1Salige er de hvis vei er ulastelig, som vandrer i Herrens lov.
1Mapalad silang sakdal sa lakad, na nagsisilakad sa kautusan ng Panginoon.
2Salige er de som tar vare på hans vidnesbyrd, som søker ham av hele sitt hjerte
2Mapalad silang nangagiingat ng kaniyang mga patotoo, na nagsisihanap sa kaniya ng buong puso.
3og ikke gjør urett, men vandrer på hans veier.
3Oo, silang hindi nagsisigawa ng kalikuan; sila'y nagsisilakad sa kaniyang mga daan.
4Du har gitt dine befalinger forat en skal holde dem nøie.
4Iyong iniutos sa amin ang mga tuntunin mo, upang aming sunding masikap.
5O, at mine veier måtte bli faste, så jeg holder dine forskrifter!
5Oh matatag nawa ang aking mga daan, upang sundin ang mga palatuntunan mo!
6Da skal jeg ikke bli til skamme når jeg gir akt på alle dine bud.
6Hindi nga ako mapapahiya, pagka ako'y nagkaroon ng galang sa inyong lahat na mga utos.
7Jeg vil prise dig i hjertets opriktighet når jeg lærer din rettferdighets lover å kjenne.
7Ako'y magpapasalamat sa iyo sa pamamagitan ng katuwiran ng puso, pagka aking natutuhan ang mga matuwid mong kahatulan.
8Dine forskrifter vil jeg holde; du må ikke rent forlate mig!
8Aking tutuparin ang mga palatuntunan mo: Oh huwag mo akong pabayaang lubos.
9Hvorved skal den unge holde sin sti ren? Ved å holde sig efter ditt ord.
9Sa paano lilinisin ng isang binata ang kaniyang daan? Sa pagdinig doon ayon sa iyong salita.
10Av hele mitt hjerte har jeg søkt dig; la mig ikke fare vill fra dine bud!
10Hinanap kita ng aking buong puso: Oh huwag nawa akong malihis sa iyong mga utos.
11I mitt hjerte har jeg gjemt ditt ord forat jeg ikke skal synde imot dig.
11Ang salita mo'y aking iningatan sa aking puso: upang huwag akong magkasala laban sa iyo.
12Lovet være du, Herre! Lær mig dine forskrifter!
12Mapalad ka, Oh Panginoon: ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.
13Med mine leber har jeg forkynt alle lover fra din munn.
13Aking ipinahayag ng aking mga labi ang lahat ng mga kahatulan ng iyong bibig.
14Over dine vidnesbyrds vei har jeg gledet mig, som over all rikdom.
14Ako'y nagalak sa daan ng iyong mga patotoo, na gaya ng lahat na kayamanan.
15På dine befalinger vil jeg grunde og tenke på dine stier.
15Ako'y magbubulay sa iyong mga tuntunin, at gagalang sa iyong mga daan.
16I dine forskrifter forlyster jeg mig, jeg glemmer ikke ditt ord.
16Ako'y magaaliw sa iyong mga palatuntunan: hindi ko kalilimutan ang iyong salita.
17Gjør vel imot din tjener, så jeg kan leve! Da vil jeg holde ditt ord.
17Gawan ng mabuti ang iyong lingkod, upang ako'y mabuhay; sa gayo'y aking susundin ang iyong salita.
18Lat op mine øine, så jeg kan skue de underfulle ting i din lov!
18Idilat mo ang aking mga mata, upang ako'y makakita ng kagilagilalas na mga bagay sa iyong kautusan.
19Jeg er en gjest på jorden; skjul ikke dine bud for mig!
19Ako'y nakikipamayan sa lupa: huwag mong ikubli ang mga utos mo sa akin.
20Min sjel er knust, så jeg lenges efter dine lover til enhver tid.
20Ang puso ko'y nadudurog sa pananabik na tinatamo sa iyong mga kahatulan sa lahat ng panahon.
21Du har truet de overmodige, de forbannede, som farer vill fra dine bud.
21Iyong sinaway ang mga palalong sinumpa, na nagsisihiwalay sa iyong mga utos.
22Ta skam og forakt bort fra mig! For jeg har tatt vare på dine vidnesbyrd.
22Alisin mo sa akin ang kadustaan at kakutyaan; sapagka't iningatan ko ang iyong mga patotoo.
23Fyrster har også sittet og talt sammen imot mig; din tjener grunder på dine forskrifter.
23Mga pangulo naman ay nagsiupo, at naguusap ng laban sa akin; nguni't ang lingkod mo'y nagbulay sa iyong mga palatuntunan.
24Dine vidnesbyrd er også min lyst; de er mine rådgivere.
