Lithuanian

Tagalog 1905

Romans

11

1Tad aš klausiu: ar Dievas atstūmė savo tautą? Jokiu būdu! Juk ir aš izraelitas, iš Abraomo palikuonių, iš Benjamino giminės.
1Sinasabi ko nga, Itinakuwil baga ng Dios ang kaniyang bayan? Huwag nawang mangyari. Sapagka't ako man ay Israelita, sa binhi ni Abraham, sa angkan ni Benjamin.
2Dievas neatstūmė savosios tautos, kurią iš anksto numatė. Ar nežinote, ką sako Raštas apie Eliją, kai šis skundžiasi Izraeliu:
2Hindi itinakuwil ng Dios ang kaniyang bayan na nang una pa'y kinilala niya. O hindi baga ninyo nalalaman ang sinasabi ng kasulatan tungkol kay Elias? kung paanong namamagitan siya sa Dios laban sa Israel na sinabi:
3“Viešpatie, jie išžudė Tavo pranašus, išgriovė Tavo aukurus; aš vienas belikau, ir jie tyko mano gyvybės”.
3Panginoon, pinatay nila ang iyong mga propeta, giniba nila ang iyong mga dambana; at ako'y naiwang nagiisa, at hinahanap nila ang aking buhay.
4O kaip skamba Dievo atsakymas? “Aš pasilaikiau septynis tūkstančius vyrų, kurie nesulenkė kelių prieš Baalį”.
4Datapuwa't ano ang sinasabi ng kasagutan ng Dios sa kaniya? Nagtira ako sa akin ng pitong libong lalake na hindi nangagsiluhod kay Baal.
5Ir dabartiniu metu yra malonės išrinktas likutis.
5Gayon din nga sa panahong itong kasalukuyan ay may isang nalalabi ayon sa pagkahirang ng biyaya.
6Ir jei malone, tai ne dėl darbų, nes tada malonė nebūtų malonė. Bet jeigu darbais, tai jau nebus malonė; kitaip darbas nebūtų darbas.
6Nguni't kung ito'y sa pamamagitan ng biyaya, ay hindi na sa mga gawa: sa ibang paraan ang biyaya ay hindi biyaya.
7Tai ką gi? Izraelis nepasiekė to, ko ieškojo. Pasiekė tiktai išrinktoji dalis. Kiti buvo apakinti,
7Ano nga? Ang hinahanap ng Israel ay hindi niya kinamtan; datapuwa't ito'y kinamtan ng pagkahirang, at ang mga iba'y pinapagmatigas:
8kaip parašyta: “Dievas jiems siuntė snaudulio dvasią, kad akys neregėtų ir ausys negirdėtų iki šios dienos”.
8Ayon sa nasusulat, Binigyan sila ng Dios ng Espiritu ng pagkakatulog, ng mga matang hindi nangakakakita, at ng mga pakinig na hindi nangakakarinig, hanggang sa araw na ito.
9Ir Dovydas sako: “Jų stalas tepavirsta jiems spąstais, žabangais, suklupimo akmeniu ir atpildu.
9At sinasabi ni David, Ang kanilang dulang nawa'y maging isang silo, at isang panghuli, At isang katitisuran, at isang kabayaran sa kanila:
10Tegul aptemsta jų akys, kad neregėtų, ir jų nugarą laikyk nuolat sulenktą”.
10Manganglabo nawa ang kanilang mga mata, upang sila'y huwag mangakakita, At laging baluktutin mo nawa ang kanilang gulugod.
11Tad aš klausiu: negi izraelitai taip suklupo, kad pargriūtų? Jokiu būdu! Tik per jų suklupimą pagonims atėjo išgelbėjimas, kad juos paimtų pavydas.
11Sinasabi ko nga, Nangatisod kaya sila upang mangahulog? Huwag nawang mangyari: datapuwa't sa pagkahulog nila'y dumating ang pagkaligtas sa mga Gentil, upang ipamungkahi sila sa paninibugho.
