1Zvino vakuru vose vehondo, naJohwanani mwanakomana waKarea naJezania mwanakomana waHoshaia, navanhu vose kubva kuvaduku kusvikira kuvakuru, vakaswedera,
1Nang magkagayo'y ang lahat na kapitan sa mga kawal, at si Johanan na anak ni Carea, at si Jezanias na anak ni Osaia, at ang buong bayan, mula sa kaliitliitan hanggang sa kadakidakilaan, ay nagsilapit,
2vakati kumuporofita Jeremiya, Tinokumbira kuti munyengetero wedu usvitswe pamberi penyu, mutinyengeterere kuna Jehovha Mwari wenyu, munyengeterere ava vose vakasara (nokuti takasara tiri vashoma kuna vaiva vazhinji, sezvamunotiona nameso enyu),
2At nangagsabi kay Jeremias na propeta, Isinasamo namin sa iyo, na tanggapin ang aming pamanhik sa harap mo, at idalangin mo kami sa Panginoon mong Dios, sa makatuwid baga'y ang lahat na nalabing ito (sapagka't kaming naiwan ay kaunti sa karamihan, gaya ng namamasdan ng iyong mga mata sa amin),
3kuti Jehovha Mwari wenyu atiratidze nzira yatinofanira kufamba nayo nechinhu chatinofanira kuita.
3Upang ipakita sa amin ng Panginoon mong Dios ang daan na aming marapat na lakaran, at ang bagay na marapat naming gawin.
4Ipapo muporofita Jeremiya akati kwavari, Ndakunzwai; tarirai, ndichanyengetera kuna Jehovha Mwari wenyu sezvamakareva namashoko enyu; zvino chinhu chipi nechipi chamunopindurwa naJehovha, ndichakuzivisai icho, handingatongokuvanziriyi chinhu.
4Nang magkagayo'y sinabi ni Jeremias na propeta sa kanila, Aking narinig kayo; narito, aking idadalangin kayo sa Panginoon ninyong Dios ayon sa inyong mga salita; at mangyayari, na anomang bagay na isasagot ng Panginoon sa inyo; aking ipahahayag sa inyo; hindi ako maglilihim sa inyo.
5Ipapo vakati kuna Jeremiya, Jehovha ngaave chapupu chazvokwadi chakatendeka pakati pedu, kana tikarega kuita mashoko ose amunozotumwa nawo kwatiri naJehovha Mwari wenyu.
5Nang magkagayo'y sinabi nila kay Jeremias, Ang Panginoon ay maging tunay at tapat na saksi sa gitna natin, kung hindi nga namin gawin ang ayon sa buong salita na ipasusugo sa iyo ng Panginoon mong Dios sa amin.
6Kana richinge rakanaka, kana richinge rakaipa, tichateerera inzwi raJehovha Mwari wedu, watinokutumirai kwaari; kuti tive nomufaro, kana tichiteerera inzwi raJehovha Mwari wedu.
6Maging mabuti, o maging masama, aming tatalimahin ang tinig ng Panginoon nating Dios, na siya naming pinagsusuguan sa iyo; upang ikabuti namin, pagka aming tinatalima ang tinig ng Panginoon nating Dios.
7Zvino mazuva ane gumi akati apera, shoko raJehovha rikasvika kuna Jeremiya.
7At nangyari, pagkatapos ng sangpung araw, na ang salita ng Panginoon ay dumating kay Jeremias.
8Ipapo akadana Johwanani mwanakomana waKarea navakuru vose vehondo vaiva naye navanhu vose, kubva kuvaduku kusvikira kuvakuru,
8Nang magkagayo'y tinawag niya si Johanan na anak ni Carea, at ang lahat na kapitan sa mga kawal na kasama niya, at ang buong bayan, mula sa kaliitliitan hanggang sa kadakidakilaan,
9akati kwavari, Zvanzi naJehovha Mwari waIsiraeri, wamakanditumira kwaari kuti ndisvitse munyengetero wenyu pamberi pake.
9At sinabi niya sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, na inyong pinagsuguan sa akin upang iharap ang inyong pamanhik sa harap niya:
10Kana muchinge muchada kugara munyika ino, ini ndichakuvakai, handingakukoromoriyi, ndichakusimai, handingakudzuriyi; nekuti ndinozvidemba pamusoro pezvakaipa zvandakakuitirai.
10Kung kayo'y magsisitahan pa sa lupaing ito, akin ngang itatayo kayo, at hindi ko kayo itutulak, at itatatag kayo, at hindi ko kayo paaalisin; sapagka't aking pinagsisihan ang kasamaang nagawa ko sa inyo.
11Musatya henyu mambo weBhabhironi, iye wamunotya; musatya henyu, ndizvo zvinotaura Jehovha; nekuti ndinemwi, kuti ndikuponesei nokukurwirai paruoko rwake.
11Huwag kayong mangatakot sa hari sa Babilonia na inyong kinatatakutan; huwag kayong mangatakot sa kaniya, sabi ng Panginoon, sapagka't ako'y sumasainyo upang iligtas ko kayo, at alisin kayo sa kaniyang kamay.
12Ndichakunzwirai nyasha, kuti iye ave nenyasha nemi, akudzosei kunyika yenyu.
12At pagpapakitaan ko kayo ng kaawaan, upang kaawaan niya kayo, at upang pabalikin kayo sa inyong sariling lupain.
13Asi kana mukati, Hatidi kugara munyika ino, saizvozvo musingateereri inzwi raJehovha Mwari wenyu,
13Nguni't kung inyong sabihin, Kami ay hindi magsisitahan sa lupaing ito; na anopa't hindi ninyo talimahin ang tinig ng Panginoon ninyong Dios,
14muchiti, Kwete, tichaenda kunyika yeEgipita, kwatisingazooni kurwa, kana kunzwa inzwi rehwamanda, kana kunzwa nzara yezvokudya, tichandogarako;
14Na nagsasabi, Hindi; kundi magsisiparoon kami sa lupain ng Egipto, na hindi namin kakikitaan ng digma, o kariringgan man ng tunog ng pakakak, o kagugutuman ng tinapay: at doon kami magsisitahan:
15naizvozvo zvino chinzwai shoko raJehovha, imwi vakasara vaJudha, Zvanzi naJehovha wehondo, Mwari waIsiraeri, kana muchiramba makarinzira zviso zvenyu kuti muende Egipita, kundogarako muri vatorwa;
15Inyo ngang pakinggan ang salita ng Panginoon, Oh nalabi sa Juda: ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel; Kung inyong lubos na ihaharap ang inyong mukha na pumasok sa Egipto, at magsiparoon upang mangibang bayan doon;
16ipapo munondo wamunotya uchakubataipo panyika yeEgipita; nenzara yamunotya ichakutevererai kwazvo paEgipita, ndipapo pamuchandofira.
16Mangyayari nga na ang tabak na inyong kinatatakutan, ay aabot sa inyo roon sa lupain ng Egipto, at ang kagutom na inyong kinatatakutan, ay susunod sa inyong mahigpit doon sa Egipto; at doon kayo mangamamatay.
17Ndizvo zvichaitirwa varume vose vanorinzira zviso zvavo kuti vaende Egipita, kundogarako vari vatorwa; vachafa nomunondo, nenzara, uye nehosha; hakuna mumwe wavo uchasara kana kupukunyuka pazvakaipa zvandichauyisa pamusoro pavo.
17Gayon ang mangyayari sa lahat ng tao na maghaharap ng kanilang mukha na magsiparoon sa Egipto, upang mangibang bayan doon; sila'y mangamamatay sa pamamagitan ng tabak, ng kagutom at ng salot: at walang maiiwan sa kanila o makatatanan man sa kasamaan na aking dadalhin sa kanila.
18nekuti zvanzi naJehovha wehondo, Mwari waIsiraeri, Kutsamwa kwangu nehasha dzangu sezvazvakadururwa pamusoro pavagere Jerusaremu, saizvozvo hasha dzangu dzichadururwa pamusoro penyu, kana muchipinda Egipita; muchava chinhu chinotukwa, nechishamiso, nechinomhurwa, nechinoshoorwa; nenzvimbo ino hamungazoionizve.
18Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel: Kung paanong ang aking galit at ang aking kapusukan ay nabugso sa mga nananahan sa Jerusalem, gayon mabubugso ang aking kapusukan sa inyo, pagka kayo'y pumasok sa Egipto: at kayo'y magiging katungayawan, at katigilan, at kasumpaan, at kadustaan: at hindi na ninyo makikita ang dakong ito.
19Jehovha wakataura pamusoro penyu, imwi vakasara vaJudha, achiti, Regai kuenda Egipita; zivai kwazvo kuti ndakakupupurirai nhasi.
19Ang Panginoon ay nagsalita tungkol sa inyo, Oh nalabi sa Juda, Huwag kayong pumasok sa Egipto: talastasin ninyong tunay na ako'y nagpapatotoo sa inyo sa araw na ito.
20nekuti makanyengera mweya yenyu; nekuti makanditumira kuna Jehovha Mwari wenyu, muchiti, Tinyengetererei kuna Jehovha Mwari wedu, zvose zvicharehwa naJehovha Mwari wedu, mutizivise izvozvo, tichazviita.
20Sapagka't dinaya ninyo ang inyong sarili; sapagka't inyong sinugo ako sa Panginoon ninyong Dios, na inyong sinasabi, Idalangin mo kami sa Panginoon nating Dios: at ayon sa lahat na sasabihin ng Panginoon nating Dios ay gayon mo ipahayag sa amin, at aming gagawin.
21Zvino nhasi ndakuzivisai izvozvo, asi hamuna kuteerera inzwi raJehovha Mwari wenyu pachinhu chimwe chaakanditumira nacho kwamuri.
21At aking ipinahayag sa inyo sa araw na ito; nguni't hindi ninyo dininig ang tinig ng Panginoon ninyong Dios sa anomang bagay na kaniyang ipinasugo sa akin sa inyo.
22Naizvozvo zvino zivai kwazvo kuti muchafa nomunondo, nenzara, uye nehosha yakaipa panzvimbo iyo yamunoda kuenda kwairi kundogarako muri vatorwa.
22Ngayon nga'y talastasin ninyong tunay na kayo'y mangapapatay ng tabak, ng kagutom, at ng salot, sa dakong inyong pagnasaang parunan na mangibang bayan.