24Ang mga patotoo mo naman ay aking mga kaluguran at aking mga tagapayo.
25Min sjel er nedtrykt i støvet; hold mig i live efter ditt ord!
25Ang kaluluwa ko'y dumidikit sa alabok: buhayin mo ako ayon sa iyong salita.
26Jeg fortalte dig mine veier, og du svarte mig; lær mig dine forskrifter!
26Aking ipinahayag ang mga lakad ko, at ikaw ay sumagot sa akin: ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.
27La mig forstå dine befalingers vei! Så vil jeg grunde på dine undergjerninger.
27Ipaunawa mo sa akin ang daan ng iyong mga tuntunin: sa gayo'y aking bubulayin ang iyong kagilagilalas na mga gawa.
28Min sjel gråter av sorg; reis mig op efter ditt ord!
28Ang kaluluwa ko'y natutunaw sa kabigatan ng loob: iyong palakasin ako ayon sa iyong salita.
29Vend løgnens vei bort fra mig, og unn mig din lov!
29Ilayo mo sa akin ang daan ng kasinungalingan: at ipagkaloob mo sa aking may pagbibiyaya ang iyong kautusan.
30Trofasthets vei har jeg utvalgt, dine lover har jeg satt for mig.
30Aking pinili ang daan ng pagtatapat: ang mga kahatulan mo'y inilagay ko sa harap ko.
31Jeg henger ved dine vidnesbyrd; Herre, la mig ikke bli til skamme!
31Ako'y kumapit sa iyong mga patotoo: Oh Panginoon, huwag mo akong ilagay sa kahihiyan.
32Dine buds vei vil jeg løpe; for du frir mitt hjerte fra angst.
32Aking tatakbuhan ang daan ng iyong mga utos, pagka iyong pinalaki ang aking puso.
33Lær mig, Herre, dine forskrifters vei! Så vil jeg ta vare på den inntil enden.
33Ituro mo sa akin, Oh Panginoon, ang daan ng iyong mga palatuntunan; at aking iingatan hanggang sa wakas.
34Lær mig! Så vil jeg ta vare på din lov og holde den av hele mitt hjerte.
34Bigyan mo ako ng pagkaunawa at aking iingatan ang iyong kautusan; Oo, aking susundin ng aking buong puso.
35Led mig frem på dine buds sti! For i den har jeg min lyst.
35Payaunin mo ako sa landas ng iyong mga utos; sapagka't siya kong kinaaliwan.
36Bøi mitt hjerte til dine vidnesbyrd og ikke til vinning!
36Ikiling mo ang aking puso sa iyong mga patotoo, at huwag sa kasakiman.
37Vend mine øine bort fra å se efter tomhet, hold mig i live på din vei!
37Alisin mo ang aking mga mata sa pagtingin ng walang kabuluhan. At buhayin mo ako sa iyong mga daan.
38Opfyll for din tjener ditt ord, som er for dem som frykter dig!
38Papagtibayin mo ang iyong salita sa iyong lingkod, na ukol sa takot sa iyo.
39Ta bort min vanære, som jeg frykter for! For dine lover er gode.
39Alisin mo ang aking kadustaan na aking kinatatakutan: sapagka't ang mga kahatulan mo'y mabuti.
40Se, jeg lenges efter dine befalinger; hold mig i live ved din rettferdighet!
40Narito, ako'y nanabik sa iyong mga tuntunin; buhayin mo ako sa iyong katuwiran.
41La dine nådegjerninger, Herre, komme over mig, din frelse efter ditt ord!
41Padatingin mo rin sa akin ang iyong mga kagandahang-loob, Oh Panginoon, sa makatuwid baga'y ang iyong kaligtasan, ayon sa iyong salita.
42Jeg vil gi den svar som håner mig; for jeg setter min lit til ditt ord.
42Sa gayo'y magkakaroon ako ng kasagutan sa kaniya na dumuduwahagi sa akin; sapagka't ako'y tumitiwala sa iyong salita.
43Ta ikke sannhets ord så rent bort fra min munn! For jeg bier på dine dommer.
43At huwag mong lubos na kunin ang salita ng katotohanan sa aking bibig; sapagka't ako'y umasa sa iyong mga kahatulan.
44Jeg vil holde din lov stadig, evindelig og alltid.
44Gayon ko susundin ang iyong kautusan na palagi magpakailan-kailan pa man.
45La mig vandre i fritt rum! For jeg spør efter dine befalinger.
45At lalakad ako sa kalayaan; sapagka't aking hinanap ang iyong mga tuntunin.
46Jeg vil tale om dine vidnesbyrd for konger og skal ikke bli til skamme.
