1Vala pedig egy beteg, Lázár, Bethániából, Máriának és az õ testvérének, Márthának falujából.
1Isang tao nga na may-sakit, si Lazaro na taga Betania, na nayon ni Maria at ni Marta na kaniyang kapatid.
2Az a Mária volt pedig az, a kinek a testvére Lázár beteg vala, a ki megkente vala az Urat kenettel és a hajával törlé meg annak lábait.
2At ito'y yaong si Maria na nagpahid sa Panginoon ng unguento, at kinuskos ang kaniyang mga paa ng kaniyang mga buhok, na ang kaniyang kapatid na si Lazaro ay may-sakit.
3Küldének azért a testvérek õ hozzá, mondván: Uram, ímé, a kit szeretsz, beteg.
3Nagpasugo nga sa kaniya ang mga kapatid na babae, na nagsasabi, Panginoon, narito, siya na iyong iniibig ay may-sakit.
4Jézus pedig, a mikor ezt hallotta, monda: Ez a betegség nem halálos, hanem az Isten dicsõségére való, hogy dicsõíttessék általa az Istennek Fia.
4Nguni't pagkarinig ni Jesus nito, ay sinabi niya, Ang sakit na ito'y hindi sa ikamamatay, kundi sa ikaluluwalhati ng Dios, upang ang Anak ng Dios ay luwalhatiin sa pamamagitan niyaon.
5Szereti vala pedig Jézus Márthát és annak nõtestvérét, és Lázárt.
5Iniibig nga ni Jesus si Marta, at ang kaniyang kapatid na babae, at si Lazaro.
6Mikor azért meghallá, hogy beteg, akkor két napig marada azon a helyen, a hol vala.
6Nang mabalitaan nga niya na siya'y may-sakit, siya'y tumahang dalawang araw nang panahong yaon sa dating kinaroroonan niya.
7Ez után aztán monda tanítványainak: Menjünk ismét Júdeába.
7Saka pagkatapos nito ay sinabi niya sa mga alagad, Tayo nang muli sa Judea.
8Mondának néki a tanítványok: Mester, most akarnak vala téged megkövezni a Júdabeliek, és újra oda mégy?
8Sinabi sa kaniya ng mga alagad, Rabi, ngayo'y pinagsisikapang batuhin ka ng mga Judio; at muli kang paroroon doon?
9Felele Jézus: Avagy nem tizenkét órája van-é a napnak? Ha valaki nappal jár, nem botlik meg, mert látja e világnak világosságát.
9Sumagot si Jesus, Hindi baga ang araw ay may labingdalawang oras? Kung ang isang tao'y lumalakad samantalang araw, ay hindi siya natitisod, sapagka't nakikita niya ang ilaw ng sanglibutang ito.
10De a ki éjjel jár, megbotlik, mert nincsen abban világosság.
10Nguni't ang isang taong lumalakad samantalang gabi, ay natitisod siya, sapagka't walang ilaw sa kaniya.
11Ezeket mondá; és ezután monda nékik: Lázár, a mi barátunk, elaludt; de elmegyek, hogy felköltsem õt.
11Ang mga bagay na ito'y sinalita niya: at pagkatapos nito'y sinabi niya sa kanila, Si Lazaro na ating kaibigan ay natutulog; nguni't ako'y paroroon, upang gisingin ko siya sa pagkakatulog.
12Mondának azért az õ tanítványai: Uram, ha elaludt, meggyógyul.
12Sinabi nga ng mga alagad sa kaniya, Panginoon, kung siya'y natutulog, ay siya'y gagaling.
13Pedig Jézus annak haláláról beszélt; de õk azt hitték, hogy álomnak alvásáról szól.
13Sinalita nga ni Jesus ang tungkol sa kaniyang pagkamatay: datapuwa't sinapantaha nila na ang sinalita ay ang karaniwang pagtulog.
14Ekkor azért nyilván monda nékik Jézus: Lázár megholt.
14Nang magkagayon nga ay sinabi sa kanila ni Jesus ng malinaw, Si Lazaro ay patay.
15És örülök, hogy nem voltam ott, ti érettetek, hogy higyjetek. De menjünk el õ hozzá!
15At ikinagagalak ko dahil sa inyo rin na ako'y wala roon, upang kayo'y magsipaniwala; gayon ma'y tayo na sa kaniya.
