1Кад ко узме жену и ожени се с њом, па се догоди да му она не буде по вољи, што он нађе на њој шта год ружно, нека јој напише књигу распусну и да јој у руке, па нека је отпусти из своје куће.
1Pagka ang isang lalake ay kumuha ng isang babae at pinakasalan, ay mangyayari nga, na kung ang babae ay hindi kalugdan ng kaniyang mga mata, sapagka't kinasumpungan niya ng isang kahiyahiyang bagay, ay lalagda siya ng isang kasulatan ng paghihiwalay, at ibibigay niya sa kaniyang kamay, at papagpapaalamin niya siya sa kaniyang bahay.
2А она отишавши из куће његове, ако отиде и уда се за другог,
2At pagkaalis niya sa bahay ng lalake, ay makayayaon siya at makapagaasawa sa ibang lalake.
3Па ако овај други муж омрзне на њу и напише јој књигу распусну и да јој у руку, и отпусти је из своје куће, или ако умре овај други муж који се ожени њом,
3At kung kapootan siya ng huling asawa, at lagdaan siya ng isang kasulatan ng paghihiwalay, at ibigay sa kaniyang kamay, at papagpaalamin siya sa kaniyang bahay; o kung mamatay ang huling asawa, na kumuha sa kaniya upang maging asawa niya;
4Тада пређашњи муж који је отпусти не може је опет узети за жену, пошто се с њега она скврнила, јер је гад пред Господом. Тако не дај да се греши земља коју ти Господ Бог твој даје у наследство.
4Hindi na siya makukuhang muling maging asawa ng kaniyang unang asawa na humiwalay sa kaniya, pagkatapos na kaniyang mapangayupapa siya; sapagka't yao'y karumaldumal sa harap ng Panginoon: at huwag mong papagkakasalahin ang lupain na ibinibigay na pinakamana sa iyo ng Panginoon mong Dios.
5Ко се скоро буде оженио, нека не иде на војску, и не намећи на њ никакав посао; нека буде слободан у кући својој годину дана и нека се радује са женом својом коју је довео.
5Pagka ang isang lalake ay bagong kasal, ay huwag lalabas na sasama sa hukbo ni mamamahala ng anomang katungkulan; siya'y magiging laya sa bahay na isang taon at kaniyang pasasayahin ang kaniyang asawa na kaniyang kinuha.
6Нико да не узима у залогу жрвањ горњи ни доњи, јер би узео душу у залогу.
6Walang taong kukuha ng gilingan o ng batong nasa itaas ng gilingan na pinakasangla: sapagka't parang kaniyang kinuhang pinakasangla ang buhay ng tao.
7Ко се нађе да је украо човека између браће своје, синова Израиљевих, и трговао с њим и продао га, нека погине онај крадљивац; и тако извади зло из себе.
7Kung ang sinoman ay masumpungang nagnanakaw ng sinoman sa kaniyang mga kapatid, sa mga anak ni Israel, at kaniyang inalipin siya, o ipinagbili siya; ang magnanakaw ngang yaon ay papatayin: gayon mo aalisin ang kasamaan sa gitna mo.
8Чувај се болести губе, и пази добро и чини све што вас уче Левити, као што сам им заповедио, држите и чините.
8Magingat ka sa salot na ketong, na iyong isagawang masikap at gawin ang ayon sa lahat na ituturo sa iyo ng mga saserdote na mga Levita: kung paanong iniutos ko sa kanila ay gayon mo isasagawa.
9Опомињи се шта је учинио Господ Бог твој Марији на путу кад изиђосте из Мисира.
9Alalahanin mo ang ginawa ng Panginoon mong Dios kay Miriam sa daan nang kayo'y lumalabas sa Egipto.
10Кад ти је ближњи твој дужан шта му драго, не иди у кућу његову да му узмеш залог;
10Pagka ikaw ay magpapahiram sa iyong kapuwa ng anomang bagay na hiram, ay huwag kang papasok sa kaniyang bahay upang kumuha ng kaniyang sangla.
