1Shoko, rakasvika kuna Jeremiya richibva kuna Jehovha namazuva aJehoiakimu, mwanakomana waJosiya, mambo waJudha, richiti,
1Ang salita na dumating kay Jeremias na mula sa Panginoon sa mga kaarawan ni Joacim na anak ni Josias, na hari sa Juda, na nagsasabi,
2Enda kuimba yavaRekabhi, utaure navo, uuye navo mumba maJehovha, mune imwe kamuri, uvape waini vamwe.
2Pumaroon ka sa bahay ng mga Rechabita, at magsalita ka sa kanila, at iyong dalhin sila sa bahay ng Panginoon, sa isa sa mga silid, at bigyan mo sila ng alak na mainom.
3Ipapo ndakatora Jaazania mwanakomana waJeremiya, mwanakomana waHabhazania, nehama dzake, navanakomana vake vose, neimba yose yavaRekabhi.
3Nang magkagayo'y kinuha ko si Jazanias na anak ni Jeremias, na anak ni Habassinias, at ang kaniyang mga kapatid, at ang lahat niyang anak, at ang buong sangbahayan ng mga Rechabita;
4Ndikavaisa mumba maJehovha, mukamuri yavanakomana vaHanani mwanakomana waIghidhari, munhu waMwari, yaiva pedo nekamuri yamachinda, yakanga iri pamusoro pekamuri yamachinda, yakanga iri pamusoro pekamuri yaMaaseia mwanakomana waSharumi, mutariri wechikumbaridzo.
4At dinala ko sila sa bahay ng Panginoon, sa silid ng mga anak ni Hanan na anak ni Igdalias, na lalake ng Dios, na nasa siping ng silid ng mga prinsipe, na nasa itaas ng silid ni Maasias na anak ni Sallum, na tagatanod ng pintuan.
5Ndikagadza pamberi pavanakomana veimba yavaRekabhi mbiya dzizere newaini nemikombe, ndikati kwavari, Imwai waini.
5At aking inilagay sa harap ng mga anak ng sangbahayan ng mga Rechabita ang mga mankok na puno ng alak, at ang mga saro, at aking sinabi sa kanila, Magsisiinom kayo ng alak.
6Asi ivo vakati Hatingamwi waini, nekuti Jonadhabhi mwanakomana waRekabhi, baba vedu, vakatiraira vachiti, Regai kumwa waini, imi, navanakomana venyu nokusingaperi;
6Nguni't kanilang sinabi, Kami ay hindi magsisiinom ng alak; sapagka't si Jonadab na anak ni Rechab na aming magulang ay nagutos sa amin, na nagsasabi, Huwag kayong magsisiinom ng alak, maging kayo, o ang inyong mga anak man, magpakailan man:
7uye musavaka dzimba, kana kudzvara mbeu, kana kurima minda yemizambiringa, kana kuva nazvo; asi munofanira kugara mumatende mazuva enyu ose, kuti mugare mazuva mazhinji munyika mamunogara muri vatorwa.
7Ni huwag kayong mangagtatayo ng bahay, o mangaghahasik ng binhi, o mangagtatanim sa ubasan, o mangagtatangkilik ng anoman; kundi ang lahat ninyong mga kaarawan ay inyong itatahan sa mga tolda; upang kayo ay mangabuhay na malaon sa lupain na inyong pangingibahang bayan.
8Zvino takateerera inzwi raJonadhabhi mwanakomana waRekabhi, baba vedu, pazvose zvavakaraira, vachiti tirege kumwa waini mazuva edu ose, isu, navakadzi vedu;
8At aming tinalima ang tinig ni Jonadab na anak ni Rechab na aming magulang sa lahat na kaniyang ibinilin sa amin na huwag magsiinom ng alak sa lahat ng mga araw namin, kami, ang aming mga asawa, ang aming mga anak na lalake o babae man;
9kana kuzvivakira dzimba matingagara; uye hatina minda yemizambiringa, kana mimwe minda, kana mbeu;
9Ni huwag kaming mangagtayo ng mga bahay na aming matahanan; ni huwag kaming mangagtangkilik ng ubasan, o ng bukid, o ng binhi:
10asi takagara mumatende, tikateerera, tikaita zvose sezvatakarairwa naJonadhabhi baba vedu.
10Kundi kami ay nagsitahan sa mga tolda, at kami ay nagsitalima, at nagsigawa ng ayon sa lahat na iniutos sa amin ni Jonadab na aming magulang.
11Asi Nebhukadhirezari mambo weBhabhironi wakati achisvika munyika ino, tikati, Hendei, tiende Jerusaremu nekuti tinotya hondo yavaKaradhea, uye tinotya hondo yavaSiria; naizvozvo tigere Jerusaremu.
