Syriac: NT

Tagalog 1905

Luke

7

1ܘܟܕ ܫܠܡ ܡܠܐ ܟܠܗܝܢ ܠܡܫܡܥܬܗ ܕܥܡܐ ܥܠ ܝܫܘܥ ܠܟܦܪܢܚܘܡ ܀
1Nang matapos na niya ang lahat ng kaniyang mga pananalita sa mga pakinig ng bayan, ay pumasok siya sa Capernaum.
2ܥܒܕܗ ܕܝܢ ܕܩܢܛܪܘܢܐ ܚܕ ܥܒܝܕ ܗܘܐ ܒܝܫܐܝܬ ܐܝܢܐ ܕܝܩܝܪ ܗܘܐ ܥܠܘܗܝ ܘܩܪܝܒ ܗܘܐ ܠܡܡܬ ܀
2At ang alipin ng isang senturion, na minamahal nito, ay may sakit at malapit nang mamatay.
3ܘܫܡܥ ܥܠ ܝܫܘܥ ܘܫܕܪ ܠܘܬܗ ܩܫܝܫܐ ܕܝܗܘܕܝܐ ܘܒܥܐ ܗܘܐ ܡܢܗ ܐܝܟ ܕܢܐܬܐ ܢܚܐ ܠܥܒܕܗ ܀
3At nang marinig niya ang tungkol kay Jesus, ay pinaparoon niya sa kaniya ang matatanda sa mga Judio, na ipamanhik sa kaniya, na pumaroon at iligtas ang kaniyang alipin.
4ܗܢܘܢ ܕܝܢ ܟܕ ܐܬܘ ܠܘܬ ܝܫܘܥ ܒܥܝܢ ܗܘܘ ܡܢܗ ܒܛܝܠܐܝܬ ܘܐܡܪܝܢ ܫܘܐ ܗܘ ܕܬܥܒܕ ܠܗ ܗܕܐ ܀
4At nang magsidating sila kay Jesus, ay ipinamanhik nilang mapilit sa kaniya, na sinasabi, Karapatdapat siya na gawin mo sa kaniya ito;
5ܪܚܡ ܓܝܪ ܠܥܡܢ ܘܐܦ ܒܝܬ ܟܢܘܫܬܐ ܗܘ ܒܢܐ ܠܢ ܀
5Sapagka't iniibig niya ang ating bansa, at ipinagtayo niya tayo ng ating sinagoga.
6ܝܫܘܥ ܕܝܢ ܐܙܠ ܗܘܐ ܥܡܗܘܢ ܟܕ ܕܝܢ ܠܐ ܤܓܝ ܪܚܝܩ ܡܢ ܒܝܬܐ ܫܕܪ ܠܘܬܗ ܩܢܛܪܘܢܐ ܪܚܡܘܗܝ ܘܐܡܪ ܠܗ ܡܪܝ ܠܐ ܬܥܡܠ ܠܐ ܓܝܪ ܫܘܐ ܐܢܐ ܕܬܥܘܠ ܬܚܝܬ ܡܛܠܠܝ ܀
6At si Jesus ay sumama sa kanila. At nang siya'y di na lubhang malayo sa bahay, ay nagsugo sa kaniya ang senturion ng mga kaibigan, na nagsisipagsabi sa kaniya, Panginoon, huwag ka nang maligalig, sapagka't di ako karapatdapat na ikaw ay pumasok sa silong ng aking bubungan:
7ܡܛܠ ܗܘ ܐܢܐ ܠܐ ܫܘܝܬ ܕܠܘܬܟ ܐܬܐ ܐܠܐ ܐܡܪ ܒܡܠܬܐ ܘܢܬܐܤܐ ܛܠܝܝ ܀
7Dahil dito'y hindi ko inakalang ako'y karapatdapat man lamang pumariyan sa iyo: datapuwa't sabihin mo ang salita, at gagaling ang aking alipin.
8ܐܦ ܐܢܐ ܓܝܪ ܓܒܪܐ ܐܢܐ ܕܡܫܥܒܕ ܐܢܐ ܬܚܝܬ ܫܘܠܛܢܐ ܘܐܝܬ ܬܚܝܬ ܐܝܕܝ ܐܤܛܪܛܝܘܛܐ ܘܐܡܪ ܐܢܐ ܠܗܢܐ ܕܙܠ ܘܐܙܠ ܘܠܐܚܪܢܐ ܕܬܐ ܘܐܬܐ ܘܠܥܒܕܝ ܥܒܕ ܗܕܐ ܘܥܒܕ ܀
8Sapagka't ako rin naman ay taong nasa ilalim ng kapamahalaan, may nasasakupan akong mga kawal: at sinasabi ko rito, Yumaon ka, at siya'y yumayaon; at sa isa, Halika, at siya'y lumalapit; at sa aking alipin, Gawin mo ito, at kaniyang ginagawa.
