1Tedaj pokliče Jozue Rubenske in Gadske in polovico Manasejevega rodu
1Tinawag nga ni Josue ang mga Rubenita, at ang mga Gadita, at ang kalahating lipi ni Manases,
2in jim reče: Ohranili ste vse, kar vam je bil zapovedal Mojzes, hlapec GOSPODOV, in ste poslušali glas moj v vsem, kar sem vam zapovedal.
2At sinabi sa kanila, Inyong iningatan ang lahat na iniutos sa inyo ni Moises na lingkod ng Panginoon, at inyong dininig ang aking tinig sa lahat na aking iniutos sa inyo;
3Niste zapustili svojih bratov vse tiste mnoge dni do dandanes, a zvesto ste pazili na zapoved GOSPODA, Boga svojega.
3Hindi ninyo iniwan ang inyong mga kapatid na malaong panahon hanggang sa araw na ito, kundi inyong iningatan ang bilin na utos ng Panginoon ninyong Dios.
4Ker pa je zdaj pripravil GOSPOD, vaš Bog, pokoj vašim bratom, kakor jim je bil obljubil, zato pojdite sedaj in se vrnite v svoje šatore, v posestva svojega deželo, ki vam jo je dal Mojzes, hlapec GOSPODOV, onostran Jordana.
4At ngayo'y binigyan ng kapahingahan ng Panginoon ninyong Dios ang inyong mga kapatid, gaya ng sinalita niya sa kanila: kaya't ngayo'y pumihit kayo at yumaon kayo sa inyong mga tolda sa lupain na inyong ari, na ibinigay sa inyo ni Moises na lingkod ng Panginoon sa dako roon ng Jordan.
5Samo prizadevajte si skrbno, da izpolnjujete zapoved in postavo, ki vam jo je zapovedal Mojzes, hlapec GOSPODOV: da ljubite GOSPODA, Boga svojega, ter hodite po vseh potih njegovih in hranite zapovedi njegove in se njega oklepate in njemu služite iz vsega srca svojega in z vso dušo svojo.
5Ingatan lamang ninyong mainam na gawin ang utos at ang kautusan na iniutos sa inyo ni Moises na lingkod ng Panginoon, na ibigin ang Panginoon ninyong Dios, at lumakad sa lahat niyang mga daan, at ingatan ang kaniyang mga utos, at lumakip sa kaniya, at maglingkod sa kaniya ng boo ninyong puso at ng boo ninyong kaluluwa.
6In blagoslovil jih je Jozue ter jih odpustil, in šli so k svojim šatorom.
6Gayon sila binasbasan ni Josue at pinagpaalam sila: at sila'y umuwi sa kanilang mga tolda.
7Polovici Manasejevega rodu je bil dal Mojzes dediščino v Basanu, a drugi polovici je dal Jozue med njih brati tostran Jordana, proti zahodu. Vrhutega jih je Jozue, ko jih je odpuščal v njih šatore, blagoslovil
7Ibinigay nga ni Moises sa kalahating lipi ni Manases ang mana sa Basan: nguni't ang kalahating lipi ay binigyan ni Josue sa gitna ng kanilang mga kapatid sa dako rito ng Jordan na dakong kalunuran. Bukod dito'y nang papagpaalamin sila ni Josue na pauwiin sa kanilang mga tolda, ay binasbasan sila,
8in jim govoril, rekoč: Vrnite se z mnogim blagom v svoje šatore, z jako mnogoštevilno živino, s srebrom, zlatom, bronom in z železom in z mnogimi oblačili; delite plen sovražnikov svojih s svojimi brati.
8At sinalita sa kanila, na sinasabi, Kayo'y bumalik na may maraming kayamanan sa inyong mga tolda, at may maraming hayop, may pilak, at may ginto, at may tanso, at may bakal, at may maraming kasuutan: magbahagi kayo sa inyong mga kapatid ng samsam sa inyong mga kaaway.
9In vrnili so se sinovi Rubenovi in sinovi Gadovi in polovica Manasejevega rodu, in ko so se odpravili od Izraelovih sinov iz Sila, ki je v deželi Kanaanski, so šli v Gileadsko pokrajino, v svojega posestva deželo, ki so jo bili posedli s poveljem GOSPODOVIM po Mojzesu.
9At ang mga anak ni Ruben, at ang mga anak ni Gad, at ang kalahating lipi ni Manases ay nagsibalik na humiwalay sa mga anak ni Israel mula sa Silo, na nasa lupain ng Canaan, upang pumaroon sa lupain ng Galaad, sa lupain ng kanilang ari na kanilang inari, ayon sa utos ng Panginoon, sa pamamagitan ni Moises.
10In ko pridejo v kraje pri Jordanu, ki so v deželi Kanaanski, zgrade ondi ob Jordanu oltar sinovi Rubenovi in Gadovi in polovica Manasejevega rodu, velik in očiten oltar.
10At nang sila'y dumating sa may lupain ng Jordan, na nasa lupain ng Canaan, ang mga anak ni Ruben, at ang mga anak ni Gad, at ang kalahating lipi ni Manases ay nagtayo roon ng dambana sa tabi ng Jordan, isang malaking dambana na matatanaw.
11In zaslišijo sinovi Izraelovi, da se govori: Glej, sinovi Rubenovi in sinovi Gadovi in polovica Manasejevega rodu so zgradili oltar na pročelju Kanaanske dežele, v krajih pri Jordanu, nasprotno Izraelovim sinovom.
11At narinig ng mga anak ni Israel, na sinabi, Narito, ang mga anak ni Ruben, ang mga anak ni Gad, at ang kalahating lipi ni Manases ay nagtayo ng isang dambana sa tapat ng lupain ng Canaan sa may lupain ng Jordan, sa dako na nauukol sa mga anak ni Israel.
12In ko so to slišali, se zbere vsa občina Izraelovih sinov v Silo, da bi šli zoper nje v boj.
12At nang marinig ng mga anak ni Israel, ay nagpipisan sa Silo ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel, upang sumampa laban sa kanila na makipagdigma.
13In sinovi Izraelovi pošljejo k Rubenovim in Gadovim sinovom in k polovici Manasejevega rodu v Gileadsko pokrajino Pinehasa, sina Eleazarja duhovnika,
13At sinugo ng mga anak ni Israel sa mga anak ni Ruben, at sa mga anak ni Gad, at sa kalahating lipi ni Manases, sa lupain ng Galaad, si Phinees na anak ni Eleazar na saserdote;
14in ž njim deset knezov, po enega kneza očetovske hiše za vsak Izraelov rod; in vsak izmed njih je bil poglavar očetovske hiše med tisoči Izraelovimi.
14At kasama niya ay sangpung prinsipe, na isang prinsipe sa sangbahayan ng mga magulang sa bawa't isa sa mga lipi ng Israel; at bawa't isa sa kanila'y pangulo sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang sa mga libolibo sa Israel.
15In ko pridejo k Rubenovim in Gadovim sinovom in k polovici Manasejevega rodu v Gileadsko pokrajino, jih ogovore, rekoč:
15At sila'y naparoon sa mga anak ni Ruben, at sa mga anak ni Gad, at sa kalahating lipi ni Manases sa lupain ng Galaad, at sinalita nila sa kanila na sinasabi,
16Tako pravi vsa občina GOSPODOVA: Kakšna je to nezvestoba, ki ste jo zagrešili proti Izraelovemu Bogu, ko ste se odvrnili danes, da ne bi hodili za GOSPODOM, in ste si zgradili oltar, upirajoč se danes GOSPODU?
16Ganito ang sabi ng buong kapisanan ng Panginoon, Anong pagsalangsang ito na inyong ginawa laban sa Dios ng Israel, na humiwalay sa araw na ito sa pagsunod sa Panginoon, sa inyong pagtatayo para sa inyo ng isang dambana, upang manghimagsik sa araw na ito laban sa Panginoon?
17Majhna li nam je pregreha s Peorjem, ki se je nismo očistili do današnjega dne in zaradi katere je šiba zadela občino GOSPODOVO,
17Napakaliit ba sa ganang atin ang kasamaan ng Peor, na hindi natin nilinis hanggang sa araw na ito, bagaman dumating ang salot sa kapisanan ng Panginoon,
18da se odvračate danes, da ne bi šli za GOSPODOM? In zgodi se, ker se danes upirate GOSPODU, da se bo jutri jezil nad vso občino Izraelovo!
18Upang kayo'y humiwalay sa araw na ito sa pagsunod sa Panginoon? at mangyayari na sapagka't kayo'y nanghihimagsik ngayon laban sa Panginoon ay magiinit siya bukas sa buong kapisanan ng Israel.
