1И сказал Господь Моисею на горе Синае, говоря:
1At sinalita ng Panginoon kay Moises sa bundok ng Sinai, na sinasabi,
2объяви сынам Израилевым и скажи им: когда придете в землю, которую Я даю вам, тогда земля должна покоиться в субботу Господню;
2Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Pagpasok ninyo sa lupain na ibibigay ko sa inyo, ay mangingilin ng isang sabbath sa Panginoon ang lupain.
3шесть лет засевай поле твое и шесть лет обрезывай виноградник твой, и собирай произведения их,
3Anim na taong hahasikan mo ang iyong bukid, at anim na taong kakapunin mo ang iyong ubasan, at titipunin mo ang bunga ng mga iyan;
4а в седьмой год да будет суббота покоя земли, суббота Господня: поля твоего не засевай и виноградника твоего не обрезывай;
4Datapuwa't sa ikapitong taon ay magiging sabbath na takdang kapahingahan sa lupain, sabbath sa Panginoon: huwag mong hahasikan ang iyong bukid, ni kakapunin ang iyong ubasan.
5что само вырастет на жатве твоей, не сжинай, и гроздов с необрезанных лоз твоих не снимай; да будет это год покоя земли;
5Yaong tumubo sa sarili sa iyong inaanihan ay huwag mong aanihin, at ang mga ubas ng iyong ubasan na hindi nakapon ay huwag mong titipunin: magiging taong takdang kapahingahan sa lupain.
6и будет это в продолжение субботы земли всем вам в пищу, тебе и рабу твоему, и рабе твоей, и наемнику твоему, и поселенцу твоему, поселившемуся у тебя;
6At ang bunga sa sabbath ng lupain ay magiging pagkain sa inyo; sa iyo, at sa iyong aliping lalake at babae, at sa iyong aliping upahan, at sa taga ibang bayan na nakikipamayan sa iyo;
7и скоту твоему и зверям, которые на земле твоей, да будут все произведения ее в пищу.
7At sa iyong mga baka at sa mga hayop na nasa iyong lupain ay magiging pagkain ang lahat ng bunga ng mga iyan.
8И насчитай себе семь субботних лет, семь раз по семи лет, чтоб было у тебя в семи субботних годах сорок девять лет;
8At bibilang ka ng pitong sabbath ng taon, makapitong pitong taon; at magiging sa iyo'y mga araw ng pitong sabbath ng mga taon, sa makatuwid baga'y apat na pu't siyam na taon.
9и воструби трубою в седьмой месяц, в десятый день месяца, в день очищения вострубите трубою по всей земле вашей;
9Kung magkagayo'y maguutos ka na lumibot sa bayan ang pakakak na matunog sa ikasangpung araw ng ika pitong buwan; sa araw ng pagtubos patutunugin ninyo ang pakakak sa buong lupain ninyo.
10и освятите пятидесятый год и объявите свободу на земле всем жителям ее: да будет это у вас юбилей; и возвратитесь каждый во владение свое, и каждый возвратитесь в свое племя.
10At ipangingilin ninyo ang ikalimang pung taon, at ihahayag ninyo sa buong lupain ang kalayaan sa lahat na tumatahan sa lupain: iya'y magiging kapistahan ng jubileo sa inyo; at bawa't isa sa inyo ay babalik sa kaniyang pag-aari, at bawa't isa'y babalik sa kaniyang sangbahayan.
11Пятидесятый год да будет у вас юбилей: не сейте и не жните, чтосамо вырастет на земле, и не снимайте ягод с необрезанных лоз ее,
11Magiging kapistahan ng jubileo nga sa inyo ang ikalimang pung taon: huwag ninyong hahasikan ni aanihin ang tumubo sa kaniyang sarili, ni titipunin ang mga ubas ng ubasan na hindi nakapon.
12ибо это юбилей: священным да будет он для вас; с поля ешьте произведения ее.
12Sapagka't kapistahan ng jubileo; magiging banal sa inyo: kakanin ninyo ang bunga niyan sa bukid.
13В юбилейный год возвратитесь каждый во владение свое.
13Sa taong ito ng jubileo, ay babalik kayo, bawa't isa sa kaniyang pag-aari.
14Если будешь продавать что ближнему твоему, или будешь покупать что у ближнего твоего, не обижайте друг друга;
14At kung ikaw ay magbili ng anoman sa iyong kapuwa o bumili ng anoman sa kamay ng iyong kapuwa, ay huwag kayong magdadayaan.
