1Jis nuvedė mane prie šventyklos išorinių vartų rytų pusėje. Jie buvo uždaryti.
1Nang magkagayo'y ibinalik niya ako sa daan ng pintuan sa labas ng santuario, na nakaharap sa dakong silanganan; at ito'y nasara.
2Tada Viešpats sakė man: “Šitie vartai liks uždaryti. Jie nebus atidaryti, ir niekas nevaikščios pro juos. Kadangi Viešpats, Izraelio Dievas, įėjo pro juos, todėl jie liks uždaryti.
2At sinabi ng Panginoon sa akin, Ang pintuang-daang ito ay sasarhan, hindi bubuksan, o papasukan man ng sinoman, sapagka't pinasukan ng Panginoon, ng Dios ng Israel; kaya't ito'y masasara.
3Tik kunigaikštis sėdės juose Viešpaties akivaizdoje ir valgys. Jis įeis pro vartų prieangį ir išeis tuo pačiu keliu”.
3Tungkol sa prinsipe, siya'y mauupo roon na pinaka prinsipe upang kumain ng tinapay sa harap ng Panginoon; siya'y papasok sa daan ng portiko ng pintuang-daan, at lalabas sa daan ding yaon.
4Po to jis įvedė mane pro šiaurės vartus ir nuvedė prie šventyklos priekio. Aš pažiūrėjau, ir štai Viešpaties šlovė pripildė namus; aš parkritau veidu žemėn.
4Nang magkagayo'y dinala niya ako sa daan ng pintuang-daang hilagaan sa harap ng bahay: at ako'y tumingin, at, narito, napuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay ng Panginoon: at nasubasob ako.
5Viešpats tarė man: “Žmogaus sūnau, viską įsidėmėk, žiūrėk akimis ir klausyk ausimis, ką tau sakysiu apie Viešpaties namų įstatymus ir nuostatus. Įsidėmėk, kas gali įeiti į namus.
5At ang Panginoon ay nagsabi sa akin, Anak ng tao, tandaan mong mabuti, at masdan mo ng iyong mga mata, at pakinggan mo ng iyong mga pakinig ang lahat na aking sinasabi sa iyo tungkol sa lahat ng alituntunin hinggil sa bahay ng Panginoon, at tungkol sa lahat ng kautusan doon; at tandaan mong mabuti ang pasukan ng bahay sangpu ng bawa't labasan sa santuario.
6Sakyk maištingiems izraelitams: ‘Taip sako Viešpats Dievas: ‘Izraelitai, užtenka jūsų bjaurysčių!
6At iyong sasabihin sa mapanghimagsik, sa makatuwid baga'y sa sangbahayan ni Israel, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Oh kayong sangbahayan ni Israel, mangaglikat na kayo sa lahat ninyong kasuklamsuklam,
7Jūs įvedėte svetimšalius, neapipjaustytus širdimi ir neapipjaustytus kūnu, į mano šventyklą ir tuo sutepėte mano namus. Jūs aukojote jų akivaizdoje man duonos, taukų ir kraujo ir taip sulaužėte mano sandorą savo bjauriais darbais.
7Sa inyong pagpapasok ng mga taga ibang lupa na hindi tuli sa puso at hindi tuli sa laman, upang malagay sa aking santuario, na lapastanganin yaon, sa makatuwid baga'y ang aking bahay, pagka inyong inihahandog ang aking tinapay, ang taba at ang dugo, at sinira nila ang aking tipan, upang idagdag sa lahat ninyong mga kasuklamsuklam.
8Užuot atlikę man šventą tarnystę, jūs paskyrėte juos tarnauti šventykloje’.
8At hindi ninyo iningatan ang katungkulan sa aking mga banal na bagay; kundi kayo'y nangaglagay ng mga tagapangasiwa sa aking santuario sa ganang inyong sarili.
9Taip sako Viešpats Dievas: ‘Nė vienas svetimšalis, gyvenantis tarp izraelitų, neapipjaustytas širdimi ir neapipjaustytas kūnu, neturi teisės įeiti į mano šventyklą.
9Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Walang taga ibang lupa, na hindi tuli sa puso at hindi tuli sa laman na papasok sa aking santuario, kahit sinomang taga ibang lupa na nasa gitna ng mga anak ni Israel.
10Levitai, pasitraukę nuo manęs, kai izraelitai nuklydo ir sekė paskui stabus, atsakys už savo kaltę.
