó dolgunk legyen, mert mi hallgatunk az Úrnak, a mi Istenünknek szavára.
6Maging mabuti, o maging masama, aming tatalimahin ang tinig ng Panginoon nating Dios, na siya naming pinagsusuguan sa iyo; upang ikabuti namin, pagka aming tinatalima ang tinig ng Panginoon nating Dios.
7Lõn pedig tíz nap múlva, hogy szóla az Úr Jeremiásnak.
7At nangyari, pagkatapos ng sangpung araw, na ang salita ng Panginoon ay dumating kay Jeremias.
8És odahívá Jóhanánt, Káreának fiát, és a seregeknek minden tisztjét, a kik vele valának, és az egész népet kicsinytõl fogva nagyig.
8Nang magkagayo'y tinawag niya si Johanan na anak ni Carea, at ang lahat na kapitan sa mga kawal na kasama niya, at ang buong bayan, mula sa kaliitliitan hanggang sa kadakidakilaan,
9És monda nékik: Ezt mondja az Úr, Izráelnek Istene, a kihez küldöttetek engem, hogy megjelentsem elõtte a ti könyörgésteket:
9At sinabi niya sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, na inyong pinagsuguan sa akin upang iharap ang inyong pamanhik sa harap niya:
10Ha állandóan megmaradtok e földön, felépítlek titeket és el nem rontlak, és elplántállak titeket és ki nem gyomlállak: mert megbántam a gonoszt, a mit cselekedtem veletek.
10Kung kayo'y magsisitahan pa sa lupaing ito, akin ngang itatayo kayo, at hindi ko kayo itutulak, at itatatag kayo, at hindi ko kayo paaalisin; sapagka't aking pinagsisihan ang kasamaang nagawa ko sa inyo.
11Ne féljetek a babiloni királytól, a kitõl [most] féltek, ne féljetek tõle, azt mondja az Úr; mert veletek vagyok, hogy megtartsalak és megszabadítsalak titeket az õ kezébõl.
11Huwag kayong mangatakot sa hari sa Babilonia na inyong kinatatakutan; huwag kayong mangatakot sa kaniya, sabi ng Panginoon, sapagka't ako'y sumasainyo upang iligtas ko kayo, at alisin kayo sa kaniyang kamay.
12És irgalmasságot cselekszem veletek, hogy irgalmas legyen hozzátok, és lakni hagyjon titeket a ti földeteken.
12At pagpapakitaan ko kayo ng kaawaan, upang kaawaan niya kayo, at upang pabalikin kayo sa inyong sariling lupain.
13De ha ti ezt mondjátok: Nem lakunk e földön, nem hallgatván az Úrnak, a ti Isteneteknek szavára,
13Nguni't kung inyong sabihin, Kami ay hindi magsisitahan sa lupaing ito; na anopa't hindi ninyo talimahin ang tinig ng Panginoon ninyong Dios,
14Mondván: Nem! hanem Égyiptom földére megyünk be, a hol nem látunk harczot és nem hallunk trombitaszót, és kenyeret nem éhezünk, és ott lakozunk:
14Na nagsasabi, Hindi; kundi magsisiparoon kami sa lupain ng Egipto, na hindi namin kakikitaan ng digma, o kariringgan man ng tunog ng pakakak, o kagugutuman ng tinapay: at doon kami magsisitahan:
15Most azért halljátok meg az Úrnak szavát, Júdának maradékai! Ezt mondja a Seregek Ura, az Izráel Istene: Ha ti [csak] orczáitokat fordítjátok [is úgy], hogy bemenjetek Égyiptomba, és bementek, hogy ott tartózkodjatok:
15Inyo ngang pakinggan ang salita ng Panginoon, Oh nalabi sa Juda: ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel; Kung inyong lubos na ihaharap ang inyong mukha na pumasok sa Egipto, at magsiparoon upang mangibang bayan doon;
16Akkor a fegyver, a melytõl ti féltek, legott utólér benneteket Égyiptom földén, és az éhség is, a mitõl rettegtek, körülvesz titeket Égyiptomban, és ott haltok meg.
16Mangyayari nga na ang tabak na inyong kinatatakutan, ay aabot sa inyo roon sa lupain ng Egipto, at ang kagutom na inyong kinatatakutan, ay susunod sa inyong mahigpit doon sa Egipto; at doon kayo mangamamatay.
17Mert az lesz, hogy mindazok a férfiak, a kik [úgy] fordítják orczájokat, hogy bemenjenek Égyiptomba, hogy ott tartózkodjanak, meghalnak fegyver, éhség és döghalál miatt, és egy sem marad meg közülök, és nem szabadul meg a veszedelemtõl, a melyet én bocsátok reájok.
17Gayon ang mangyayari sa lahat ng tao na maghaharap ng kanilang mukha na magsiparoon sa Egipto, upang mangibang bayan doon; sila'y mangamamatay sa pamamagitan ng tabak, ng kagutom at ng salot: at walang maiiwan sa kanila o makatatanan man sa kasamaan na aking dadalhin sa kanila.
18Mert ezt mondja a Seregek Ura, az Izráel Istene: Miképen kiömlik az én haragom és búsulásom Jeruzsálem lakosaira, azonképen kiöntöm az én haragomat ti reátok, ha bementek Égyiptomba; és lesztek [ott] átok, csuda, szidalom, gyalázat, és többé nem látjátok e helyet!
18Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel: Kung paanong ang aking galit at ang aking kapusukan ay nabugso sa mga nananahan sa Jerusalem, gayon mabubugso ang aking kapusukan sa inyo, pagka kayo'y pumasok sa Egipto: at kayo'y magiging katungayawan, at katigilan, at kasumpaan, at kadustaan: at hindi na ninyo makikita ang dakong ito.
19Az Úr szólott hozzátok, oh Júdának maradékai! Ne menjetek Égyiptomba; jól tudjátok meg, hogy bizonyságot tettem ma ellenetek.
19Ang Panginoon ay nagsalita tungkol sa inyo, Oh nalabi sa Juda, Huwag kayong pumasok sa Egipto: talastasin ninyong tunay na ako'y nagpapatotoo sa inyo sa araw na ito.
20Mert magatokat csaljátok meg a ti szívetekben: mert ti küldöttetek engem az Úrhoz, a ti Istenetekhez, mondván: Könyörögj az Úrnak, a mi Istenünknek, és a mint szól az Úr, a mi Istenünk, úgy jelentsd meg nékünk, és akképen cselekszünk.
20Sapagka't dinaya ninyo ang inyong sarili; sapagka't inyong sinugo ako sa Panginoon ninyong Dios, na inyong sinasabi, Idalangin mo kami sa Panginoon nating Dios: at ayon sa lahat na sasabihin ng Panginoon nating Dios ay gayon mo ipahayag sa amin, at aming gagawin.
21Mikor pedig ma megjelentem néktek, nem hallgattok az Úrnak, a ti Isteneteknek szavára és egyáltalán azokra, a melyekért engem ti hozzátok küldött.
21At aking ipinahayag sa inyo sa araw na ito; nguni't hindi ninyo dininig ang tinig ng Panginoon ninyong Dios sa anomang bagay na kaniyang ipinasugo sa akin sa inyo.
22Most azért tudjátok meg jól, hogy fegyverrel, éhséggel és döghalállal haltok meg a helyen, a hová kivánkoztok menni, hogy ott tartózkodjatok.
22Ngayon nga'y talastasin ninyong tunay na kayo'y mangapapatay ng tabak, ng kagutom, at ng salot, sa dakong inyong pagnasaang parunan na mangibang bayan.