46Ako nama'y magsasalita ng iyong mga patotoo sa harap ng mga hari, at hindi ako mapapahiya.
47Jeg har min lyst i dine bud, som jeg elsker.
47At ako'y maaaliw sa iyong mga utos, na aking iniibig.
48Jeg løfter mine hender til dine bud, som jeg elsker, og jeg vil grunde på dine forskrifter.
48Akin namang itataas ang aking mga kamay sa iyong mga utos, na aking inibig; at ako'y magbubulay sa iyong mga palatuntunan.
49Kom i hu ordet til din tjener, fordi du har gitt mig håp!
49Iyong alalahanin ang salita sa iyong lingkod, na doo'y iyong pinaasa ako.
50Det er min trøst i min elendighet at ditt ord har holdt mig i live.
50Ito'y aking kaaliwan sa aking pagkapighati: sapagka't binuhay ako ng iyong salita.
51De overmodige har spottet mig såre; fra din lov er jeg ikke avveket.
51Ang palalo ay dumuwahaging mainam sa akin: gayon ma'y hindi ako hihiwalay sa iyong kautusan.
52Jeg kom dine dommer fra evighet i hu, Herre, og jeg blev trøstet.
52Aking inalaala ang mga kahatulan mo ng una, Oh Panginoon, at ako'y nagaliw sa sarili.
53En brennende harme har grepet mig over de ugudelige, som forlater din lov.
53Maalab na galit ang humawak sa akin, dahil sa masama na nagpabaya ng iyong kautusan.
54Dine forskrifter er blitt mine lovsanger i min utlendighets hus.
54Ang iyong mga palatuntunan ay naging aking mga awit sa bahay ng aking pangingibang bayan.
55Jeg kom om natten ditt navn i hu, Herre, og jeg holdt din lov.
55Aking inalaala sa gabi ang pangalan mo, Oh Panginoon, at sinunod ko ang iyong kautusan.
56Dette blev mig gitt: at jeg har tatt vare på dine befalinger.
56Ito ang tinamo ko, sapagka't aking iningatan ang mga tuntunin mo.
57Herren er min del, sa jeg, idet jeg holdt dine ord.
57Ang Panginoon ay aking bahagi: aking sinabi na aking tutuparin ang iyong mga salita.
58Jeg bønnfalt dig av hele mitt hjerte: Vær mig nådig efter ditt ord!
58Aking hiniling ang iyong biyaya ng aking buong puso: magmahabagin ka sa akin ayon sa iyong salita.
59Jeg eftertenkte mine veier og vendte mine føtter til dine vidnesbyrd.
59Ako'y nagiisip sa aking mga lakad, at ibinalik ko ang aking mga paa sa iyong mga patotoo.
60Jeg hastet og ventet ikke med å holde dine bud.
60Ako'y nagmadali, at hindi ako nagmakupad, na sundin ang iyong mga utos.
61De ugudeliges strikker har omspent mig, din lov har jeg ikke glemt.
61Pinuluputan ako ng mga panali ng masama; nguni't hindi ko nilimot ang iyong kautusan.
62Midt om natten står jeg op for å prise dig for din rettferdighets lover.
62Sa hating gabi ay babangon ako upang magpasalamat sa iyo, dahil sa iyong mga matuwid na kahatulan.
63Jeg holder mig til alle dem som frykter dig, og som holder dine befalinger.
63Ako'y kasama ng lahat na nangatatakot sa iyo, at ng nagsisitupad ng iyong mga tuntunin.
64Jorden er full av din miskunnhet, Herre; lær mig dine forskrifter!
64Ang lupa, Oh Panginoon, ay puno ng iyong kagandahang-loob: ituro mo sa akin ang iyong mga palatuntunan.
65Du har gjort vel imot din tjener, Herre, efter ditt ord.
65Ginawan mo ng mabuti ang iyong lingkod, Oh Panginoon, ayon sa iyong salita.
66Lær mig god skjønnsomhet og kunnskap! For jeg tror på dine bud.
66Turuan mo ako ng mabuting kahatulan at kaalaman; sapagka't ako'y sumampalataya sa iyong mga utos.
67Før jeg blev ydmyket, fór jeg vill; men nu holder jeg ditt ord.
67Bago ako nagdalamhati ay naligaw ako; nguni't ngayo'y tinutupad ko ang iyong salita.
68Du er god og gjør godt; lær mig dine forskrifter!
68Ikaw ay mabuti, at gumagawa ng mabuti; ituro mo sa akin ang iyong mga palatuntunan.
69De overmodige har spunnet løgn sammen imot mig; jeg holder dine befalinger av hele mitt hjerte.
