Latvian: New Testament

Tagalog 1905

Acts

25

1Nonācis šinī apgabalā, Fēsts pēc trim dienām devās no Cēzarejas uz Jeruzalemi.
1Nang makapasok na nga si Festo sa lalawigan, pagkaraan ng tatlong araw ay umahon sa Jerusalem mula sa Cesarea.
2Augstie priesteri un ievērojamākie jūdi apsūdzēja viņam Pāvilu un griezās pie viņa,
2At ang mga pangulong saserdote at ang mga maginoo sa mga Judio ay nangagbigay-alam sa kaniya laban kay Pablo; at siya'y kanilang pinamanhikan,
3Izlūgdamies labvēlību pret to, lai viņš pavēlētu vest to uz Jeruzalemi, jo tiem bija slepens nodoms ceļā viņu nonāvēt.
3Na humihingi ng lingap laban sa kaniya, na siya'y ipahatid sa Jerusalem; na binabakayan upang siya'y mapatay sa daan.
4Tad Fēsts atbildēja, ka Pāvils tiek apsargāts Cēzarejā, bet viņš pats drīzumā došoties ceļā.
4Gayon ma'y sumagot si Festo, na si Pablo ay tinatanuran sa Cesarea, at siya'y paroroon sa lalong madaling panahon.
5Viņš sacīja: Kas no jums var, lai nāk līdz un, ja šis vīrs noziedzies, lai apsūdz viņu!
5Kaya nga, sinabi niya, ang mga may kapangyarihan sa inyo ay magsisamang lumusong sa akin, at kung may anomang pagkakasala ang taong ito, ay isakdal siya nila.
6Palicis ar tiem ne vairāk kā astoņas vai desmit dienas, viņš atgriezās Cēzarejā un otrā dienā, noturēdams tiesas sēdi, lika atvest Pāvilu.
6At nang siya'y makatira na sa kanila na hihigit sa walo o sangpung araw, ay lumusong siya sa Cesarea: at nang kinabukasa'y lumuklok siya sa hukuman, at ipinaharap sa kaniya si Pablo.
7Kad viņš bija atvests, no Jeruzalemes atnākušie jūdi nostājās ap viņu, celdami daudz un smagas apsūdzības, kuras tie nevarēja pierādīt.
7At nang siya'y dumating, ay niligid siya ng mga Judio na nagsilusong na galing sa Jerusalem, na may dalang marami at mabibigat na sakdal laban sa kaniya, na pawang hindi nila mapatunayan;
8Pāvils aizstāvējās: Es neesmu grēkojis ne pret jūdu likumu, ne pret svētnīcu, ne pret ķeizaru.
8Samantalang sinasabi ni Pablo sa kaniyang pagsasanggalang, Laban man sa kautusan ng mga Judio, ni laban sa templo, ni laban kay Cesar, ay hindi ako nagkakasala ng anoman.
9Tad Fēsts, gribēdams parādīt jūdiem labvēlību, atbildēja Pāvilam, sacīdams: Vai tu gribi iet uz Jeruzalemi, lai tur tevi tiesātu manā priekšā par šīm lietām?
9Datapuwa't si Festo, sa pagkaibig na siya'y kalugdan ng mga Judio, ay sumagot kay Pablo, at nagsabi, Ibig mo bagang umahon sa Jerusalem, at doon ka hatulan sa mga bagay na ito sa harapan ko?
10Bet Pāvils sacīja: Es stāvu ķeizara tiesas priekšā, tur pienākas mani tiesāt. Jūdiem neesmu ļaunu darījis, kā tu to vēl labāk zini.
10Datapuwa't sinabi ni Pablo, Nakatayo ako sa harapan ng hukuman ni Cesar, na doon ako dapat hatulan: wala akong ginawang anomang kasamaan sa mga Judio, gaya rin naman ng pagkatalastas mong mabuti.
11Ja es esmu darījis netaisnību vai kaut ko tādu, par ko būtu nāvi pelnījis, tad es neatsakos mirt. Bet ja nekā tāda nav, par ko viņi mani apsūdz, neviens nevar mani tiem nodot. Es pārsūdzu ķeizaram.
11Kung ako nga'y isang makasalanan, at nakagawa ng anomang bagay na marapat sa kamatayan, ay hindi ako tumatangging mamatay; datapuwa't kung walang katotohanan ang mga bagay na ipinagsasakdal ng mga ito laban sa akin, ay hindi ako maibibigay ninoman sa kanila. Maghahabol ako kay Cesar.
12Tad Fēsts, apspriedies ar augsto tiesu, atbildēja: Tu parsūdzēji ķeizaram? Pie ķeizara tu iesi!
12Nang magkagayon si Festo, nang makapagpanayam na sa Sanedrin, ay sumagot, Naghabol ka kay Cesar; kay Cesar ka paparoon.
13Kad dažas dienas bija pagājušas, ķēniņš Agripa un Berenīke ieradās Cēzarejā apsveikt Fēstu.
13Nang makaraan nga ang ilang mga araw, si Agripa na hari at si Bernice ay nangagsidating sa Cesarea, at nagsibati kay Festo.
14Kad tie vairākas dienas tur uzturējās, Fēsts izstāstīja ķēniņam par Pāvilu, sacīdams: Fēlikss atstājis cietumā kādu vīru.
14At nang sila'y magsitira roong maraming araw, ay isinaysay ni Festo sa hari ang usapin ni Pablo, na sinasabi, May isang taong bilanggo na iniwan ni Felix:
15To augstie priesteri un jūdu vecākie apsūdzēja man, kad biju Jeruzalemē, lūgdami, lai viņu notiesā.
