1Тада Филистеји скупише војску своју да војују, и скупише се у Сокоту Јудином, и стадоше у логор између Сокота и Азике на међи дамимској.
1Ngayo'y pinisan ng mga Filisteo ang kanilang hukbo upang bumaka at sila'y nagpipisan sa Socho, na nauukol sa Juda, at nagsihantong sa pagitan ng Socho at ng Azeca, sa Ephesdammim.
2А Саул и Израиљци скупише се и стадоше у логор у долини Или, и уврсташе се према Филистејима.
2At nagpipisan si Saul at ang mga lalake ng Israel, at nagsihantong sa libis ng Ela, at nagsihanay sa pakikipagbaka laban sa mga Filisteo.
3И Филистеји стајаху на брду одонуда а Израиљци стајаху на брду одовуда, а међу њима беше долина.
3At nagsitayo ang mga Filisteo sa isang dako sa bundok, at tumayo ang Israel sa kabilang dako sa bundok: at may isang libis sa pagitan nila.
4И изађе из логора филистејског један заточник по имену Голијат из Гата, висок шест лаката и пед.
4At lumabas ang isang bayani sa kampamento ng mga Filisteo na nagngangalang Goliath, taga Gath, na ang taas ay anim na siko at isang dangkal.
5И на глави му беше капа од бронзе, и оклоп плочаст на њему од бронзе; и беше оклоп тежак пет хиљада сикала.
5At siya'y mayroong isang turbanteng tanso, sa kaniyang ulo, at siya'y nasusuutan ng isang baluti sa katawan; at ang bigat ng baluti ay limang libong siklong tanso.
6И ногавице од бронзе беху му на ногама, и штит од бронзе на раменима.
6At siya'y mayroong kasuutang tanso sa kaniyang mga hita, at isang sibat na tanso sa pagitan ng kaniyang mga balikat.
7А копљача од копља му беше као вратило, а гвожђа у копљу му беше шест стотина сикала; и који му оружје ношаше иђаше пред њим.
7At ang puluhan ng kaniyang sibat ay gaya ng panghabi ng manghahabi; at ang dulo ng kaniyang sibat ay may anim na raang siklong bakal ang bigat: at ang kaniyang tagadala ng kalasag ay nauuna sa kaniya.
8Он ставши викаше војску израиљску, и говораше им: Што сте изашли уврставши се? Нисам ли ја Филистејин а ви слуге Саулове? Изберите једног између себе, па нека изађе к мени.
8At siya'y tumayo at humiyaw sa mga hukbo ng Israel, at nagsabi sa kanila, Bakit kayo'y lumabas na nagsihanay sa pakikipagbaka? hindi ba ako'y Filisteo, at kayo'y mga lingkod ni Saul? pumili kayo ng isang lalake sa inyo, at pababain ninyo siya sa akin.
9Ако ме надјача и погуби ме, ми ћемо вам бити слуге; ако ли ја њега надјачам и погубим га, онда ћете ви бити нама слуге, и служићете нам.
9Kung siya'y makalaban sa akin at mapatay ako, magiging alipin nga ninyo kami; nguni't kung ako'y manaig laban sa kaniya, at mapatay ko siya ay magiging alipin nga namin kayo at maglilingkod sa amin.
10Још говораше Филистејин: Ја осрамотих данас војску израиљску: дајте ми човека да се бијемо.
10At sinabi ng Filisteo, Aking hinahamon ang mga hukbo ng Israel sa araw na ito; bigyan ninyo ako ng isang lalake, upang maglaban kami.
11А кад Саул и сав Израиљ чу шта рече Филистејин, препадоше се и уплашише се врло.
11At nang marinig ni Saul at ng buong Israel ang mga salitang yaon ng Filisteo, sila'y nanglupaypay, at natakot na mainam.
12А беше Давид син једног Ефраћанина, из Витлејема Јудиног, коме име беше Јесеј, који имаше осам синова и беше у време Саулово стар и временит међу људима.
12Si David nga ay anak niyaong Ephrateo sa Bethlehem-juda, na ang pangala'y Isai; at may walong anak: at ang lalaking yaon ay matanda na sa mga kaarawan ni Saul na totoong napakatanda sa gitna ng mga tao.