19Ali če je dežela vašega posestva nečista, preidite v deželo posestva GOSPODOVEGA, kjer je prebivališče GOSPODOVO, in vzemite si last med nami; samo ne bodite uporni GOSPODU in nam s tem, da si gradite oltar razen oltarja GOSPODA, Boga našega.
19Gayon man, kung ang lupain na inyong ari ay maging marumi, lumipat nga kayo sa lupain na ari ng Panginoon, na kinatahanan ng tabernakulo ng Panginoon, at kumuha kayo ng ari sa gitna namin: nguni't huwag kayong manghimagsik laban sa Panginoon, ni manghimagsik laban sa amin, sa pagtatayo ng isang dambana bukod sa dambana ng Panginoon nating Dios.
20Ni li se pregrešil Ahan, sin Zerahov, z nezvestobo, ko je vzel od prokletega, in jeza GOSPODOVA je prišla nad vso občino Izraelovo? In on ni poginil sam v svoji pregrehi!
20Hindi ba si Achan na anak ni Zera ay nagkasala ng pagsalangsang sa itinalagang bagay, at ang pagiinit ay nahulog sa buong kapisanan ng Israel? at ang taong yaon ay hindi namatay na magisa sa kaniyang kasamaan.
21Nato odgovore Rubenovi in Gadovi sinovi in polovica Manasejevega rodu ter reko poglavarjem tisoč Izraelovih:
21Nang magkagayo'y sumagot ang mga anak ni Ruben, at ang mga anak ni Gad, at ang kalahating lipi ni Manases, at nagsalita sa mga pangulo ng mga libolibo sa Israel.
22Bog bogov, Jehova, Bog bogov, Jehova, On ve, in tudi Izrael naj ve: Ako se je storilo v upornosti ali iz nezvestobe proti GOSPODU, ne bodi nam v pomoč danes!
22Ang Makapangyarihan, ang Dios, ang Panginoon, ang Makapangyarihan, ang Dios, ang Panginoon, ay siyang nakatatalastas; at matatalastas ng Israel; kung panghihimagsik nga o kung pagsalangsang laban sa Panginoon, (huwag mo kaming iligtas sa araw na ito,)
23Ako smo si zgradili oltar z namenom, da se odvrnemo ter ne bomo hodili za GOSPODOM, ali da bomo na njem darovali žgalne in jedilne daritve ali pokladali nanj mirovne žrtve, naj nas kaznuje zato GOSPOD!
23Na kami ay nagtayo para sa amin ng isang dambana upang humiwalay sa pagsunod sa Panginoon; o kung paghandugan ng mga handog na susunugin o ng handog na harina, o kung paghandugan ng mga hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, siyasatin nga ng Panginoon;
24Marveč storili smo to v skrbi za dobro stvar, meneč: V prihodnjih časih bi lahko rekli otroci vaši našim otrokom: Kaj vam je do GOSPODA, Boga Izraelovega?
24At kung hindi namin ginawang maingat ito, at inakala, na sabihin. Marahil sa panahong darating ay masasalita ng inyong mga anak, na sasabihin, Anong ipakikialam ninyo sa Panginoon, sa Dios ng Israel?
25Saj je GOSPOD naredil Jordan v mejo med nami in vami, sinovi Rubenovi in sinovi Gadovi: nimate deleža v GOSPODU! S tem bi vaši otroci odvrnili otroke naše od strahu GOSPODOVEGA.
25Sapagka't ginawang hangganan ng Panginoon ang Jordan sa pagitan namin at ninyo, ninyong mga anak ni Ruben at mga anak ni Gad: kayo'y walang bahagi sa Panginoon: sa gayo'y patitigilin ng inyong mga anak ang aming mga anak sa pagkatakot sa Panginoon.
26Zato smo rekli: Dejte, zgradimo si oltar, ne za žgalne žrtve, ne za klalne daritve,
26Kaya't aming sinabi, Maghanda tayo na magtayo para sa atin ng isang dambana, hindi upang sa handog na susunugin, ni sa hain man:
27ampak da bodi priča med nami in vami in za naše rodove za nami, da smemo opravljati GOSPODU službo pred Njim s svojimi žgalnimi, klalnimi in mirovnimi žrtvami, ter da ne smejo vaši otroci reči našim otrokom v prihodnjih časih: Nimate deleža v GOSPODU.
27Kundi magiging saksi sa pagitan namin at ninyo, at sa pagitan ng ating mga lahi pagkamatay natin, upang aming magawa ang paglilingkod sa Panginoon sa harap niya ng aming mga handog na susunugin at ng aming mga hain at ng aming mga handog tungkol sa kapayapaan; upang huwag masabi ng inyong mga anak sa aming mga anak sa panahong darating, Kayo'y walang bahagi sa Panginoon.
