1Men folket knurret, og dette mishaget Herren; for da Herren hørte det, blev hans vrede optendt, og ild fra Herren slo ned mellem dem og fortærte nogen ytterst i leiren.
1At ang bayan ay naging parang mapag-upasala na nagsalita ng masasama sa pakinig ng Panginoon: at nang marinig ng Panginoon ay nagningas ang kaniyang galit; at ang apoy ng Panginoon ay sumunog sa gitna nila, at sinupok ang kahulihulihang bahagi ng kampamento.
2Da ropte folket til Moses, og Moses bad til Herren, og ilden blev slukket.
2At ang bayan ay humibik kay Moises; at si Moises ay nanalangin sa Panginoon at ang apoy ay namatay.
3Og han kalte dette sted Tabera*, fordi Herrens ild hadde slått ned mellem dem. / {* brand.}
3At ang pangalan ng dakong yaon ay tinawag na Tabera: sapagka't ang apoy ng Panginoon ay sumunog sa gitna nila.
4Men den sammenløpne hop som fulgte med dem, blev grepet av lystenhet; også Israels barn begynte da atter å jamre sig og sa: Å, om vi hadde kjøtt å ete!
4At ang halohalong karamihan na nasa gitna nila ay nahulog sa kasakiman: at ang mga anak ni Israel naman ay muling umiyak at nagsabi, Sino ang magbibigay sa atin ng karneng makakain?
5Vi minnes fisken som vi åt i Egypten for intet, gresskarene og melonene og purren og rødløken og hvitløken.
5Ating naaalaala ang isda, na ating kinakain sa Egipto na walang bayad; ang mga pipino, at ang mga milon, at ang mga puero, at ang mga sibuyas, at ang bawang:
6Men nu vansmekter vår sjel, for her er ingenting; Vi ser ikke annet for våre øine enn mannaen.
6Nguni't ngayo'y ang ating kaluluwa ay natutuyo; walang kaanoanoman: sa ating harapan ay walang anoman kundi ang manang ito.
7Mannaen lignet korianderfrø, og av utseende var den som bdellium.
7At ang mana ay gaya ng butil ng culantro, at ang kulay niyaon ay gaya ng kulay ng bdelio.
8Folket løp hit og dit og sanket og malte den på håndkvern eller støtte den i morter og kokte den i gryter eller bakte kaker av den, og den smakte som oljekake.
8Ang bayan ay dumadaan sa palibot, at pinupulot yaon, at kanilang ginigiling sa mga gilingan, o kanilang dinidikdik sa mga lusong, at kanilang niluluto sa mga palyok, at ginagawa nilang munting tinapay at ang lasa ay gaya ng lasa ng bagong langis.
9Når duggen falt ned over leiren om natten, da falt mannaen ned sammen med den.
9At pagka ang hamog ay nahuhulog sa ibabaw ng kampamento sa gabi, ang mana ay nahuhulog.
10Og Moses hørte folket gråte rundt om i alle familier, enhver i døren til sitt telt, og Herrens vrede optendtes storlig; og Moses blev ille til mote derover.
10At narinig ni Moises ang pag-iiyakan ng bayan sa kanikaniyang sangbahayan, na bawa't lalake ay nasa pintuan ng kaniyang tolda; at ang galit ng Panginoon ay nagningas na mainam; at sumama ang loob ni Moises.
11Da sa Moses til Herren: Hvorfor har du gjort så ille mot din tjener, og hvorfor har jeg ikke funnet nåde for dine øine, siden du har lagt byrden av hele dette folk på mig?
11At sinabi ni Moises sa Panginoon, Bakit mo ginawan ng masama ang iyong lingkod? at bakit hindi ako nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin, na iyong iniatang sa akin ang pasan ng buong bayang ito.
12Har jeg undfanget hele dette folk, har jeg født det, siden du sier jeg skal bære det i min favn, likesom ammen bærer det diende barn, og føre det til det land du har tilsvoret dets fedre?
12Akin ba kayang ipinaglihi ang buong bayang ito? ipinanganak ko ba upang iyong sabihin sa akin, Kandungin mo sila sa iyong kandungan, na gaya ng nag-aalagang magulang na kinakandong ang kaniyang batang pasusuhin, sa lupain na iyong isinumpa sa kanilang mga magulang?
13Hvor skal jeg ta kjøtt fra til hele dette folk? For de kommer gråtende til mig og sier: Gi oss kjøtt å ete!