9ܟܕ ܫܡܥ ܕܝܢ ܝܫܘܥ ܗܠܝܢ ܐܬܕܡܪ ܒܗ ܘܐܬܦܢܝ ܘܐܡܪ ܠܟܢܫܐ ܕܐܬܐ ܒܬܪܗ ܐܡܪ ܐܢܐ ܠܟܘܢ ܕܐܦ ܠܐ ܒܝܬ ܐܝܤܪܝܠ ܐܫܟܚܬ ܐܝܟ ܗܕܐ ܗܝܡܢܘܬܐ ܀
9At nang marinig ni Jesus ang mga bagay na ito, ay nagtaka siya sa kaniya, at lumingon at sinabi sa karamihang nagsisisunod sa kaniya, Sinasabi ko sa inyo, Hindi ako nakasumpong ng ganitong kalaking pananampalataya, hindi, kahit sa Israel man.
10ܘܗܦܟܘ ܗܢܘܢ ܕܐܫܬܕܪܘ ܠܒܝܬܐ ܘܐܫܟܚܘ ܠܥܒܕܐ ܗܘ ܕܟܪܝܗ ܗܘܐ ܟܕ ܚܠܝܡ ܀
10At pagbalik sa bahay ng mga sinugo, ay kanilang naratnang magaling na ang alipin.
11ܘܗܘܐ ܠܝܘܡܐ ܕܒܬܪܗ ܐܙܠ ܗܘܐ ܠܡܕܝܢܬܐ ܕܫܡܗ ܢܐܝܢ ܘܬܠܡܝܕܘܗܝ ܥܡܗ ܘܟܢܫܐ ܤܓܝܐܐ ܀
11At nangyari pagkatapos ng kaunting panahon, na siya'y naparoon sa bayan na tinatawag na Nain; at kasama niya ang kaniyang mga alagad, at ang lubhang maraming tao.
12ܘܟܕ ܩܪܒ ܠܬܪܥܐ ܕܡܕܝܢܬܐ ܚܙܐ ܟܕ ܡܠܘܝܢ ܡܝܬܐ ܕܝܚܝܕܝܐ ܗܘܐ ܠܐܡܗ ܘܗܝ ܐܡܗ ܐܪܡܠܬܐ ܗܘܬ ܘܟܢܫܐ ܤܓܝܐܐ ܕܒܢܝ ܡܕܝܢܬܐ ܥܡܗ ܀
12At nang siya nga'y malapit na sa pintuan ng bayan, narito, inilalabas ang isang patay, bugtong na anak na lalake ng kaniyang ina, at siya'y bao: at kasama niya ang maraming tao na taga bayan.
13ܚܙܗ ܕܝܢ ܝܫܘܥ ܘܐܬܪܚܡ ܥܠܝܗ ܘܐܡܪ ܠܗ ܠܐ ܬܒܟܝܢ ܀
13At pagkakita sa kaniya ng Panginoon, siya'y kinahabagan niya, at sinabi sa kaniya, Huwag kang tumangis.
14ܘܐܙܠ ܩܪܒ ܠܥܪܤܐ ܘܗܢܘܢ ܕܫܩܝܠܝܢ ܗܘܘ ܠܗ ܩܡܘ ܘܐܡܪ ܥܠܝܡܐ ܠܟ ܐܡܪ ܐܢܐ ܩܘܡ ܀
14At siya'y lumapit at hinipo ang kabaong: at ang nangagdadala ay tumigil. At sinabi niya, Binata, sinasabi ko sa iyo, Magbangon ka.
15ܘܝܬܒ ܗܘ ܡܝܬܐ ܘܫܪܝ ܠܡܡܠܠܘ ܘܝܗܒܗ ܠܐܡܗ ܀
15At naupo ang patay, at nagpasimulang magsalita. At siya'y ibinigay niya sa kaniyang ina.
