1Jakob, Guds og den Herre Jesu Kristi tjener, hilser de tolv stammer som er spredt omkring i landene.
1Si Santiago, na alipin ng Dios at ng Panginoon Jesucristo, ay bumabati sa labingdalawang angkan na nasa Pangangalat.
2Akt det for bare glede, mine brødre, når I kommer i allehånde fristelser,
2Mga kapatid ko, ariin ninyong buong kagalakan, kung kayo'y mangahulog sa sarisaring tukso;
3da I vet at prøvelsen av eders tro virker tålmodighet;
3Yamang nalalaman na ang pagsubok sa inyong pananampalataya ay gumagawa ng pagtitiis.
4men tålmodigheten må føre til fullkommen gjerning, forat I kan være fullkomne og hele og ikke mangle noget.
4At inyong pabayaan na ang pagtitiis ay magkaroon ng sakdal na gawa, upang kayo'y maging sakdal at ganap, na walang anoman kakulangan.
5Men dersom nogen av eder mangler visdom, da bede han Gud, han som gir alle villig og uten onde ord, og den skal gis ham.
5Nguni't kung nagkukulang ng karunungan ang sinoman sa inyo, ay humingi sa Dios, na nagbibigay ng sagana sa lahat at hindi nanunumbat; at ito'y ibibigay sa kaniya.
6Men han bede i tro, uten å tvile; for den som tviler, ligner havsbølgen, som drives og kastes av vinden.
6Nguni't humingi siyang may pananampalataya, na walang anomang pagaalinlangan: sapagka't yaong nagaalinlangan ay katulad ng isang alon ng dagat na itinutulak ng hangin at ipinapadpad sa magkabikabila.
7For ikke må det menneske tro at han skal få noget av Herren,
7Sapagka't huwag isipin ng taong yaon na siya'y tatanggap ng anoman bagay sa Panginoon;
8slik en tvesinnet mann, ustø på alle sine veier.
8Ang taong may dalawang akala, ay walang tiyaga sa lahat ng kaniyang mga paglakad.
9Men den ringe bror rose sig av sin høihet,
9Datapuwa't ang kapatid na mababang kapalaran ay magmapuri sa kaniyang mataas na kalagayan:
10og den rike av sin ringhet; for han skal forgå som blomst på gress;
10At ang mayaman, dahil sa siya'y pinababa: sapagka't siya'y lilipas na gaya ng bulaklak ng damo.
11solen gikk op med sin brand og tørket gresset bort, og blomsten på det falt av, og dets fagre skikkelse blev ødelagt; således skal og den rike visne bort på sine veier.
11Sapagka't sumisikat ang araw na may hanging nakakasunog, at naluluoy ang damo; at nangalalagas ang bulaklak nito, at nawawala ang karikitan ng kaniyang anyo: gayon din naman ang taong mayaman na malalanta sa lahat ng kaniyang mga paglakad.
12Salig er den mann som holder ut i fristelse; for når han har stått sin prøve, skal han få livsens krone, som Gud har lovt dem som elsker ham.
12Mapalad ang taong nagtitiis ng tukso; sapagka't pagkasubok sa kaniya, siya'y tatanggap ng putong ng buhay, na ipinangako ng Panginoon sa mga nagsisiibig sa kaniya.
13Ingen si når han fristes: Jeg fristes av Gud. For Gud fristes ikke av det onde, og selv frister han ingen.
13Huwag sabihin ng sinoman pagka siya'y tinutukso, Ako'y tinutukso ng Dios; sapagka't ang Dios ay hindi matutukso sa masamang bagay, at hindi rin naman siya nanunukso sa kanino man:
14Men hver fristes idet han drages og lokkes av sin egen lyst;
14Kundi ang bawa't tao ay natutukso, pagka nahihila ng sariling masamang pita at nahihikayat.
15derefter, når lysten har undfanget, føder den synd; men når synden er blitt fullmoden, føder den død.
