1Zvino Joshua wakange akwegura, ava namakore mazhinji; Jehovha akati kwaari, Wakwegura, wava namakore mazhinji, dzichiriko nyika zhinji dzinofanira kuva dzenyu.
1Si Josue nga'y matanda at puspos ng mga taon; at sinabi ng Panginoon sa kaniya, Ikaw ay matanda at puspos ng mga taon, at may nalalabi pang totoong maraming lupain na aariin.
2Nyika yasara ndiyo: Nyika dzose dzavaFirisitia, navaGeshuri vose;
2Ito ang lupain na nalalabi pa: ang lahat na lupain ng mga Filisteo, at ang lahat na Gessureo:
3kubva paShihori kurutivi rweEgipita, kusvikira kumuganhu weEkironi kumusoro, wainzi ndowavaKanani; madzishe mashanu avaFirisitia, vaiti: WeGaza, noweAshidhodhi, noweAshikeroni, noweGiti, noweEkironi, navaAvhimi,
3Mula sa Sihor na nasa tapat ng Egipto, hanggang sa hangganan ng Accaron na dakong hilagaan, na nabilang sa mga Cananeo: ang limang pangulo ng mga Filisteo, ang mga Gazeo, ang mga Asdodeo, ang mga Ascaloneo, ang mga Getheo, ang mga Accaronneo; gayon din ang mga Heveo,
4kurutivi rweZasi, nyika yose yavaKanani, neMeara, waiva wavaZidhoni, kusvikira paAfeki, kusvikira kumuganhu wavaAmori;
4Sa dakong timugan: ang lahat na lupain ng mga Cananeo, at ang Mehara, na nauukol sa mga Sidonio hanggang sa Aphec, na hangganan ng mga Amorrheo;
5nenyika yavaGebhari, neRebhanoni rose kumabvazuva, kubva paBhaari-gadhi panjinga pegomo reHemoni, kusvikira pavanopinda paHamati;
5At ang lupain ng mga Gebalita at ang buong Libano, sa dakong sinisikatan ng araw, mula sa Baal-gad, sa ibaba ng bundok Hermon hanggang sa pasukan sa Hamat:
6vanhu vose vagere panyika yamakomo, kubva paRebhanoni kusvikira paMisirefotimaimi, navaZidhoni vose, ivavo ndichavadzinga pamberi pavana vaIsiraeri; asi iwe unofanira kuipa vana vaIsiraeri, ive nhaka yavo, sezvandakakuraira.
6Ang lahat ng taga lupaing maburol mula sa Libano hanggang sa Misrephoth-maim, sa makatuwid baga'y lahat ng mga Sidonio; sila'y aking itataboy mula sa harap ng mga anak ni Israel: iyo lamang bahagihin sa Israel na pinakamana, gaya ng iniutos ko sa iyo.
7Zvino unofanira kugovera nyika iyi pakati pamarudzi mapfumbamwe nehafu yorudzi rwaManase, ive nhaka yavo.
7Iyo ngang bahagihin ang lupaing ito na pinakamana sa siyam na lipi, at sa kalahating lipi ni Manases.
8VaRubheni navaGadhi vakapiwa nhaka yavo pamwechete naye, iyo yavakanga vapiwa naMozisi mhiri kwaJoridhani kumabvazuva, sezvavakapiwa naMozisi, muranda waJehovha;
8Sa kaniya'y tinanggap ng mga Rubenita at ng mga Gadita, ang kanilang mana, na ibinigay sa kanila ni Moises, sa dako roon ng Jordan na dakong silanganan gaya ng ibinigay sa kanila ni Moises na lingkod ng Panginoon;
9kubva paAroeri, parutivi rwomupata weArinoni, neguta raiva pakati pomupata, nebani rose reMedhebha kusvikira paDhibhoni;
9Mula sa Aroer na nasa tabi ng libis ng Arnon, at ang bayan na nasa gitna ng libis, at ng buong kapatagan ng Medeba hanggang sa Dibon:
10namaguta ose aSihoni, mambo wavaAmori, wakange achibata ushe paHeshibhoni, kusvikira kumuganhu wavana vaAmoni;
10At ang lahat na bayan ni Sehon na hari ng mga Amorrheo, na naghahari sa Hesbon hanggang sa hangganan ng mga anak ni Ammon;
11neGiriyadhi, nenyika yavaGeshuri navaMaakati, negomo rose reHemoni, neBhashani rose kusvikira paSareka,
11At ang Galaad, at ang hangganan ng mga Gessureo at ng mga Maachateo at ang buong bundok ng Hermon, at ang buong Basan hanggang sa Salca;
12noushe hwose hwaOgi paBhashani, wakange achibata ushe paAshitaroti neEdhirei (ndiye wakange asara pavaRefaimu); nekuti ndivo vakanga vakundwa naMozisi vakadzingwa naye.
12Ang buong kaharian ni Og sa Basan, na naghari sa Astaroth at sa Edrei (na siyang naiwang labi sa mga Rephaim); sapagka't sinaktan ang mga ito ni Moises at mga itinaboy.
13Kunyange zvakadaro vana vaIsiraeri havana kudzinga vaGeshuri kana vaMaakati, asi vaGeshuri navaMaakati vagere pakati pavaIsiraeri kusvikira nhasi.
13Gayon ma'y hindi itinaboy ng mga anak ni Israel ang mga Gessureo, ni ang mga Maachateo; kundi ang Gessureo at ang Maachateo ay tumahan sa gitna ng Israel hanggang sa araw na ito.
14Asi rudzi rwavaRevhichetehaana kurupa nhaka; zvipiriso zvaJehovha, Mwari waIsiraeri, zvaipiswa, ndizvo zvaiva nhaka yavo, sezvaakataura naye.
14Ang lipi lamang ni Levi ang hindi niya binigyan ng mana; ang mga handog sa Panginoon, sa Dios ng Israel na pinaraan sa apoy ay siyang kaniyang mana, gaya ng sinalita niya sa kaniya.
15Joshua akapa rudzi rwavana vaRubheni mugove wavo nedzimba dzavo.
15At nagbigay si Moises sa lipi ng mga anak ni Ruben ng ayon sa kanilang mga angkan.
16Nyika yavo yakabva paAroeri, parutivi rwomupata weArinoni, neguta raiva pakati pomupata, nebani rose paMedhebha;
16At ang kanilang hangganan ay mula sa Aroer, na nasa tabi ng libis ng Arnon, at ang bayang nasa gitna ng libis, at ang buong kapatagan sa tabi ng Medeba;
17Heshibhoni namaguta aro ose ari pabani; Dhibhoni, neBhamoti-bhaari, neBheti-bhaari-meoni;
17Ang Hesbon at ang lahat ng mga bayan niyaon na nasa kapatagan; ang Dibon at ang Bamoth-baal, at ang Beth-baal-meon;
18neJahazi, neKedhemoti, neMefahati;
18At ang Jaas, at ang Ced-demoth, at ang Mephaath;
19neKiriataimi, neSibhima, neZereti-shahari mugomo romupata;
19At ang Chiriataim, at ang Sibma, at ang Zereth-shahar, sa bundok ng libis;
20neBheti-peori, nemitenusirwa yePisiga, neBheti-jeshimoti,
20At ang Beth-peor, at ang mga tagudtod ng Pisga, at ng Beth-jesimoth;
21namaguta ose ebani, noushe hwose hwaSihoni, mambo wavaAmori, wakange achibata ushe paHeshibhoni, wakange akundwa naMozisi pamwechete navakuru veMidhiani, neEvhi, neRekemi, neZuri, neHuri, neRebha, namachinda aSihoni, akanga agere munyika iyo.
21At ang lahat ng mga bayan sa kapatagan at ang buong kaharian ni Sehon na hari ng mga Amorrheo na naghari sa Hesbon, na siyang sinaktan ni Moises na gayon din ang mga pinuno sa Madian, si Hevi, si Recem, at si Sur, at si Hur, at si Reba, na mga prinsipe ni Sehon, na tumahan sa lupain.
22Bharamu, mwanakomana waBheori, muvuki, naiyewo wakaurawa nomunondo navana vaIsiraeri pakati pavamwe vakaurawa navo.
22Si Balaam man na anak ni Beor na manghuhula, ay pinatay ng mga anak ni Israel ng tabak sa gitna ng nalabi sa kanilang nangapatay.