16ܘܐܚܕܬ ܕܚܠܬܐ ܠܐܢܫܐ ܟܠܗܘܢ ܘܡܫܒܚܝܢ ܗܘܘ ܠܐܠܗܐ ܘܐܡܪܝܢ ܕܢܒܝܐ ܪܒܐ ܩܡ ܒܢ ܘܤܥܪ ܐܠܗܐ ܠܥܡܗ ܀
16At sinidlan ng takot ang lahat: at niluluwalhati nila ang Dios, na sinasabi, Lumitaw sa gitna natin ang isang dakilang propeta: at, dinalaw ng Dios ang kaniyang bayan.
17ܘܢܦܩܬ ܥܠܘܗܝ ܡܠܬܐ ܗܕܐ ܒܟܠܗ ܝܗܘܕ ܘܒܟܠܗ ܐܬܪܐ ܕܚܕܪܝܗܘܢ ܀
17At kumalat ang balitang ito tungkol sa kaniya sa buong Judea, at sa buong palibotlibot ng lupain.
18ܘܐܫܬܥܝܘ ܠܝܘܚܢܢ ܬܠܡܝܕܘܗܝ ܗܠܝܢ ܟܠܗܝܢ ܀
18At ibinalita kay Juan ng kaniyang mga alagad ang lahat ng mga bagay na ito.
19ܘܩܪܐ ܝܘܚܢܢ ܠܬܪܝܢ ܡܢ ܬܠܡܝܕܘܗܝ ܘܫܕܪ ܐܢܘܢ ܠܘܬ ܝܫܘܥ ܘܐܡܪ ܐܢܬ ܗܘ ܗܘ ܕܐܬܐ ܐܘ ܠܐܚܪܝܢ ܗܘ ܡܤܟܝܢ ܚܢܢ ܀
19At sa pagpapalapit ni Juan sa kaniya ng dalawa sa kaniyang mga alagad, ay sinugo sila sa Panginoon, na nagpapasabi, Ikaw baga yaong paririto, o hihintayin namin ang iba?
20ܘܐܬܘ ܠܘܬ ܝܫܘܥ ܘܐܡܪܝܢ ܠܗ ܝܘܚܢܢ ܡܥܡܕܢܐ ܫܕܪܢ ܠܘܬܟ ܘܐܡܪ ܐܢܬ ܗܘ ܗܘ ܕܐܬܐ ܐܘ ܠܐܚܪܝܢ ܗܘ ܡܤܟܝܢ ܚܢܢ ܀
20At pagdating sa kaniya ng mga tao, ay kanilang sinabi, Pinaparito kami sa iyo ni Juan Bautista, na ipinasasabi, Ikaw baga yaong paririto, o hihintayin namin ang iba?
21ܒܗ ܕܝܢ ܒܗܝ ܫܥܬܐ ܤܓܝܐܐ ܐܤܝ ܡܢ ܟܘܪܗܢܐ ܘܡܢ ܡܚܘܬܐ ܘܡܢ ܪܘܚܐ ܒܝܫܬܐ ܘܠܤܓܝܐܐ ܤܡܝܐ ܝܗܒ ܗܘܐ ܠܡܚܙܐ ܀
21Nang oras na yaon ay nagpagaling siya ng maraming may sakit at mga pagkasalot at masasamang espiritu; at kaniyang pinagkaloobang mangakakita ang maraming bulag.
22ܘܥܢܐ ܝܫܘܥ ܘܐܡܪ ܠܗܘܢ ܙܠܘ ܐܡܪܘ ܠܝܘܚܢܢ ܟܠܡܕܡ ܕܚܙܝܬܘܢ ܘܫܡܥܬܘܢ ܕܤܡܝܐ ܚܙܝܢ ܘܚܓܝܪܐ ܡܗܠܟܝܢ ܘܓܪܒܐ ܡܬܕܟܝܢ ܘܚܪܫܐ ܫܡܥܝܢ ܘܡܝܬܐ ܩܝܡܝܢ ܘܡܤܟܢܐ ܡܤܬܒܪܝܢ ܀
22At sumagot siya at sa kanila'y sinabi, Magsiparoon kayo, at sabihin ninyo kay Juan ang mga bagay na inyong nangakita at nangarinig; ang mga bulag ay nangakakakita, ang mga pilay ay nagsisilakad, ang mga ketongin ay nangalilinis, at ang mga bingi ay nangakaririnig, ang mga patay ay ibinabangon, sa mga dukha ay ipinangangaral ang mabubuting balita.
23ܘܛܘܒܘܗܝ ܠܡܢ ܕܠܐ ܢܬܟܫܠ ܒܝ ܀
23At mapalad ang sinomang hindi makasumpong ng anomang katitisuran sa akin.