11Nguni't nangyari, nang si Nabucodonosor na hari sa Babilonia ay umahon sa lupain, na aming sinabi, Tayo na, at tayo'y magsiparoon sa Jerusalem dahil sa takot sa hukbo ng mga Caldeo, at dahil sa takot sa hukbo ng mga taga Siria; sa ganito'y nagsisitahan kami sa Jerusalem.
12Ipapo shoko raJehovha rakasvika kuna Jeremiya, richiti,
12Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon kay Jeremias, na nagsasabi,
13Zvanzi naJehovha wehondo, Mwari waIsiraeri, Enda undoudza varume vaJudha, navagere Jerusaremu, uti, Hamutendi kurangwa, kuti muteerere mashoko angu here? Ndizvo zvinotaura Jehovha.
13Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Yumaon ka, at sabihin mo sa mga tao ng Juda at sa mga nananahan sa Jerusalem, Hindi baga kayo magsisitanggap ng turo upang dinggin ang aking mga salita? sabi ng Panginoon.
14Mashoko aJonadhabhi mwanakomana waRekabhi, aakaraira vanakomana vake, kuti varege kumwa waini, anoteererwa; kusvikira zuva ranhasi havamwi, nekuti vanoteerera murayiro wababa wavo. Asi ini ndakataura nemi, ndichimuka mangwanani ndichitaura; asi hamuna kunditeerera.
14Ang mga salita ni Jonadab na anak ni Rechab, na kaniyang iniutos sa kaniyang mga anak, na huwag magsiinom ng alak, ay nangatupad; at hanggang sa araw na ito ay hindi sila nagsisiinom, sapagka't kanilang tinalima ang tinig ng kanilang magulang. Nguni't aking sinalita, sa inyo, na bumangon akong maaga, at aking sinasalita, at hindi ninyo ako dininig.
15Ndakatumawo kwamuri varanda vangu vose vavaporofita, ndichimuka mangwanani, ndichivatuma, ndichiti, Dzokai zvino mumwe nomumwe panzira yake yakaipa, munatse zvamunoita, murege kutevera vamwe vamwari muchivashumira, ipapo muchagara panyika yandakakupai imwi namadzibaba enyu; asi hamuna kurerekera nzeve dzenyu, kana kunditeerera.
15Akin din namang sinugo sa inyo ang lahat kong lingkod na mga propeta, na bumabangon akong maaga, at akin silang sinusugo, na aking sinasabi, Magsihiwalay kayo ngayon bawa't isa sa kanikaniyang masamang lakad, at pabutihin ninyo ang inyong mga gawain, at huwag kayong magsisunod sa mga ibang dios na mangaglingkod sa kanila, at kayo'y magsisitahan sa lupain na ibinigay ko sa inyo, at sa inyong mga magulang: nguni't hindi ninyo ikiniling ang inyong pakinig, o dininig man ninyo ako.
16Vanakomana vaJonadhabhi mwanakomana waRekabhi vakateerera murayiro wababa wavo, waakavaraira, asi vanhu ava havana kunditeerera;
16Yamang tinupad ng mga anak ni Jonadab na anak ni Rechab ang utos ng kanilang magulang na iniutos sa kanila, nguni't ang bayang ito ay hindi nakinig sa akin;
17naizvozvo zvanzi naJehovha, Mwari wehondo, Mwari waIsiraeri; Tarirai, ndichauyisa pamusoro paJudha napamusoro pavose vagere Jerusaremu zvakaipa zvose zvandakareva pamusoro pavo; nekuti ndakataura navo, asi havana kunzwa, ndakavadana, asi havana kudavira.
17Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Narito, aking dadalhin sa Juda at sa lahat na nananahan sa Jerusalem ang buong kasamaan na aking sinalita laban sa kanila; sapagka't ako'y nagsalita sa kanila, nguni't hindi sila nangakinig; at ako'y tumawag sa kanila, nguni't hindi sila nagsisagot.
18Zvino Jeremiya akati kuimba yavaRekabhi, Zvanzi naJehovha wehondo, Mwari waIsiraeri, zvamakateerera murayiro waJonadhabhi baba venyu, mukachengeta zviga zvavo zvose, mukaita zvose sezvamakarairwa navo;
18At sinabi ni Jeremias sa sangbahayan ng mga Rechabita, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Sapagka't inyong tinalima ang utos ni Jonadab na inyong magulang, at inyong iningatan ang lahat niyang palatuntunan, at inyong ginawa ang ayon sa lahat na kaniyang iniutos sa inyo;
19naizvozvo zvanzi naJehovha wehondo, iye Mwari waIsiraeri, Jonadhabhi mwanakomana waRekabhi haangashaiwi munhu ungamira pamberi pangu nokusingaperi.
19Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Si Jonadab na anak ni Rechab ay hindi kukulangin ng lalake na tatayo sa harap ko magpakailan man.