1Кад одеш на војску на непријатеља свог и видиш коње и кола и народ већи од себе, немој се уплашити од њих, јер је с тобом Господ Бог твој, који те је извео из земље мисирске.
1Pagka ikaw ay lalabas upang makibaka laban sa iyong mga kaaway at makakita ka ng mga kabayo, at mga karo, at ng isang bayang higit kay sa iyo, ay huwag kang matatakot sa kanila: sapagka't ang Panginoon mong Dios ay sumasaiyo, na siyang naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto.
2И кад пођете да се побијете, нека приступи свештеник и проговори народу,
2At mangyayari paglapit ninyo sa pakikibaka, na ang saserdote ay lalapit at magsasalita sa bayan.
3И нека им каже: Слушај Израиљу! Ви полазите данас у бој на непријатеље своје, нека не трне срце ваше, не бојте се и не плашите се, нити се препадајте од њих.
3At magsasabi sa kanila, Dinggin mo, Oh Israel, kayo'y lumapit sa araw na ito sa pakikibaka laban sa inyong mga kaaway: huwag manglupaypay ang inyong puso; huwag kayong matakot, ni manginig, ni maduwag dahil sa kanila.
4Јер Господ Бог ваш иде с вама и биће се за вас с непријатељима вашим да вас сачува.
4Sapagka't ang Panginoon ninyong Dios ay siyang yumayaong kasama ninyo, upang ipakipaglaban kayo sa inyong mga kaaway, upang kayo'y iligtas.
5Потом и војводе нека проговоре народу, и кажу: Ко је саградио нову кућу а није почео седети у њој? Нека иде нек се врати кући својој, да не би погинуо у боју, и други почео седети у њој.
5At ang mga pinuno ay magsasalita sa bayan, na sasabihin, Sinong tao ang nagtayo ng isang bagong bahay, at hindi pa niya natatalagahan? siya'y yumaon at bumalik sa kaniyang bahay, baka siya'y mamatay sa pakikibaka at ibang tao ang magtalaga.
6И ко је посадио виноград а још га није брао? Нека иде, нек се врати кући својој, да не би погинуо у боју, и други га брао.
6At sinong lalake ang may itinanim na isang ubasan at hindi pa niya napapakinabangan ang bunga niyaon? siya'y yumaon at bumalik sa kaniyang bahay, baka siya'y mamatay sa pakikibaka at ibang lalake ang makinabang ng bunga niyaon.
7И ко је испросио девојку а још је није одвео? Нека иде, нек се врати кући својој, да не би погинуо у боју, и други је одвео.
7At sinong lalake ang nagasawa sa isang babae at di pa niya nakukuha? siya'y yumaon at bumalik sa kaniyang bahay, baka siya'y mamatay sa pakikibaka, at ibang lalake ang kumuha sa kaniyang asawa.
8Још и ово нека кажу војводе народу: Ко је страшљив и трне му срце? Нека иде, нек се врати кући својој, да не би трнуло срце браћи његовој као њему.
8At muling magsasalita ang mga puno sa bayan, at kanilang sasabihin, Sinong lalake ang matatakutin at mahinang loob? siya'y yumaon at bumalik sa kaniyang bahay, baka ang puso ng kaniyang mga kapatid ay manglupaypay na gaya ng kaniyang puso.
9И кад војводе изговоре народу, онда нека наместе главаре од чета пред народ.
9At mangyayari, pagka ang mga pinuno ay natapos nang makapanalita sa bayan, na sila'y maghahalal ng mga kapitan ng mga hukbo sa unahan ng bayan.
10Кад дођеш под који град да га бијеш, прво га понуди миром.
10Pagka ikaw ay lalapit sa isang bayan upang makipaglaban, ay iyo ngang ihahayag ang kapayapaan doon.
11Ако ти одговори миром и отвори ти врата, сав народ који се нађе у њему нека ти плаћа данак и буде ти покоран.
11At mangyayari, na kung sagutin ka ng kapayapaan, at pagbuksan ka, ay mangyayari nga, na ang buong bayang masusumpungan sa loob ay magiging sakop mo, at maglilingkod sa iyo.
12Ако ли не учини мира с тобом него се стане бити с тобом тада га биј.
12At kung ayaw makipagpayapaan sa iyo, kundi makikipagbaka laban sa iyo, ay kukubkubin mo nga siya:
13И кад га Господ Бог твој преда у руке твоје, побиј све мушкиње у њему мачем.
13At pagka ibinigay ng Panginoon mong Dios sa iyong kamay ay iyong susugatan ang bawa't lalake niyaon ng talim ng tabak:
14А жене и децу и стоку и шта год буде у граду, сав плен у њему, отми, и једи плен од непријатеља својих, који ти да Господ Бог твој.
14Nguni't ang mga babae, at ang mga bata, at ang mga hayop, at ang buong nasa bayan, pati ng buong nasamsam doon, ay kukunin mong pinakasamsam; at kakanin mo ang samsam sa iyong mga kaaway na ibinigay sa iyo ng Panginoon mong Dios.
15Тако чини са свим градовима, који су далеко од тебе и нису од градова ових народа.
15Gayon ang iyong gagawin sa lahat ng bayang totoong malayo sa iyo, na hindi sa mga bayan ng mga bansang ito.
16А у градовима ових народа, које ти Господ Бог твој даје у наследство, не остави у животу ниједну душу живу.
16Nguni't sa mga bayan ng mga taong ito na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios na pinakamana, ay huwag kang magtitira ng may buhay sa anomang bagay na humihinga:
17Него их затри сасвим, Хетеје и Амореје и Хананеје и Ферезеје и Јевеје и Јевусеје, као што ти је заповедио Господ Бог твој.
17Kundi iyong lilipulin sila; ang Hetheo, at ang Amorrheo, ang Cananeo, at ang Pherezeo, ang Heveo, at ang Jebuseo; gaya ng iniutos sa iyo ng Panginoon mong Dios.
18Да вас не науче чинити гадна дела која чинише боговима својим, и да не згрешите Господу Богу свом.
18Upang huwag kayong turuan nilang gumawa ng ayon sa lahat nilang karumaldumal, na kanilang ginawa sa kanilang mga dios; na anopa't kayo'y magkasala laban sa Panginoon ninyong Dios.
19Кад опколиш какав град и будеш дуго под њим бијући га да би га узео, не квари дрвета његова секиром; јер можеш с њих јести, зато их не сеци; јер дрво пољско је ли човек да уђе у град испред тебе?
19Pagka iyong kukubkubing mahabang panahon ang isang bayan sa pakikibaka upang sakupin, ay huwag mong sisirain ang mga punong kahoy niyaon, na pagbubuhatan ng palakol; sapagka't makakain mo, at huwag mong ipagbububuwal; sapagka't tao ba ang kahoy sa parang na kukubkubin mo?
20Него дрвета која знаш да им се род не једе, њих обаљуј и сеци и гради заклон од града који се бије с тобом, докле не падне.
20Ang mga punong kahoy lamang na iyong kilala na hindi mga kahoy na nakakain, ang iyong sisirain at ibubuwal; at iyong itatayong mga kuta laban sa bayang nakikibaka sa iyo, hanggang sa maibuwal mo.