1Bet notika, ka tanī laikā ķeizars Augusts izdeva pavēli, lai tiktu sarakstīta visa valsts.
1Nangyari nga nang mga araw na yaon na lumabas ang isang utos mula kay Augusto Cesar, na magpatala ang buong sanglibutan.
2Šī pirmā sarakstīšana notika Kvirinija, Sīrijas pārvaldnieka, laikā.
2Ito ang unang talaang-mamamayan na ginawa nang si Quirinio ay gobernador sa Siria.
3Un visi gāja pierakstīties, katrs savā pilsētā.
3At nagsisiparoon ang lahat upang sila'y mangatala, bawa't isa sa kaniyang sariling bayan.
4Un arī Jāzeps no Nācaretes pilsētas Galilejā nogāja Jūdejā, Dāvida pilsētā, kas saucās Betlēme, tāpēc ka viņš bija no Dāvida nama un cilts.
4At si Jose naman ay umahon mula sa Galilea, mula sa bayan ng Nazaret, hanggang sa Judea, sa bayan ni David, na kung tawagi'y Bet-lehem, sapagka't siya'y sa angkan at sa lahi ni David;
5Lai pierakstītos ar Mariju, savu saderināto sievu, kas bija grūta.
5Upang patala siya pati ni Maria, na magaasawa sa kaniya, na kasalukuyang kagampan.
6Un notika, ka, viņiem tur esot, pienāca laiks, lai viņa dzemdētu.
6At nangyari, samantalang sila'y nangaroroon, at naganap ang mga kaarawang dapat siyang manganak.
7Un viņa dzemdēja savu pirmdzimto Dēlu, un ietina Viņu autiņos, un ielika Viņu silē, jo tiem nebija vietas mājvietā.
7At kaniyang ipinanganak ang panganay niyang anak na lalake; at ito'y binalot niya ng mga lampin, at inihiga sa isang pasabsaban, sapagka't wala nang lugar para sa kanila sa tuluyan.
8Un bija gani tanī apvidū, kas, būdami nomodā, sargāja nakts stundās savu ganāmpulku.
8At may mga pastor ng tupa sa lupain ding yaon na nangasa parang, na pinagpupuyatan sa gabi ang kanilang kawan.
9Un, lūk, Kunga eņģelis piestājās viņiem, un Dieva spožums apspīdēja tos, un viņi ļoti izbijās.
9At tumayo sa tabi nila ang isang anghel ng Panginoon, at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay nagliwanag sa palibot nila: at sila'y totoong nangatakot.
10Un eņģelis viņiem sacīja: Nebīstieties, jo, lūk, es jums pasludinu lielu prieku, kas notiks visiem ļaudīm:
10At sinabi sa kanila ng anghel, Huwag kayong mangatakot; sapagka't narito, dinadalhan ko kayo ng mabubuting balita ng malaking kagalakan, na siyang sasa buong bayan:
11Jo jums šodien Dāvida pilsētā piedzimis Pestītājs, kas ir Kristus Kungs.
11Sapagka't ipinanganak sa inyo ngayon sa bayan ni David ang isang Tagapagligtas, na siya ang Cristo ang Panginoon.
12Un tāda jums būs zīme: jūs atradīsiet Bērnu, autiņos ietītu un silē ieliktu.
12At ito ang sa inyo'y magiging pinakatanda: Masusumpungan ninyo ang isang sanggol na nababalot ng lampin, at nakahiga sa isang pasabsaban.
13Un piepeši eņģelim pievienojās daudz debess karapulku, kas godināja Dievu, sacīdami:
13At biglang nakisama sa anghel ang isang karamihang hukbo ng langit, na nangagpupuri sa Dios, at nangagsasabi:
14Gods Dievam augstībā, un miers virs zemes laba prāta cilvēkiem.
14Luwalhati sa Dios sa kataastaasan, At sa lupa'y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya.