69Ang palalo ay kumatha ng kabulaanan laban sa akin: aking tutuparin ang iyong mga tuntunin ng buong puso ko.
70Deres hjerte er som en fettklump; jeg har min lyst i din lov.
70Ang puso nila ay matabang gaya ng sebo; nguni't ako'y naaaliw sa iyong kautusan.
71Det var mig godt at jeg blev ydmyket, forat jeg kunde lære dine forskrifter.
71Mabuti sa akin na ako'y napighati; upang aking matutuhan ang mga palatuntunan mo.
72Din munns lov er mig bedre enn tusen stykker gull og sølv.
72Ang kautusan ng iyong bibig ay lalong mabuti sa akin kay sa libong ginto at pilak.
73Dine hender har skapt mig og gjort mig; gi mig forstand, forat jeg må lære dine bud!
73Ginawa ako at inanyuan ako ng iyong mga kamay: bigyan mo ako ng unawa, upang matutuhan ko ang iyong mga utos.
74De som frykter dig, skal se mig og glede sig; for jeg venter på ditt ord.
74Silang nangatatakot sa iyo ay makikita ako, at matutuwa; sapagka't ako'y umasa sa iyong salita;
75Jeg vet, Herre, at dine dommer er rettferdighet, og i trofasthet har du ydmyket mig.
75Talastas ko, Oh Panginoon na ang mga kahatulan mo ay matuwid, at sa pagtatapat, iyo akong dinalamhati.
76La din miskunnhet være mig til trøst efter ditt ord til din tjener!
76Isinasamo ko sa iyo na maging kaaliwan ko ang iyong kagandahang-loob, ayon sa iyong salita sa iyong lingkod.
77La din miskunnhet komme over mig, forat jeg kan leve! For din lov er min lyst.
77Dumating nawa sa akin ang iyong malumanay na kaawaan upang ako'y mabuhay: sapagka't ang kautusan mo'y aking kaaliwan.
78La de overmodige bli til skamme! For de har trykket mig ned uten årsak; jeg grunder på dine befalinger.
78Mahiya ang palalo; sapagka't dinaig nila ako ng walang kadahilanan: nguni't ako'y magbubulay sa iyong mga tuntunin.
79La dem vende tilbake til mig, de som frykter dig og kjenner dine vidnesbyrd!
79Bumalik nawa sa akin yaong nangatatakot sa iyo, at silang nangakakakilala ng iyong mga patotoo.
80La mitt hjerte være fullkomment i dine forskrifter, forat jeg ikke skal bli til skamme!
80Maging sakdal nawa ang aking puso sa iyong mga palatuntunan; upang huwag akong mapahiya.
81Min sjel vansmekter av lengsel efter din frelse; jeg venter på ditt ord.
81Pinanglulupaypayan ng aking kaluluwa ang iyong pagliligtas: nguni't umaasa ako sa iyong salita.
82Mine øine vansmekter av lengsel efter ditt ord idet jeg sier: Når vil du trøste mig?
82Pinangangalumatahan ng aking mga mata ang iyong salita, samantalang aking sinasabi, Kailan mo ako aaliwin?
83For jeg er som en skinnsekk i røk*; dine forskrifter glemmer jeg ikke. / {* d.e. jeg tørker bort.}
83Sapagka't ako'y naging parang balat na lalagyan ng alak sa usok; gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang iyong mga palatuntunan.
84Hvor mange er vel din tjeners dager? Når vil du holde dom over mine forfølgere?
84Gaano karami ang mga kaarawan ng iyong lingkod? Kailan ka gagawa ng kahatulan sa kanila na nagsisiusig sa akin?
85De overmodige har gravd graver for mig, de som ikke skikker sig efter din lov.
85Inihukay ako ng palalo ng mga lungaw na hindi mga ayon sa iyong kautusan.
86Alle dine bud er trofasthet; uten årsak forfølger de mig; hjelp mig!
86Lahat mong mga utos ay tapat. Kanilang inuusig ako na may kamalian; tulungan mo ako.
87På lite nær har de tilintetgjort mig i landet; men jeg har ikke forlatt dine befalinger.
87Kanilang tinunaw ako halos sa ibabaw ng lupa; nguni't hindi ko pinabayaan ang mga tuntunin mo.
88Hold mig i live efter din miskunnhet! Så vil jeg ta vare på din munns vidnesbyrd.
88Buhayin mo ako ayon sa iyong kagandahang-loob; sa gayo'y aking iingatan ang patotoo ng iyong bibig.
89Til evig tid, Herre, står ditt ord fast i himmelen.
89Magpakailan man, Oh Panginoon, ang iyong salita ay natatag sa langit.
