1¶ A, i taua wa ka whakatika a Mikaera, te rangatira nui e tu nei hei hoa mo nga tama a tou iwi; na he wa raruraru taua wa, kahore mai i mua i te wa i whai iwi ai a taea noatia taua wa nei; hei taua wa ka mawhiti tou iwi, te hunga katoa e kitea kua oti te tuhituhi ki te pukapuka.
1At sa panahong yaon ay tatayo si Miguel, na dakilang prinsipe na tumatayo sa ikabubuti ng mga anak ng iyong bayan; at magkakaroon ng panahon ng kabagabagan, na hindi nangyari kailan man mula nang magkaroon ng bansa hanggang sa panahong yaon: at sa panahong yaon ay maliligtas ang iyong bayan, bawa't isa na masusumpungan na nakasulat sa aklat.
2Na he tokomaha o te hunga e moe ana i te puehu o te oneone e ara ake, ko etahi ki te ora tonu, ko etahi ki te whakama, ki te whakarihariha mutungakore.
2At marami sa kanila na nangatutulog sa alabok ng lupa ay mangagigising, ang iba'y sa walang hanggang buhay, at ang iba'y sa kahihiyan at sa walang hanggang pagkapahamak.
3A ka tiaho te hunga whakaaro nui ano kei te tiaho o te kikorangi; me te hunga hoki nana i anga ai nga tangata tokomaha ki te tika, ka rite ratou ki nga whetu a ake ake.
3At silang pantas ay sisilang na parang ningning ng langit; at silang mangagbabalik ng marami sa katuwiran ay parang mga bituin magpakailan man.
4Ko koe ia, e Raniera, kopia nga kupu, hiritia ano te pukapuka a taea noatia te mutunga: he tokomaha e kopikopiko, ka nui haere ano te matauranga.
4Nguni't ikaw, Oh Daniel, isara mo ang mga salita, at tatakan mo ang aklat, hanggang sa panahon ng kawakasan: marami ang tatakbo ng paroo't parito, at ang kaalaman ay lalago.
5¶ Katahi ahau, a Raniera, ka titiro, na ko etahi atu tokorua e tu ana, ko tetahi i tenei taha o te parenga o te awa, ko tetahi i tera taha o te parenga o te awa.
5Nang magkagayo'y akong si Daniel ay tumingin, at, narito, nakatayo ang ibang dalawa, ang isa'y sa dakong ito ng pangpang ng ilog, at ang isa'y sa kabilang pangpang ng ilog sa dakong yaon.
6Na ko te meatanga a tetahi ki te tangata i te kakahu rinena, ki tera i runga i nga wai o te awa, Ko ahea ra ano te mutunga o enei mea whakamiharo?
6At ang isa'y nagsalita sa lalaking nabibihisan ng kayong lino, na nasa ibabaw ng tubig ng ilog, Hanggang kailan mangyayari ang wakas ng mga kababalaghang ito?
7A i rongo ahau i ta te tangata i te kakahu rinena, i ta tera i runga i nga wai o te awa, i te aranga o tona matau, o tona maui whaka te rangi, a oatitia ana e ia ma tera e ora tonu ana ake ake, kia taka ra ano tetahi wa, nga wa, me te hawhe; a ki a oti ta ratou tukituki i te kaha o te iwi tapu, katahi ka oti enei katoa.
7At aking napakinggan ang lalaking nakapanamit ng kayong lino, na nasa ibabaw ng tubig ng ilog, nang kaniyang itaas ang kaniyang kanan at kaniyang kaliwang kamay sa langit, at sumumpa sa pamamagitan ng nabubuhay magpakailan man na magiging sa isang panahon, mga panahon, at kalahati ng isang panahon; at pagka kanilang natapos na mapagputol-putol ang kapangyarihan ng banal na bayan, ang lahat na bagay na ito ay matatapos.
8A ka rongo ahau, engari kihai i matau; katahi ahau ka mea, E toku Ariki, he aha ra te mutunga o enei mea?
8At aking narinig, nguni't di ko naunawa: nang magkagayo'y sinabi ko, Oh Panginoon ko, ano ang magiging wakas ng mga bagay na ito?
9Katahi tera ka ki mai, Haere, e Raniera, kua oti hoki nga kupu te kokopi atu, hiri rawa a taea noatia te wa o te mutunga.
9At sinabi niya, Yumaon ka ng iyong lakad, Daniel; sapagka't ang mga salita ay nasarhan at natatakan hanggang sa panahon ng kawakasan.
10He tokomaha e mea i a ratou kia pokekore, kia ma, kia parakore; engari ko te hunga kino ka mahi i te kino, a e kore tetahi o te hunga kino e matau; ko te hunga whai whakaaro ia ka matau.
10Marami ang magpapakalinis, at magpapakaputi, at magpapakadalisay; nguni't ang masasama ay gagawa na may kasamaan; at wala sa masasama na makakaunawa; nguni't silang pantas ay mangakakaunawa.
11Na, mai o te wa e whakakahoretia ai te patunga tapu tuturu, e tu ai te mea whakarihariha, te mea whakangaro, kotahi mano e rua rau e iwa tekau nga ra.
11At mula sa panahon na ang palaging handog na susunugin ay aalisin, at matatayo ang kasuklamsuklam na naninira, ay magkakaroon ng isang libo't dalawang daan at siyam na pung araw.
12Ka hari te tangata e tatari ana, a ka tutuki ki nga ra kotahi mano e toru rau e toru tekau ma rima.
12Mapalad siyang naghihintay, at datnin ng isang libo't tatlong daan at tatlong pu't limang araw.
13Na haere kia taea ra ano te mutunga; ka okioki hoki koe, a ka tu ki tou wahi i te mutunga o nga ra.
13Nguni't yumaon ka ng iyong lakad hanggang sa ang wakas ay mangyari; sapagka't ikaw ay magpapahinga, at tatayo sa iyong kapalaran, sa wakas ng mga araw.