12Bet jeigu jų suklupimas yra pasauliui praturtinimas ir jų sumažėjimas­pagonims praturtinimas, tai ką duos jų visuma?
12Ngayon kung ang pagkahulog nga nila ay siyang kayamanan ng sanglibutan, at ang pagkalugi nila ay siyang kayamanan ng mga Gentil; gaano pa ang kapunuan nila?
13Jums, pagonims, sakau: būdamas pagonių apaštalas, aš gerbiu savo tarnavimą:
13Datapuwa't nagsasalita ako sa inyong mga Gentil. Palibasa'y ako nga'y apostol ng mga Gentil, ay niluluwalhati ko ang aking ministerio;
14gal kaip nors man pavyks sukelti savo tautiečių pavydą ir bent kai kuriuos išgelbėti.
14Baka sa anomang paraan ay maipamungkahi ko sa paninibugho yaong aking mga kalaman, at maligtas ang ilan sa kanila.
15Jeigu jų atmetimas reiškia pasauliui sutaikinimą, tai ką gi reikštų jų priėmimas, jei ne gyvenimą iš numirusių?
15Sapagka't kung ang pagkatakuwil sa kanila ay siyang pakikipagkasundo ng sanglibutan, ano kaya ang pagtanggap sa kanila, kundi buhay mula sa mga patay?
16Jei pirmieji vaisiai šventi, tai šventa ir visuma. Jei šaknis šventa, tai ir šakos.
16At kung ang pangunahing bunga ay banal, ay gayon din ang lahat: at kung ang ugat ay banal, ay gayon din ang mga sanga.
17Jeigu kai kurios šakos buvo nulaužtos, o tu­laukinis alyvmedis­esi tarp jų įskiepytas ir tapęs šaknies bei alyvmedžio syvų dalininku,
17Datapuwa't kung ang ilang mga sanga'y nangabali, at ikaw, na isang olibong ligaw ay isinanib ka sa kanila, at ikaw ay naging kabahagi nila sa ugat ng katabaan ng punong olibo;
18tai nesididžiuok prieš anas šakas! O jeigu didžiuojiesi, tai žinok, kad ne tu išlaikai šaknį, bet šaknis tave.
18Huwag kang magpalalo sa mga sanga: datapuwa't kung magpalalo ka, ay hindi ikaw ang nagkakandili sa ugat, kundi ang ugat ang nagkakandili sa iyo.
19Gal pasakysi: “Šakos nulaužtos tam, kad aš būčiau įskiepytas?”
19Sasabihin mo nga, Ang mga sanga ay nangabali upang ako ay makasanib.
20Gerai! Jos nulaužtos dėl netikėjimo, o tu stovi tikėjimu. Nesididžiuok, bet bijok!
20Mabuti; sa kawalan nila ng pananampalataya ay nangabali sila, at sa iyong pananampalataya'y nakatayo ka. Huwag kang magpalalo kundi matakot ka:
21Jei Dievas nepagailėjo prigimtinių šakų, gali nepagailėti ir tavęs.
21Sapagka't kung hindi nga pinatawad ng Dios ang mga talagang sanga, ikaw man ay hindi patatawarin.
22Taigi matai Dievo gerumą ir griežtumą: nupuolusiems­griežtumas, o tau­gerumas, jei pasiliksi Jo gerume, kitaip­ir tu būsi iškirstas!
22Masdan mo nga ang kabutihan at ang kabagsikan ng Dios: ang kabagsikan ay sa nangahulog, datapuwa't ang kabutihan ng Dios ay sa iyo, kung mamamalagi ka sa kaniyang kabutihan: sa ibang paraan ay ikaw man ay puputulin.
23Bet ir anie, jei nepasiliks netikėjime, bus priskiepyti, nes Dievas turi galią ir vėl juos priskiepyti.
23At sila naman, kung hindi mangagsisilagi sa di pananampalataya ay mangakakasanib: sapagka't makapangyarihan ang Dios upang sila'y isanib na muli.