90Fra slekt til slekt varer din trofasthet; du grunnfestet jorden, og den stod der.
90Ang iyong pagtatapat ay sa lahat ng sali't saling lahi: iyong itinatag ang lupa, at lumalagi.
91Til å utføre dine dommer står de* der enn idag; for alle ting er dine tjenere. / {* himmelen og jorden.}
91Namamalagi sa araw na ito ayon sa iyong mga alituntunin; sapagka't lahat ng bagay ay mga lingkod mo.
92Dersom din lov ikke hadde vært min lyst, var jeg omkommet i min elendighet.
92Kundi ang kautusan mo'y naging aking kaaliwan, namatay nga sana ako sa aking kadalamhatian.
93Til evig tid skal jeg ikke glemme dine befalinger; for ved dem har du holdt mig i live.
93Hindi ko kalilimutan kailan man ang mga tuntunin mo; sapagka't sa pamamagitan ng mga yaon ay binuhay mo ako.
94Din er jeg, frels mig! For jeg har søkt dine befalinger.
94Ako'y iyo, iligtas mo ako, sapagka't aking hinanap ang mga tuntunin mo,
95De ugudelige har bidd på mig for å ødelegge mig; jeg gir akt på dine vidnesbyrd.
95Inabatan ako ng masama upang ako'y patayin; nguni't aking gugunitain ang iyong mga patotoo.
96På all fullkommenhet har jeg sett en ende, men ditt bud strekker sig såre vidt.
96Aking nakita ang wakas ng buong kasakdalan; nguni't ang utos mo'y totoong malawak.
97Hvor jeg har din lov kjær! Hele dagen grunder jeg på den.
97Oh gaanong iniibig ko ang iyong kautusan! Siya kong gunita buong araw.
98Dine bud gjør mig visere enn mine fiender; for til evig tid eier jeg dem.
98Pinarunong ako kay sa aking mga kaaway ng iyong mga utos; sapagka't mga laging sumasa akin.
99Jeg er blitt klokere enn alle mine lærere; for jeg grunder på dine vidnesbyrd.
99Ako'y may higit na unawa kay sa lahat ng tagapagturo sa akin; sapagka't ang iyong mga patotoo ay gunita ko.
100Jeg er forstandigere enn de gamle; for jeg har tatt vare på dine befalinger.
100Ako'y nakakaunawa na higit kay sa may katandaan, sapagka't aking iningatan ang mga tuntunin mo.
101Fra enhver ond sti har jeg holdt mine føtter borte forat jeg kunde holde ditt ord.
101Aking pinigil ang mga paa ko sa lahat ng masamang lakad, upang aking masunod ang salita mo.
102Fra dine lover er jeg ikke avveket; for du har lært mig.
102Ako'y hindi lumihis sa iyong mga kahatulan; sapagka't iyong tinuruan ako.
103Hvor dine ord er søte for min gane, mere enn honning for min munn!
103Pagkatamis ng iyong mga salita sa aking lasa! Oo, matamis kay sa pulot sa aking bibig!
104Av dine befalinger får jeg forstand; derfor hater jeg all løgnens sti.
104Sa iyong mga tuntunin ay nagkakamit ako ng unawa: kaya't aking ipinagtatanim ang bawa't lakad na sinungaling.
105Ditt ord er en lykte for min fot og et lys for min sti.
105Ang salita mo'y ilawan sa aking mga paa, at liwanag sa aking landas.
106Jeg har svoret, og jeg har holdt det, å ta vare på din rettferdighets lover.
106Ako'y sumumpa, at pinagtibay ko, na aking tutuparin ang mga matuwid mong kahatulan.
107Jeg er såre nedbøiet; Herre, hold mig i live efter ditt ord!
107Ako'y nagdadalamhating mainam: buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong salita.
108La min munns frivillige offere tekkes dig, Herre, og lær mig dine lover!
108Tanggapin mo, isinasamo ko sa iyo, ang mga kusang handog ng aking bibig, Oh Panginoon, at ituro mo sa akin ang mga kahatulan mo.
109Jeg går alltid med livet i hendene, men din lov har jeg ikke glemt.
109Ang kaluluwa ko'y laging nasa aking kamay; gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang kautusan mo.
110De ugudelige har lagt snare for mig, men jeg har ikke forvillet mig fra dine befalinger.
110Ipinaglagay ako ng silo ng masama; gayon ma'y hindi ako lumihis sa iyong mga tuntunin.
111Jeg har fått dine vidnesbyrd i eie evindelig; for de er mitt hjertes glede.
111Ang mga patotoo mo'y inari kong pinakamana magpakailanman; sapagka't sila ang kagalakan ng aking puso.