13И три најстарија сина Јесејева отидоше за Саулом на војску; а имена тројици синова његових који отидоше на војску беху првенцу Елијав а другом Авинадав а трећем Сама.
13At ang tatlong pinakamatandang anak ni Isai ay naparoong sumunod kay Saul sa pakikipagbaka: at ang mga pangalan ng kaniyang tatlong anak na naparoon sa pakikipagbaka ay si Eliab na panganay, at ang kasunod niya ay si Abinadab, at ang ikatlo ay si Samma.
14А Давид беше најмлађи. И она три најстарија отидоше за Саулом.
14At si David ang bunso: at ang tatlong pinakamatanda ay sumunod kay Saul.
15А Давид отиде од Саула и врати се у Витлејем да пасе овце оца свог.
15Nguni't si David ay nagpaparoo't parito mula kay Saul upang pasabsabin ang mga tupa ng kaniyang ama sa Bethlehem.
16А Филистејин излажаше јутром и вечером, и стаја четрдесет дана.
16At lumalapit ang Filisteo sa umaga at hapon, at humarap na apat na pung araw.
17А Јесеј рече Давиду, сину свом: Узми сада за браћу своју ефу овог прженог жита и ових десет хлебова, и однеси брже у логор браћи својој.
17At sinabi ni Isai kay David na kaniyang anak, Dalhin mo ngayon sa iyong mga kapatid ang isang epa nitong trigo na sinangag, at itong sangpung tinapay, at dalhin mong madali sa kampamento, sa iyong mga kapatid;
18А ових десет младих сираца однеси хиљаднику, и види браћу своју како су, и донеси од њих знак.
18At dalhin mo ang sangpung kesong ito sa kapitan ng kanilang libo, at tingnan mo kung ano ang kalagayan ng iyong mga kapatid, at kumuha ka ng pinakakatunayan.
19А Саул и они и сав Израиљ беху у долини Или ратујући с Филистејима.
19Si Saul nga, at sila at ang lahat ng mga lalake ng Israel ay nasa libis ng Ela, na nakikipaglaban sa mga Filisteo.
20И тако Давид уста рано и остави овце на чувару; па узе и отиде како му заповеди Јесеј; и дође на место где беше логор, и војска излажаше да се врста за бој, и подизаше убојну вику.
20At si David ay bumangong maaga sa kinaumagahan, at iniwan ang tupa na may isang tagapagalaga, at nagdala at yumaon, na gaya ng iniutos sa kaniya ni Isai; at siya'y naparoon sa kinaroroonan ng mga karo, habang ang hukbo na lumalabas sa pakikipaglaban ay sumisigaw ng pakikipagbaka.
21И стајаше војска израиљска и филистејска једна према другој.
21At ang Israel at ang mga Filisteo ay nakahanay na sa pagbabaka, hukbo laban sa hukbo.
22Тада остави Давид свој пртљаг код чувара који чуваше пртљаг и отрча у војску, и дође и запита браћу своју за здравље.
22At iniwan ni David ang kaniyang daladalahan sa kamay ng tagapagingat ng daladalahan, at tumakbo sa hukbo, at naparoon, at bumati sa kaniyang mga kapatid.
23И докле говораше с њима, гле, онај заточник по имену Голијат Филистејин из Гата, изађе из војске филистејске и говораше као пре, и Давид чу.
23At sa kaniyang pakikipagusap sa kanila, narito, dumating ang bayani, ang Filisteo na taga Gath, na Goliath ang pangalan, mula sa hanay ng mga Filisteo, at nagsalita ng ayon sa mga gayon ding salita: at narinig ni David.
24А сви Израиљци кад видеше тог човека, узбегоше од њега, и беше их страх веома.
24At lahat ng mga lalake sa Israel pagkakita sa lalaking yaon ay tumakas mula sa kaniyang harapan, at natakot na mainam.
25И говораху Израиљци: Видесте ли тог човека што изађе? Јер изађе да срамоти Израиља. А ко би га погубио, цар би му дао силно благо, и кћер своју дао би му; и ослободио би дом оца његовог у Израиљу.
