1ܒܚܕ ܒܫܒܐ ܕܝܢ ܒܫܦܪܐ ܥܕ ܚܫܘܟ ܐܬܝ ܠܒܝܬ ܩܒܘܪܐ ܘܐܝܬܝ ܗܪܘܡܐ ܗܠܝܢ ܕܛܝܒ ܗܘܝ ܘܐܝܬ ܗܘܝ ܥܡܗܝܢ ܢܫܐ ܐܚܪܢܝܬܐ ܀
1Datapuwa't nang unang araw ng sanglinggo pagkaumagang-umaga, ay nagsiparoon sila sa libingan, na may dalang mga pabango na kanilang inihanda.
2ܘܐܫܟܚ ܟܐܦܐ ܕܡܥܓܠܐ ܡܢ ܒܝܬ ܩܒܘܪܐ ܀
2At nasumpungan nilang naigulong na ang bato mula sa libingan.
3ܘܥܠܝܢ ܘܠܐ ܐܫܟܚܝܗܝ ܠܦܓܪܐ ܕܝܫܘܥ ܀
3At sila'y nagsipasok, at hindi nila nangasumpungan ang bangkay ng Panginoong Jesus.
4ܘܗܘܐ ܕܟܕ ܗܢܝܢ ܬܡܝܗܢ ܥܠ ܗܕܐ ܗܐ ܬܪܝܢ ܓܒܪܝܢ ܩܡܘ ܠܥܠ ܡܢܗܝܢ ܘܡܒܪܩ ܗܘܐ ܠܒܘܫܗܘܢ ܀
4At nangyari, na samantalang sila'y nangatitilihan dahil dito, narito, tumayo sa tabi nila ang dalawang lalake na nakasisilaw ang mga damit:
5ܘܗܘܝ ܒܕܚܠܬܐ ܘܟܦܝ ܐܦܝܗܝܢ ܒܐܪܥܐ ܘܐܡܪܝܢ ܠܗܝܢ ܡܢܐ ܒܥܝܢ ܐܢܬܝܢ ܚܝܐ ܥܡ ܡܝܬܐ ܀
5At nang sila'y nangatatakot at nangakatungo ang kanilang mga mukha sa lupa ay sinabi nila sa kanila, Bakit hinahanap ninyo ang buhay sa gitna ng mga patay?
6ܠܝܬܘܗܝ ܬܢܢ ܩܡ ܠܗ ܥܗܕܝܢ ܕܡܠܠ ܥܡܟܝܢ ܟܕ ܗܘ ܒܓܠܝܠܐ ܀
6Wala siya rito, datapuwa't nagbangon: alalahanin ninyo ang salita niya sa inyo nang siya'y nasa Galilea pa,
7ܘܐܡܪ ܗܘܐ ܕܥܬܝܕ ܗܘ ܒܪܗ ܕܐܢܫܐ ܕܢܫܬܠܡ ܒܐܝܕܝ ܐܢܫܐ ܚܛܝܐ ܘܢܨܛܠܒ ܘܠܬܠܬܐ ܝܘܡܝܢ ܢܩܘܡ ܀
7Na sinasabi, Kinakailangan na ang Anak ng tao ay ibigay sa mga kamay ng mga taong makasalanan, at ipako sa krus, at magbangong muli sa ikatlong araw.
8ܘܗܢܝܢ ܐܬܕܟܪܝܢ ܠܡܠܘܗܝ ܀
8At naalaala nila ang kaniyang mga salita,
9ܘܗܦܟ ܡܢ ܩܒܪܐ ܘܐܡܪܝܢ ܗܠܝܢ ܟܠܗܝܢ ܠܚܕܥܤܪ ܘܠܫܪܟܐ ܀
9At nagsibalik mula sa libingan, at ibinalita ang lahat ng mga bagay na ito sa labingisa, at sa lahat ng mga iba pa.
10ܐܝܬܝܗܝܢ ܗܘܝ ܕܝܢ ܡܪܝܡ ܡܓܕܠܝܬܐ ܘܝܘܚܢ ܘܡܪܝܡ ܐܡܗ ܕܝܥܩܘܒ ܘܫܪܟܐ ܕܥܡܗܝܢ ܗܠܝܢ ܕܐܡܪ ܗܘܝ ܠܫܠܝܚܐ ܀
10Sila nga'y si Maria Magdalena, si Juana, at si Mariang ina ni Santiago: at iba pang mga babaing kasama nila ang nangagbalita ng mga bagay na ito sa mga apostol.