112Jeg har bøiet mitt hjerte til å gjøre efter dine forskrifter evindelig, inntil enden.
112Ikiniling ko ang puso ko na ganapin ang mga palatuntunan mo, magpakailan man, sa makatuwid baga'y hanggang sa wakas.
113De tvesinnede hater jeg, men din lov elsker jeg.
113Ipinagtatanim ko sila na may salawahang pagiisip; nguni't ang iyong kautusan ay iniibig ko.
114Du er mitt skjul og mitt skjold, jeg venter på ditt ord.
114Ikaw ang kublihan kong dako at kalasag ko: ako'y umaasa sa iyong salita.
115Vik fra mig, I som gjør ondt, forat jeg må holde min Guds bud!
115Magsihiwalay kayo sa akin, kayong mga manggagawa ng kasamaan; upang aking maingatan ang mga utos ng aking Dios.
116Hold mig oppe efter ditt ord, forat jeg kan leve, og la mig ikke bli til skamme med mitt håp!
116Alalayan mo ako ayon sa iyong salita, upang ako'y mabuhay; at huwag mo akong hiyain sa aking pagasa.
117Støtt mig, så jeg må bli frelst! Da vil jeg alltid skue med lyst på dine forskrifter.
117Alalayan mo ako, at ako'y maliligtas, at magkakaroon ako ng laging pitagan sa iyong mga palatuntunan.
118Du akter for intet alle dem som farer vill fra dine forskrifter; for deres svik er forgjeves.
118Inilagay mo sa wala silang lahat na naliligaw sa iyong mga palatuntunan; sapagka't ang kanilang pagdaraya ay kasinungalingan.
119Som slagg bortrydder du alle ugudelige på jorden; derfor elsker jeg dine vidnesbyrd.
119Inaalis mo ang lahat ng masama sa lupa na gaya ng taing bakal; kaya't iniibig ko ang mga patotoo mo.
120Av redsel for dig gyser min kropp, og jeg frykter for dine dommer.
120Ang laman ko'y nanginginig dahil sa takot sa iyo; at ako'y takot sa iyong mga kahatulan.
121Jeg har gjort rett og rettferdighet; du vil ikke overgi mig til dem som undertrykker mig.
121Ako'y gumawa ng kahatulan at kaganapan: huwag mo akong iwan sa mga mangaapi sa akin.
122Gå i borgen for din tjener, forat det kan gå ham vel! La ikke de overmodige undertrykke mig!
122Maging tagapatnugot ka ng iyong lingkod sa ikabubuti: huwag mong ipapighati ako sa palalo.
123Mine øine vansmekter av lengsel efter din frelse og efter din rettferdighets ord.
123Pinangangalumatahan ng aking mga mata ang iyong pagliligtas, at ang iyong matuwid na salita.
124Gjør med din tjener efter din miskunnhet, og lær mig dine forskrifter!
124Gawan mo ang lingkod mo ng ayon sa iyong kagandahang-loob, at ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.
125Jeg er din tjener; lær mig, så jeg kan kjenne dine vidnesbyrd!
125Ako'y lingkod mo; bigyan mo ako ng unawa; upang aking maalaman ang mga patotoo mo,
126Det er tid for Herren å gripe inn; de har brutt din lov.
126Kapanahunan sa Panginoon na gumawa; sapagka't kanilang niwalang kabuluhan ang kautusan mo.
127Derfor elsker jeg dine bud mere enn gull, ja mere enn fint gull.
127Kaya't aking iniibig ang mga utos mo ng higit sa ginto, oo, higit sa dalisay na ginto.
128Derfor holder jeg alle befalinger om alle ting for å være rette; jeg hater all løgnens sti.
128Kaya't aking pinahahalagahan na matuwid ang lahat mong mga tuntunin tungkol sa lahat ng mga bagay; at ipinagtatanim ko ang bawa't sinungaling na lakad.
129Underfulle er dine vidnesbyrd; derfor tar min sjel vare på dem.
129Ang mga patotoo mo'y kagilagilalas; kayat sila'y iniingatan ng aking kaluluwa.
130Dine ords åpenbaring oplyser, den gjør enfoldige forstandige.
130Ang bukas ng iyong mga salita ay nagbibigay ng liwanag; nagbibigay ng unawa sa walang muwang.
131Jeg åpnet min munn og sukket av lengsel; for jeg stundet efter dine bud.
131Aking binuka ng maluwang ang bibig ko, at ako'y nagbuntong-hininga; sapagka't aking pinanabikan ang mga utos mo.
132Vend dig til mig og vær mig nådig, som rett er mot dem som elsker ditt navn!