15Tungkol sa kaniya nang ako'y nasa Jerusalem, ang mga pangulong saserdote at ang mga matanda sa mga Judio ay nangagbigay-alam sa akin, na hinihinging ako'y humatol laban sa kaniya.
16Es tiem atbildēju, ka romiešiem nav paraduma notiesāt kādu cilvēku, pirms apsūdzētajam nav stājušies pretim sūdzētāji un tas nav dabūjis iespēju aizstāvēties un pierādīt savu nevainību.
16Sa kanila'y aking isinagot, na hindi kaugalian ng mga taga Roma na ibigay ang sinomang tao, hanggang hindi nahaharap ang isinasakdal sa mga nagsisipagsakdal, at siya'y magkaroon ng pagkakataong makagawa ng kaniyang pagsasanggalang tungkol sa sakdal laban sa kaniya.
17Kad tie bija sanākuši, es bez vilcināšanās nākošajā dienā, tiesas krēslā sēdēdams, pavēlēju šo vīru atvest.
17Nang sila nga'y mangagkatipon dito, ay hindi ako nagpaliban, kundi nang sumunod na araw ay lumuklok ako sa hukuman, at ipinaharap ko ang tao.
18Kad uzstājās apsūdzētāji, tie neuzrādīja nevienu vainu, kurā es varētu saskatīt kādu ļaunumu.
18Tungkol sa kaniya, nang magsitindig ang mga nagsisipagsakdal, ay walang anomang sakdal na masamang bagay na maiharap sila na gaya ng aking sinapantaha;
19Bet tie cēla apsūdzību pret to par viņu pašu reliģiju un par kādu Jēzu, kas miris, bet Pāvils apgalvo, ka Viņš dzīvo.
19Kundi may ilang mga suliranin laban sa kaniya tungkol sa kanilang sariling relihion, at sa isang Jesus, na namatay, na pinatutunayan ni Pablo na ito'y buhay.
20Šādus jautājumus nepārzinādams, es sacīju, vai viņš negrib iet uz Jeruzalemi, lai tie viņu tur tiesātu.
20At ako, palibhasa'y naguguluhan tungkol sa kung paano kayang mapagsisiyasat ang mga bagay na ito, ay itinanong ko kung ibig niyang pumaroon sa Jerusalem at doon siya hatulan tungkol sa mga bagay na ito.
21Bet kad Pāvils pārsūdzēja, lai viņu atstāj ķeizara spriedumam, es pavēlēju viņu apsargāt, kamēr to sūtīšu pie ķeizara.
21Datapuwa't nang makapaghabol na si Pablo na siya'y ingatan upang hatulan ng emperador, ay ipinagutos kong ingatan siya hanggang sa siya'y maipadala ko kay Cesar.
22Tad Agripa sacīja Fēstam: Es pats arī vēlētos dzirdēt šo cilvēku. Tas atbildēja: Rīt tu viņu dzirdēsi.
22At sinabi ni Agripa kay Festo, Ibig ko rin sanang mapakinggan ang tao. Bukas, sinasabi niya, siya'y mapapakinggan mo.
23Nākošajā dienā, kad lielā greznumā ieradās Agripa un Berenīke un kopā ar virsniekiem un pilsētas dižciltīgajiem vīriem iegāja tiesas telpās, Fēsts pavēlēja atvest Pāvilu.
23Kaya't nang kinabukasan, nang dumating si Agripa, at si Bernice, na may malaking karilagan, at nang mangakapasok na sila sa hukuman na kasama ang mga pangulong kapitan at ang mga maginoo sa bayan, sa utos ni Festo ay ipinasok si Pablo.
24Un Fēsts sacīja: Ķēniņ Agripa un visi vīri, kas līdz ar mums šeit esat! Jūs redzat to, kura dēļ Jeruzalemē man uzmācās viss jūdu vairums, lūgdami un kliegdami: Šis nedrīkst ilgāk dzīvot.
24At sinabi ni Festo, Haring Agripa, at lahat ng mga lalaking nangariritong kasama namin, nakikita ninyo ang taong ito, na tungkol sa kaniya'y nagsasakdal sa akin sa Jerusalem at dito naman ang buong karamihan ng mga Judio, na nangagsisigawang hindi marapat na siya'y mabuhay pa.
25Bet es pārliecinājos, ka viņš nav nekā nodarījis, par ko būtu nāvi pelnījis. Kad viņš pats pārsūdzēja ķeizaram, es nolēmu viņu sūtīt turp.
25Datapuwa't aking nasumpungang siya'y walang anomang ginawang marapat sa kamatayan: at sapagka't siya rin ay naghabol sa emperador ay ipinasiya kong siya'y ipadala.
26Bet man nav nekā noteikta, ko par viņu kungam rakstīt. Tāpēc es viņu atvedu pie jums un sevišķi pie tevis, ķēniņ Agripa, lai pēc nopratināšanas man būtu ko rakstīt.
26Tungkol sa kaniya'y wala akong alam na tiyak na bagay na maisusulat sa aking panginoon. Kaya dinala ko siya sa harapan ninyo, at lalong-lalo na sa harapan mo, haring Agripa, upang, pagkatapos ng pagsisiyasat, ay magkaroon ng sukat na maisulat.
27Jo, man šķiet, būtu neprātīgi sūtīt cietumnieku, neminot viņa vainas.
27Sapagka't inaakala kong di katuwiran, na sa pagpapadala ng isang bilanggo, ay hindi magpahiwatig naman ng mga sakdal laban sa kaniya.