Lithuanian

Tagalog 1905

1 Thessalonians

1

1Paulius, Silvanas ir Timotiejus tesalonikiečių bažnyčiai Dieve Tėve ir Viešpatyje Jėzuje Kristuje. Malonė jums ir ramybė nuo Dievo, mūsų Tėvo, ir Viešpaties Jėzaus Kristaus!
1Si Pablo, at si Silvano, at si Timoteo, sa iglesia ng mga taga Tesalonica sa Dios Ama at sa Panginoong Jesucristo: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaan.
2Mes visada dėkojame Dievui už jus visus, prisimindami jus savo maldose,
2Nangagpapasalamat kaming lagi sa Dios dahil sa inyong lahat, na aming binabanggit kayo sa aming mga panalangin;
3nuolat minėdami jūsų tikėjimo darbus, meilės triūsą bei vilties ištvermingumą mūsų Viešpatyje Jėzuje Kristuje mūsų Dievo ir Tėvo akivaizdoje,
3Na aming inaalaalang walang patid sa harapan ng ating Dios at Ama, ang inyong gawa sa pananampalataya at pagpapagal sa pagibig at pagtitiis sa pagasa sa ating Panginoong Jesucristo;
4žinodami, Dievo numylėtieji broliai, jūsų išrinkimą.
4Yamang aming nalalaman, mga kapatid na minamahal ng Dios, ang pagkahirang sa inyo,
5Nes mūsų Evangelija neatėjo pas jus vien tik žodžiais, bet su jėga ir Šventąja Dvasia, ir su tvirtu įsitikinimu. Jūs žinote, kaip mes pas jus elgėmės jūsų labui.
5Kung paanong ang aming evangelio ay hindi dumating sa inyo sa salita lamang, kundi sa kapangyarihan din naman, at sa Espiritu Santo, at sa lubos na katiwasayan; na gaya ng inyong nalalaman kung anong pagkatao namin ang aming ipinakita sa inyo dahil sa inyo.
6Ir jūs pasidarėte mūsų ir Viešpaties pasekėjai, priėmę žodį didžiame suspaudime su Šventosios Dvasios džiaugsmu,
6At kayo'y nagsitulad sa amin, at sa Panginoon, nang inyong tanggapin ang salita sa malaking kapighatian, na may katuwaan sa Espiritu Santo;
7ir taip jūs tapote pavyzdžiu visiems Makedonijos bei Achajos tikintiesiems.
7Ano pa't kayo'y naging uliran ng lahat ng nangananampalatayang nangasa Macedonia at nangasa Acaya.
8Mat iš jūsų Viešpaties žodis nuskambėjo ne tik Makedonijoje bei Achajoje, bet jūsų tikėjimas Dievu pasklido visur, ir mums jau nebereikia nieko kalbėti.
8Sapagka't mula sa inyo'y nabansag ang salita ng Panginoon, hindi lamang sa Macedonia at Acaya, kundi sa lahat ng mga dako ay natanyag ang inyong pananampalataya sa Dios; ano pa't kami ay wala nang kailangang magsabi pa ng anoman.
9Jie patys pasakoja apie mūsų atvykimą pas jus, ir kaip jūs nuo stabų atsivertėte prie Dievo tarnauti gyvajam bei tikrajam Dievui
9Sapagka't sila rin ang nangagbalita tungkol sa amin kung paanong nangakapasok kami sa inyo; at kung paanong nangagbalik kayo sa Dios mula sa mga diosdiosan, upang mangaglingkod sa Dios na buhay at tunay,
10ir laukti iš dangaus Jo Sūnaus, kurį Jis prikėlė iš numirusių,­Jėzaus, gelbstinčio mus nuo ateinančios rūstybės.
10At upang hintayin ang kaniyang Anak na mula sa langit, na kaniyang ibinangon sa mga patay, si Jesus nga na nagligtas sa atin mula sa galit na darating.