1Vieno pranašo žmona šaukė Eliziejui: “Tavo tarnas, mano vyras, mirė. Tu žinai, kad jis bijojo Viešpaties, tačiau skolintojas atėjo už skolą paimti vergais abu mano sūnus”.
1Sumigaw nga kay Eliseo ang isang babae na isa sa mga asawa ng mga anak ng mga propeta, na nagsasabi, Ang iyong lingkod na aking asawa ay patay na: at iyong talastas na ang iyong lingkod ay natakot sa Panginoon: at ang pinagkautangan ay naparito upang kuning alipinin niya ang aking dalawang anak.
2Eliziejus klausė: “Kuo galiu padėti? Sakyk, ką turi namuose?” Ji atsakė: “Nieko kito neturiu, tik ąsotėlį aliejaus”.
2At sinabi ni Eliseo sa kaniya, Anong gagawin ko sa iyo? saysayin mo sa akin; anong mayroon ka sa bahay? At sinabi niya, Ang iyong lingkod ay walang anomang bagay sa bahay liban sa isang palyok na langis.
3Jis jai tarė: “Eik ir pasiskolink tuščių indų iš visų savo kaimynų. Nemažai pasiskolink.
3Nang magkagayo'y sinabi niya, Ikaw ay yumaon, manghiram ka ng mga sisidlan sa labas sa lahat ng iyong mga kapitbahay, sa makatuwid baga'y ng mga walang lamang sisidlan; huwag kang manghiram ng kaunti.
4Sugrįžusi užsirakink duris su savo sūnumis ir pilk aliejų į visus tuščius indus, o pilnus padėk į šalį”.
4At ikaw ay papasok, at ikaw at ang iyong mga anak ay magsasara ng pintuan, at iyong ibubuhos ang langis sa lahat ng sisidlang yaon; at iyong itatabi ang mapuno.
5Parėjusi ji su savo sūnumis užsirakino duris, ir jie jai padavinėjo indus, o ji pylė.
5Sa gayo'y nilisan niya siya, at siya at ang kaniyang mga anak ay nagsara ng pintuan; kanilang dinala ang mga sisidlan sa kaniya, at kaniyang pinagbuhusan.
6Kai visi indai buvo pilni, ji tarė sūnui: “Paduok man dar vieną indą”. Jis atsakė: “Nebėra indų”. Tuomet aliejus nustojo tekėjęs.
6At nangyari, nang mapuno ang mga sisidlan, na kaniyang sinabi sa kaniyang anak, Dalhan mo pa ako ng isang sisidlan. At sinabi niya sa kaniya: Wala pang sisidlan. At ang langis ay tumigil.
7Ji, nuėjusi pas Dievo vyrą, viską jam papasakojo. Eliziejus tarė: “Parduok aliejų ir užmokėk skolą, o kas liks, iš to gyvenkite”.
7Nang magkagayo'y naparoon siya, at kaniyang isinaysay sa lalake ng Dios. At kaniyang sinabi, ikaw ay yumaon, ipagbili mo ang langis, at bayaran mo ang iyong utang, at mabuhay ka at ang iyong mga anak sa nalabi.
8Kartą Eliziejus ėjo į Šunemą, kur gyveno turtinga moteris. Ji kvietė jį užeiti pavalgyti. Nuo to laiko kiekvieną kartą praeidamas jis užsukdavo pavalgyti.
8At nangyari, isang araw na si Eliseo ay nagdaan sa Sunem, na kinaroroonan ng isang dakilang babae; at pinilit siya niya na kumain ng tinapay. At nagkagayon, na sa tuwing siya'y daraan doon ay lumiliko roon upang kumain ng tinapay.
9Kartą ji tarė savo vyrui: “Aš suprantu, kad tas žmogus, kuris nuolat užeina pas mus, yra šventas Dievo vyras.
9At sinabi niya sa kaniyang asawa, Narito ngayon, aking nahahalata na ito'y isang banal na lalake ng Dios na nagdadaan sa ating palagi.
10Padarykime mažą kambarėlį ant aukšto ir padėkime jam ten lovą, stalą, kėdę ir lempą, kad užsukęs jis turėtų kur pailsėti”.
10Isinasamo ko sa iyo na tayo'y gumawa ng isang maliit na silid sa pader; at ating ipaglagay siya roon ng isang higaan, at ng isang dulang, at ng isang upuan, at ng isang kandelero: at mangyayari, pagka siya'y dumarating sa atin, na siya'y papasok doon.
11Kartą Eliziejus atėjęs užėjo į tą kambarį ir ten ilsėjosi.