11ܘܐܬܚܙܝ ܒܥܝܢܝܗܘܢ ܡܠܐ ܗܠܝܢ ܐܝܟ ܫܢܝܬܐ ܘܠܐ ܗܝܡܢܘ ܐܢܝܢ ܀
11At ang mga salitang ito'y inakala nilang walang kabuluhan; at hindi nila pinaniwalaan.
12ܫܡܥܘܢ ܕܝܢ ܩܡ ܘܪܗܛ ܠܩܒܪܐ ܘܐܕܝܩ ܚܙܐ ܟܬܢܐ ܕܤܝܡܝܢ ܒܠܚܘܕ ܘܐܙܠ ܟܕ ܡܬܕܡܪ ܒܢܦܫܗ ܥܠ ܡܕܡ ܕܗܘܐ ܀
12Datapuwa't nagtindig si Pedro, at tumakbo sa libingan; at nang siya'y tumungo pagtingin niya sa loob, ay nakita niya ang mga kayong lino na nangasa isang tabi; at umuwi siya sa kaniyang bahay na nanggigilalas sa nangyaring yaon.
13ܘܗܐ ܬܪܝܢ ܡܢܗܘܢ ܒܗ ܒܝܘܡܐ ܐܙܠܝܢ ܗܘܘ ܠܩܪܝܬܐ ܕܫܡܗ ܥܡܐܘܤ ܘܦܪܝܩܐ ܡܢ ܐܘܪܫܠܡ ܐܤܛܕܘܬܐ ܫܬܝܢ ܀
13At narito, dalawa sa kanila ay naparoroon nang araw ding yaon sa isang nayong ngala'y Emaus, na may anim na pung estadio ang layo sa Jerusalem.
14ܘܗܢܘܢ ܡܡܠܠܝܢ ܗܘܘ ܚܕ ܥܡ ܚܕ ܥܠ ܗܠܝܢ ܟܠܗܝܢ ܕܓܕܫ ܀
14At kanilang pinaguusapan ang lahat ng mga bagay na nangyari.
15ܘܟܕ ܗܢܘܢ ܡܡܠܠܝܢ ܘܒܥܝܢ ܚܕ ܥܡ ܚܕ ܐܬܐ ܗܘ ܝܫܘܥ ܘܡܛܝ ܐܢܘܢ ܘܡܗܠܟ ܗܘܐ ܥܡܗܘܢ ܀
15At nangyari, na samantalang sila'y naguusap at nagtatanongan, na si Jesus din ay lumapit, at nakisabay sa kanila.
16ܘܥܝܢܝܗܘܢ ܐܚܝܕܢ ܗܘܝ ܕܠܐ ܢܤܬܟܠܘܢܝܗܝ ܀
16Datapuwa't sa mga mata nila'y may nakatatakip upang siya'y huwag nilang makilala.
17ܘܐܡܪ ܠܗܘܢ ܡܢܐ ܐܢܝܢ ܡܠܐ ܗܠܝܢ ܕܡܡܠܠܝܢ ܐܢܬܘܢ ܚܕ ܥܡ ܚܕ ܟܕ ܡܗܠܟܝܢ ܐܢܬܘܢ ܘܟܡܝܪܝܢ ܐܢܬܘܢ ܀
17At sinabi niya sa kanila, Ano ang mga salitaan ninyong ito sa inyong paglalakad? At sila'y nagsitigil, na nangalulumbay ang mga mukha.
18ܥܢܐ ܚܕ ܡܢܗܘܢ ܕܫܡܗ ܩܠܝܘܦܐ ܘܐܡܪ ܠܗ ܐܢܬ ܗܘ ܟܝ ܒܠܚܘܕܝܟ ܢܘܟܪܝܐ ܡܢ ܐܘܪܫܠܡ ܕܠܐ ܝܕܥ ܐܢܬ ܡܕܡ ܕܗܘܐ ܒܗ ܒܗܢܘܢ ܝܘܡܬܐ ܀
18At isa sa kanila, na nagngangalang Cleopas, sa pagsagot ay sinabi sa kaniya, Ikaw baga'y nakikipamayan lamang sa Jerusalem, at hindi nakaalam ng mga bagay na doo'y nangyari nang mga araw na ito?
