Lithuanian

Tagalog 1905

Ezekiel

3

1Jis tarė man: “Žmogaus sūnau, suvalgyk, ką matai prieš save! Suvalgęs šitą ritinį, eik ir kalbėk Izraelio namams”.
1At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, kanin mo ang iyong nasusumpungan; kanin mo ang balumbong ito, at ikaw ay yumaon, magsalita ka sa sangbahayan ni Israel.
2Tada aš išsižiojau, ir Jis davė man suvalgyti ritinį.
2Sa gayo'y ibinuka ko ang aking bibig, at ipinakain niya sa akin ang balumbon.
3Ir Jis tarė man: “Žmogaus sūnau, valgyk šį ritinį ir pasisotink juo”. Aš jį suvalgiau, ir jis mano burnoje buvo saldus kaip medus.
3At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, pakanin mo ang iyong tiyan, at busugin mo ang iyong bituka ng balumbong ito na aking ibinibigay sa iyo. Nang magkagayo'y kinain ko, at sa aking bibig ay naging parang pulot sa katamisan.
4Jis tada vėl kalbėjo: “Žmogaus sūnau, dabar eik į Izraelio namus ir kalbėk jiems mano žodžius.
4At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, yumaon ka, paroon ka sa sangbahayan ni Israel, at magsalita ka ng aking mga salita sa kanila.
5Tu siunčiamas ne pas svetimą tautą su nesuprantama kalba, bet pas Izraelį.
5Sapagka't ikaw ay hindi sinugo sa isang bayan na may ibang wika at may mahirap na salita, kundi sa sangbahayan ni Israel;
6Ne pas tautas, kurių kalbos tu nemoki. Jei pas juos tave siųsčiau, jie klausytų tavęs.
6Hindi sa maraming bayan na may ibang wika at may mahirap na salita, na ang mga salita ay hindi mo nauunawa. Tunay na kung suguin kita sa mga yaon, didinggin ka ng mga yaon.
7Bet Izraelis neklausys tavęs, nes jis ir manęs neklauso. Izraelio tauta yra kietasprandė ir kietaširdė.
7Nguni't hindi ka didinggin ng sangbahayan ni Israel; sapagka't hindi nila ako didinggin: sapagka't ang buong sangbahayan ni Israel ay may matigas na ulo, at may mapagmatigas na loob.
8Aš padariau tavo veidą tvirtą prieš jų veidus ir tavo kaktą kietą prieš jų kaktas.
8Narito, aking pinapagmatigas ang iyong mukha laban sa kanilang mga mukha, at pinatigas ko ang iyong ulo laban sa kanilang mga ulo.
9Ji bus kieta kaip deimantas, kietesnė už titnagą. Nebijok jų ir neišsigąsk jų žvilgsnių, nes tai maištinga tauta.
9Ginawa kong parang isang diamante na lalong matigas kay sa pingkiang bato ang iyong ulo: huwag mo silang katakutan, o manglupaypay man sa kanilang tingin, bagaman sila'y mapanghimagsik na sangbahayan.
10Žmogaus sūnau, visus mano žodžius, kuriuos tau kalbu, klausyk ausimis ir priimk širdimi.
10Bukod dito'y sinabi niya sa akin, Anak ng tao, lahat ng aking mga salita na aking sasalitain sa iyo ay tanggapin mo sa iyong puso, at dinggin mo ng iyong mga pakinig.
11Eik pas tremtinius, savo tautiečius, ir jiems kalbėk; ar jie klausys, ar neklausys, sakyk: ‘Taip sako Viešpats’ ”.
11At yumaon ka, pumaroon ka sa mga bihag, na mga anak ng iyong bayan at magsalita ka sa kanila, at saysayin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios; sa didinggin man nila, o sa itatakuwil man nila.
12Dvasia pakėlė mane, ir už savęs išgirdau griausmingą balsą: “Palaiminta Viešpaties šlovė šioje vietoje”,
12Nang magkagayo'y itinaas ako ng Espiritu, at aking narinig sa likuran ko ang tinig ng malaking hugong, na nagsasabi; Purihin ang kaluwalhatian ng Panginoon mula sa kaniyang dako.
13taip pat būtybių sparnų šlamėjimą ir ratų dundėjimą­tai buvo didelis dundesys.
13At aking narinig ang pagaspas ng mga pakpak ng mga nilalang na may buhay na nagkakadagisdisan, at ang hugong ng mga gulong sa siping nila, sa makatuwid baga'y ang ingay ng malaking hugong.
14Dvasia pakėlė ir nunešė mane. Aš nuėjau apkartęs, degančia dvasia, bet Viešpaties ranka buvo stipri ant manęs.
14Sa gayo'y itinaas ako ng Espiritu, at ako'y dinala; at ako'y yumaong namamanglaw, sa pagiinit ng aking kalooban; at ang kamay ng Panginoon ay naging malakas sa akin.
15Aš atėjau į Tel Abibą pas tremtinius, kurie gyveno prie Kebaro upės. Ten sėdėjau septynias dienas tarp jų labai susirūpinęs.
15Nang magkagayo'y naparoon ako sa mga bihag sa Tel-abib, na nagsisitahan sa pangpang ng ilog Chebar, at sa kanikanilang kinatatahanan; at ako'y umupo roong natitigilan sa gitna nila na pitong araw.