24Tad jeigu buvai iškirstas iš prigimtojo laukinio alyvmedžio ir prieš prigimtį įskiepytas tauriajame alyvmedyje, tai juo labiau jie­ tikrosios šakos­bus priskiepyti savajame alyvmedyje.
24Sapagka't kung ikaw ay pinutol doon sa talagang olibong ligaw, at laban sa kaugalian ay isinanib ka sa mabuting punong olibo; gaano pa nga ang mga ito, na mga talagang sanga, na mangakakasanib sa kanilang sariling punong olibo?
25Aš nenoriu, broliai, palikti jus nežinioje dėl šios paslapties,­kad jūs per aukštai apie save nemanytumėte: dalis Izraelio užkietėjo, kol įeis pagonių visuma,
25Sapagka't hindi ko ibig, mga kapatid, na di ninyo maalaman ang hiwagang ito, baka kayo'y mangagmarunong sa inyong sariling mga haka, na ang katigasan ng isang bahagi ay nangyari sa Israel, hanggang sa pumasok ang kapunuan ng mga Gentil;
26o tada bus išgelbėtas visas Izraelis, kaip parašyta: “Iš Siono ateis Gelbėtojas ir nukreips bedievystes nuo Jokūbo.
26At sa ganito'y ang buong Israel ay maliligtas: gaya ng nasusulat, Magbubuhat sa Sion ang Tagapagligtas; Siya ang maghihiwalay sa Jacob ng kalikuan:
27Tokia bus jiems mano sandora, kai nuimsiu jų nuodėmes”.
27At ito ang aking tipan sa kanila, Pagka aalisin ko ang kanilang mga kasalanan.
28Žiūrint Evangelijos, jie yra Dievo priešai jūsų naudai; bet pagal išrinkimą jie numylėtiniai dėl savųjų tėvų.
28Tungkol sa evangelio, ay mga kaaway sila dahil sa inyo: datapuwa't tungkol sa pagkahirang, ay mga pinakaiibig sila dahil sa mga magulang.
29Juk Dievo dovanos ir pašaukimas­neatšaukiami.
29Sapagka't ang mga kaloob at ang pagtawag ng Dios ay hindi nagbabago.
30Kaip jūs kadaise netikėjote Dievu, o dabar per jų netikėjimą patyrėte gailestingumą,
30Sapagka't kung paanong kayo nang nakaraang panahon ay mga masuwayin sa Dios, datapuwa't ngayon kayo'y nangagkamit ng habag sa pamamagitan ng kanilang pagsuway,
31taip ir jie dabar netiki, kad dėl jums suteikto pasigailėjimo ir jie susilauktų gailestingumo.
31Gayon din naman ang mga ito ay naging mga masuwayin ngayon, upang sa pamamagitan ng habag na ipinagkaloob sa inyo, sila nama'y magkamit ngayon ng habag.
32Dievas juos visus uždarė netikėjime, kad visų pasigailėtų.
32Sapagka't ang lahat ay kinulong ng Dios sa kasuwayan, upang siya'y mahabag sa lahat.
33O Dievo turtų, išminties ir pažinimo gelme! Kokie neištiriami Jo teismai ir nesusekami Jo keliai!
33Oh kalaliman ng mga kayamanan ng karunungan at ng kaalaman ng Dios! oh di matingkalang mga hatol niya, at hindi malirip na kaniyang mga daan!
34“Ir kas gi pažino Viešpaties mintį? Ir kas buvo Jo patarėju?”
34Sapagka't sino ang nakaalam ng pagiisip ng Panginoon? o sino ang kaniyang naging kasangguni?
35“Arba kas Jam yra davęs pirmas, kad jam būtų atmokėta?”
35O sino ang nagbigay na una sa kaniya, at siya'y babayarang muli?
36Iš Jo, per Jį ir Jam yra visa. Jam šlovė per amžius! Amen.
36Sapagka't kaniya, at sa pamamagitan niya, at sa kaniya, ang lahat ng mga bagay. Sumakaniya nawa ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa.