1И Ана се помоли и рече: Развесели се срце моје у Господу; подиже се рог мој у Господу; отворише се уста моја на непријатеље моје, јер сам радосна ради спасења Твог.
1At si Ana ay nanalangin, at nagsabi: Nagagalak ang aking puso sa Panginoon; Ang aking sungay ay pinalaki ng Panginoon; Binigyan ako ng bibig sa aking mga kaaway; Sapagka't ako'y nagagalak sa iyong pagliligtas.
2Нема светог као што је Господ; јер нема другог осим Тебе; и нема стене као што је Бог наш.
2Walang banal na gaya ng Panginoon; Sapagka't walang iba liban sa iyo, Ni may bato mang gaya ng aming Dios.
3Не говорите више поносито, и нека не излазе из уста ваших речи охоле; јер је Господ Бог који све зна, и Он удешава намере.
3Huwag na kayong magsalita ng totoong kapalaluan; Huwag mabuka ang kahambugan sa inyong bibig; Sapagka't ang Panginoon ay Dios ng kaalaman, At sa pamamagitan niya'y sinusukat ang mga kilos.
4Лук јунацима сломи се, и изнемогли опасаше се снагом.
4Ang mga busog ng mga makapangyarihang tao ay nasisira; At yaong nangatisod ay nabibigkisan ng kalakasan.
5Који беху сити, наимају се за хлеб; а који беху гладни, нису више; и нероткиња роди седморо, а која имаше деце, изнеможе.
5Yaong mga busog ay nagpaupa dahil sa tinapay; At yaong mga gutom ay hindi na gutom: Oo, ang baog ay nanganak ng pito; At yaong may maraming anak ay nanghihina.
6Господ убија, и оживљује; спушта у гроб, и извлачи.
6Ang Panginoo'y pumapatay, at bumubuhay: Siya ang nagbababa sa Sheol, at nagsasampa.
7Господ сиромаши и богати; понижује и узвишује.
7Ang Panginoo'y nagpapadukha at nagpapayaman: Siya ang nagpapababa, at siya rin naman ang nagpapataas.
8Сиромаха подиже из праха, и из буњишта узвишује убогог да га посади с кнезовима, и даје им да наследе престо славе; јер су Господњи темељи земаљски, и на њима је основао васиљену.
8Kaniyang ibinabangon ang dukha mula sa alabok, Kaniyang itinataas ang mapagkailangan mula sa dumihan, Upang sila'y palukluking kasama ng mga prinsipe, At magmana ng luklukan ng kaluwalhatian: Sapagka't ang mga haligi ng lupa ay sa Panginoon, At kaniyang ipinatong ang sanglibutan sa kanila.
9Сачуваће ноге милих својих, а безбожници ће умукнути у мраку; јер својом снагом неће човек надјачати.
9Kaniyang iingatan ang mga paa ng kaniyang mga banal; Nguni't ang masama ay patatahimikin sa mga kadiliman; Sapagka't sa pamamagitan ng kalakasan ay walang lalaking mananaig.
10Који се супроте Господу, сатрће се; на њих ће загрмети с неба; Господ ће судити крајевима земаљским, и даће снагу цару свом, и узвисиће рог помазанику свом.
10Yaong makipagkaalit sa Panginoon ay malalansag; Laban sa kanila'y kukulog siya mula sa langit: Ang Panginoon ang huhukom sa mga wakas ng lupa; At bibigyan niya ng kalakasan ang kaniyang hari, At palalakihin ang sungay ng kaniyang pinahiran ng langis.
11Потом отиде Елкана у Рамат кући својој, а дете служаше Господу пред Илијем свештеником.
11At si Elcana ay umuwi sa Ramatha sa kaniyang bahay. At ang bata'y nangangasiwa sa Panginoon sa harap ni Eli na saserdote.
12А синови Илијеви беху неваљали, и не знаху за Господа.
12Ngayo'y ang mga anak ni Eli ay mga hamak na lalake; hindi nila nakikilala ang Panginoon.
13Јер у тих свештеника беше обичај према народу: кад ко приношаше жртву, долажаше момак свештеников док се куваше месо с виљушкама трокраким у руци,
13At ang kaugalian ng mga saserdote sa bayan, ay, na pagka ang sinoma'y naghahandog ng hain, lumalapit ang bataan ng saserdote, samantalang ang laman ay niluluto, na may hawak sa kamay na pang-ipit na may tatlong ngipin;
14И забадаше у суд, или у котао, или у таву, или у лонац, и шта се год набоде на виљушке узимаше свештеник. Тако чињаху свему Израиљу који долажаше у Силом.
