1AMONESTO pues, ante todas cosas, que se hagan rogativas, oraciones, peticiones, hacimientos de gracias, por todos los hombres;
1Una-una nga sa lahat ng mga bagay, ay iniaaral ko na manaing, manalangin, mamagitan, at magpasalamat na patungkol sa lahat ng mga tao;
2Por los reyes y por todos los que están en eminencia, para que vivamos quieta y reposadamente en toda piedad y honestidad.
2Ang mga hari at ang lahat ng nangasa mataas na kalagayan; upang tayo'y mangabuhay na tahimik at payapa sa buong kabanalan at kahusayan.
3Porque esto es bueno y agradable delante de Dios nuestro Salvador;
3Ito'y mabuti at nakalulugod sa paningin ng Dios na ating Tagapagligtas;
4El cual quiere que todos los hombres sean salvos, y que vengan al conocimiento de la verdad.
4Na siyang may ibig na ang lahat ng mga tao'y mangaligtas, at mangakaalam ng katotohanan.
5Porque hay un Dios, asimismo un mediador entre Dios y los hombres, Jesucristo hombre;
5Sapagka't may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus,
6El cual se dió á sí mismo en precio del rescate por todos, para testimonio en sus tiempos:
6Na ibinigay ang kaniyang sarili na pangtubos sa lahat; na pagpapatotoong mahahayag sa sariling kapanahunan;
7De lo que yo soy puesto por predicador y apóstol, (digo verdad en Cristo, no miento) doctor de los Gentiles en fidelidad y verdad.
7Na dito'y itinalaga ako na tagapangaral at apostol (sinasabi ko ang katotohanan, hindi ako nagsisinungaling), guro sa mga Gentil sa pananampalataya at katotohanan.
8Quiero, pues, que los hombres oren en todo lugar, levantando manos limpias, sin ira ni contienda.
8Ibig ko ngang ang mga tao'y magsipanalangin sa bawa't dako, na iunat ang mga kamay na banal, na walang galit at pakikipagtalo.
9Asimismo también las mujeres, ataviándose en hábito honesto, con vergüenza y modestia; no con cabellos encrespados, u oro, ó perlas, ó vestidos costosos.
9Gayon din naman, na ang mga babae ay magsigayak ng mahinhing damit na may katimtiman at hinahon; hindi ng mahalagang hiyas ng buhok, at ginto o perlas o damit na mahalaga;
10Sino de buenas obras, como conviene á mujeres que profesan piedad.
10Kundi (siyang nararapat sa mga babae na magpakabanal) sa pamamagitan ng mabubuting gawa.
11La mujer aprenda en silencio, con toda sujeción.
11Ang babae'y magaral na tumahimik na may buong pagkapasakop.
12Porque no permito á la mujer enseñar, ni tomar autoridad sobre el hombre, sino estar en silencio.
12Nguni't hindi ko ipinahihintulot na ang babae ay magturo, ni magkaroon ng pamumuno sa lalake, kundi tumahimik.
13Porque Adam fué formado el primero, después Eva;
13Sapagka't si Adam ay siyang unang nilalang, saka si Eva;
14Y Adam no fué engañado, sino la mujer, siendo seducida, vino á ser envuelta en transgresión:
14At si Adam ay hindi nadaya, kundi ang babae nang madaya ay nahulog sa pagsalangsang;
15Empero se salvará engendrando hijos, si permaneciere en la fe y caridad y santidad, con modestia.
15Nguni't ililigtas siya sa pamamagitan ng panganganak, kung sila'y magsisipamalagi sa pananampalataya at pagibig at sa pagpapakabanal na may hinahon.