15по расчислению лет после юбилея ты должен покупать у ближнего твоего, и по расчислению лет дохода он должен продавать тебе;
15Ayon sa bilang ng taon pagkatapos ng jubileo, ay bibilhin mo sa iyong kapuwa, ayon sa bilang ng taon ng pagaani, ay kaniyang ipagbibili sa iyo.
16если много остается лет, умножь цену; а если мало лет остается , уменьши цену, ибо известное число лет жатв он продает тебе.
16Ayon sa dami ng mga taon, ay daragdagan mo ang halaga niyan, at ayon sa kakauntian ng mga taon, ay babawasan mo ang halaga niyan; sapagka't ganyang bilang ng ani ang kaniyang ipagbibili sa iyo.
17Не обижайте один другого; бойся Бога твоего, ибо Я Господь, Бог ваш.
17At huwag kayong magdadayaan; kundi matatakot kayo sa inyong Dios: sapagka't ako ang Panginoon ninyong Dios.
18Исполняйте постановления Мои, и храните законы Мои и исполняйтеих, и будете жить спокойно на земле;
18Kaya't inyong tutuparin ang aking mga palatuntunan, at inyong iingatan ang aking mga kahatulan at inyong isasagawa at tatahan kayong tiwasay sa lupain.
19и будет земля давать плод свой, и будете есть досыта, и будете житьспокойно на ней.
19At ang lupain ay magbubunga, at kakain kayo hanggang sa mabusog at tatahan kayong tiwasay doon.
20Если скажете: что же нам есть в седьмой год, когда мы не будем ни сеять, ни собирать произведений наших?
20At kung sasabihin ninyo, Anong aming kakanin sa ikapitong taon? narito, hindi kami maghahasik ni magtitipon ng aming mga bunga:
21Я пошлю благословение Мое на вас в шестой год, и он принесет произведений на три года;
21At aking igagawad ang aking pagpapala sa inyo sa ikaanim na taon, at magbubunga ng kasya sa tatlong taon.
22и будете сеять в восьмой год, но есть будете произведения старые до девятого года; доколе не поспеют произведения его, будете есть старое.
22At maghahasik kayo sa ikawalong taon, at kakain kayo ng dating kinamalig na mga bunga hanggang sa ikasiyam na taon, hanggang sa dumating ang pagbubunga ng ikawalo ay kakain kayo ng dating kinamalig.
23Землю не должно продавать навсегда, ибо Моя земля: вы пришельцы и поселенцы у Меня;
23At ang lupain ay hindi maipagbibili ng magpakailan man; sapagka't akin ang lupain: sapagka't kayo'y taga ibang bayan at makikipamayang kasama ko.
24по всей земле владения вашего дозволяйте выкуп земли.
24At sa buong lupain na iyong pag-aari ay magkakaloob kayo ng pangtubos sa lupain.
25Если брат твой обеднеет и продаст от владения своего, то придет близкий его родственник и выкупит проданное братом его;
25Kung ang iyong kapatid ay maghirap, at ipagbili ang anoman sa kaniyang pag-aari, ay paroroon ang kaniyang kamaganak na pinakamalapit sa kaniya, at tutubusin ang ipinagbili ng kaniyang kapatid.
26если же некому за него выкупить, но сам он будет иметь достаток и найдет, сколько нужно на выкуп,
26At kung ang taong yaon ay walang manunubos, at siya'y yumaman at nakasumpong ng kasapatan upang matubos yaon;
27то пусть он расчислит годы продажи своей и возвратит остальноетому, кому он продал, и вступит опять во владение свое;
27Ay kaniyang bilangin ang mga taon pagkatapos na kaniyang naipagbili, at isasauli ang labis sa taong kaniyang pinagbilhan; at babalik siya sa kaniyang pag-aari.
28если же не найдет рука его, сколько нужно возвратить ему, то проданное им останется в руках покупщика до юбилейного года, а в юбилейный год отойдет оно, и он опять вступит во владение свое.
28Nguni't kung siya'y walang kasapatan, upang maibalik niya sa kaniya, ang ipinagbili ay matitira nga sa kapangyarihan ng bumili hanggang sa taon ng jubileo; at sa jubileo ay maaalis sa kapangyarihan niyaon, at ang may-ari ay babalik sa kaniyang pag-aari.
29Если кто продаст жилой дом в городе, огражденном стеною, то выкупить его можно до истечения года от продажи его: в течение года выкупить его можно;
29At kung ang isang tao ay magbili ng bahay na tahanan sa nakukutaang bayan ay matutubos niya sa loob ng isang buong taon pagkatapos na maipagbili; sapagka't isang buong taon ang kaniyang matuwid ng pagtubos.