19ܐܡܪ ܠܗܘܢ ܡܢܐ ܐܡܪܝܢ ܠܗ ܥܠ ܝܫܘܥ ܗܘ ܕܡܢ ܢܨܪܬ ܓܒܪܐ ܕܗܘܐ ܢܒܝܐ ܘܚܝܠܬܢ ܗܘܐ ܒܡܠܬܐ ܘܒܥܒܕܐ ܩܕܡ ܐܠܗܐ ܘܩܕܡ ܟܘܠܗ ܥܡܐ ܀
19At sinabi niya sa kanila, Anong mga bagay? At sinabi nila sa kaniya, Ang mga bagay tungkol kay Jesus na Nazareno, na isang propetang makapangyarihan sa gawa at sa salita sa harap ng Dios at ng buong bayan:
20ܘܐܫܠܡܘܗܝ ܪܒܝ ܟܗܢܐ ܘܩܫܝܫܐ ܠܕܝܢܐ ܕܡܘܬܐ ܘܙܩܦܘܗܝ ܀
20At kung paano ang pagkabigay sa kaniya ng mga pangulong saserdote at ng mga pinuno upang hatulan sa kamatayan, at siya'y ipako sa krus.
21ܚܢܢ ܕܝܢ ܤܒܪܝܢ ܗܘܝܢ ܕܗܘܝܘ ܥܬܝܕ ܗܘܐ ܕܢܦܪܩܝܘܗܝ ܠܐܝܤܪܝܠ ܘܗܐ ܬܠܬܐ ܝܘܡܝܢ ܗܐ ܡܢ ܕܗܠܝܢ ܟܠܗܝܢ ܗܘܝ ܀
21Datapuwa't hinihintay naming siya ang tutubos sa Israel. Oo at bukod sa lahat ng mga ito ay ngayon ang ikatlong araw buhat nang mangyari ang mga bagay na ito.
22ܐܠܐ ܐܦ ܢܫܐ ܡܢܢ ܐܬܡܗܢ ܩܕܡ ܗܘܝ ܓܝܪ ܠܒܝܬ ܩܒܘܪܐ ܀
22Bukod sa rito iba sa mga babaing kasamahan namin na nagsiparoong maaga sa libingan, ay nakapagtaka sa amin;
23ܘܟܕ ܠܐ ܐܫܟܚ ܦܓܪܗ ܐܬܝ ܐܡܪܢ ܠܢ ܕܡܠܐܟܐ ܚܙܝܢ ܬܡܢ ܘܐܡܪܝܢ ܥܠܘܗܝ ܕܚܝ ܗܘ ܀
23At nang hindi mangasumpungan ang kaniyang bangkay, ay nangagbalik sila, na nangagsabing sila nama'y nakakita ng isang pangitain ng mga anghel, na nangagsabing siya'y buhay.
24ܘܐܦ ܐܢܫܐ ܡܢܢ ܐܙܠܘ ܠܒܝܬ ܩܒܘܪܐ ܘܐܫܟܚܘ ܗܟܢܐ ܐܝܟ ܡܐ ܕܐܡܪ ܢܫܐ ܠܗ ܕܝܢ ܠܐ ܚܙܘ ܀
24At nagsiparoon sa libingan ang ilang kasama namin, at nasumpungan nila alinsunod sa sinabi ng mga babae: datapuwa't siya'y hindi nila nakita.
25ܗܝܕܝܢ ܐܡܪ ܠܗܘܢ ܝܫܘܥ ܐܘ ܚܤܝܪܝ ܪܥܝܢܐ ܘܝܩܝܪܝ ܠܒܐ ܠܡܗܝܡܢܘ ܒܟܠܗܝܢ ܐܝܠܝܢ ܕܡܠܠܘ ܢܒܝܐ ܀
25At sinabi niya sa kanila, Oh mga taong haling, at makukupad ang mga pusong magsisampalataya sa lahat ng salita ng mga propeta!