11At nangyari, isang araw, na siya'y dumating doon, at siya'y lumiko na pumasok sa silid, at nahiga roon.
12Jis liepė savo tarnui Gehaziui pakviesti šunemietę. Ji atėjo.
12At sinabi niya kay Giezi na kaniyang lingkod, Tawagin mo ang Sunamitang ito. At nang matawag niya, siya'y tumayo sa harap niya.
13Jai atėjus, jis tarė tarnui: “Paklausk jos, kuo galėčiau atsilyginti už visą jos rūpestį. Gal ji norėtų, kad pakalbėčiau už ją su karaliumi ar kariuomenės vadu?” Ji atsakė: “Aš gyvenu tarp savo žmonių”.
13At sinabi niya sa kaniya, Sabihin mo ngayon sa kaniya, Narito, ikaw ay naging maingat sa amin ng buong pagiingat na ito; ano nga ang magagawa sa iyo? ibig mo bang ipakiusap kita sa hari, o sa punong kawal ng hukbo? At siya'y sumagot, Ako'y tumatahan sa gitna ng aking sariling bayan.
14Eliziejus vėl klausė: “Ką jai padaryti?” Gehazis atsiliepė: “Ji neturi sūnaus, o jos vyras senas”.
14At kaniyang sinabi, Ano nga ang magagawa sa kaniya? At sumagot si Giezi. Katotohanang siya'y walang anak, at ang kaniyang asawa ay matanda na.
15Tuomet Eliziejus liepė pakviesti ją. Atėjusi ji atsistojo tarpduryje.
15At kaniyang sinabi, Tawagin siya. At nang kaniyang tawagin siya, siya'y tumayo sa pintuan.
16Jis tarė jai: “Už metų, apie šitą laiką, tu glamonėsi sūnų!” Ji sakė: “O ne, mano viešpatie, Dievo vyre, nemeluok savo tarnaitei”.
16At kaniyang sinabi, Sa panahong ito, pagpihit ng panahon, ikaw ang kakalong ng isang anak na lalake. At kaniyang sinabi, Hindi panginoon ko, ikaw na lalake ng Dios huwag kang magsinungaling sa iyong lingkod.
17Moteris pastojo ir po metų pagimdė sūnų, kaip Eliziejus jai buvo sakęs.
17At ang babae ay naglihi, at nanganak ng isang lalake nang panahong yaon, nang ang panahon ay makapihit gaya ng sinabi ni Eliseo sa kaniya.
18Vaikas paaugo ir kartą išėjo pas tėvą prie pjovėjų.
18At nang lumaki ang bata ay nangyari, isang araw, nang siya'y umalis na patungo sa kaniyang ama, sa mga manggagapas.
19Jis tarė savo tėvui: “Mano galva, mano galva!” Tėvas liepė tarnui parnešti jį namo pas motiną.
19At kaniyang sinabi sa kaniyang ama, Ulo ko, ulo ko. At sinabi niya sa kaniyang bataan, Dalhin mo siya sa kaniyang ina.
20Kai jį parnešė pas motiną, pasėdėjęs ant jos kelių iki vidudienio, jis mirė.
20At nang kaniyang makuha siya at dalhin siya sa kaniyang ina, siya'y umupo sa kaniyang tuhod hanggang sa katanghaliang tapat, at nang magkagayo'y namatay.
21Ji užnešė jį, paguldė į Dievo vyro lovą, užrakino duris ir išėjo.
21At siya'y pumanhik at inihiga siya sa higaan ng lalake ng Dios, at pinagsarhan niya ng pintuan siya, at lumabas.
22Pašaukusi savo vyrą, ji tarė: “Atsiųsk tarną ir asilę, kad galėčiau skubiai nuvykti pas Dievo vyrą ir tuojau sugrįžti”.
22At kaniyang dinaingan ang kaniyang asawa, at nagsabi, Isinasamo ko sa iyo na iyong suguin sa akin ang isa sa iyong mga bataan, at ang isa sa mga asno, upang aking takbuhin ang lalake ng Dios, at bumalik uli.
23Jis paklausė: “Kodėl tu eini pas jį šiandien? Juk nei jaunas mėnulis, nei sabatas”. Bet ji atsakė: “Viskas gerai”.
23At kaniyang sinabi, Bakit paroroon ka sa kaniya ngayon? hindi bagong buwan o sabbath man. At kaniyang sinabi, Magiging mabuti.
24Pabalnojusi asilę, ji sakė savo tarnui: “Varyk ir skubėk. Nesustok, kol pasakysiu”.
