1요단 서편의 아모리 사람의 모든 왕과 해변의 가나안 사람의 모든 왕이 여호와께서 요단 물을 이스라엘 자손들 앞에서 말리시고 우리를 건네셨음을 듣고 마음이 녹았고 이스라엘 자손들의 연고로 정신을 잃었더라
1At nangyari, nang mabalitaan ng lahat ng mga hari ng mga Amorrheo na nasa dako roon ng Jordan sa dakong kalunuran, at ng lahat ng mga hari ng mga Cananeo, na nangasa tabi ng dagat, kung paanong tinuyo ng Panginoon ang tubig ng Jordan sa harap ng mga anak ni Israel, hanggang sa kami ay nangakatawid, na nanglumo ang kanilang puso, at sila'y nawalan ng loob dahil sa mga anak ni Israel.
2그 때에 여호와께서 여호수아에게 이르시되 너는 부싯돌로 칼을 만들어 이스라엘 자손들에게 다시 할례를 행하라 ! 하시매
2Nang panahong yaon ay sinabi ng Panginoon kay Josue, Gumawa ka ng mga sundang na pinkiang bato at tuliin mo uli na ikalawa ang mga anak ni Israel.
3여호수아가 부싯돌로 칼을 만들어 할례산에서 이스라엘 자손들에게 할례를 행하니라
3At gumawa si Josue ng mga sundang na pinkiang bato, at tinuli ang mga anak ni Israel sa burol ng mga balat ng masama.
4여호수아가 할례를 시행한 까닭은 이것이니 애굽에서 나온 모든 백성 중 남자 곧 모든 군사는 애굽에서 나온 후 광야 노중에서 죽었는데
4At ito ang dahil na itinuli ni Josue: ang buong bayan na lumabas mula sa Egipto, na mga lalake, lahat na lalaking pangdigma, ay namatay sa ilang sa daan, pagkatapos na sila'y makalabas na mula sa Egipto.
5그 나온 백성은 다 할례를 받았으나 오직 애굽에서 나온 후 광야 노중에서 난 자는 할례를 받지 못하였음이라
5Sapagka't ang buong bayan na lumabas ay mga tuli; nguni't ang buong bayan na ipinanganak sa ilang sa daan pagkalabas sa Egipto, ay hindi tuli.
6이스라엘 자손들이 여호와의 말씀을 청종치 아니하므로 여호와께서 그들에게 대하여 맹세하사 그들의 열조에게 맹세하여 우리에게 주마 하신 땅 곧 젖과 꿀이 흐르는 땅을 그들로 보지 못하게 하리라 하시매 애굽에서 나온 족속 곧 군사들이 다 멸절하기까지 사십년 동안을 광야에 행하였더니
6Sapagka't ang mga anak ni Israel ay lumakad na apat na pung taon sa ilang, hanggang sa ang buong bansa, sa makatuwid baga'y ang mga lalaking pangdigma na lumabas mula sa Egipto, ay nalipol, sapagka't hindi nila dininig ang tinig ng Panginoon: na siyang sinumpaan ng Panginoon na hindi niya ipakikita sa kanila ang lupain na isinumpa ng Panginoon sa kanilang mga magulang na ibibigay sa atin, na lupaing binubukalan ng gatas at pulot.
7그들의 대를 잇게 하신 이 자손에게 여호수아가 할례를 행하였으니 길에서는 그들에게 할례를 행치 못하였으므로 할례 없는 자가 되었음이었더라
7At ang kanilang mga anak na kaniyang ibinangong kahalili nila, ay pinagtuli ni Josue, sapagka't mga hindi tuli, sapagka't hindi nila tinuli sila sa daan.
8온 백성에게 할례 행하기를 필하매 백성이 진중 각 처소에 처하여 낫기를 기다릴 때에
8At nangyari nang kanilang matuli ang buong bansa, na tumahan sila sa kanilang mga dako sa kampamento hanggang sa sila'y magsigaling.
9여호와께서 여호수아에게 이르시되 내가 오늘날 애굽의 수치를 너희에게서 굴러가게 하였다 하셨으므로 그곳 이름을 오늘까지 길갈이라 하느니라
9At sinabi ng Panginoon kay Josue, Sa araw na ito ay inalis ko sa inyo ang pagdusta ng Egipto. Kaya't ang pangalan ng dakong yaon ay tinawag na Gilgal hanggang sa araw na ito.
10이스라엘 자손들이 길갈에 진 쳤고 그 달 십 사일 저녁에는 여리고 평지에서 유월절을 지켰고
10At ang mga anak ni Israel ay humantong sa Gilgal; at kanilang ipinagdiwang ang paskua nang ikalabing apat na araw ng buwan sa kinahapunan sa mga kapatagan ng Jerico.
11유월절 이튿날에 그 땅 소산을 먹되 그 날에 무교병과 볶은 곡식을 먹었더니
11At sila'y kumain ng imbak na trigo ng lupain sa kinabukasan pagkatapos ng paskua, ng mga tinapay na walang lebadura, at ng sinangag na trigo, sa araw ding yaon.
12그 땅 소산을 먹은 다음 날에 만나가 그쳤으니 이스라엘 사람들이 다시는 만나를 얻지 못하였고 그 해에 가나안 땅의 열매를 먹었더라
12At ang mana ay naglikat nang kinabukasan, pagkatapos na sila'y makakain ng imbak na trigo ng lupain; at hindi naman nagkaroon pa ng mana ang mga anak ni Israel; kundi sila'y kumain ng bunga ng lupain ng Canaan ng taong yaon.
13여호수아가 여리고에 가까왔을 때에 눈을 들어 본즉 한 사람이 칼을 빼어 손에 들고 마주 섰는지라 여호수아가 나아가서 그에게 묻되 '너는 우리를 위하느냐 ? 우리의 대적을 위하느냐 ?'
13At nangyari, nang si Josue ay malapit sa Jerico, na kaniyang itiningin ang kaniyang mga mata at tumingin, at, narito, nakatayo ang isang lalake sa tapat niya na may kaniyang tabak sa kaniyang kamay na bunot: at si Josue ay naparoon sa kaniya, at sinabi sa kaniya, Ikaw ba'y sa amin, o sa aming mga kaaway?
14그가 가로되 `아니라 나는 여호와의 군대 장관으로 이제 왔느니라' 여호수아가 땅에 엎드려 절하고 가로되 '나의 주여 ! 종에게 무슨 말씀을 하려 하시나이까 ?'
14At kaniyang sinabi, Hindi; kundi ako'y naparito ng parang prinsipe ng hukbo ng Panginoon. At si Josue ay nagpatirapa sa lupa at sumamba, at nagsabi sa kaniya, Anong sabi ng aking panginoon sa kaniyang lingkod?
15여호와의 군대 장관이 여호수아에게 이르되 `네 발에서 신을 벗으라 ! 네가 선 곳은 거룩하니라' 여호수아가 그대로 행하니라
15At sinabi ng prinsipe ng hukbo ng Panginoon kay Josue, Hubarin mo ang iyong panyapak sa iyong paa; sapagka't ang dakong iyong kinatatayuan ay banal. At ginawang gayon ni Josue.