14At kaniyang dinuduro sa kawali, o sa kaldera, o sa kaldero, o sa palyok; at lahat ng nadadala ng pang-ipit ay kinukuha ng saserdote para sa kaniya. Gayon ang ginagawa nila sa Silo sa lahat ng mga Israelita na naparoroon.
15Тако и пре него би запалили сало, дошао би момак свештеников, те би рекао човеку који приношаше жртву: Дај месо да испечем свештенику, јер ти нећу примити месо кувано, него сирово.
15Oo, bago nila sunugin ang taba, ay lumalapit ang bataan ng saserdote, at sinasabi sa lalake na naghahain, Magbigay ka ng lamang maiihaw para sa saserdote, sapagka't hindi siya tatanggap sa iyo ng lamang luto, kundi hilaw.
16Ако би му тада човек одговорио: Нека се прво запали сало, па онда узми шта ти год душа жели; он би рекао: Не, него дај сада, ако ли не даш, узећу силом.
16At kung sabihin ng lalake sa kaniya, Walang pagsalang kanila munang susunugin ang taba, at saka mo kunin kung gaano ang nasain ng iyong kaluluwa; kaniya ngang sinasabi, Hindi, kundi ibibigay mo sa akin ngayon: at kung hindi ay aking kukuning sapilitan.
17И грех оних младића беше врло велик пред Господом, јер људи не мараху за принос Господњи.
17At ang kasalanan ng mga binatang yaon ay totoong malaki sa harap ng Panginoon; sapagka't niwawalan ng kabuluhan ng mga tao ang handog sa Panginoon.
18А Самуило служаше пред Господом, још дете у оплећку ланеном.
18Nguni't si Samuel ay nangangasiwa sa harap ng Panginoon, sa bagay ay bata pa, na may bigkis na isang kayong linong epod.
19А мати му начини мали плашт и донесе му, и тако чињаше сваке године долазећи с мужем својим да принесе жртву годишњу.
19Bukod sa rito'y iginagawa siya ng kaniyang ina ng isang munting balabal, at dinadala sa kaniya taon-taon, pagka siya'y umaahon na kasama ng kaniyang asawa upang maghandog ng hain sa taon-taon.
20А Илије благослови Елкану и жену његову говорећи: Господ да ти да порода од те жене за овог ког је дала Господу! И отидоше у своје место.
20At binasbasan ni Eli si Elcana at ang kaniyang asawa, at sinabi, Bigyan ka nawa ng Panginoon ng binhi sa babaing ito sa lugar ng hingi na kaniyang hiningi sa Panginoon. At sila'y umuwi sa kanilang sariling bahay.
21И Господ походи Ану, и она затрудне и роди три сина и две кћери. А дете Самуило растијаше пред Господом.
21At dinalaw ng Panginoon si Ana, at siya'y naglihi, at nagkaanak ng tatlong lalake at dalawang babae. At ang batang si Samuel ay lumalaki sa harap ng Panginoon.
22А Илије беше врло стар, и чу све што чињаху синови његови свему Израиљу, и како спаваху са женама које долажаху гомилама на врата шатора од састанка.
22Si Eli nga ay totoong matanda na; at kaniyang nababalitaan ang lahat ng ginagawa ng kaniyang mga anak sa buong Israel, at kung paanong sila'y sumisiping sa mga babae na naglilingkod sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.
23И говораше им: Зашто то радите? Јер чујем зле речи о вама од свега народа.
23At sinabi niya sa kanila, Bakit ginagawa ninyo ang mga ganiyang bagay? sapagka't aking nababalitaan sa buong bayang ito ang inyong mga masamang kilos.
24Немојте, децо моја; јер није добро шта чујем; отпађујете народ Господњи.
24Huwag, mga anak ko; sapagka't hindi mabuting balita ang aking naririnig: inyong pinasasalangsang ang bayan ng Panginoon.
25Кад човек згреши човеку, судиће му судија; али кад ко згреши Господу, ко ће молити за њ? Али не послушаше оца свог, јер Господ хтеде да их убије.
25Kung ang isang tao ay magkasala laban sa iba, ay hahatulan siya ng Dios; nguni't kung ang isang tao ay magkasala laban sa Panginoon, sino ang mamamagitan sa kaniya? Gayon ma'y hindi nila dininig ang tinig ng kanilang ama, sapagka't inakalang patayin sila ng Panginoon.
26А дете Самуило растијаше и беше мио Господу и људима.
26At ang batang si Samuel ay lumalaki, at kinalulugdan ng Panginoon at ng mga tao rin naman.
