Spanish: Reina Valera (1909)

Tagalog 1905

Lamentations

5

1ACUÉRDATE, oh Jehová, de lo que nos ha sucedido: Ve y mira nuestro oprobio.
1Iyong alalahanin, Oh Panginoon, kung anong dumating sa amin: iyong masdan, at tingnan ang aming pagkadusta.
2Nuestra heredad se ha vuelto á extraños, Nuestras casas á forasteros.
2Ang aming mana ay napasa mga taga ibang lupa, ang aming mga bahay ay sa mga taga ibang bayan.
3Huérfanos somos sin padre, Nuestras madres como viudas.
3Kami ay mga ulila at walang ama; ang aming mga ina ay parang mga bao.
4Nuestra agua bebemos por dinero; Nuestra leña por precio compramos.
4Aming ininom ang aming tubig sa halaga ng salapi; ang aming kahoy ay ipinagbibili sa amin.
5Persecución padecemos sobre nuestra cerviz: Nos cansamos, y no hay para nosotros reposo.
5Ang mga manghahabol sa amin ay nangasa aming mga leeg: kami ay mga pagod, at walang kapahingahan.
6Al Egipcio y al Asirio dimos la mano, para saciarnos de pan.
6Kami ay nakipagkamay sa mga taga Egipto, at sa mga taga Asiria, upang mangabusog ng tinapay.
7Nuestros padres pecaron, y son muertos; Y nosotros llevamos sus castigos.
7Ang aming mga magulang ay nagkasala at wala na; At aming pinasan ang kanilang mga kasamaan.
8Siervos se enseñorearon de nosotros; No hubo quien de su mano nos librase.
8Mga alipin ay nangagpupuno sa amin: walang magligtas sa amin sa kanilang kamay.
9Con peligro de nuestras vidas traíamos nuestro pan Delante del cuchillo del desierto.
9Aming tinatamo ang aming tinapay sa pamamagitan ng kapahamakan ng aming buhay, dahil sa tabak sa ilang.
10Nuestra piel se ennegreció como un horno A causa del ardor del hambre.
10Ang aming balat ay maitim na parang hurno, dahil sa maningas na init ng kagutom.
11Violaron á las mujeres en Sión, A las vírgenes en las ciudades de Judá.
11Kanilang dinahas ang mga babae, sa Sion, ang mga dalaga sa mga bayan ng Juda.
12A los príncipes colgaron por su mano; No respetaron el rostro de los viejos.
12Ang mga prinsipe ay nangabibitin ng kanilang kamay: ang mga mukha ng mga matanda ay hindi iginagalang.
13Llevaron los mozos á moler, Y los muchachos desfallecieron en la leña.
13Ang mga binata ay nangagpapasan ng gilingan, at ang mga bata ay nangadudulas sa lilim ng kahoy.
14Los ancianos cesaron de la puerta, Los mancebos de sus canciones.
14Ang mga matanda ay wala na sa pintuang-bayan. Ang mga binata'y wala na sa kanilang mga tugtugin.
15Cesó el gozo de nuestro corazón; Nuestro corro se tornó en luto.
15Ang kagalakan ng aming puso ay naglikat; ang aming sayaw ay napalitan ng tangisan.
16Cayó la corona de nuestra cabeza: ­Ay ahora de nosotros! porque pecamos.
16Ang putong ay nahulog mula sa aming ulo: sa aba namin! sapagka't kami ay nangagkasala.
17Por esto fué entristecido nuestro corazón, Por esto se entenebrecieron nuestro ojos:
17Dahil dito ang aming puso ay nanglulupaypay; dahil sa mga bagay na ito ay nagdidilim ang aming mga mata;
18Por el monte de Sión que está asolado; Zorras andan en él.
18Dahil sa bundok ng Sion na nasira; nilalakaran ng mga zora.
19Mas tú, Jehová, permanecerás para siempre: Tu trono de generación en generación.
19Ikaw, Oh Panginoon, nananatili magpakailan man: ang iyong luklukan ay sa sali't saling lahi.
20¿Por qué te olvidarás para siempre de nosotros, Y nos dejarás por largos días?
20Bakit mo kami nililimot magpakailan man, at pinababayaan mo kaming totoong malaon?
21Vuélvenos, oh Jehová, á ti, y nos volveremos: Renueva nuestros días como al principio.
21Manumbalik ka sa amin, Oh Panginoon, at kami ay manunumbalik: baguhin mo ang aming mga araw na gaya nang una.
22Porque repeliendo nos has desechado; Te has airado contra nosotros en gran manera.
22Nguni't itinakuwil mo kaming lubos, ikaw ay totoong napoot sa amin.