16Monda azért Tamás, a ki Kettõsnek mondatik, az õ tanítványtársainak: Menjünk el mi is, hogy meghaljunk vele.
16Si Tomas nga, na tinatawag na Didimo, ay nagsabi sa mga kapuwa niya alagad, Tayo'y magsiparoon din naman, upang tayo'y mangamatay na kasama niya.
17Elmenvén azért Jézus, úgy találá, hogy az már négy napja vala sírban.
17Kaya't nang dumating si Jesus, ay naratnan niyang apat na araw na siya'y nalilibing.
18Bethánia pedig közel vala Jeruzsálemhez, mintegy tizenöt futamatnyira;
18Ang Betania nga'y malapit sa Jerusalem, na may layong labing-limang estadio;
19És a zsidók közül sokan mentek vala Márthához és Máriához, hogy vigasztalják õket az õ testvérök felõl.
19At marami sa mga Judio ang nangakaparoon na kay Marta at kay Maria, upang sila'y aliwin tungkol sa kanilang kapatid.
20Mártha azért, a mint hallja vala, hogy Jézus jõ, elébe méne; Mária pedig otthon ül vala.
20Si Marta nga, nang marinig niyang si Jesus ay dumarating, ay yumaon at sumalubong sa kaniya: nguni't si Maria ay nanatiling nakaupo sa bahay.
21Monda azért Mártha Jézusnak: Uram, ha itt lettél volna, nem halt volna meg a testvérem.
21Sinabi nga ni Marta kay Jesus, Panginoon, kung ikaw sana'y narito, disin ang kapatid ko ay hindi namatay.
22De most is tudom, hogy a mit csak kérsz az Istentõl, megadja néked az Isten.
22At ngayon man nama'y nalalaman ko na, anomang hingin mo sa Dios, ay ipagkakaloob sa iyo ng Dios.
23Monda néki Jézus: Feltámad a te testvéred.
23Sinabi sa kaniya ni Jesus, Magbabangon uli ang iyong kapatid.
24Monda néki Mártha: Tudom, hogy feltámad a feltámadáskor az utolsó napon.
24Si Marta ay nagsabi sa kaniya, Nalalaman ko na siya'y magbabangon uli sa pagkabuhay na maguli sa huling araw.
25Monda néki Jézus: Én vagyok a feltámadás és az élet: a ki hisz én bennem, ha meghal is, él;
25Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang pagkabuhay na maguli, at ang kabuhayan: ang sumasampalataya sa akin, bagama't siya'y mamatay, gayon ma'y mabubuhay siya;
26És a ki csak él és hisz én bennem, soha meg nem hal. Hiszed-é ezt?
26At ang sinomang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay magpakailan man. Sinasampalatayanan mo baga ito?
27Monda néki: Igen Uram, én hiszem, hogy te vagy a Krisztus, az Istennek Fia, a ki e világra jövendõ vala.
27Sinabi niya sa kaniya, Oo, Panginoon: sumasampalataya ako na ikaw ang Cristo ang Anak ng Dios, sa makatuwid baga'y ang naparirito sa sanglibutan.
28És a mint ezeket mondotta vala, elméne, és titkon szólítá az õ testvérét Máriát, mondván: A Mester itt van és hív téged.
28At nang masabi na niya ito, ay yumaon siya, at tinawag ng lihim si Maria na kapatid niya, na sinasabi, Ang Guro ay narito, at tinatawag ka.
29Mihelyt ez hallá, felkele hamar és hozzá méne.
29At siya, nang marinig niya ito, ay nagtindig na madali, at pumaroon sa kaniya.
30Jézus pedig nem ment vala még be a faluba, hanem azon a helyen vala, a hová Mártha elébe ment vala.
30(Hindi pa nga dumarating si Jesus sa nayon, kundi naroroon pa sa dakong kinasalubungan sa kaniya ni Marta.)
31A zsidók azért, a kik õ vele otthon valának és vigasztalák õt, látván, hogy Mária hamar felkél és kimegy vala, utána menének, ezt mondván: A sírhoz megy, hogy ott sírjon.
31Ang mga Judio nga na kaniyang mga kasama sa bahay, at nangagsisialiw sa kaniya, pagkakita nilang si Maria, na siya'y nagtindig na madali at lumabas, ay nagsisunod sa kaniya, na inaakalang paroroon siya sa libingan upang doo'y tumangis.