28Rekli smo torej: Ako nam tako poreko ali rodovom našim za nami v prihodnjih časih, bomo dejali: Glejte podobščino GOSPODOVEGA oltarja, ki so ga postavili očetje naši, ne za žgalno, ne za klalno daritev, ampak da bodi priča med nami in vami.
28Kaya't sinabi namin, Mangyayari na pagka kanilang sasabihing gayon sa amin o sa aming lahi sa panahong darating, ay aming sasabihin, Narito ang anyo ng dambana ng Panginoon na ginawa ng aming mga magulang, hindi upang sa handog na susunugin, ni sa hain: kundi isang saksi sa pagitan namin at ninyo.
29Bog ne daj, da bi se uprli zoper GOSPODA in se danes odvrnili, ne hoteč hoditi za GOSPODOM, da si zgradimo oltar za žgalno, jedilno in klalno daritev, razen oltarja GOSPODA, Boga našega, ki je pred njegovim prebivališčem!
29Malayo nawa sa amin na kami ay manghimagsik laban sa Panginoon, at humiwalay sa araw na ito sa pagsunod sa Panginoon sa pagtatayo ng isang dambana para sa handog na susunugin, para sa handog na harina, o para sa hain bukod sa dambana ng Panginoon nating Dios na nasa harap ng kaniyang tabernakulo.
30Ko so pa slišali Pinehas duhovnik in knezi občine, poglavarji tisoč Izraelovih, ki so bili ž njim, te besede, ki so jih govorili Rubenovi in Gadovi in Manasejevi sinovi, se jim je dobro videlo.
30At nang marinig ni Phinees na saserdote, at ng mga prinsipe ng kapisanan ng mga pangulo ng mga libolibo ng Israel na kasama niya, ang mga salita na sinalita ng mga anak ni Ruben, at ng mga anak ni Gad, at ng mga anak ni Manases, ay nakalugod na mabuti sa kanila.
31In Pinehas, Eleazarjev sin, duhovnik, reče Rubenovim in Gadovim in Manasejevim sinovom: Danes spoznavamo, da je GOSPOD med nami, ker niste zagrešili te nezvestobe zoper GOSPODA. Sedaj ste rešili Izraelove sinove roke GOSPODOVE!
31At sinabi ni Phinees na anak ni Eleazar na saserdote sa mga anak ni Ruben, at sa mga anak ni Gad, at sa mga anak ni Manases, Sa araw na ito ay talastas namin, na ang Panginoon ay nasa gitna natin, sapagka't kayo'y hindi nagkasala ng pagsalangsang na ito laban sa Panginoon: inyo ngang iniligtas ang mga anak ni Israel sa kamay ng Panginoon.
32Tedaj se vrnejo Pinehas, sin Eleazarja duhovnika, in knezi od Rubenovih in Gadovih sinov iz Gileadske pokrajine v Kanaansko deželo k Izraelovim sinovom in jim prineso poročilo.
32At si Phinees na anak ni Eleazar na saserdote at ang mga prinsipe, ay nagsibalik na mula sa mga anak ni Ruben, at mula sa mga anak ni Gad, sa lupain ng Galaad, na tumungo sa lupain ng Canaan, sa mga anak ni Israel, at binigyan nilang sagot.
33In stvar se je dobra videla sinovom Izraelovim; in Izraelovi sinovi so hvalili Boga in niso več omenili, da pojdejo zoper nje v boj ugonabljat deželo, ki prebivajo v njej sinovi Rubenovi in sinovi gadovi.In Rubenovi in Gadovi sinovi so imenovali oltar Priča, zakaj „on je priča med nami, da je Jehova Bog“.
33At ang bagay ay nakalugod sa mga anak ni Israel; at pinuri ng mga anak ni Israel ang Dios at hindi na nagsalita pa ng pagsampa laban sa kanila na bumaka na gibain ang lupain na kinatatahanan ng mga anak ni Ruben at ng mga anak ni Gad.
34In Rubenovi in Gadovi sinovi so imenovali oltar Priča, zakaj „on je priča med nami, da je Jehova Bog“.
34At ang dambana ay tinawag na Ed ng mga anak ni Ruben at ng mga anak ni Gad: Sapagka't anila, saksi sa pagitan natin, na ang Panginoon ay Dios.