10Nguni't ang mga Levita na nagsilayo sa akin nang ang Israel ay maligaw sa akin sa pagsunod sa kanilang mga diosdiosan; mangagdadanas sila ng kanilang kasamaan.
11Bet jie tarnaus mano šventykloje: bus vartų sargai ir patarnaus namuose. Jie pjaus tautos deginamąsias aukas ir jiems tarnaus.
11Gayon ma'y magiging tagapangasiwa sila sa aking santuario, na sila ang mamamahala sa mga pintuang-daan ng bahay, at magsisipangasiwa sa bahay: kanilang papatayin ang handog na susunugin at ang hain para sa bayan, at sila'y magsisitayo sa harap ng mga yaon upang pangasiwaan nila.
12Kadangi jie tarnavo prie stabų ir suvedžiojo izraelitus, todėl Aš pakėliau savo ranką prieš juos, ir jie atsakys už savo kaltę.
12Sapagka't kanilang pinangasiwaan sila sa harap ng kanilang mga diosdiosan, at naging ikatitisod sila sa ikasasama ng sangbahayan ni Israel; kaya't itinaas ko ang aking kamay laban sa kanila, sabi ng Panginoong Dios, at dadanasin nila ang kanilang kasamaan.
13Jie nesiartins prie manęs tarnauti man kaip kunigai ir neprisiartins prie mano šventų daiktų Šventų švenčiausiojoje. Jie kentės gėdą už savo bjaurius darbus.
13At hindi sila magsisilapit sa akin upang magsagawa ng katungkulan ng saserdote sa akin, o magsisilapit man sa alin man sa mga banal na bagay ko, sa mga bagay na kabanalbanalan; kundi tataglayin nila ang kanilang kahihiyan, at ang kanilang mga kasuklamsuklam na kanilang ginawa.
14Aš padarysiu juos namų prižiūrėtojais ir patarnautojais.
14Gayon ma'y gagawin ko silang tagapangasiwa sa bahay, para sa buong paglilingkod doon, at sa lahat na gagawin doon.
15Bet kunigai iš levitų, Cadoko sūnūs, kurie prižiūrėjo šventyklą, kai izraelitai klaidžiojo ir atitolo nuo manęs, artinsis prie manęs ir man tarnaus, stovės mano akivaizdoje ir aukos taukų bei kraujo.
15Nguni't ang mga saserdoteng Levita na mga anak na lalake ni Sadoc, na nagiingat ng katungkulan sa aking santuario nang ang mga anak ni Israel ay magsihiwalay sa akin, sila'y magsisilapit sa akin upang magsipangasiwa sa akin; at sila'y magsisitayo sa harap ko upang mangaghandog sa akin ng taba at ng dugo, sabi ng Panginoong Dios:
16Jie eis į mano šventyklą, artės prie mano stalo ir tarnaus man.
16Sila'y magsisipasok sa aking santuario, at sila'y magsisilapit sa aking dulang, upang magsipangasiwa sa akin, at iingatan nila ang kanilang katungkulan sa akin.
17Įėję pro vartus į vidinį kiemą, jie vilkės drobiniais drabužiais. Jie nevilkės nieko vilnonio, tarnaudami vidinio kiemo vartuose ir už jų.
17At mangyayari, na pagka sila'y magsisipasok sa mga pintuang-daan ng lalong loob na looban, susuutan sila ng mga kayong linong kasuutan; at walang lanang dadaiti sa kanila, samantalang sila'y nagsisipangasiwa sa mga pintuang-daan ng lalong loob na looban, at sa loob.
18Jie dėvės drobinius raiščius ant galvų bei vilkės drobines kelnes, nesusijuos, kad neprakaituotų.
18Sila'y mangagpupugong ng kayong lino sa kanilang mga ulo, at mangagtatapi ng kayong lino sa kanilang mga balakang; hindi sila mangagbibigkis ng anomang nakapagpapapawis.
19Prieš eidami į išorinį kiemą pas tautą, jie nusirengs drabužius, su kuriais tarnavo, paliks juos šventyklos kambariuose ir apsivilks kitais drabužiais, kad nepašventintų žmonių savo drabužiais.