32Mária azért, a mint oda ére, a hol Jézus vala, meglátván õt, az õ lábaihoz esék, mondván néki: Uram, ha itt voltál volna, nem halt volna meg az én testvérem.
32Si Maria nga, pagdating niya sa kinaroroonan ni Jesus, at pagkakita sa kaniya, ay nagpatirapa sa kaniyang paanan, na sinabi sa kaniya, Panginoon, kung ikaw sana'y narito, disin ay hindi namatay ang aking kapatid.
33Jézus azért, a mint látja vala, hogy az sír és sírnak a vele jött zsidók [is,] elbúsula lelkében és igen megrendüle.
33Nang makita nga ni Jesus na siya'y tumatangis, at gayon din ang mga Judiong nagsisitangis na kasama niyang dumating, ay nalagim siya sa espiritu, at nagulumihanan,
34És monda: Hová helyeztétek õt? Mondának néki: Uram, jer és lásd meg!
34At sinabi, Saan ninyo siya inilagay? Sinabi nila sa kaniya, Panginoon, halika at tingnan mo.
35Könnyekre fakadt Jézus.
35Tumangis si Jesus.
36Mondának azért a zsidók: Ímé, mennyire szerette õt!
36Sinabi nga ng mga Judio, Tingnan ninyo kung gaano ang pagibig niya sa kaniya!
37Némelyek pedig mondának közülök: Nem megtehette volna-é ez, a ki a vaknak szemét felnyitotta, hogy ez ne haljon meg?
37Datapuwa't ang ilan sa kanila'y nagsipagsabi, Hindi baga magagawa ng taong ito, na nagpadilat ng mga mata ng bulag, na ang taong ito naman ay huwag mamatay?
38Jézus pedig újra felindulva magában, oda megy vala a sírhoz. Az pedig egy üreg vala, és kõ feküvék rajta.
38Si Jesus nga sa muling pagkalagim sa kaniyang sarili ay naparoon sa libingan. Yaon nga'y isang yungib, at mayroong isang batong nakatakip sa ibabaw noon.
39Monda Jézus: Vegyétek el a követ. Monda néki a megholtnak nõtestvére, Mártha: Uram, immár szaga van, hiszen negyednapos.
39Sinabi ni Jesus, Alisin ninyo ang bato. Si Marta, na kapatid niyaong namatay, ay nagsabi sa kaniya, Panginoon, sa ngayon ay nabubulok na ang bangkay sapagka't may apat na araw nang siya'y namamatay.
40Monda néki Jézus: Nem mondtam-é néked, hogy ha hiszel, meglátod majd az Istennek dicsõségét?
40Sinabi sa kaniya ni Jesus, Di baga sinabi ko sa iyo, na, kung ikaw ay sasampalataya, ay makikita mo ang kaluwalhatian ng Dios?
41Elvevék azért a követ onnan, a hol a megholt feküszik vala. Jézus pedig felemelé szemeit az égre, és monda: Atyám, hálát adok néked, hogy meghallgattál engem.
41Kaya't inalis nila ang bato. At itiningin ni Jesus sa itaas ang kaniyang mga mata, at sinabi, Ama, nagpapasalamat ako sa iyo, na ako'y iyong dininig.
42Tudtam is én, hogy te mindenkor meghallgatsz engem; csak a körülálló sokaságért mondtam, hogy elhigyjék, hogy te küldtél engem.
42At nalalaman ko na ako'y lagi mong dinirinig: nguni't ito'y sinabi ko dahil sa karamihang nasa palibot, upang sila'y magsisampalataya na ikaw ang nagsugo sa akin.
43És mikor ezeket mondá, fenszóval kiálta: Lázár, jõjj ki!
43At nang masabi niya ang gayon, ay sumigaw siya ng malakas na tinig, Lazaro, lumabas ka.
44És kijöve a megholt, lábain és kezein kötelékekkel megkötözve, és az orczája kendõvel vala leborítva. Monda nékik Jézus: Oldozzátok meg õt, és hagyjátok menni.
44Siya na patay ay lumabas, na natatalian ang mga kamay at mga paa ng mga kayong panglibing; at ang kaniyang mukha ay nababalot ng isang panyo. Sinabi sa kanila ni Jesus, Siya'y inyong kalagan, at bayaan ninyo siyang yumaon.