24ܟܕ ܕܝܢ ܐܙܠܘ ܬܠܡܝܕܘܗܝ ܕܝܘܚܢܢ ܫܪܝ ܠܡܐܡܪ ܠܟܢܫܐ ܥܠ ܝܘܚܢܢ ܡܢܐ ܢܦܩܬܘܢ ܠܚܘܪܒܐ ܠܡܚܙܐ ܩܢܝܐ ܕܡܢ ܪܘܚܐ ܡܬܬܙܝܥ ܀
24At nang mangakaalis na ang mga sugo ni Juan, ay nagpasimula siyang magsalita tungkol kay Juan sa mga karamihan, Ano ang linabas ninyo upang mamasdan sa ilang? isang tambong inuuga ng hangin?
25ܘܐܠܐ ܡܢܐ ܢܦܩܬܘܢ ܠܡܚܙܐ ܓܒܪܐ ܕܢܚܬܐ ܪܟܝܟܐ ܠܒܝܫ ܗܐ ܐܝܠܝܢ ܕܒܠܒܘܫܐ ܡܫܒܚܐ ܘܒܦܘܢܩܐ ܐܝܬܝܗܘܢ ܒܝܬ ܡܠܟܐ ܐܢܘܢ ܀
25Datapuwa't ano ang linabas ninyo upang makita? isang taong nararamtan ng mga damit na maseselang? Narito, ang nagsisipanamit ng maririlag, at nangabubuhay sa pagmamaselang ay nasa mga palasio ng mga hari.
26ܘܐܠܐ ܡܢܐ ܢܦܩܬܘܢ ܠܡܚܙܐ ܢܒܝܐ ܐܝܢ ܐܡܪ ܐܢܐ ܠܟܘܢ ܘܝܬܝܪ ܡܢ ܢܒܝܐ ܀
26Datapuwa't ano ang linabas ninyo upang makita? isa bagang propeta? Oo, sinasabi ko sa inyo, at higit pa sa isang propeta.
27ܗܢܘ ܕܥܠܘܗܝ ܟܬܝܒ ܕܗܐ ܐܢܐ ܡܫܕܪ ܐܢܐ ܡܠܐܟܝ ܩܕܡ ܦܪܨܘܦܟ ܕܢܬܩܢ ܐܘܪܚܐ ܩܕܡܝܟ ܀
27Ito yaong tungkol sa kaniya'y nasusulat, Narito, sinusugo ko ang aking sugo sa unahan ng iyong mukha, Na maghahanda ng iyong daan sa unahan mo.
28ܐܡܪ ܐܢܐ ܠܟܘܢ ܕܠܝܬ ܢܒܝܐ ܒܝܠܝܕܝ ܢܫܐ ܕܪܒ ܡܢ ܝܘܚܢܢ ܡܥܡܕܢܐ ܙܥܘܪܐ ܕܝܢ ܒܡܠܟܘܬܐ ܕܐܠܗܐ ܪܒ ܗܘ ܡܢܗ ܀
28Sinasabi ko sa inyo, Sa mga ipinanganak ng mga babae ay walang dakila kay sa kay Juan: gayon ma'y ang lalong maliit sa kaharian ng Dios ay lalong dakila kay sa kaniya.
29ܘܟܠܗ ܥܡܐ ܕܫܡܥܘ ܐܦ ܡܟܤܐ ܙܕܩܘ ܠܐܠܗܐ ܕܥܡܕܘ ܡܥܡܘܕܝܬܗ ܕܝܘܚܢܢ ܀
29At pagkarinig ng buong bayan, at ng mga maniningil ng buwis ay pinatotohanan ang Dios, na nagsipagbautismo ng bautismo ni Juan.
30ܦܪܝܫܐ ܕܝܢ ܘܤܦܪܐ ܛܠܡܘ ܒܢܦܫܗܘܢ ܨܒܝܢܐ ܕܐܠܗܐ ܕܠܐ ܐܬܥܡܕܘ ܡܢܗ ܀
30Datapuwa't pinawalang halaga ng mga Fariseo at ng mga tagapagtanggol ng kautusan sa kanilang sarili ang payo ng Dios, at hindi napabautismo sa kaniya.
31ܠܡܢ ܗܟܝܠ ܐܕܡܐ ܠܐܢܫܐ ܕܫܪܒܬܐ ܗܕܐ ܘܠܡܢ ܕܡܝܢ ܀
31Sa ano ko itutulad ang mga tao ng lahing ito, at ano ang kanilang katulad?