13Saan ako kukuha ng karne upang ibigay sa buong bayang ito? sapagka't sila'y umiyak sa akin, na nagsisipagsabi, Bigyan mo kami ng karneng aming makain.
14Jeg makter ikke å bære hele dette folk alene; det er mig for tungt.
14Hindi ko kayang dalhing magisa ang buong bayang ito, sapagka't totoong mabigat sa akin.
15Vil du gjøre således mot mig, så drep mig heller med én gang, dersom jeg har funnet nåde for dine øine, og la mig slippe å se min ulykke!
15At kung ako'y ginagawan mo ng ganito ay patayin mo na ako, ipinamamanhik ko sa iyo, kung ako'y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin; at huwag ko nang makita ang aking kahirapan.
16Da sa Herren til Moses: Kall mig sammen sytti menn av Israels eldste, de som du vet er folkets eldste og dets tilsynsmenn, og du skal ta dem med dig til sammenkomstens telt, og la dem stille sig op der sammen med dig.
16At sinabi ng Panginoon kay Moises, Pisanin mo sa akin ang pitong pung lalake sa mga matanda sa Israel, sa iyong mga nalalaman na mga matanda sa bayan at mga nangungulo sa kanila; at dalhin mo sa tabernakulo ng kapisanan, upang sila'y makatayo roon na kasama mo.
17Så vil jeg komme ned og tale med dig der, og jeg vil ta av den ånd som er over dig, og legge på dem, så de kan bære byrden av folket sammen med dig, og du ikke skal bære den alene.
17At ako'y bababa at makikipag-usap sa iyo doon; at ako'y kukuha sa Espiritung sumasaiyo at aking isasalin sa kanila; at kanilang dadalhin ang pasan ng bayan na kasama mo, upang huwag mong dalhing magisa.
18Og til folket skal du si: Hellige eder til imorgen, så skal I få kjøtt å ete, siden I har grått for Herren og sagt: Å, om vi hadde kjøtt å ete, for i Egypten hadde vi det godt. Nu vil Herren gi eder kjøtt, så I kan ete.
18At sabihin mo sa bayan, Magpakabanal kayo, para sa kinabukasan, at kayo'y magsisikain ng karne: sapagka't kayo'y nagsisiiyak sa pakinig ng Panginoon, na sinasabi, Sinong magbibigay sa amin ng karne na aming makakain? sapagka't maigi kahit nang nasa Egipto: dahil dito bibigyan kayo ng Panginoon ng karne at kakain kayo.
19Ikke bare én dag skal I ete av det, og ikke to dager og ikke fem dager og ikke tyve dager,
19Hindi ninyo kakaning isang araw, ni dalawang araw, ni limang araw, ni sangpung araw, ni dalawang pung araw;
20men en hel måned, til I ikke lenger tåler lukten av det, og det byr eder imot, fordi I foraktet Herren, som er midt iblandt eder, og gråt for hans åsyn og sa: Hvorfor drog vi da ut av Egypten?
20Kundi isang buong buwan, hanggang sa lumabas sa inyong mga ilong, at inyong kasuyaan: sapagka't inyong itinakuwil ang Panginoon na nasa gitna ninyo, at kayo'y umiyak sa harap niya, na nagsasabi, Bakit kami nakaalis sa Egipto?
21Og Moses sa: Seks hundre tusen mann til fots teller det folk som jeg følges med, og du sier: Jeg vil gi dem kjøtt, så de kan ete en hel måned!
21At sinabi ni Moises, Ang bayan na kinaroroonan ko, ay anim na raang libong katao na nakatayo; at iyong sinabi, Akin silang bibigyan ng karne na kanilang makakain sa buong buwan.
22Skal der da slaktes så meget småfe og storfe til dem at det blir nok for dem? Eller skal alle fiskene i havet sankes sammen til dem, så det blir nok for dem?
22Papatayin ba kaya ang mga kawan at mga bakahan, upang magkasya sa kanila? o ang lahat ng isda sa dagat at titipunin sa kanila upang magkasya sa kanila?
23Da sa Herren til Moses: Er Herrens arm for kort? Nu skal du få se om det vil gå dig som jeg har sagt, eller ikke.
23At sinabi ng Panginoon kay Moises, Umikli na ba kaya ang kamay ng Panginoon? ngayo'y makikita mo kung ang aking salita ay matutupad sa iyo o hindi.
24Så gikk Moses ut og kunngjorde Herrens ord for folket, og han samlet sytti menn av folkets eldste og lot dem stille sig rundt om teltet.