26ܠܐ ܗܘܐ ܗܠܝܢ ܥܬܝܕ ܗܘܐ ܕܢܤܝܒܪ ܡܫܝܚܐ ܘܕܢܥܘܠ ܠܬܫܒܘܚܬܗ ܀
26Hindi baga kinakailangang si Cristo ay maghirap ng mga bagay na ito, at pumasok sa kaniyang kaluwalhatian?
27ܘܫܪܝ ܗܘܐ ܡܢ ܡܘܫܐ ܘܡܢ ܟܠܗܘܢ ܢܒܝܐ ܘܡܦܫܩ ܗܘܐ ܠܗܘܢ ܥܠ ܢܦܫܗ ܡܢ ܟܠܗܘܢ ܟܬܒܐ ܀
27At magmula kay Moises at sa mga propeta, ay ipinaaninaw niya sa kanila ang mga bagay tungkol sa kaniya sa lahat ng mga kasulatan.
28ܘܩܪܒܘ ܗܘܘ ܠܩܪܝܬܐ ܗܝ ܕܐܙܠܝܢ ܗܘܘ ܠܗ ܘܗܘ ܡܤܒܪ ܗܘܐ ܠܗܘܢ ܕܐܝܟ ܕܠܕܘܟܐ ܪܚܝܩܐ ܐܙܠ ܗܘܐ ܀
28At sila'y malapit na sa nayong kanilang paroroonan: at naganyo siyang wari may paroroonang lalo pang malayo.
29ܘܐܠܨܘܗܝ ܘܐܡܪܝܢ ܠܗ ܦܘܫ ܠܘܬܢ ܡܛܠ ܕܝܘܡܐ ܗܫܐ ܪܟܢ ܠܗ ܠܡܚܫܟ ܘܥܠ ܕܢܩܘܐ ܠܘܬܗܘܢ ܀
29At siya'y kanilang pinigil, na sinasabi, tumuloy ka sa amin, sapagka't gumagabi na, at kumikiling na ang araw. At pumasok siya upang tumuloy sa kanila.
30ܘܗܘܐ ܕܟܕ ܐܤܬܡܟ ܥܡܗܘܢ ܢܤܒ ܠܚܡܐ ܘܒܪܟ ܘܩܨܐ ܘܝܗܒ ܠܗܘܢ ܀
30At nangyari, nang siya'y nakaupo na kasalo nila sa dulang ng pagkain, ay kaniyang dinampot ang tinapay at binasbasan; at ito'y pinagputolputol, at ibinigay sa kanila.
31ܘܡܚܕܐ ܐܬܦܬܚ ܥܝܢܝܗܘܢ ܘܐܫܬܘܕܥܘܗܝ ܘܗܘ ܐܫܬܩܠ ܠܗ ܡܢܗܘܢ ܀
31At nangabuksan ang kanilang mga mata, at siya'y nakilala nila; at siya'y nawala sa kanilang mga paningin.
32ܘܐܡܪܝܢ ܗܘܘ ܚܕ ܠܚܕ ܠܐ ܗܘܐ ܠܒܢ ܝܩܝܪ ܗܘܐ ܒܓܘܢ ܟܕ ܡܡܠܠ ܥܡܢ ܒܐܘܪܚܐ ܘܡܦܫܩ ܠܢ ܟܬܒܐ ܀
32At sila-sila'y nangagsabihan, Hindi baga nagaalab ang ating puso sa loob natin, habang tayo'y kinakausap niya sa daan, samantalang binubuksan niya sa atin ang mga kasulatan?
33ܘܩܡܘ ܒܗ ܒܫܥܬܐ ܘܗܦܟܘ ܠܐܘܪܫܠܡ ܘܐܫܟܚܘ ܠܚܕܥܤܪ ܕܟܢܝܫܝܢ ܘܠܐܝܠܝܢ ܕܥܡܗܘܢ ܀
33At sila'y nagsitindig sa oras ding yaon, at nangagbalik sa Jerusalem, at naratnang nangagkakatipon ang labingisa, at ang kanilang mga kasama.