15Un notika, kad eņģeļi bija no tiem aizgājuši debesīs, ka gani runāja savā starpā: Aiziesim uz Bētlemi paskatīties to vārdu, kas noticis, ko Kungs mums pasludinājis!
15At nangyari nang lisanin sila ng mga anghel at nangapasa langit, ang mga pastor ay nangagsangusapan. Magsiparoon nga tayo ngayon hanggang sa Bet-lehem, at tingnan natin itong nangyari, na ipinagbigay alam sa atin ng Panginoon.
16Un viņi steigā atnāca un atrada Mariju un Jāzepu, un Bērniņu, kas gulēja silē.
16At sila'y dalidaling nagsiparoon at nasumpungan kapuwa si Maria at si Jose, at ang sanggol na nakahiga sa pasabsaban.
17Bet kad viņi to redzēja, tie pazina to vārdu, kas viņiem bija sacīts par šo Bērniņu.
17At nang makita nila yaon, ay inihayag nila ang mga sinabi sa kanila tungkol sa sanggol na ito.
18Un visi, kas to dzirdēja, brīnījās par to, ko gani tiem sacīja.
18At lahat ng nangakarinig nito ay nangagtaka sa mga bagay na sinabi sa kanila ng mga pastor.
19Bet Marija glabāja visus šos vārdus, pārdomādama savā sirdī.
19Datapuwa't iningatan ni Maria ang lahat ng mga pananalitang ito, na pinagbulaybulay sa kaniyang puso.
20Un gani atgriezās atpakaļ, godinādami un teikdami Dievu par visu, ko tie bija dzirdējuši un redzējuši, kā tas viņiem bija sacīts.
20At nangagbalik ang mga pastor, na niluluwalhati at pinupuri ang Dios dahil sa lahat ng mga bagay na kanilang nangarinig at nangakita, ayon sa sinabi sa kanila.
21Un Bērns, kad astoņas dienas bija pagājušas, bija jāapgraiza, nosaucot Viņu vārdā Jēzus, kā to eņģelis bija teicis, pirms Viņš bija ieņemts mātes miesās.
21At nang makaraan ang walong araw upang tuliin siya, ay tinawag na JESUS ang kaniyang pangalan, na siyang itinawag ng anghel bago siya ipinaglihi sa tiyan.
22Un tie, kad saskaņā ar Mozus likumu viņas šķīstīšanas dienas bija pagājušas, nesa Viņu uz Jeruzalemi, lai Viņu upurētu Kungam,
22At nang maganap na ang mga araw na kanilang paglilinis alinsunod sa kautusan ni Moises, ay kanilang dinala siya sa Jerusalem, upang iharap siya sa Panginoon
23Kā Kunga bauslībā rakstīts, lai ikviens vīriešu kārtas pirmdzimtais tiktu Kungam svētīts; (2.Moz.13,2)
23(Ayon sa nasusulat sa kautusan ng Panginoon, Ang bawa't lalaking nagbubukas ng bahay-bata ay tatawaging banal sa Panginoon),
24Un lai upurētu vienu pāri ūbeļu vai divus jaunus baložus, kā tas sacīts Kunga bauslībā.
24At upang maghandog ng hain alinsunod sa sinasabi sa kautusan ng Panginoon, Dalawang batobato, o dalawang inakay ng kalapati.
25Un, lūk, Jeruzalemē bija cilvēks, vārdā Simeons; šis cilvēks bija taisnīgs un dievbijīgs, un viņš gaidīja Izraēļa iepriecināšanu; un Svētais Gars bija viņā.
25At narito, may isang lalake sa Jerusalem, na nagngangalang Simeon; at ang lalaking ito'y matuwid at masipag sa kabanalan, na nag-aantay ng kaaliwan ng Israel: at sumasa kaniya ang Espiritu Santo.
26Un no Svētā Gara viņš bija saņēmis norādījumu, ka viņš nāves neredzēs, iekams nebūs skatījis Kunga Svaidīto.
26At ipinahayag sa kaniya ng Espiritu Santo, na di niya makikita ang kamatayan, hanggang sa makita muna niya ang Cristo ng Panginoon.
