1Zvanzi naJehovha, Enda undotenga chirongo chakaumbwa nomuumbi wehari, unavamwe vakuru vavanhu navamwe vakuru vavapristi;
1Ganito ang sabi ng Panginoon, Ikaw ay yumaon, at bumili ka ng isang sisidlang lupa ng magpapalyok, at magsama ka ng mga matanda sa bayan, at ng mga matanda sa mga saserdote;
2ipapo uende kumupata womwanakomana waHinomi, uripo pavanopinda pasuwo rezvaenga zvehari uparidzirepo mashoko andichakuudza;
2At ikaw ay lumabas sa libis ng anak ni Hinnom, na nasa tabi ng pasukan ng pintuang-bayan ng Harsit, at itanyag mo roon ang mga salita na aking sasaysayin sa iyo:
3uti, Inzwai shoko raJehovha, imwi madzimambo aJudha navagere Jerusaremu, zvanzi naJehovha wehondo, Mwari waIsiraeri, Tarirai, ndichauyisa zvakaipa pamusoro penzvimbo ino, nzeve dzomumwe nomumwe unozvinzwa dzichawunga.
3At iyong sabihin, Inyong dinggin ang salita ng Panginoon, Oh mga hari sa Juda, at mga nananahan sa Jerusalem: Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Narito, ako'y magpaparating ng kasamaan sa dakong ito, na sinomang makarinig ay magpapanting ang mga pakinig.
4nekuti vakandisiya, vakashandura nzvimbo ino, vakapisirapo zvinonhuhwira kuna vamwe vamwari vavakanga vasingazivi, ivo namadzibaba avo namadzimambo aJudha, vakazadza nzvimbo ino neropa ravasina mhosva,
4Sapagka't kanilang pinabayaan ako, at kanilang pinapaging iba ang dakong ito, at nangagsunog sila ng kamangyan dito sa ibang mga dios, na hindi nila nakilala, nila at ng kanilang mga magulang at ng mga hari sa Juda, at pinuno ang dakong ito ng dugo ng mga walang sala,
5vakavaka nzvimbo dzakakwirira dzaBhaari, kuti vapisire Bhaari vanakomana vavo pamoto zvive zvipiriso zvinomupisirwa; izvo, zvandisina kuvaraira, kana kuzvitaura, zvandisina kufunga mumoyo mangu.
5At itinayo ang mga mataas na dako ni Baal, upang sunugin ang kanilang mga anak sa apoy na mga pinakahandog na susunugin kay Baal; na hindi ko iniutos, o sinalita man, o pumasok man sa aking pagiisip:
6Naizvozvo tarirai, mazuva anouya ndizvo zvinotaura Jehovha nzvimbo ino haichazonzi Tofeti, kana Mupata womwanakomana waHinomi, asi Mupata woKuurawa.
6Kaya't narito, ang mga kaarawan ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ang dakong ito ay hindi na tatawaging Topheth, ni Ang libis ng anak ni Hinnom, kundi Ang libis ng Patayan.
7Ndichakonesa mano aJudha naveJerusaremu panzvimbo ino; ndichavawisa nomunondo pamberi pavavengi vavo, uye namaoko avanotsvaka kuvauraya; zvitunha zvavo ndichazvipa shiri dzokudenga nezvikara zvenyika, zvive zvokudya zvazvo.
7At aking sasayangin ang payo ng Juda at ng Jerusalem sa dakong ito; at aking ibubuwal sila sa pamamagitan ng tabak sa harap ng kanilang mga kaaway, at sa pamamagitan ng kamay ng nagsisiusig ng kanilang buhay: at ang kanilang mga bangkay ay mangabibigay na pinakapagkain sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop sa lupa.
8Guta rino ndichariita chishamiso nechinhu chinoridzirwa muridzo; mumwe nomumwe unopfuura napo uchashamiswa achiridza muridzo nokuda kwamatambudziko aro ose.
8At gagawin ko ang bayang ito na katigilan, at kasutsutan; bawa't isa na mangagdadaan doon ay mangatitigilan at magsisisutsot dahil sa lahat na salot niyaon.
9Ndichavadyisa nyama yavanakomana vavo nenyama yavanasikana vavo; mumwe nomumwe uchadya nyama yeshamwari yake pakukombwa kwaro napakumanikidzwa kwavachamanikidzwa nako navavengi vavo navanotsvaka kuvauraya.
9At pakakanin ko sila ng laman ng kanilang mga anak na lalake at ang laman ng kanilang mga anak na babae; at kakain bawa't isa sa kanila ng laman ng kaniyang kaibigan, sa pagkakulong at sa kagipitan, na igigipit sa kanila ng kanilang mga kaaway, at ng nagsisiusig ng kanilang buhay.
10Zvino unofanira kuputsa chirongo pamberi pavarume vakaenda newe,
10Kung magkagayo'y babasagin mo ang sisidlang lupa sa paningin ng mga lalake na nagsisiyaong kasama mo, at iyong sasabihin sa kanila,
11ugoti kwavari, Zvanzi naJehovha wehondo, Saizvozvo ndichaputsa vanhu ava neguta rino, sezvinoputswa mudziyo womuumbi wehari, usingabviri kuzogadzirwazve; zvino vachaviga vakafa paTofeti nokuti kuchashaikwa imwe nzvimbo.
11Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Ganito ko babasagin ang mga taong ito at ang bayang ito, gaya ng pagbasag ng isang sisidlan ng magpapalyok, na hindi mabubuo uli; at sila'y mangaglilibing sa Topheth hanggang sa mawalan ng dakong mapaglilibingan.
12Ndizvo zvandichaitira nzvimbo ino navagerepo, ndiite guta rino seTofeti ndizvo zvinotaura Jehovha.
12Ganito ang gagawin ko sa dakong ito, sabi ng Panginoon, at sa mga nananahan dito, sa makatuwid baga'y gagawin ang bayang ito na gaya ng Topheth:
13Dzimba dzeJerusaremu, nedzimba dzamadzimambo aJudha, dzakasvibiswa, dzichaita senzvimbo yeTofeti, idzo dzimba dzose dzavakapisira pamatenga adzo zvinonhuhwira kuhondo dzokudenga,nokudururira vamwe vamwari zvipiriso zvinodururwa.
13At ang mga bahay ng Jerusalem, at ang mga bahay ng mga hari sa Juda, na nangahawa ay magiging gaya ng dako ng Topheth, lahat ng bahay na ang mga bubungan ay pinagsunugan ng kamangyan sa lahat ng natatanaw sa langit, at pinagbuhusan ng mga handog na inumin sa ibang mga dios.
14Ipapo Jeremiya wakabva Tofeti, kwaakanga atumwa naJehovha kundoporofita, akandomira muruvazhe rweimba yaJehovha, akati kuvanhu vose,
14Nang magkagayo'y nagbalik si Jeremias mula sa Topheth, na pinagsuguan sa kaniya ng Panginoon upang manghula; at siya'y tumayo sa looban ng bahay ng Panginoon, at nagsabi sa buong bayan,
15Zvanzi naJehovha wehondo, Mwari waIsiraeri, Tarirai, ndichauyisa pamusoro peguta rino napamusoro pemisha yaro yose, zvakaipa zvose zvandakataura pamusoro paro; nekuti vakaomesa mitsipa yavo, kuti varege kunzwa mashoko angu.
15Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Narito, ako'y magdadala sa bayang ito, at sa kaniyang lahat na bayan ng lahat na kasamaan na aking sinalita laban doon; sapagka't kanilang pinapagmatigas ang kanilang leeg, upang huwag nilang marinig ang aking salita.