34ܟܕ ܐܡܪܝܢ ܕܫܪܝܪܐܝܬ ܩܡ ܡܪܢ ܘܐܬܚܙܝ ܠܫܡܥܘܢ ܀
34Na nangagsasabi, Tunay na nagbangong muli ang Panginoon, at napakita kay Simon,
35ܘܐܦ ܗܢܘܢ ܐܫܬܥܝܘ ܐܝܠܝܢ ܕܗܘܝ ܒܐܘܪܚܐ ܘܐܝܟܢܐ ܐܬܝܕܥ ܠܗܘܢ ܟܕ ܩܨܐ ܠܚܡܐ ܀
35At isinaysay nila ang mga bagay na nangyari sa daan, at kung paanong siya'y nakilala nila nang pagputolputulin ang tinapay.
36ܘܟܕ ܗܠܝܢ ܡܡܠܠܝܢ ܗܘܘ ܝܫܘܥ ܩܡ ܒܝܢܬܗܘܢ ܘܐܡܪ ܠܗܘܢ ܫܠܡܐ ܥܡܟܘܢ ܐܢܐ ܐܢܐ ܠܐ ܬܕܚܠܘܢ ܀
36At samantalang kanilang pinaguusapan ang mga bagay na ito, siya rin ay tumayo sa gitna nila, at sa kanila'y nagsabi, Kapayapaa'y suma inyo.
37ܘܗܢܘܢ ܐܬܪܗܒܘ ܘܗܘܘ ܒܕܚܠܬܐ ܤܒܪܝܢ ܗܘܘ ܓܝܪ ܕܪܘܚܐ ܚܙܝܢ ܀
37Datapuwa't sila'y kinilabutan, at nangahintakutan, at inakala nila na nakakakita sila ng isang espiritu.
38ܘܐܡܪ ܠܗܘܢ ܝܫܘܥ ܡܢܐ ܡܬܙܝܥܝܢ ܐܢܬܘܢ ܘܡܢܐ ܤܠܩܢ ܡܚܫܒܬܐ ܥܠ ܠܒܘܬܟܘܢ ܀
38At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo'y nangagugulumihanan? at bakit nangyayari ang pagtatalo sa inyong puso?
39ܚܙܘ ܐܝܕܝ ܘܪܓܠܝ ܕܐܢܐ ܐܢܐ ܓܘܫܘܢܢܝ ܘܕܥܘ ܕܠܪܘܚܐ ܒܤܪܐ ܘܓܪܡܐ ܠܝܬ ܠܗ ܐܝܟ ܕܚܙܝܢ ܐܢܬܘܢ ܕܐܝܬ ܠܝ ܀
39Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.
40ܘܟܕ ܗܠܝܢ ܐܡܪ ܚܘܝ ܐܢܘܢ ܐܝܕܘܗܝ ܘܪܓܠܘܗܝ ܀
40At pagkasabi niya nito, ay ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa.
41ܘܟܕ ܥܕܡܐ ܠܗܫܐ ܠܐ ܡܗܝܡܢܝܢ ܗܘܘ ܡܢ ܚܕܘܬܗܘܢ ܘܡܬܬܡܗܝܢ ܗܘܘ ܐܡܪ ܠܗܘܢ ܐܝܬ ܠܟܘܢ ܬܢܢ ܡܕܡ ܠܡܐܟܠ ܀
41At samantalang hindi pa sila nagsisisampalataya dahil sa galak, at nagsisipanggilalas, ay sinabi niya sa kanila, Mayroon baga kayo ritong anomang makakain?
42ܗܢܘܢ ܕܝܢ ܝܗܒܘ ܠܗ ܡܢܬܐ ܡܢ ܢܘܢܐ ܕܛܘܝܐ ܘܡܢ ܟܟܪܝܬܐ ܕܕܒܫܐ ܀
42At binigyan nila siya ng isang putol na isdang inihaw.
43ܘܢܤܒ ܐܟܠ ܠܥܢܝܗܘܢ ܀
43At kaniyang inabot yaon, at kumain sa harap nila.