27Viņš, garā pamudināts, iegāja svētnīcā; un, kad vecāki ienesa Jēzus Bērniņu, lai pie Viņa izpildītu bauslības paražas,
27At siya'y napasa templo sa Espiritu: at nang ipasok sa templo ang sanggol na si Jesus ng kaniyang mga magulang, upang sa kaniya'y magawa nila ang nauukol alinsunod sa kaugalian ng kautusan,
28Tas ņēma Viņu savās rokās un, Dievu teikdams, sacīja:
28Ay tinanggap nga niya siya sa kaniyang mga bisig, at pinuri ang Dios, at nagsabi,
29Tagad, Kungs, saskaņā ar Taviem vārdiem atlaid savu kalpu mierā.
29Ngayo'y papanawin mo, Panginoon, ang iyong alipin, Ayon sa iyong salita, sa kapayapaan,
30Jo manas acis redzējušas Tavu pestīšanu,
30Sapagka't nakita ng aking mga mata ang iyong pagliligtas,
31Ko Tu esi sataisījis visu ļaužu vaiga priekšā:
31Na iyong inihanda sa unahan ng mukha ng lahat ng mga tao;
32Gaismu pagānu apgaismošanai un Tavas Izraēļa tautas godu.
32Isang ilaw upang ipahayag sa mga Gentil, At ang kaluwalhatian ng iyong bayang Israel.
33Un Viņa tēvs un māte brīnījās par to, kas par Viņu tika runāts.
33At ang kaniyang ama at ang kaniyang ina ay nagsisipanggilalas sa mga bagay na sinasabi tungkol sa kaniya;
34Un Simeons svētīja viņus un sacīja Marijai, Viņa mātei: Lūk, Viņš ir likts par krišanu un augšāmcelšanos daudziem Izraēlī un par zīmi, kam pretī runās (Is.8,14; Rom.9,38; 1.Pēt.2,7)
34At sila'y pinagpala ni Simeon, at sinabi sa kaniyang inang si Maria, Narito, ito ay itinalaga sa ikararapa at sa ikatitindig ng marami sa Israel; at pinakatandang tudlaan ng pagsalangsang:
35Un tavas pašas dvēseli pārdurs zobens, lai atklātos daudzu siržu domas.
35Oo at paglalampasanan ng isang tabak ang iyong sariling kaluluwa; upang mangahayag ang mga pagiisip ng maraming puso.
36Un tur bija praviete Anna, Fanuēļa meita, no Asera cilts, kas sasniegusi lielu vecumu, nodzīvojot pēc savas jaunavības ar savu vīru septiņus gadus.
36At naroroon din naman si Ana, na isang propetisa, anak na babae ni Fanuel, sa angkan ni Aser, (siya'y lubhang matanda na, at may pitong taong nakisama sa kaniyang asawa mula sa kaniyang kadalagahan,
37Un viņa bija atraitne ap astoņdesmit četriem gadiem, kas neatkāpās no svētnīcas, bet gavēdama un lūgdama naktīm un dienām, kalpoja Dievam.
37At siya'y bao nang walongpu't apat na taon), na hindi humihiwalay sa templo, at sumasamba sa gabi at araw sa pamamagitan ng mga pagaayuno at mga pagdaing.
38Un viņa, ienākusi tanī pat stundā, teica Kungu un runāja par Viņu visiem, kas gaidīja Izraēļa atpestīšanu.
38At pagdating niya sa oras ding yaon, siya'y nagpasalamat sa Dios, at nagsalita ng tungkol sa sanggol sa lahat ng nagsisipaghintay ng katubusan sa Jerusalem.
39Un viņi, visu pēc Kunga bauslības izpildījuši, atgriezās atpakaļ Galilejā, savā Nācaretes pilsētā.
39At nang maganap na nila ang lahat ng mga bagay na alinsunod sa kautusan ng Panginoon, ay nangagbalik sila sa Galilea, sa kanilang sariling bayang Nazaret.