24Nang magkagayo'y siniyahan niya ang isang asno, at nagsabi sa kaniyang bataan, Ikaw ay magpatakbo, at magpatuloy; huwag mong pahinain ang pagpapatakbo sa akin, malibang sabihin ko sa iyo.
25Ji atėjo pas Dievo vyrą prie Karmelio kalno. Dievo vyras, pamatęs ją iš tolo, tarė savo tarnui Gehaziui: “Šunemietė čia!
25Sa gayo'y yumaon siya at naparoon sa lalake ng Dios sa bundok ng Carmelo. At nangyari, nang makita siya ng lalake ng Dios sa malayo, na kaniyang sinabi kay Giezi na kaniyang lingkod, Narito, nandoon ang Sunamita:
26Bėk ją pasitikti ir paklausk, kaip sekasi jai, jos vyrui ir vaikui”. Ji atsakė: “Gerai”.
26Tumakbo ka, isinasamo ko sa iyo ngayon, na salubungin siya, at iyong sabihin sa kaniya, Mabuti ka ba? mabuti ba ang iyong asawa? mabuti ba ang bata? At siya'y sumagot, Mabuti.
27Atėjusi pas Dievo vyrą, ji apkabino jo kojas. Gehazis norėjo atitraukti, bet Dievo vyras tarė: “Palik ją, ji labai nusiminusi. Viešpats nuslėpė tai nuo manęs ir nepasakė”.
27At nang siya'y dumating sa lalake ng Dios sa burol, siya'y humawak sa kaniyang mga paa. At lumapit si Giezi upang ihiwalay siya; nguni't sinabi ng lalake ng Dios: Bayaan siya; sapagka't siya'y namamanglaw; at inilihim ng Panginoon sa akin, at hindi isinaysay sa akin.
28Ji tarė: “Argi aš tavęs, mano viešpatie, prašiau sūnaus? Argi nesakiau: ‘Neapgauk manęs’?”
28Nang magkagayo'y sinabi niya, Ako ba'y humiling ng isang anak sa aking panginoon? di ba sinabi ko, Huwag mo akong dayain?
29Tada Eliziejus liepė Gehaziui susijuosti, pasiimti jo lazdą ir eiti: “Jei ką sutiksi, nesveikink jo, o jei kas tave sveikins, neatsakyk jam. Nuėjęs uždėk mano lazdą ant berniuko veido”.
29Nang magkagayo'y sinabi niya kay Giezi, Bigkisan mo ang iyong mga balakang, at tangnan mo ang aking tungkod sa iyong kamay, at yumaon ka ng iyong lakad: kung ikaw ay makasasalubong ng sinomang tao, huwag mo siyang batiin; at kung ang sinoman ay bumati sa iyo, huwag mo siyang sagutin: at ipatong mo ang aking tungkod sa mukha ng bata.
30Vaiko motina atsakė Eliziejui: “Kaip gyvas Viešpats ir gyva tavo siela, aš tavęs nepaliksiu”. Jis nuėjo kartu su ja.
30At sinabi ng ina ng bata, Buhay ang Panginoon, at buhay ang iyong kaluluwa, hindi kita iiwan. At siya'y tumindig, at sumunod sa kaniya.
31Gehazis, nuėjęs pirma jų, uždėjo lazdą ant berniuko, tačiau nebuvo nei balso, nei atsakymo. Tada jis grįžo ir, kelyje susitikęs juos, pasakė jam: “Berniukas nepabudo”.
31At si Giezi ay nagpauna sa kanila, at ipinatong ang tungkod sa mukha ng bata; nguni't wala kahit tinig, o pakinig man. Kaya't siya'y bumalik na sinalubong siya, at nagsaysay sa kaniya, na nagsabi, Ang bata'y hindi magising.
32Eliziejus, įėjęs į namus, pamatė negyvą berniuką jo lovoje.
32At nang si Eliseo ay dumating sa bahay, narito, ang bata'y patay, at nakahiga sa kaniyang higaan.
33Jis užrakino duris paskui save ir meldėsi Viešpačiui.
33Siya'y pumasok nga at sinarhan ang pintuan sa kanilang dalawa, at dumalangin sa Panginoon.
34Po to jis atsigulė ant vaiko, uždėjo savo burną ant jo burnos, savo akis ant jo akių ir savo rankas ant jo rankų. Vaiko kūnas sušilo.
34At siya'y sumampa, at dumapa sa ibabaw ng bata, at idinikit ang kaniyang bibig sa bibig niya, at ang kaniyang mga mata sa mga mata niya, at ang kaniyang mga kamay sa mga kamay niya: at siya'y dumapa sa kaniya; at ang laman ng bata ay uminit.