45Sokan hivének azért õ benne ama zsidók közül, a kik Máriához mentek vala, és láták, a miket cselekedett vala.
45Marami nga sa mga Judio ang nagsiparoon kay Maria at nangakakita ng ginawa niya, ay nagsisampalataya sa kaniya.
46De némelyek azok közül elmenének a farizeusokhoz, és elbeszélék nékik, a miket Jézus cselekedett vala.
46Datapuwa't ang ilan sa kanila ay nagsiparoon sa mga Fariseo, at sinaysay sa kanila ang mga bagay na ginawa ni Jesus.
47Egybegyûjték azért a papifejedelmek és a farizeusok a fõtanácsot, és mondának: Mit cselekedjünk? mert ez az ember sok csodát mível.
47Ang mga pangulong saserdote nga at ang mga Fariseo ay nangagpulong, at nagsipagsabi, Ano ang ginagawa natin? sapagka't ang taong ito'y gumagawa ng maraming tanda.
48Ha ekképen hagyjuk õt, mindenki hinni fog õ benne: és eljõnek majd a rómaiak és elveszik tõlünk mind e helyet, mind e népet.
48Kung siya'y ating pabayaang gayon, ang lahat ng mga tao ay magsisisampalataya sa kaniya: at magsisiparito ang mga Romano at pagkukunin ang ating kinaroroonan at gayon din naman ang ating bansa.
49Egy pedig õ közülök, Kajafás, a ki fõpap vala abban az esztendõben, monda nékik: Ti semmit sem tudtok.
49Nguni't ang isa sa kanila na si Caifas, na dakilang saserdote nang taong yaon, ay nagsabi sa kanila, Kayo'y walang nalalamang anoman.
50Meg sem gondoljátok, hogy jobb nékünk, hogy egy ember haljon meg a népért, és az egész nép el ne vesszen.
50Ni inyong niwawari na sa inyo'y nararapat na ang isang tao ay mamatay dahil sa bayan, at hindi ang buong bansa ay mapahamak.
51Ezt pedig nem magától mondta: hanem mivelhogy abban az esztendõben fõpap vala, jövendõt monda, hogy Jézus meg fog halni a népért;
51Ito nga'y sinabi niya na hindi sa kaniyang sarili: kundi palibhasa ay dakilang saserdote nang taong yaon, ay hinulaan niya na si Jesus ay dapat mamatay dahil sa bansa;
52És nemcsak a népért, hanem azért is, hogy az Istennek elszéledt gyermekeit egybegyûjtse.
52At hindi dahil sa bansa lamang, kundi upang matipon din naman niya sa isa ang mga anak ng Dios na nagsisipangalat.
53Ama naptól azért azon tanakodának, hogy õt megöljék.
53Kaya't mula nang araw na yaon ay pinagsanggunianan nilang ipapatay siya.
54Jézus azért nem jár vala többé nyilvánosan a zsidók között, hanem elméne onnan a vidékre, a pusztához közel, egy Efraim nevû városba; és ott tartózkodék az õ tanítványaival.
54Si Jesus ay hindi na naglalakad ng hayag sa gitna ng mga Judio, kundi naparoon doon sa lupaing malapit sa ilang, sa isang bayan na tinatawag na Efraim; at siya'y nanahanan doong kasama ng mga alagad.
55Közel vala pedig a zsidók husvétja: és sokan menének fel Jeruzsálembe a vidékrõl husvét elõtt, hogy megtisztuljanak.
55Ang paskua nga ng mga Judio ay malapit na: at maraming nagsiahon sa Jerusalem mula sa lupaing yaon bago magpaskua, upang magsipaglinis.
56Keresék azért Jézust, és szólnak vala egymással a templomban állva: Mit gondoltok, hogy nem jön-é fel az ünnepre?
56Pinaghahanap nga nila si Jesus, at pinaguusapan ng isa't isa, samantalang nangakatayo sila sa templo, Anong akala ninyo? Na hindi na kaya siya paririto sa pista?
57A papi fejedelmek pedig és a farizeusok is parancsolatot adának, hogy ha valaki megtudja, hogy hol van, jelentse meg, hogy õt megfogják.
57Ang mga pangulong saserdote at ang mga Fariseo nga ay nangagutos, na, kung ang sinomang tao'y nakakaalam ng kung saan siya naroroon, ay dapat niyang ihayag, upang kanilang madakip siya.