40Bet Bērniņš auga un stiprinājās, pilns gudrības; un Dieva žēlastība bija ar Viņu.
40At lumalaki ang bata, at lumalakas, at napupuspos ng karunungan: at sumasa kaniya ang biyaya ng Dios.
41Un Viņa vecāki Lieldienu svētkos ik gadus gāja uz Jeruzalemi.
41At nagsisiparoon taon-taon ang kaniyang mga magulang sa Jerusalem sa kapistahan ng paskua.
42Un tie, kad Viņš bija divpadsmit gadus vecs, pēc svētku ieraduma gāja uz Jeruzalemi.
42At nang siya'y may labindalawang taon na, ay nagsiahon sila ayon sa kaugalian ng kapistahan;
43Un kad viņi, izbeidzoties svētku dienām, atgriezās atpakaļ, bērns Jēzus palika Jeruzalemē, bet Viņa vecāki to nezināja.
43At nang kanilang maganap na ang mga araw, sa pagbalik nila, ay naiwan ang batang si Jesus sa Jerusalem; at di nalalaman ng kaniyang mga magulang;
44Bet tie domāja, ka Viņš ir pie ceļa biedriem; un tie, dienas ceļu nostaigājuši, meklēja Viņu starp radiem un pazīstamajiem;
44Nguni't sa pagaakala nilang siya'y nasa kasamahan, ay nagsiyaon sila nang isang araw na paglalakbay; at hinahanap nila siya sa mga kamaganak at mga kakilala;
45Un tie, neatraduši Viņu, atgriezās Jeruzalemē, To meklēdami.
45At nang di nila siya matagpuan, ay nagsipagbalik sila sa Jerusalem, na hinahanap siya.
46Un notika, ka pēc trim dienām tie Viņu atrada sēžam dievnamā starp rakstu mācītājiem, tos uzklausot un tiem jautājot.
46At nangyari, na nang makaraan ang tatlong araw, ay nangatagpuan nila siya sa templo, na nakaupo sa gitna ng mga guro, na sila'y pinakikinggan, at sila'y tinatanong:
47Un visi, kas Viņu dzirdēja, bija pārsteigti par Viņa gudrību un atbildēm.
47At ang lahat ng sa kaniya'y nangakakarinig ay nagsisipanggilalas sa kaniyang katalinuhan at sa kaniyang mga sagot.
48Un tie, Viņu ieraudzījuši, brīnījās. Un Viņa māte sacīja Viņam: Dēls, kāpēc Tu mums tā darīji? Lūk, Tavs tēvs un es ar sāpēm Tevi meklējām.
48At nang siya'y mangakita nila, ay nangagtaka sila; at sinabi sa kaniya ng kaniyang ina, Anak, bakit ginawa mo sa amin ang ganyan? narito, ang iyong ama at ako na hinahanap kang may hapis.
49Un Viņš tiem sacīja: Kāpēc jūs mani meklējāt? Vai jūs nezinājāt, ka man jādarbojas tanīs lietās, kas ir mana Tēva?
49At sinabi niya sa kanila, Bakit ninyo ako hinahanap? di baga talastas ninyo na dapat akong maglumagak sa bahay ng aking Ama.
50Un tie neizprata tos vārdus, kurus Viņš tiem runāja.
50At di nila naunawa ang pananalitang sa kanila'y sinabi.
51Un Viņš gāja tiem līdz. Un viņi nonāca Nācaretē; un Viņš bija tiem paklausīgs. Un Viņa māte glabāja visus šos vārdus savā sirdī.
51At lumusong siyang kasama nila, at napasa Nazaret; at napasakop sa kanila: at iniingatan ng kaniyang ina sa kaniyang puso ang lahat ng mga pananalitang ito.
52Un Jēzus pieņēmās gudrībā un gados, un žēlastībā pie Dieva un cilvēkiem.
52At lumalaki si Jesus sa karunungan at sa pangangatawan, at sa pagbibigay lugod sa Dios at sa mga tao.