35Pasivaikščiojęs Eliziejus vėl išsitiesė ant vaiko. Tuomet berniukas sučiaudėjo septynis kartus ir atsimerkė.
35Nang magkagayo'y bumalik siya, at lumakad sa bahay na paroo't parito na minsan; at sumampa, at dumapa sa ibabaw niya: at ang bata'y nagbahing makapito, at idinilat ng bata ang kaniyang mga mata.
36Pasišaukęs Gehazį, jis tarė: “Pašauk šunemietę”. Jai atėjus, jis sakė: “Pasiimk savo sūnų”.
36At tinawag niya si Giezi, at sinabi, Tawagin mo ang Sunamitang ito. Sa gayo'y tinawag niya siya. At nang siya'y pumaroon sa kaniya, sinabi niya, Kalungin mo ang iyong anak.
37Įėjusi ji parpuolė prie jo kojų, nusilenkė iki žemės ir, pasiėmusi sūnų, išėjo.
37Nang magkagayo'y pumasok siya at nagpatirapa sa kaniyang mga paa, at yumukod sa lupa; at kinalong niya ang kaniyang anak, at umalis.
38Eliziejus sugrįžo į Gilgalą. Badas buvo krašte. Pranašų sūnums sėdint prie jo, jis liepė savo tarnui užkaisti didelį puodą ir išvirti visiems viralo.
38At si Eliseo ay bumalik sa Gilgal: at may kagutom sa lupain; at ang mga anak ng mga propeta ay nangakaupo sa harap niya: at sinabi niya sa kaniyang lingkod: Isalang mo ang malaking palayok, at ipagluto mo ng lutuin ang mga anak ng mga propeta.
39Vienas iš jų išėjo į lauką pasirinkti daržovių; jis rado laukinį augalą, nuo kurio prisirinko laukinių moliūgų pilną apsiaustą. Parėjęs juos supjaustė į viralo puodą, nes jų nepažino.
39At ang isa ay lumabas sa bukid upang manguha ng mga gugulayin, at nakasumpong ng isang baging gubat, at namitas doon ng mga kalabasang gubat na ang kaniyang kandungan ay napuno, at bumalik at pinagputolputol sa palayok ng lutuin: sapagka't hindi nila nalalaman.
40Vyrai, paragavę įpilto viralo, šaukė: “Mirtis puode, Dievo vyre!” Jie negalėjo valgyti.
40Sa gayo'y kanilang ibinuhos para sa mga tao upang kanin. At nangyari, samantalang sila'y nagsisikain ng lutuin, na sila'y nagsisigaw, at nagsipagsabi, Oh lalake ng Dios, may kamatayan sa palayok. At hindi nakain yaon.
41Eliziejus liepė atnešti miltų. Supylęs juos į puodą, jis tarė: “Pilkite žmonėms, kad jie valgytų”. Puode nebuvo nieko kenksmingo.
41Nguni't kaniyang sinabi, Magdala nga rito ng harina. At kaniyang isinilid sa palayok; at kaniyang sinabi, Ibuhos ninyo para sa bayan, upang sila'y makakain. At wala nang makasasama sa palayok.
42Vienas vyras atėjo iš Baal Šališos ir atnešė Dievo vyrui pirmavaisių: dvidešimt miežinių kepalų ir šviežių varpų maiše. Eliziejus liepė savo tarnui duoti žmonėms valgyti,
42At dumating ang isang lalake na mula sa Baal-salisa, at nagdala sa lalake ng Dios ng tinapay ng mga unang bunga, na dalawang pung tinapay na sebada, at mga murang uhay ng trigo na nangasa kaniyang bayong. At kaniyang sinabi, Ibigay mo sa bayan, upang kanilang makain.
43bet jis atsakė: “Ar tuo maistu galiu pamaitinti šimtą vyrų?” Eliziejus pakartojo: “Duok žmonėms valgyti, nes Viešpats sako: ‘Jie valgys ir dar paliks’ ”.
43At sinabi ng kaniyang lingkod: Ano, ilalapag ko ba ito sa harap ng isang daang tao? Nguni't kaniyang sinabi, Ibigay sa bayan upang kanilang makain; sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Sila'y kakain, at magtitira niyaon.
44Jis padavė jiems maistą; jie valgė ir dar liko pagal Viešpaties žodį.
44Sa gayo'y inilapag niya sa harap nila, at sila'y nagsikain, at nagsipagtira niyaon, ayon sa salita ng Panginoon.