30если же не будет он выкуплен до истечения целого года, то дом, который в городе, имеющем стену, останется навсегда у купившего его в роды его, и в юбилей не отойдет от него .
30At kung hindi matubos sa loob ng isang buong taon, ang bahay na nasa nakukutaang bayan ay lalagi magpakailan man, na pag-aari niyaong bumili, sa buong panahon ng kaniyang lahi: hindi maaalis sa kaniya sa jubileo.
31А домы в селениях, вокруг которых нет стены, должно считать наравне с полем земли: выкупать их можно, и в юбилей они отходят.
31Nguni't ang mga bahay sa mga nayon na walang kuta sa palibot, ay aariing para ng sa mga bukirin sa lupain: kanilang matutubos; at sa jubileo ay magsisialis.
32А города левитов, домы в городах владения их, левитам всегда можно выкупать;
32Gayon ma'y sa mga bayan ng mga Levita, kailan ma'y maaaring matubos ng mga Levita ang mga bahay sa mga bayan ng kanilang pag-aari.
33а кто из левитов не выкупит, то проданный дом в городе владения их в юбилей отойдет, потому что домы в городах левитских составляют их владение среди сынов Израилевых;
33At kung ang isa sa mga Levita ay tumubos, ang bahay na ipinagbili at ang bayang kaniyang pag-aari, ay maaalis sa jubileo, sapagka't ang mga bahay sa mga bayan ng mga Levita ay kanilang pag-aari sa gitna ng mga anak ni Israel.
34и полей вокруг городов их продавать нельзя, потому что это вечное владение их.
34Datapuwa't ang mga bukid sa palibot ng mga bayan nila, ay hindi maipagbibili, sapagka't pag-aari nila magpakailan man.
35Если брат твой обеднеет и придет в упадок у тебя, то поддержи его, пришлец ли он, или поселенец, чтоб он жил с тобою;
35At kung maghirap ang iyong kapatid at manglupaypay sa iyong siping, ay iyo siyang aalalayan na patutuluyin mo, na manunuluyan sa iyong parang taga ibang bayan at nakikipamayan.
36не бери от него роста и прибыли и бойся Бога твоего; чтоб жил брат твой с тобою;
36Huwag kang kukuha sa kaniya ng patubo o pakinabang, kundi matakot ka sa iyong Dios: patuluyin mo ang iyong kapatid.
37серебра твоего не отдавай ему в рост и хлеба твоего не отдавай ему для получения прибыли.
37Ang iyong salapi ay huwag mong ibibigay sa kaniya na may patubo, ni ibibigay mo sa kaniya na may pakinabang ang iyong pagkain.
38Я Господь, Бог ваш, Который вывел вас из земли Египетской, чтобы дать вам землю Ханаанскую, чтоб быть вашим Богом.
38Ako ang Panginoon ninyong Dios, na inilabas ko kayo sa lupain ng Egipto, upang ibigay ko sa inyo ang lupain ng Canaan, at ako'y maging inyong Dios.
39Когда обеднеет у тебя брат твой и продан будет тебе,то не налагай на него работы рабской:
39At kung ang iyong kapatid na kasama mo ay maghirap at pabili siya sa iyo: ay huwag mo siyang papaglilingkuring parang alipin;
40он должен быть у тебя как наемник, как поселенец; до юбилейного года пусть работает у тебя,
40Ipalalagay mo siyang parang lingkod na upahan at parang nakikipamayan; hanggang sa taon ng jubileo ay maglilingkod siya sa iyo:
41а тогда пусть отойдет он от тебя, сам и дети его с ним, и возвратится в племя свое, и вступит опять во владение отцов своих,
41Kung magkagayo'y aalis siya sa iyo, siya at ang kaniyang mga anak na kasama niya, at babalik sa kaniyang sariling sangbahayan, at babalik sa pag-aari ng kaniyang mga magulang.
42потому что они – Мои рабы, которых Я вывел из земли Египетской: не должно продаватьих, как продают рабов;
42Sapagka't sila'y aking mga lingkod, na aking inilabas sa lupain ng Egipto; sila'y hindi maipagbibiling parang mga alipin.
43не господствуй над ним с жестокостью и бойся Бога твоего.
43Huwag kang papapanginoon sa kaniya na may kabagsikan; kundi ikaw ay matatakot sa iyong Dios.