11Него стој напољу, а човек који ти је дужан нека ти изнесе напоље залог свој.
11Ikaw ay tatayo sa labas, at ang taong iyong pinahihiram ay maglalabas ng sangla sa iyo.
12Ако је сиромах, не спавај са залогом његовим.
12At kung siya'y taong mahirap ay huwag kang matutulog na may sangla niya:
13Него му врати залог његов до захода сунчаног, да би лежећи на својој хаљини благосиљао те, а то ће ти се примити у правду пред Господом Богом твојим.
13Iyo ngang isasauli sa kaniya ang sangla paglubog ng araw, upang siya'y matulog sa kaniyang damit, at pagpalain ka: at magiging katuwiran mo sa harap ng Panginoon mong Dios.
14Немој занети најамника, сиромаха и потребитога између браће своје, и дошљака који је код тебе у земљи твојој у месту твом.
14Huwag mong pipighatiin ang isang nagpapaupang dukha at salat, maging siya'y sa iyong mga kapatid, o sa mga iyong taga ibang bayan na nangasa iyong bayan sa loob ng iyong mga pintuang-daan:
15Подај му најам његов исти дан, и да га не зађе сунце у тебе, јер је сиромах и тим душу држи, да не би завикао на те ка Господу, и било би ти грех.
15Sa kaniyang kaarawan ay ibibigay mo sa kaniya ang kaniyang kaupahan, ni huwag lulubugan ng araw (sapagka't siya'y mahirap, at siyang inaasahan ng kaniyang puso); baka siya'y dumaing sa Panginoon laban sa iyo at maging kasalanan sa iyo.
16Нека не гину очеви за синове ни синови за очеве; сваки за свој грех нека гине.
16Hindi papatayin ang mga magulang dahil sa mga anak, ni ang mga anak ay papatayin dahil sa mga magulang; bawa't tao'y papatayin dahil sa kaniyang sariling kasalanan.
17Не изврћи правице дошљаку ни сироти, и не узимај у залогу хаљине удовици.
17Huwag mong ililiko ang matuwid ng taga ibang bayan, ni ng ulila; ni huwag mong kukuning sangla ang damit ng babaing bao:
18Него се опомињи да си био роб у Мисиру, и да те је искупио оданде Господ Бог твој; зато ти заповедам да ово чиниш.
18Kundi aalalahanin mo na ikaw ay naging alipin sa Egipto, at tinubos ka ng Panginoon mong Dios mula roon: kaya't iniuutos ko sa iyong gawin mo ang bagay na ito.
19Кад жањеш летину своју на њиви својој, ако заборавиш који сноп на њиви, не враћај се да га узмеш; нека га дошљаку, сироти и удовици, да би те благословио Господ Бог твој у сваком послу руку твојих.
19Pagka iyong aanihin ang iyong ani sa bukid, at nakalimot ka ng isang bigkis sa bukid, ay huwag mong pagbabalikang kunin: magiging sa taga ibang lupa, sa ulila, at sa babaing bao: upang pagpalain ka ng Panginoon mong Dios sa lahat ng gawa ng iyong mga kamay.
20Кад тресеш маслине своје, не загледај грану по грану пошто отресеш; нека дошљаку сироти и удовици.
20Pagka iyong papaspasan ang iyong puno ng olibo, ay huwag mong pagbabalikan ang mga nalagpasan; magiging sa taga ibang bayan, sa ulila, at sa babaing bao.
21Кад береш виноград свој, не пабирчи шта обереш; нека дошљаку сироти и удовици.
21Pagka ikaw ay namimitas sa iyong ubasan, ay huwag mong pupulutin ang nasa likuran mo; magiging sa taga ibang bayan, sa ulila, at sa babaing bao.
22И опомињи се да си био роб у земљи мисирској; зато ти ја заповедам да ово чиниш.
22At iyong aalalahanin na naging alipin ka sa lupain ng Egipto: kaya't iniuutos ko sa iyong gawin ang bagay na ito.