16Septynioms dienoms praėjus, Viešpats kalbėjo man:
16At nangyari, sa katapusan ng pitong araw, na ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
17“Žmogaus sūnau, Aš paskyriau tave sargybiniu Izraelio namams. Ką išgirsi iš manęs, pranešk jiems mano vardu.
17Anak ng tao, ginawa kitang bantay sa sangbahayan ni Israel: kaya't pakinggan mo ang salita sa aking bibig, at ipanguna mo sa kanila sa ganang akin.
18Jei Aš sakysiu nedorėliui: ‘Tu mirsi’, bet tu neįspėsi jo ir nepamokysi, kad jis paliktų savo nedorą kelią ir išliktų gyvas, nedorėlis mirs dėl savo nusikaltimų, bet jo kraujo pareikalausiu iš tavo rankų.
18Pagka aking sinabi sa masama, Ikaw ay walang pagsalang mamamatay; at hindi mo pinagpaunahan siya, o nagsasalita ka man upang hikayatin ang masama mula sa kaniyang masamang lakad, upang iligtas ang kaniyang buhay; ang gayong masamang tao ay mamamatay sa kaniyang kasamaan; nguni't ang kaniyang dugo ay aking sisiyasatin sa iyong kamay.
19Jei tu įspėsi nedorėlį, bet jis neatsivers nuo savo nedorybių ir nepakeis savo kelių, jis mirs dėl savo nusikaltimų, bet tu išgelbėsi savo sielą.
19Gayon ma'y kung iyong pagpaunahan ang masama, at siya'y hindi humiwalay sa kaniyang kasamaan, o sa kaniyang masamang lakad man, siya'y mamamatay sa kaniyang kasamaan; nguni't iyong iniligtas ang iyong kaluluwa.
20Jei teisusis, nusigręžęs nuo teisumo, darys pikta, Aš padėsiu jam kelyje suklupimo akmenį, ir jis mirs. Jei nebūsi įspėjęs jo, jis mirs dėl savo nuodėmės ir jo teisių darbų nebus atsiminta, bet jo kraujo pareikalausiu iš tavo rankų.
20Muli, pagka ang isang taong matuwid ay lumilihis sa kaniyang katuwiran, at gumawa ng kasamaan, at ako'y naglalagay ng katitisuran sa harap niya, siya'y mamamatay; sapagka't hindi mo siya pinagpaunahan, siya'y mamamatay sa kaniyang kasalanan, at ang kaniyang mga matuwid na gawa na kaniyang ginawa ay hindi aalalahanin; nguni't ang kaniyang dugo ay aking sisiyasatin sa iyong kamay.
21Jei tu įspėsi teisųjį, kad jis nenusikalstų, ir jis nenusikals, jis išliks gyvas, nes paklausė įspėjimo, ir tu išgelbėsi savo sielą”.
21Gayon ma'y kung iyong pinagpaunahan ang taong matuwid, upang ang matuwid ay huwag magkasala, at siya'y hindi nagkakasala, siya'y walang pagsalang mabubuhay, sapagka't siya'y nahikayat; at iyong iniligtas ang iyong kaluluwa.
22Viešpaties ranka buvo ant manęs ir Jis tarė: “Eik į lygumą, ten Aš kalbėsiu su tavimi”.
22At ang kamay ng Panginoon ay sumasa akin, at sinabi niya sa akin, Bumangon ka, lumabas ka sa kapatagan at doo'y makikipagusap ako sa iyo.
23Aš išėjau į lygumą. Čia buvo Viešpaties šlovė, kaip ją mačiau prie Kebaro upės. Aš kritau veidu žemėn.
23Nang magkagayo'y bumangon ako, at ako'y lumabas sa kapatagan; at, narito, ang kaluwalhatian ng Panginoon ay dumoon, na gaya ng kaluwalhatian na aking nakita sa pangpang ng ilog Chebar; at ako'y napasubasob.
24Dvasia įėjo į mane, pastatė mane ant kojų ir įsakė: “Eik ir užsirakink savo namuose.
24Nang magkagayo'y suma akin ang Espiritu, at itinayo ako sa aking mga paa; at siya'y nakipagsalitaan sa akin, at nagsabi sa akin, Yumaon ka, magsara ka sa loob ng iyong bahay.
25Žmogaus sūnau, tu būsi surištas ir negalėsi vaikščioti tarp žmonių.
25Nguni't ikaw, anak ng tao, narito, sila'y mangaglalagay ng mga lubid sa iyo, at itatali sa iyo, at ikaw ay hindi lalabas sa gitna nila.
26Tapsi nebyliu, nebegalėsi įspėti tų maištingų žmonių.
26At aking paninikitin ang iyong dila sa ngalangala ng iyong bibig, upang ikaw ay mapipi, at huwag maging mananaway sa kanila: sapagka't sila'y mapanghimagsik na sangbahayan.
27Kai Aš kalbėsiu su tavimi, atversiu tavo burną, ir tu jiems sakysi: ‘Taip sako Viešpats’. Tada, kas klausys, teklauso, o kas neklausys, teneklauso, nes jie yra maištingi žmonės”.
27Nguni't pag ako'y makikipagsalitaan sa iyo, aking ibubuka ang iyong bibig, at iyong sasabihin sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios; Siyang nakikinig ay makinig; at ang nagtatakuwil ay magtakuwil: sapagka't sila'y mapanghimagsik na sangbahayan.