25At ang mga lalake ng Israel ay nagsabi, Nakita ba ninyo ang lalaking iyan na sumasampa? Tunay na sumasampa siya upang manghamon sa Israel: at mangyayari, na ang lalaking makapatay sa kaniya, ay payayamanin ng hari ng malaking kayamanan, at ibibigay sa kaniya ang kaniyang anak na babae, at palalayain sa Israel ang sangbahayan ng kaniyang ama.
26Тада рече Давид људима који стајаху око њега говорећи: Шта ће се учинити човеку који погуби тог Филистејина и скине срамоту с Израиља? Јер ко је тај Филистејин необрезани да срамоти војску Бога Живог?
26At nagsalita si David sa mga lalaking nakatayo sa siping niya, na nagsasabi, Ano ang gagawin sa lalaking makapatay sa Filisteong ito, at mag-alis sa Israel ng kadustaang ito? sapagka't sinong Filisteong ito na hindi tuli na siya'y humahamon sa mga hukbo ng buhay na Dios?
27А народ му одговори исте речи говорећи: То ће се учинити ономе ко га погуби.
27At sumagot sa kaniya ang bayan, ng ganitong paraan, na sinabi, Ganito ang gagawin sa lalake na makapatay sa kaniya.
28А кад чу Елијав брат његов најстарији како се разговара с тим људима, разљути се Елијав на Давида, и рече му: Што си дошао? И на коме си оставио оно мало оваца у пустињи? Знам ја обест твоју и злоћу срца твог; дошао си да видиш бој.
28At narinig ni Eliab na kaniyang pinakamatandang kapatid, nang siya'y magsalita sa mga lalake; at ang galit ni Eliab ay nagalab laban kay David, at kaniyang sinabi, Bakit ka lumusong dito? at kanino mo iniwan ang ilang tupang yaon sa ilang? Talastas ko ang iyong kahambugan, at ang kalikutan ng iyong puso; sapagka't ikaw ay lumusong upang iyong makita ang pagbabaka.
29А Давид рече: Шта сам сад учинио? Заповеђено ми је.
29At sinabi ni David, Anong aking ginawa ngayon? Wala bang dahilan?
30Потом окрену се од њега к другом и запита као пре; и народ му одговори као пре.
30At tinalikdan niya siya na napatungo sa iba, at siya'y nagsalita ng gayon ding paraan: at sinagot siya uli ng bayan na gaya ng una.
31И кад чуше речи које говораше Давид, јавише их Саулу, а он га дозва к себи.
31At nang marinig ang mga salita na sinalita ni David, ay sinaysay nila sa harap ni Saul; at siya'y ipinasundo niya.
32И Давид рече Саулу: Нека се нико не плаши од оног; слуга ће твој изаћи и биће се с Филистејином.
32At sinabi ni David kay Saul, Huwag manglupaypay ang puso ng sinoman dahil sa kaniya; ang iyong lingkod ay yayaon at makikipaglaban sa Filisteong ito.
33А Саул рече Давиду: Не можеш ти ићи на Филистејина да се бијеш с њим, јер си ти дете а он је војник од младости своје.
33At sinabi ni Saul kay David: Hindi ka makaparoroon laban sa Filisteong ito upang makipaglaban sa kaniya: sapagka't ikaw ay isang bata, at siya'y isang lalaking mangdidigma mula sa kaniyang pagkabata.
34А Давид рече Саулу: Слуга је твој пасао овце оца свог; па кад дође лав или медвед и однесе овцу из стада,
34At sinabi ni David kay Saul, Ang iyong lingkod ay nagaalaga ng mga tupa ng kaniyang ama; at pagka pumaroon ang isang leon, o isang oso, at kinukuha ang isang kordero sa kawan,
35Ја потрчах за њим, и ударих га и отех му из чељусти; и кад би скочио на ме; ухватих га за грло, те га бих и убих.
35Ay lumalabas akong hinahabol ko siya, at aking sinasaktan, at aking inililigtas sa kaniyang bibig: at pagka dinadaluhong ako ay aking pinapangahan, at aking sinasaktan, at aking pinapatay.
36И лава и медведа убијао је твој слуга, па ће и тај Филистејин необрезани проћи као они; јер осрамоти војску Бога Живог.
36Pinapatay ng iyong lingkod ang leon at gayon din ang oso: at ang Filisteong ito na hindi tuli ay magiging isa sa kanila, yamang kaniyang hinahamon ang mga hukbo ng Dios na buhay.