15Kung magkagayo'y ang kahalayan, kung maipaglihi ay nanganganak ng kasalanan: at ang kasalanan, pagka malaki na ay namumunga ng kamatayan.
16Far ikke vill, mine elskede brødre!
16Huwag kayong padaya, mga minamahal kong kapatid.
17All god gave og all fullkommen gave kommer ovenfra, fra lysenes Fader, hos hvem det ikke er forandring eller skiftende skygge.
17Ang bawa't mabuting kaloob at ang bawa't sakdal na kaloob ay pawang buhat sa itaas, na bumababa mula sa Ama ng mga ilaw, na walang pagbabago, ni kahit anino man ng pagiiba.
18Efter sin vilje har han født oss ved sannhets ord, forat vi skal være en førstegrøde av hans skapninger.
18Sa kaniyang sariling kalooban ay kaniya tayong ipinanganak sa pamamagitan ng salita ng katotohanan, upang tayo'y maging isang uri ng mga pangunahing bunga ng kaniyang mga nilalang.
19I vet det jo, mine elskede brødre! Men hvert menneske være snar til å høre, sen til å tale, sen til vrede;
19Nalalaman ninyo ito, minamahal kong mga kapatid. Nguni't magmaliksi ang bawa't tao sa pakikinig, magmakupad sa pananalita, magmakupad sa pagkagalit;
20for manns vrede virker ikke det som er rett for Gud.
20Sapagka't ang galit ng tao ay hindi gumagawa ng katuwiran ng Dios.
21Avlegg derfor all urenhet og all levning av ondskap, og ta med saktmodighet imot det ord som er innplantet i eder, og som er mektig til å frelse eders sjeler!
21Kaya't ihiwalay ninyo ang lahat na karumihan at ang pagapaw ng kasamaan, at tanggapin ninyo na may kaamuan ang salitang itinanim, na makapagliligtas ng inyong mga kaluluwa.
22Men vær ordets gjørere, og ikke bare dets hørere, idet I dårer eder selv.
22Datapuwa't maging tagatupad kayo ng salita, at huwag tagapakinig lamang, na inyong dinadaya ang inyong sarili.
23For dersom en er ordets hører og ikke dets gjører, da ligner han en mann som ser på sitt naturlige åsyn i et speil:
23Sapagka't kung ang sinoman ay tagapakinig ng salita at hindi tagatupad, ay katulad siya ng isang tao na tinitingnan ang kaniyang talagang mukha sa salamin:
24han så på sig selv og gikk bort, og glemte straks hvordan han så ut.
24Sapagka't minamasdan niya ang kaniyang sarili, at siya'y umaalis at pagdaka'y kaniyang nalilimutan kung ano siya.
25Men den som skuer inn i frihetens fullkomne lov og holder ved med det, så han ikke blir en glemsom hører, men gjerningens gjører, han skal være salig i sin gjerning.
25Nguni't ang nagsisiyasat ng sakdal na kautusan, ang kautusan ng kalayaan, at nananatiling gayon, na hindi tagapakinig na lumilimot, kundi tagatupad na gumagawa, ay pagpapalain ang taong ito sa kaniyang ginagawa.
26Dersom en mener at han er en gudsdyrker, og ikke holder sin tunge i tømme, men dårer sitt eget hjerte, hans gudsdyrkelse er forgjeves.
26Kung ang sinoman ay nagiisip na siya'y relihioso samantalang hindi pinipigil ang kaniyang dila, kundi dinadaya ang kaniyang puso, ang relihion ng taong ito ay walang kabuluhan.
27En ren og usmittet gudsdyrkelse for Gud og Faderen er dette: å se til farløse og enker i deres trengsel, å holde sig selv uplettet av verden.
27Ang dalisay na relihion at walang dungis sa harapan ng ating Dios at Ama ay ito, dalawin ang mga ulila at mga babaing bao sa kanilang kapighatian, at pagingatang walang dungis ang kaniyang sarili sa sanglibutan.