132Manumbalik ka sa akin, at maawa ka sa akin, gaya ng iyong kinauugaliang gawin sa nagsisiibig ng iyong pangalan.
133Gjør mine trin faste ved ditt ord, og la ingen urett herske over mig!
133Itatag mo ang mga hakbang ko sa iyong salita; at huwag magkaroon ng kapangyarihan sa akin ang anomang kasamaan.
134Forløs mig fra menneskers vold! Så vil jeg holde dine befalinger.
134Tubusin mo ako sa pagpighati ng tao: sa gayo'y aking tutuparin ang mga tuntunin mo.
135La ditt åsyn lyse for din tjener, og lær mig dine forskrifter!
135Pasilangin mo ang mukha mo sa iyong lingkod; at ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.
136Mine øine flyter bort i vannstrømmer over dem som ikke holder din lov.
136Ang mga mata ko'y nagsisiagos ng mga ilog ng tubig; sapagka't hindi nila tinutupad ang kautusan mo.
137Du er rettferdig, Herre, og dine dommer er rettvise.
137Matuwid ka, Oh Panginoon, at matuwid ang mga kahatulan mo.
138Du har fastsatt dine vidnesbyrd i rettferdighet og stor trofasthet.
138Iniutos mo ang mga patotoo mo sa katuwiran at totoong may pagtatapat.
139Min nidkjærhet har fortært mig, fordi mine motstandere har glemt dine ord.
139Tinunaw ako ng aking sikap, sapagka't kinalimutan ng aking mga kaaway ang mga salita mo.
140Ditt ord er vel renset, og din tjener elsker det.
140Ang salita mo'y totoong malinis; kaya't iniibig ito ng iyong lingkod.
141Jeg er liten og foraktet; jeg har ikke glemt dine befalinger.
141Ako'y maliit at hinahamak: gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang mga tuntunin mo.
142Din rettferdighet er en evig rettferdighet, og din lov er sannhet.
142Ang katuwiran mo ay walang hanggang katuwiran, at ang kautusan mo'y katotohanan.
143Nød og trengsel fant mig; dine bud er min lyst.
143Kabagabagan at kahirapan ay humawak sa akin: gayon ma'y ang mga utos mo'y aking kaaliwan.
144Dine vidnesbyrd er rettferdige til evig tid; lær mig, forat jeg kan leve!
144Ang mga patotoo mo'y matuwid magpakailan man: bigyan mo ako ng unawa at mabubuhay ako.
145Jeg roper av hele mitt hjerte; svar mig, Herre! Jeg vil ta vare på dine forskrifter.
145Ako'y tumawag ng aking buong puso; sagutin mo ako, Oh Panginoon: iingatan ko ang iyong mga palatuntunan.
146Jeg roper til dig, frels mig! Så vil jeg holde dine vidnesbyrd.
146Ako'y tumawag sa iyo; iligtas mo ako, at aking tutuparin ang mga patotoo mo.
147Jeg var årle oppe i morgenlysningen og ropte om hjelp; jeg ventet på dine ord.
147Ako'y nagpauna sa bukang-liwayway ng umaga, at dumaing ako: ako'y umasa sa iyong mga salita.
148Mine øine var oppe før nattevaktene, forat jeg kunde grunde på ditt ord.
148Ang mga mata ko'y nanguna sa mga pagpupuyat sa gabi, upang aking magunita ang salita mo.
149Hør min røst efter din miskunnhet! Herre, hold mig i live efter dine lover!
149Dinggin mo ang tinig ko ayon sa iyong kagandahang-loob: buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong mga kahatulan.
150De er kommet nær som jager efter ugjerning; fra din lov er de kommet langt bort.
150Silang nagsisisunod sa kasamaan ay nagsisilapit; sila'y malayo sa iyong kautusan.
151Du er nær, Herre, og alle dine bud er sannhet.
151Ikaw ay malapit, Oh Panginoon; at lahat mong utos ay katotohanan.
152For lenge siden vet jeg av dine vidnesbyrd at du har grunnet dem for evig tid.
152Nang una'y nakaunawa ako sa iyong mga patotoo, na iyong pinamalagi magpakailan man.
153Se min elendighet og utfri mig! For jeg har ikke glemt din lov.
153Pakundanganan mo ang aking kadalamhatian at iligtas mo ako; sapagka't hindi ko kinalilimutan ang iyong kautusan.
154Før min sak og forløs mig, hold mig i live efter ditt ord!
154Ipaglaban mo ang aking usap, at iligtas mo ako: buhayin mo ako ayon sa iyong salita.
155Frelse er langt borte fra de ugudelige; for de søker ikke dine forskrifter.