37Још рече Давид: Господ који ме је сачувао од лава и медведа, Он ће ме сачувати и од овог Филистејина. Тада рече Саул Давиду: Иди, и Господ нека буде с тобом.
37At sinabi ni David, Ang Panginoon na nagligtas sa akin sa mga pangamot ng leon, at sa pangamot ng oso, ay siyang magliligtas sa akin sa kamay ng Filisteong ito. At sinabi ni Saul kay David, Yumaon ka, at ang Panginoon ay sasa iyo.
38И Саул даде Давиду своје оружје, и метну му на главу капу своју од бронзе и метну оклоп на њ.
38At sinandatahan ni Saul si David ng kaniyang mga sandata, at kaniyang inilagay ang isang turbanteng tanso sa kaniyang ulo, at kaniyang sinuutan siya ng isang baluti sa katawan.
39И припаса Давид мач његов преко свог одела и пође, али не беше навикао, па рече Давид Саулу: Не могу ићи с тим, јер нисам навикао. Па скиде Давид са себе.
39At ibinigkis ni David, ang tabak niya sa kaniyang sandata, at kaniyang tinikmang yumaon; sapagka't hindi pa niya natitikman. At sinabi ni David kay Saul, Hindi ako makayayaon na dala ko ang mga ito; sapagka't hindi ko pa natitikman. At pawang hinubad ni David sa kaniya.
40И узе штап свој у руку, и изабра на потоку пет глатких камена и метну их у торбу пастирску, коју имаше, и узе праћу своју у руку, и тако пође ка Филистејину.
40At tinangnan niya ang kaniyang tungkod sa kaniyang kamay, at pumili siya ng limang makinis na bato mula sa batis, at isinilid sa supot na kaniyang dala, sa makatuwid baga'y sa kaniyang supot pastor; at ang kaniyang panghilagpos ay nasa kaniyang kamay: at siya'y lumapit sa Filisteo.
41А и Филистејин иђаше све ближе к Давиду, а човек који му ношаше оружје, иђаше пред њим.
41At nagpatuloy ang Filisteo at lumapit kay David; at ang lalake na may dala ng kalasag ay nangunguna sa kaniya.
42А кад Филистејин погледа и виде Давида, подсмехну му се, што беше млад и смеђ и лепог лица.
42At nang tumingin ang Filisteo, at makita si David, ay kaniyang niwalan ng kabuluhan siya; sapagka't siya'y bata pa, at mapula ang pisngi, at may magandang bikas.
43И рече Филистејин Давиду: Еда ли сам псето, те идеш на ме са штапом? И проклињаше Филистејин Давида боговима својим.
43At sinabi ng Filisteo kay David, Ako ba ay aso, na ikaw ay paririto sa akin na may mga tungkod? At nilait ng Filisteo si David sa pamamagitan ng kaniyang mga dios.
44И рече Филистејин Давиду: Ходи к мени да дам тело твоје птицама небеским и зверима земаљским.
44At sinabi ng Filisteo kay David, Halika, at aking ibibigay ang iyong laman sa mga ibon sa himpapawid at sa mga hayop sa parang.
45А Давид рече Филистејину: Ти идеш на ме с мачем и с копљем и са штитом; а ја идем на те у име Господа над војскама, Бога војске Израиљеве, ког си ружио.
45Nang magkagayo'y sinabi ni David sa Filisteo, Ikaw ay naparirito sa akin na may tabak, at may malaking sibat at may kalasag; nguni't ako'y naparirito laban sa iyo sa pangalan ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng mga kawal ng Israel na iyong hinahamon.
46Данас ће те Господ дати мени у руке, и убићу те, и скинућу главу с тебе, и даћу данас телеса војске филистејске птицама небеским и зверима земаљским, и познаће сва земља да је Бог у Израиљу.
46Sa araw na ito ay ibibigay ka ng Panginoon sa aking kamay; at sasaktan kita, at pupugutin ko ang ulo mo; at ibibigay ko ang mga bangkay sa hukbo ng mga Filisteo sa mga ibon sa himpapawid sa araw na ito, at sa mababangis na hayop sa lupa; upang maalaman ng buong lupa na may Dios sa Israel:
47И знаће сав овај збор да Господ не спасава мачем ни копљем, јер је рат Господњи, зато ће вас дати нама у руке.