19At pagka kanilang lalabasin ang mga tao sa looban sa labas, ng bahay, kanilang huhubarin ang kanilang mga kasuutan na kanilang ipinangangasiwa, at ilalagay nila ang mga ito sa mga banal na silid; at mangagsusuot sila ng ibang mga kasuutan, upang huwag nilang banalin ang mga tao ng kanilang mga kasuutan.
20Jie neskus galvų ir neaugins ilgų plaukų, bet apsikirps galvos plaukus.
20Ni aahitan man nila ang kanilang mga ulo, ni titiisin man ang kanilang buhok ay humaba; kanila lamang gugupitan ang kanilang mga ulo.
21Nė vienas kunigas negers vyno, prieš eidamas į vidinį kiemą.
21Ni iinom ng alak ang sinomang saserdote pagka sila'y magsisipasok sa lalong loob na looban.
22Jie neves našlės nė atleistos, tik mergaites iš Izraelio palikuonių. Tačiau kunigo našlę jie galės vesti.
22Ni mangagaasawa man sa babaing bao, o sa inihiwalay man: kundi sila'y magaasawa ng mga dalaga sa lahi ng sangbahayan ni Israel, o ng babaing bao na nabao sa saserdote.
23Jie mokys mano tautą atskirti, kas šventa ir nešventa, aiškins, kas švaru ir nešvaru.
23At kanilang ituturo sa aking bayan ang pagkakaiba ng banal at ng karaniwan, at ipakikilala nila sa kanila ang marumi at malinis.
24Kilus ginčui, jie bus teisėjais ir teis pagal mano nuostatus. Jie laikysis mano nuostatų ir įsakymų apie visas šventes ir švęs sabatus.
24At sa pagtatalo ay magsisitayo sila upang magsihatol; ayon sa aking mga kahatulan ay kanilang hahatulan: at kanilang iingatan ang aking mga kautusan at ang aking mga palatuntunan sa lahat kong takdang kapistahan; at kanilang ipangingilin ang aking mga sabbath.
25Jie nesusiteps mirusiaisiais, artindamiesi prie jų, išskyrus tėvą ir motiną, sūnų ir dukrą, brolį ir netekėjusią seserį.
25At hindi sila magsisilapit sa alin mang patay na tao na mangagpakahawa; nguni't sa ama, o sa ina, o sa anak na lalake, o babae, sa kapatid na lalake, o babae na hindi nagkaasawa, maaaring mangagpakahawa sila.
26Po apsivalymo jie paskaičiuos jam septynias dienas.
26At pagkatapos na siya'y malinis, sila'y bibilang sa kaniya ng pitong araw.
27Tą dieną, kai kunigas eis į vidinį kiemą tarnauti šventykloje, jis aukos auką už nuodėmę,sako Viešpats Dievas.
27At sa kaarawan na siya'y pumasok sa santuario, sa lalong loob na looban upang mangasiwa sa santuario, siya'y maghahandog ng kaniyang handog dahil sa kasalanan, sabi ng Panginoong Dios.
28Aš būsiu jų paveldėjimas, ir jūs neduosite jiems nuosavybės Izraelio krašte, nes Aš esu jų nuosavybė.
28At sila'y mangagkakaroon ng mana; ako'y kanilang mana; at hindi ninyo bibigyan sila ng pag-aari sa Israel; ako'y kanilang pag-aari.
29Duonos aukos, aukos už nuodėmes ir kaltes, ir visa, kas pašvęsta Dievui, bus kunigų maistas.
29Sila'y magsisikain ng handog na harina, at ng handog dahil sa kasalanan, at ng handog dahil sa pagkakasala; at bawa't bagay na itinalaga sa Israel ay magiging kanila.
30Visų vaisių pirmienos, visų atnašų ir dovanų dalis priklausys kunigams. Taip pat savo tešlos pirmienas duokite kunigams, kad palaiminimas pasiliktų jūsų namuose.
30At ang una sa lahat na unang bunga ng bawa't bagay, at lahat na alay na bawa't bagay, sa lahat ninyong mga alay ay magiging sa saserdote: inyo rin namang ibibigay sa mga saserdote ang una sa inyong masa upang pagpalain ang inyong bahay.
31Kritusių ar žvėrių sudraskytų paukščių bei gyvulių kunigai nevalgys’ ”.
31Ang mga saserdote ay hindi kakain ng anomang bagay na namamatay sa kaniyang sarili, o nalapa, maging ibon o hayop man.