155Kaligtasan ay malayo sa masama; sapagka't hindi nila hinahanap ang mga palatuntunan mo.
156Din miskunnhet er stor, Herre; hold mig i live efter dine dommer!
156Dakila ang mga malumanay mong kaawaan, Oh Panginoon: buhayin mo ako ayon sa iyong mga kahatulan.
157Mange er mine forfølgere og mine motstandere; jeg er ikke avveket fra dine vidnesbyrd.
157Marami ang mga manguusig sa akin at mga kaaway ko; gayon ma'y hindi ako humiwalay sa iyong mga patotoo.
158Jeg så de troløse og vemmedes, dem som ikke holdt ditt ord.
158Aking namasdan ang mga magdarayang manggagawa at ako'y namanglaw; sapagka't hindi nila sinusunod ang salita mo.
159Se at jeg har elsket dine befalinger! Herre, hold mig i live efter din miskunnhet!
159Dilidilihin mo kung gaano iniibig ko ang mga utos mo: buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong kagandahang-loob.
160Summen av ditt ord er sannhet, og til evig tid står all din rettferdighets lov fast.
160Ang kabuoan ng iyong salita ay katotohanan; at bawa't isa ng iyong matutuwid na kahatulan ay magpakailan man.
161Fyrster forfulgte mig uten årsak, men mitt hjerte fryktet for dine ord.
161Inusig ako ng mga pangulo ng walang kadahilanan; nguni't ang puso ko'y nanginginig sa iyong mga salita.
162Jeg gleder mig over ditt ord som en som finner meget bytte.
162Ako'y nagagalak sa iyong salita, na parang nakakasumpong ng malaking samsam.
163Løgn har jeg hatet og avskydd, din lov har jeg elsket.
163Aking pinagtataniman at kinasusuklaman ang pagsisinungaling; nguni't ang kautusan mo'y aking iniibig.
164Syv ganger om dagen har jeg prist dig for din rettferdighets lover.
164Makapito sa isang araw na pumupuri ako sa iyo, dahil sa iyong matutuwid na kahatulan.
165Megen fred har de som elsker din lov, og det er ikke noget anstøt for dem.
165Dakilang kapayapaan ang tinatamo nila na nagsisiibig ng iyong kautusan. At sila'y walang kadahilanang ikatitisod.
166Jeg har ventet på din frelse, Herre, og jeg har holdt dine bud.
166Ako'y umasa sa iyong pagliligtas, Oh Panginoon. At ginawa ko ang mga utos mo.
167Min sjel har holdt dine vidnesbyrd, og jeg elsket dem såre.
167Sinunod ng aking kaluluwa ang mga patotoo mo; at iniibig kong mainam,
168Jeg har holdt dine befalinger og dine vidnesbyrd; for alle mine veier er for ditt åsyn.
168Aking tinupad ang iyong mga tuntunin at ang iyong mga patotoo; sapagka't lahat ng aking lakad ay nasa harap mo.
169La mitt klagerop komme nær for ditt åsyn, Herre! Lær mig efter ditt ord!
169Dumating nawa sa harap mo ang aking daing, Oh Panginoon: bigyan mo ako ng unawa ayon sa iyong salita.
170La min inderlige bønn komme for ditt åsyn! Frels mig efter ditt ord!
170Dumating nawa sa harap mo ang aking pamanhik: iligtas mo ako ayon sa iyong salita.
171Mine leber skal flyte over av lovsang; for du lærer mig dine forskrifter.
171Tulutang magbadya ng pagpuri ang aking mga labi; sapagka't itinuturo mo sa akin ang iyong mga palatuntunan.
172Min tunge skal synge om ditt ord; for alle dine bud er rettferdighet.
172Awitin ng aking dila ang iyong salita; sapagka't lahat ng mga utos mo ay katuwiran.
173La din hånd være mig til hjelp! For jeg har utvalgt dine befalinger.
173Magsihanda nawa ang iyong kamay na tulungan ako; sapagka't aking pinili ang iyong mga tuntunin.
174Jeg lenges efter din frelse, Herre, og din lov er min lyst.
174Aking pinanabikan ang iyong pagliligtas, Oh Panginoon: at ang iyong kautusan ay aking kaaliwan.
175La min sjel leve og love dig, og la dine dommer hjelpe mig!
175Mabuhay nawa ang aking kaluluwa, at pupuri sa iyo; at tulungan nawa ako ng iyong mga kahatulan.
176Jeg har faret vill; opsøk din tjener som et tapt får! for jeg har ikke glemt dine bud.
176Ako'y naligaw na parang tupang nawala; hanapin mo ang iyong lingkod; sapagka't hindi ko kinalilimutan ang iyong mga utos.