47At upang maalaman ng buong kapisanang ito na hindi nagliligtas ang Panginoon sa pamamagitan ng tabak o ng sibat: sapagka't ang pagbabakang ito ay sa Panginoon, at ibibigay niya kayo sa aming kamay.
48А кад се Филистејин подиже и дође ближе к Давиду, Давид брже истрча на бојиште пред Филистејина.
48At nangyari, nang bumangon ang Filisteo, at sumulong at lumapit upang salubungin si David, na si David ay nagmadali, at tumakbo sa dako ng kawal upang salubungin ang Filisteo.
49И Давид тури руку своју у торбу своју, и извади из ње камен, и баци га из праће, и погоди Филистејина у чело и уђе му камен у чело, те паде ничице на земљу.
49At isinuot ni David ang kaniyang kamay sa kaniyang supot; at kumuha roon ng isang bato, at inihilagpos, at tinamaan ang Filisteo sa kaniyang noo; at ang bato ay bumaon sa kaniyang noo, at nabuwal na pasubsob sa lupa.
50Тако Давид праћом и каменом надјача Филистејина, и удари Филистејина и уби га; а немаше Давид мача у руци.
50Sa gayo'y nanaig si David sa Filisteo sa pamamagitan ng isang panghilagpos at ng isang bato, at sinaktan ang Filisteo at pinatay niya siya; nguni't walang tabak sa kamay ni David.
51И притрчавши Давид стаде на Филистејина, и зграби мач његов и извуче га из корица и погуби га и одсече му главу. А Филистеји кад видеше где погибе јунак њихов побегоше.
51Nang magkagayo'y tumakbo si David, at tinunghan ang Filisteo, at kinuha ang kaniyang tabak, at binunot sa kaniyang kaluban, at pinatay siya, at ipinagpugot ng kaniyang ulo. At nang makita ng mga Filisteo na ang kanilang bayani ay patay na, sila'y tumakas.
52А Израиљци и Јудејци усташе и повикаше и потераше Филистеје до долине и до врата акаронских; и падаше побијени Филистеји по путу сарајимском до Гата и до Акарона.
52At nagsibangon ang mga lalake ng Israel at ng Juda, at humiyaw at hinabol ang mga Filisteo hanggang sa Gath, at sa mga pintuang-bayan ng Ecron. At ang mga sugatan sa mga Filisteo ay nabuwal sa daang patungo sa Saraim, hanggang sa Gath, at sa Ecron.
53Потом се вратише синови Израиљеви теравши Филистеје, и опленише логор њихов.
53At nagsibalik ang mga anak ni Israel sa paghabol sa mga Filisteo, at kanilang sinamsam ang kanilang kampamento.
54А Давид узе главу Филистејинову, и однесе је у Јерусалим, а оружје његово остави у својој колиби.
54At kinuha ni David ang ulo ng Filisteo, at dinala sa Jerusalem; nguni't kaniyang inilagay ang sandata niya sa kaniyang tolda.
55А кад Саул виде Давида где иде пред Филистејина, рече Авениру војводи: Чији је син тај младић, Авенире? А Авенир рече: Како је жива душа твоја царе, не знам.
55At nang makita ni Saul si David na lumalabas laban sa Filisteo, kaniyang sinabi kay Abner, na kapitan ng hukbo, Abner, kaninong anak ang batang ito? At sinabi ni Abner, Buhay ang iyong kaluluwa, Oh hari, hindi ko masabi.
56А цар рече: Питај чији је син тај младић.
56At sinabi ng hari, Usisain mo kung kaninong anak ang batang ito.
57А кад се врати Давид погубивши Филистејина, узе га Авенир и изведе га пред Саула, а у руци му беше глава Филистејинова.
57At pagbalik ni David sa pagpatay sa Filisteo, kinuha siya ni Abner, at dinala siya sa harap ni Saul na dala ang ulo ng Filisteo sa kaniyang kamay.
58И Саул рече му: Чији си син, дете? А Давид рече: Ја сам син слуге твог Јесеја Витлејемца.
58At sinabi ni Saul sa kaniya, Kaninong anak ka, binata? At sumagot si David, Ako'y anak ng iyong lingkod na si Isai na Bethlehemita.