44ܘܐܡܪ ܠܗܘܢ ܗܠܝܢ ܐܢܝܢ ܡܠܐ ܕܡܠܠܬ ܥܡܟܘܢ ܟܕ ܠܘܬܟܘܢ ܗܘܝܬ ܕܘܠܐ ܗܘ ܕܢܫܬܠܡ ܟܠ ܡܕܡ ܕܟܬܝܒ ܒܢܡܘܤܐ ܕܡܘܫܐ ܘܒܢܒܝܐ ܘܒܡܙܡܘܪܐ ܥܠܝ ܀
44At sinabi niya sa kanila, Ito ang aking mga salitang sinabi ko sa inyo, nang ako'y sumasa inyo pa, na kinakailangang matupad ang lahat ng mga bagay na nangasusulat tungkol sa akin sa kautusan ni Moises, at sa mga propeta, at sa mga awit.
45ܗܝܕܝܢ ܦܬܚ ܪܥܝܢܗܘܢ ܠܡܤܬܟܠܘ ܟܬܒܐ ܀
45Nang magkagayo'y binuksan niya ang kanilang mga pagiisip, upang mapagunawa nila ang mga kasulatan;
46ܘܐܡܪ ܠܗܘܢ ܕܗܟܢܐ ܟܬܝܒ ܘܗܟܢܐ ܙܕܩ ܗܘܐ ܕܢܚܫ ܡܫܝܚܐ ܘܕܢܩܘܡ ܡܢ ܒܝܬ ܡܝܬܐ ܠܬܠܬܐ ܝܘܡܝܢ ܀
46At sinabi niya sa kanila, Ganyan ang pagkasulat, na kinakailangang maghirap ang Cristo, at magbangong muli sa mga patay sa ikatlong araw;
47ܘܕܢܬܟܪܙ ܒܫܡܗ ܬܝܒܘܬܐ ܠܫܘܒܩܢܐ ܕܚܛܗܐ ܒܟܠܗܘܢ ܥܡܡܐ ܘܫܘܪܝܐ ܢܗܘܐ ܡܢ ܐܘܪܫܠܡ ܀
47At ipangaral sa kaniyang pangalan ang pagsisisi at pagpapatawad ng mga kasalanan sa lahat ng mga bansa, magbuhat sa Jerusalem.
48ܘܐܢܬܘܢ ܐܢܘܢ ܤܗܕܐ ܕܗܠܝܢ ܀
48Kayo'y mga saksi ng mga bagay na ito.
49ܘܐܢܐ ܐܫܕܪ ܥܠܝܟܘܢ ܡܘܠܟܢܐ ܕܐܒܝ ܐܢܬܘܢ ܕܝܢ ܩܘܘ ܒܐܘܪܫܠܡ ܡܕܝܢܬܐ ܥܕܡܐ ܕܬܠܒܫܘܢ ܚܝܠܐ ܡܢ ܪܘܡܐ ܀
49At narito, ipadadala ko sa inyo ang pangako ng aking Ama, datapuwa't magsipanatili kayo sa bayan, hanggang sa kayo'y masangkapan ng kapangyarihang galing sa itaas.
50ܘܐܦܩ ܐܢܘܢ ܥܕܡܐ ܠܒܝܬ ܥܢܝܐ ܘܐܪܝܡ ܐܝܕܘܗܝ ܘܒܪܟ ܐܢܘܢ ܀
50At kaniyang dinala sila sa labas hanggang sa tapat ng Betania: at itinaas niya ang kaniyang mga kamay, at sila'y binasbasan.
51ܘܗܘܐ ܕܟܕ ܡܒܪܟ ܠܗܘܢ ܐܬܦܪܫ ܡܢܗܘܢ ܘܤܠܩ ܠܫܡܝܐ ܀
51At nangyari, na samantalang sila'y binabasbasan niya, ay iniwan niya sila; at dinala siya sa itaas sa langit.
52ܗܢܘܢ ܕܝܢ ܤܓܕܘ ܠܗ ܘܗܦܟܘ ܠܐܘܪܫܠܡ ܒܚܕܘܬܐ ܪܒܬܐ ܀
52At siya'y sinamba nila, at nagsibalik sila sa Jerusalem na may malaking galak:
53ܘܒܟܠܙܒܢ ܐܝܬܝܗܘܢ ܗܘܘ ܒܗܝܟܠܐ ܟܕ ܡܫܒܚܝܢ ܘܡܒܪܟܝܢ ܠܐܠܗܐ ܐܡܝܢ ܀ ܀ ܀
53At palaging sila'y nasa templo, na nangagpupuri sa Dios.