Serbian: Cyrillic

Tagalog 1905

Ruth

3

1Потом рече јој Нојемина свекрва њена: Кћери моја, не треба ли да ти потражим починак, да би ти добро било?
1At sinabi sa kaniya ni Noemi na kaniyang biyanan, Anak ko, hindi ba kita ihahanap ng kapahingahan, na ikabubuti mo?
2Ево, није ли нам род Воз, код кога си била са девојкама његовим? Ево, он ће ову ноћ вејати јечам на гумну.
2At ngayo'y wala ba rito si Booz na ating kamaganak, na ang kaniyang mga alila ay siya mong kinasama? Narito, kaniyang pahahanginan ang sebada ngayong gabi sa giikan.
3Умиј се дакле, и намажи се, и обуци хаљине своје на се, па иди на гумно; али да не дозна за те човек докле не једе и не напије се.
3Maligo ka nga, at magpahid ka ng langis, at magbihis ka at bumaba ka sa giikan: nguni't huwag kang pakilala sa lalake, hanggang siya'y makakain at makainom.
4Па кад легне, запамти место где легне, па онда отиди и дигни покривач с ногу његових, те лези онде; а он ће ти казати шта ћеш радити.
4At mangyayari, paghiga niya, na iyong tatandaan ang dakong kaniyang hihigaan, at ikaw ay papasok, at iyong alisan ng takip ang kaniyang mga paa, at mahiga ka; at sasabihin niya sa iyo kung ano ang iyong gagawin.
5А Рута јој рече: Шта ми год кажеш, учинићу.
5At sinabi niya sa kaniya, Lahat ng iyong sinasabi sa akin ay aking gagawin.
6И отиде на гумно и учини све што јој заповеди свекрва.
6At siya'y bumaba sa giikan, at ginawa niya ang ayon sa buong iniutos sa kaniya ng kaniyang biyanan.
7А Воз једавши и пивши и провеселивши се отиде те леже код стога; а она дође полако, подиже покривач с ногу његових и леже.
7At nang si Booz ay makakain at makainom, at ang kaniyang puso'y maligayahan, siya'y yumaong nahiga sa dulo ng bunton ng trigo; at siya'y naparoong marahan, at inalisan ng takip ang kaniyang mga paa, at siya'y nahiga.
8А кад би око поноћи трже се човек и обрну се, а гле, жена лежаше код ногу његових.
8At nangyari, sa hating gabi, na ang lalake ay natakot at pumihit: at, narito, isang babae ay nakahiga sa kaniyang paanan.
9И он јој рече: Ко си? Одговори: Ја сам Рута слушкиња твоја; рашири крило своје на слушкињу своју, јер си ми осветник.
9At sinabi niya, Sino ka? At siya'y sumagot, Ako'y si Ruth, na iyong lingkod: iladlad mo nga ang iyong kumot sa iyong lingkod; sapagka't ikaw ay malapit na kamaganak.
10А он рече: Господ да те благослови, кћери моја; ова потоња милост коју ми показујеш већа је од прве, што ниси тражила младића, ни сиромашног ни богатог.
10At kaniyang sinabi, Pagpalain ka nawa ng Panginoon, anak ko: ikaw ay nagpakita ng higit na kagandahang loob sa huli kay sa ng una, sa hindi mo pagsunod sa mga bagong tao maging sa dukha o sa mayaman.
11Зато сада, кћери моја, не бој се; шта год кажеш учинићу ти; јер зна цело место народа мог да си поштена жена.
11At ngayon, anak ko, huwag kang matakot; gagawin ko sa iyo ang lahat na iyong sinasabi, sapagka't buong bayan ng aking bayan ay nakakaalam na ikaw ay isang babaing may bait.
12Јесте истина, ја сам ти осветник; али има још те ближи од мене.
12At tunay nga na ako'y kamaganak na malapit; gayon man ay may kamaganak na lalong malapit kay sa akin.
13Преноћи овде; па сутра ако те хтедбуде узети, добро, нека узме; ако ли не хтедбуде узети, ја ћу те узети, тако жив био Господ! Спавај до јутра.
13Maghintay ka ngayong gabi, at mangyayari sa kinaumagahan, na kung kaniyang tutuparin sa iyo ang bahagi ng pagkakamaganak, ay mabuti; gawin niya ang bahagi ng pagkakamaganak: nguni't kundi niya gagawin ang bahagi ng pagkakamaganak sa iyo, ay gagawin ko nga ang bahagi ng pagkakamaganak sa iyo, kung paano ang Panginoon ay nabubuhay: mahiga ka nga hanggang kinaumagahan.
14И она спава код ногу његових до јутра; потом уста док још не могаше човек човека распознати, јер Воз рече: Да се не дозна да је жена долазила на гумно.
14At siya'y nahiga sa kaniyang paanan hanggang kinaumagahan: at siya'y bumangong maaga bago magkakilala ang isa't isa. Sapagka't kaniyang sinabi, Huwag maalaman na ang babae ay naparoon sa giikan.
15И рече: Дај огртач који имаш на себи; и држи га. И она га подржа, а он јој измери шест мерица јечма, и напрти јој и она отиде у град.
15At kaniyang sinabi, Dalhin mo rito ang balabal na nasa ibabaw mo at hawakan; at hinawakan niya; at siya'y tumakal ng anim na takal na sebada, at isinunong sa kaniya; at siya'y pumasok sa bayan.
16И дође свекрви својој, која јој рече: Шта би кћери моја? А она јој каза све што јој учини онај човек.
16At nang siya'y pumaroon sa kaniyang biyanan, ay sinabi niya, Ano nga, anak ko? At isinaysay niya sa kaniya ang lahat na ginawa sa kaniya ng lalake.
17И рече: Ових шест мерица јечма даде ми, јер ми рече: Немој се вратити празна к свекрви својој.
17At sinabi niya, Ang anim na takal na sebadang ito ay ibinigay niya sa akin; sapagka't kaniyang sinabi, Huwag kang pumaroong walang dala sa iyong biyanan.
18А она јој рече: Почекај, кћери моја, док дознаш како ће изаћи; јер онај човек неће се смирити док не сврши ствар данас.
18Nang magkagayo'y sinabi niya, Maupo kang tahimik, anak ko, hanggang sa iyong maalaman kung paanong kararatnan ng bagay: sapagka't ang lalaking yaon ay hindi magpapahinga, hanggang sa kaniyang matapos ang bagay sa araw na ito.