1MEJOR es un bocado seco, y en paz, Que la casa de contienda llena de víctimas.
1Maigi ang isang tuyong subo at may katahimikan, kay sa bahay na may laging pistahan na may kaalitan.
2El siervo prudente se enseñoreará del hijo que deshonra, Y entre los hermanos partirá la herencia.
2Ang lingkod na gumagawang may kapantasan ay nagpupuno sa anak na nakahihiya, at siya'y makakabahagi sa mana ng magkakapatid.
3El crisol para la plata, y la hornaza para el oro: Mas Jehová prueba los corazones.
3Ang dalisayan ay sa pilak, at ang hurno ay sa ginto: nguni't sinusubok ng Panginoon ang mga puso.
4El malo está atento al labio inicuo; Y el mentiroso escucha á la lengua detractora.
4Ang manggagawa ng kasamaan ay nakikinig sa masasamang labi; at ang sinungaling ay nakikinig sa masamang dila.
5El que escarnece al pobre, afrenta á su Hacedor: Y el que se alegra en la calamidad, no quedará sin castigo.
5Sinomang tumutuya sa dukha ay dumudusta sa Maylalang sa kaniya: at ang natutuwa sa kasakunaan ay walang pagsalang parurusahan.
6Corona de los viejos son los hijos de los hijos; Y la honra de los hijos, sus padres.
6Ang mga anak ng mga anak ay putong ng mga matatandang tao; at ang kaluwalhatian ng mga anak ay ang kanilang mga magulang.
7No conviene al necio la altilocuencia: Cuánto menos al príncipe el labio mentiroso!
7Ang marilag na pananalita ay hindi nagiging mabuti sa mangmang: lalo na ang magdarayang mga labi, sa isang pangulo.
8Piedra preciosa es el cohecho en ojos de sus dueños: A donde quiera que se vuelve, da prosperidad.
8Ang suhol ay parang mahalagang bato sa mga mata ng nagtatamo: saan man pumihit ay gumiginhawa.
9El que cubre la prevaricación, busca amistad: Mas el que reitera la palabra, aparta al amigo.
9Ang nagtatakip ng pagsalangsang ay humahanap ng pagibig: nguni't ang nagdadadaldal tungkol sa anoman ay naghihiwalay ng magkakaibigang matalik.
10Aprovecha la reprensión en el entendido, Más que si cien veces hiriese en el necio.
10Ang saway ay nanasok na taimtim sa isang naguunawa, kay sa isang daang hampas sa mangmang.
11El rebelde no busca sino mal; Y mensajero cruel será contra él enviado.
11Ang hinahanap lamang ng masamang tao ay panghihimagsik; kaya't isang mabagsik na sugo ay susuguin laban sa kaniya.
12Mejor es se encuentre un hombre con una osa á la cual han robado sus cachorros, Que con un fatuo en su necedad.
12Masalubong ang tao ng oso na nanakawan ng kaniyang mga anak, maigi kay sa mangmang sa kaniyang kamangmangan.
13El que da mal por bien, No se apartará el mal de su casa.
13Sinomang gumaganti ng kasamaan sa mabuti, kasamaan ay hindi hihiwalay sa kaniyang bahay.
14El que comienza la pendencia es como quien suelta las aguas: Deja pues la porfía, antes que se enmarañe.
14Ang pasimula ng pagkakaalit ay gaya ng pagbuga ng tubig: kaya't iwan ninyo ang pagtatalo, bago maginit sa pagkakaalit.
15El que justifica al impío, y el que condena al justo, Ambos á dos son abominación á Jehová.
15Siya na umaaring ganap sa masama, at siya na nagpaparusa sa matuwid, kapuwa sila kasuklamsuklam sa Panginoon.
16¿De qué sirve el precio en la mano del necio para comprar sabiduría, No teniendo entendimiento?
16Bakit may halaga sa kamay ng mangmang upang ibili ng karunungan, gayong wala siyang pagkaunawa?
17En todo tiempo ama el amigo; Y el hermano para la angustia es nacido.
17Ang kaibigan ay umiibig sa lahat ng panahon, at ang kapatid ay ipinanganak na ukol sa kasakunaan.
18El hombre falto de entendimiento toca la mano, Fiando á otro delante de su amigo.
18Ang taong walang unawa ay nakikikamay, at nagiging mananagot sa harapan ng kaniyang kapuwa.
19La prevaricación ama el que ama pleito; Y el que alza su portada, quebrantamiento busca.
19Ang umiibig sa pagsalangsang ay umiibig sa pagkakaalit: ang nagtataas ng kaniyang pintuan ay humahanap ng kapahamakan.
20El perverso de corazón nunca hallará bien: Y el que revuelve con su lengua, caerá en mal.
20Siyang may magdarayang puso ay hindi nakakasumpong ng mabuti: at siyang may suwail na dila ay nahuhulog sa karalitaan.
21El que engendra al necio, para su tristeza lo engendra: Y el padre del fatuo no se alegrará.
21Ang nanganganak ng mangmang ay sa kaniyang kapanglawan: at ang ama ng mangmang ay walang kagalakan.
22El corazón alegre produce buena disposición: Mas el espíritu triste seca los huesos.
22Ang masayang puso ay mabuting kagamutan: nguni't ang bagbag na diwa ay tumutuyo ng mga buto.
23El impío toma dádiva del seno Para pervertir las sendas del derecho.
23Ang masama ay tumatanggap ng suhol mula sa sinapupunan, upang ipahamak ang daan ng kahatulan.
24En el rostro del entendido aparece la sabiduría: Mas los ojos del necio vagan hasta el cabo de la tierra.
24Karunungan ay nasa harap ng mukha ng naguunawa: nguni't ang mga mata ng mangmang ay nasa mga wakas ng lupa.
25El hijo necio es enojo á su padre, Y amargura á la que lo engendró.
25Ang mangmang na anak ay hirap sa kaniyang ama, at kapaitan sa nanganak sa kaniya.
26Ciertamente no es bueno condenar al justo, Ni herir á los príncipes que hacen lo recto.
26Parusahan naman ang matuwid ay hindi mabuti, ni saktan man ang mahal na tao dahil sa kanilang katuwiran.
27Detiene sus dichos el que tiene sabiduría: De prudente espíritu es el hombre entendido.
27Siyang nagtitipid ng kaniyang mga salita ay may kaalaman: at siyang may diwang malamig ay taong naguunawa.
28Aun el necio cuando calla, es contado por sabio: El que cierra sus labios es entendido.
28Ang mangmang man, pagka siya'y tumatahimik, ay nabibilang na pantas: pagka kaniyang tinitikom ang kaniyang mga labi, ay inaari siyang mabait.