23Muganhu wavana vaRubheni rwakanga ruri Joridhani nenyika yarwo. Ndiyo yaiva nhaka yavana vaRubheni nemhuri dzavo, iwo maguta nemisha yawo.
23At ang hangganan ng mga anak ni Ruben ay ang Jordan, at ang hangganan niyaon. Ito ang mana ng mga anak ni Ruben ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayan at ang mga nayon niyaon.
24Mozisi akapa rudzi rwavaGadhi, ivo vana vaGadhi, mugove wavo nemhuri dzavo.
24At si Moises ay nagbigay sa lipi ni Gad, sa mga anak ni Gad, ng ayon sa kanilang mga angkan.
25Nyika yavo raiva Jazeri, namaguta ose eGiriyadhi, nehafu yenyika yavana vaAmoni, kusvikira paAroeri, pamberi peRabha;
25At ang kanilang hangganan ay ang Jacer, at ang lahat na bayan ng Galaad, at ang kalahati ng lupain ng mga anak ni Ammon hanggang sa Aroer na nasa tapat ng Rabba;
26nokubva paHeshibhoni, kusvikira paRamati-mizipe, neBhetonimu; nokubva paMahanaimu, kusvikira pamuganhu weDhebhiri;
26At mula sa Hesbon hanggang sa Ramathmizpe, at sa Betonim; at mula sa Mahanaim hanggang sa hangganan ng Debir.
27nomumupata Bheti-harami, neBhetinemura, neSukoti, neZafoni, nohumwe ushe hwakanga hwasara hwaSihoni, mambo weHeshibhoni, neJoridhani nenyika yarwo, kusvikira pamagumisiro egungwa reKineroti, mhiri kwaJoridhani, kumabvazuva.
27At sa libis, ang Beth-aram, at ang Beth-nimra, at ang Sucoth, at ang Saphon, na labis ng kaharian ni Sehon na hari sa Hesbon, ang Jordan at ang hangganan niyaon, hanggang sa kaduluduluhang bahagi ng dagat ng Cinnereth, sa dako roon ng Jordan na dakong silanganan.
28Ndiyo nhaka yavana vaGadhi nemhuri dzavo iwo maguta nemisha yawo.
28Ito ang mana ng mga anak ni Gad ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayan at ang mga nayon niyaon.
29Mozisi akapa hafu yorudzi rwaManase nhaka yavo; ndiyo yaiva nhaka yehafu yorudzi rwavana vaManase nemhuri dzavo.
29At si Moises ay nagbigay ng mana sa kalahating lipi ni Manases: at yao'y sa kalahating lipi ng mga anak ni Manases ayon sa kanilang mga angkan.
30Nyika yavo yakabva paMahanaimu, neBhashani rose, noushe hwaOgi, mambo weBhashani, nemisha yose yeJairi, yaiva paBhashani, maguta makumi matanhatu;
30At ang kanilang hangganan ay mula sa Mahanaim, ang buong Basan, ang buong kaharian ni Og na hari sa Basan at ang lahat ng mga bayan ng Jair na nasa Basan, anim na pung bayan.
31nehafu yeGiriyadhi, neAshitaroti, neEdhirei, maguta oushe hwaOgi paBhashani, ndiyo yaiva yavana vaMakiri, mwanakomana waManase, yehafu yavana vaMakiri nemhuri dzavo.
31At ang kalahati ng Galaad at ang Astaroth at ang Edrei, ang mga bayan ng kaharian ni Og sa Basan, ay sa mga anak ni Machir na anak ni Manases, sa makatuwid baga'y sa kalahati ng mga anak ni Machir ayon sa kanilang mga angkan.
32Ndidzo nhaka dzakagoverwa naMozisi pamapani aMoabhu, mhiri kwaJoridhani paJeriko kumabvazuva.
32Ito ang mga mana na binahagi ni Moises sa mga kapatagan ng Moab, sa dako roon ng Jordan sa Jerico, na dakong silanganan.
33Asi rudzi rwavaRevhi haruna kupiwa nhaka naMozisi; Jehovha Mwari waIsiraeri, iye amene, ndiyo nhaka yavo, sezvavakaudzwa naye.
33Nguni't sa lipi ni Levi ay walang ibinigay si Moises na mana: ang Panginoon, ang Dios ng Israel ay siyang kanilang mana, gaya ng kaniyang sinalita sa kanila.