44А чтобы раб твой и рабыня твоя были у тебя, то покупайте себе раба и рабыню у народов, которые вокруг вас;
44At tungkol sa iyong mga aliping lalake at babae na magkakaroon ka; sa mga bansang nasa palibot ninyo, ay makabibili kayo sa kanila ng mga aliping lalake at babae.
45также и из детей поселенцев, поселившихся у вас, можете покупать, и из племени их,которое у вас, которое у них родилось в земле вашей, и они могут быть вашей собственностью;
45Saka sa mga anak ng mga taga ibang lupa na nakikipamayan sa inyo, sa mga ito'y makabibili kayo, at sa kanilang mga sangbahayan na nasa inyo, na mga ipinanganak nila sa inyong lupain: at magiging inyong pag-aari.
46можете передавать их в наследство и сынам вашим по себе, как имение; вечно владейте ими, как рабами. А над братьями вашими, сынами Израилевыми, друг над другом, не господствуйте с жестокостью.
46At inyong iiwang pinakapamana sa inyong mga anak pagkamatay ninyo, na pinakapag-aari; sa mga iyan kukuha kayo ng inyong mga alipin magpakailan man: nguni't sa inyong mga kapatid na mga anak ni Israel ay huwag kayong magpapanginoonan na may kabagsikan.
47Если пришлец или поселенец твой будет иметь достаток, а брат твой пред ним обеднеет и продастся пришельцу, поселившемуся у тебя, или кому-нибудь из племени пришельца,
47At kung ang taga ibang lupa o ang nakikipamayan na kasama mo ay yumaman, at ang iyong kapatid ay maghirap sa siping niya, at pabili sa taga ibang bayan o nakikipamayan sa iyo o sa sinomang kasangbahay ng taga ibang lupa;
48то после продажи можно выкупить его; кто-нибудь из братьев его должен выкупить его,
48Pagkatapos na siya'y maipagbili ay kaniyang matutubos: isa sa kaniyang mga kapatid ay makatutubos sa kaniya:
49или дядя его, или сын дяди его должен выкупить его, или кто-нибудь из родства его,из племени его, должен выкупить его; или если будет иметь достаток, сам выкупится.
49O ang kaniyang amain o ang anak ng kaniyang amain ay makatutubos sa kaniya; o sinomang kamaganak na malapit niya sa kaniyang sangbahayan ay makatutubos sa kaniya; o kung yumaman siya ay makatutubos siya sa kaniyang sarili.
50И он должен рассчитаться с купившим его, начиная от того года, когда он продал себя, до года юбилейного, и серебро, за которое он продал себя, должно отдать ему по числу лет; как временный наемник он должен быть у него;
50At kaniyang bibilangan yaong bumili sa kaniya, mula sa taong bilhin siya hanggang sa taon ng jubileo: at ang halaga ng pagkabili sa kaniya ay magiging ayon sa bilang ng mga taon; at gagawin sa kaniya ay ayon sa panahon ng isang lingkod na upahan.
51и если еще много остается лет, то по мере их он должен отдать в выкуп за себя серебро, за которое он куплен;
51Kung maraming taon pa ang kulang niya, ayon sa dami ng mga iyan, ay isasauli ang halaga ng kaniyang pagkatubos sa kaniya na salaping sa kaniya'y ibinili.
52если же мало остается лет до юбилейного года, то он должен сосчитать и по мере лет отдать за себя выкуп.
52At kung kaunti ang mga taong nagkukulang hanggang sa taon ng jubileo ay ibibilang sa kaniya; ayon sa kaniyang mga taon na nagkukulang ay isasauli ang halaga ng kaniyang katubusan.
53Он должен быть у него, как наемник, во все годы; он не должен господствовать над ним с жестокостью вглазах твоих.
53Kung paano ang alilang may bayad sa taon-taon, ay gayon matitira sa kaniya: siya'y huwag papapanginoon sa kaniya na may kabagsikan sa iyong paningin.
54Если же он не выкупится таким образом, то в юбилейный год отойдет сам и дети его сним,
54At kung hindi siya tubusin sa mga paraang ito, ay aalis siya sa taon ng jubileo, siya at ang kaniyang mga anak na kasama niya.
55потому что сыны Израилевы Мои рабы; они Мои рабы, которых Я вывел из земли Египетской. Я Господь, Бог ваш.
55Sapagka't sa akin ang mga anak ni Israel ay mga lingkod; sila'y aking mga lingkod na aking inilabas sa lupain ng Egipto: ako ang Panginoon ninyong Dios.