27Тада дође човек Божји к Илију, и рече му: Овако вели Господ: Не јавих ли се дому оца твог, кад беху у Мисиру у кући Фараоновој?
27At naparoon ang isang lalake ng Dios kay Eli, at sinabi sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon, Napakita ba ako ng hayag sa sangbahayan ng iyong ama, nang sila'y nasa Egipto sa pagkaalipin sa sangbahayan ni Faraon?
28И изабрах га између свих племена Израиљевих себи за свештеника да приноси жртве на олтару мом и да кади кадом и носи оплећак преда мном, и дадох дому оца твог све жртве огњене синова Израиљевих?
28At pinili ko ba siya sa lahat ng mga lipi ng Israel upang maging saserdote ko, upang maghandog sa aking dambana, upang magsunog ng kamangyan, at upang magsuot ng epod sa harap ko? at ibinigay ko ba sa sangbahayan ng iyong ama ang lahat ng mga handog ng mga anak ni Israel na pinaraan sa apoy?
29Зашто газите жртву моју и принос мој, које сам заповедио да се приносе у шатору? И пазиш синове своје већма него мене, да се гојите првинама свих приноса Израиља, народа мог?
29Bakit nga kayo'y tumututol sa aking hain at sa aking handog, na aking iniutos sa aking tahanan, at iyong pinararangalan ang iyong mga anak ng higit kaysa akin, upang kayo'y magpakataba sa mga pinakamainam sa lahat ng mga handog ng Israel na aking bayan?
30Зато Господ Бог Израиљев каже: Рекао сам доиста: Дом твој и дом оца твог служиће преда мном до века; али каже Господ: Неће бити тако, јер оне ћу поштовати који мене поштују, а који мене презиру, биће презрени.
30Kaya't sinasabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Aking sinabi nga na ang iyong sangbahayan, at ang sangbahayan ng iyong ama, ay lalakad sa harap ko magpakailan man: nguni't sinasabi ngayon ng Panginoon, Malayo sa akin; sapagka't yaong mga nagpaparangal sa akin ay aking pararangalin, at yaong mga humahamak sa akin ay mawawalan ng kabuluhan.
31Гле, иду дани кад ћу одсећи теби руку и руку дому оца твог, да не буде старца у дому твом.
31Narito, ang mga araw ay dumarating, na aking ihihiwalay ang iyong bisig, at ang bisig ng sangbahayan ng iyong ama, upang huwag magkaroon ng matanda sa iyong sangbahayan.
32И видећеш невољу у шатору место свега добра што је Господ чинио Израиљу; неће бити старца у дому твом довека.
32At iyong mamasdan ang kadalamhatian sa aking tahanan, sa buong kayamanan na ibibigay ng Dios sa Israel; at mawawalan ng matanda sa iyong sangbahayan magpakailan man.
33А кога од твојих не истребим испред олтара свог, онај ће остати да ти чиле очи и да ти се цвели душа; и сав подмладак дома твог умираће у најбољим годинама.
33At ang lalaking iyo, na hindi ko ihihiwalay sa aking dambana, ay magiging upang lunusin ang iyong mga mata at papanglawin ang iyong puso; at ang madlang mararagdag sa iyong sangbahayan ay mamamatay sa kanilang kabataan.
34И ово да ти је знак шта ће доћи на оба сина твоја, на Офнија и Финеса: у један дан погинуће обојица.
34At ito ang magiging tanda sa iyo, na darating sa iyong dalawang anak, kay Ophni at kay Phinees: sa isang araw, sila'y kapuwa mamamatay.
35А себи ћу подигнути свештеника верног, он ће радити по срцу мом и по души мојој; и сазидаћу му тврд дом, и он ће ходити пред помазаником мојим вазда.
35At ako'y magbabangon para sa akin ng isang tapat na saserdote, na gagawa ng ayon sa nasa aking puso at nasa aking pagiisip: at ipagtatayo ko siya ng panatag na sangbahayan; at siya'y lalakad sa harap ng aking pinahiran ng langis, magpakailan man.
36И ко остане од дома твог, доћи ће да му се поклони за сребрн новац и за комад хлеба, и говориће: Прими ме у какву службу свештеничку да имам комад хлеба.
36At mangyayari, na bawa't isa na naiwan sa iyong sangbahayan, ay paroroon at yuyukod sa kaniya dahil sa isang putol na pilak at sa isang putol na tinapay, at magsasabi, Isinasamo ko sa iyong ilagay mo ako sa isa sa mga katungkulang pagkasaserdote, upang makakain ako ng isang subong tinapay.