24At si Moises ay lumabas, at isinaysay sa bayan ang mga salita ng Panginoon: at siya'y nagpisan ng pitong pung lalake sa mga matanda sa bayan at kaniyang pinatayo sa palibot ng Tolda.
25Da kom Herren ned i skyen og talte til ham, og han tok av den ånd som var over ham, og la på de sytti eldste, og det skjedde da ånden hvilte over dem, da talte de profetiske ord, men siden gjorde de det ikke mere.
25At ang Panginoon ay bumaba sa ulap, at nagsalita sa kaniya; at kumuha sa Espiritung sumasakaniya at isinalin sa pitong pung matanda: at nangyari, na nang sumakanila ang Espiritu, ay nanganghula, nguni't hindi na sila umulit.
26Men det var to menn blitt tilbake i leiren, den ene hette Eldad, og den andre Medad, og ånden hvilte over dem, for de var blandt de opskrevne, men de var ikke gått ut til teltet; og de talte profetisk i leiren.
26Nguni't naiwan ang dalawang lalake sa kampamento, na ang pangalan ng isa ay Eldad, at ang pangalan ng isa ay Medad: at ang Espiritu ay sumasakanila; at sila'y kabilang sa nangasulat, nguni't hindi nagsilabas sa Tolda: at sila'y nanghula sa kampamento.
27Da løp en gutt ut og meldte det til Moses og sa: Eldad og Medad taler profetisk i leiren.
27At tumakbo ang isang binata, at isinaysay kay Moises, at sinabi, Si Eldad at si Medad ay nanghuhula sa kampamento.
28Og Josva, Nuns sønn, som hadde tjent Moses fra sin ungdom av, tok til orde og sa: Min herre Moses, forbyd dem det!
28At si Josue na anak ni Nun, na tagapangasiwa ni Moises, na isa sa kaniyang mga piling lalake, ay sumagot at nagsabi, Panginoon kong Moises, pagbawalan mo sila.
29Men Moses sa til ham: Er du nidkjær for min skyld? Gid alt Herrens folk var profeter, gid Herren vilde legge sin Ånd på dem!
29At sinabi ni Moises sa kaniya, Ikaw ba'y may paninibugho sa akin? ibigin nawa na ang buong bayan ng Panginoon ay maging propeta na isakanila ng Panginoon ang kaniyang Espiritu!
30Så gikk Moses tilbake til leiren, både han og de eldste av Israel.
30At naparoon si Moises sa kampamento, siya at ang mga matanda sa Israel.
31Da brøt det løs en storm fra Herren, og den førte vaktler inn fra havet og strødde dem over leiren, omkring en dagsreise på den ene kant og omkring en dagsreise på den andre kant rundt om leiren og omkring to alen over jordens overflate.
31At lumabas ang isang hanging galing sa Panginoon, at nagdala ng mga pugo na mula sa dagat, at pinalapag sa kampamento na may isang araw lakarin sa dakong ito, at isang araw lakarin sa kabilang dako sa palibot ng kampamento, at nagsilipad na may dalawang siko ang taas sa balat ng lupa.
32Da stod folket op og gikk hele den dag og hele natten og hele den næste dag og sanket vaktlene; den som hadde samlet minst, hadde sanket ti homer. Og de bredte dem ut rundt om leiren.
32At ang bayan ay nangakatindig ng buong araw na yaon at ng buong gabi, at ng buong ikalawang araw, at nagsipanghuli ng mga pugo; yaong kaunti ang napisan ay nakapisan ng sangpung homer: at kanilang ikinalat para sa kanila sa buong palibot ng kampamento.
33Men mens kjøttet ennu var mellem deres tenner, før det var helt fortært, optendtes Herrens vrede mot folket, og Herren lot det bli et meget stort mannefall blandt folket.
33Samantalang ang karne ay nasa kanilang mga ngipin pa, na hindi pa nila nangunguya ay nagningas laban sa bayan ang galit ng Panginoon at sinaktan ng Panginoon ang bayan ng isang salot na di kawasa.
34Og de kalte dette sted Kibrot Hatta'ava*, fordi de der begravde dem som hadde vært så lystne. / {* lystenhets graver.}
34At ang pangalan ng dakong yaon ay tinawag na Kibroth-hattaavah; sapagka't doon inilibing nila ang bayang sakim.
35Fra Kibrot-Hatta'ava brøt folket op til Haserot, og de blev i Haserot.
35Mula sa Kibroth-hattaavah ay naglakbay ang bayan na patungo sa Haseroth; at sila'y tumira sa Haseroth.