32ܕܡܝܢ ܠܛܠܝܐ ܕܝܬܒܝܢ ܒܫܘܩܐ ܘܩܥܝܢ ܠܚܒܪܝܗܘܢ ܘܐܡܪܝܢ ܙܡܪܢ ܠܟܘܢ ܘܠܐ ܪܩܕܬܘܢ ܘܐܠܝܢ ܠܟܘܢ ܘܠܐ ܒܟܝܬܘܢ ܀
32Tulad sila sa mga batang nangakaupo sa pamilihan, at nagsisigawan sa isa't isa; na sinasabi, Tinutugtugan namin kayo ng plauta, at hindi kayo nagsisayaw; nanambitan kami at hindi kayo nagsitangis.
33ܐܬܐ ܓܝܪ ܝܘܚܢܢ ܡܥܡܕܢܐ ܠܐ ܐܟܠ ܠܚܡܐ ܘܠܐ ܫܬܐ ܚܡܪܐ ܘܐܡܪܝܢ ܐܢܬܘܢ ܫܐܕܐ ܐܝܬ ܒܗ ܀
33Sapagka't naparito si Juan Bautista na hindi kumakain ng tinapay at hindi umiinom ng alak at inyong sinasabi, Siya'y may isang demonio.
34ܐܬܐ ܒܪܗ ܕܐܢܫܐ ܐܟܠ ܘܫܬܐ ܘܐܡܪܝܢ ܐܢܬܘܢ ܗܐ ܓܒܪܐ ܐܟܘܠܐ ܘܫܬܐ ܚܡܪܐ ܘܪܚܡܐ ܕܡܟܤܐ ܘܕܚܛܝܐ ܀
34Naparito ang Anak ng tao na kumakain at umiinom; at inyong sinasabi, Narito ang isang matakaw na tao, at isang magiinum ng alak, isang kaibigan ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan!
35ܘܐܙܕܕܩܬ ܚܟܡܬܐ ܡܢ ܟܠܗܘܢ ܒܢܝܗ ܀
35At ang karunungan ay pinatotohanan ng lahat ng kaniyang mga anak.
36ܐܬܐ ܕܝܢ ܒܥܐ ܡܢܗ ܚܕ ܡܢ ܦܪܝܫܐ ܕܢܠܥܤ ܥܡܗ ܘܥܠ ܠܒܝܬܗ ܕܦܪܝܫܐ ܗܘ ܘܐܤܬܡܟ ܀
36At ipinamanhik sa kaniya ng isa sa mga Fariseo na kumaing kasalo niya. At siya'y pumasok sa bahay ng Fariseo at naupo sa dulang.
37ܘܐܢܬܬܐ ܚܛܝܬܐ ܐܝܬ ܗܘܬ ܒܡܕܝܢܬܐ ܗܝ ܘܟܕ ܝܕܥܬ ܕܒܒܝܬܗ ܕܦܪܝܫܐ ܗܘ ܤܡܝܟ ܢܤܒܬ ܫܛܝܦܬܐ ܕܒܤܡܐ ܀
37At narito, ang isang babaing makasalanan na nasa bayan; at nang maalaman niyang siya'y nasa dulang ng pagkain sa bahay ng Fariseo ay nagdala siya ng isang sisidlang alabastro na puno ng unguento,
38ܘܩܡܬ ܒܤܬܪܗ ܠܘܬ ܪܓܠܘܗܝ ܘܒܟܝܐ ܗܘܬ ܘܫܪܝܬ ܒܕܡܥܝܗ ܡܨܒܥܐ ܪܓܠܘܗܝ ܘܒܤܥܪܐ ܕܪܫܗ ܡܫܘܝܢ ܠܗܝܢ ܘܡܢܫܩܐ ܗܘܬ ܪܓܠܘܗܝ ܘܡܫܚܐ ܒܤܡܐ ܀
38At nakatayo sa likuran sa kaniyang mga paanan na tumatangis, ay pinasimulan niyang dinilig ng mga luha ang kaniyang mga paa, at ang mga ito'y kinukuskos ng buhok ng kaniyang ulo, at hinahagkan ang kaniyang mga paa, at pinapahiran ng unguento.
39ܟܕ ܚܙܐ ܕܝܢ ܦܪܝܫܐ ܗܘ ܕܩܪܝܗܝ ܐܬܚܫܒ ܒܢܦܫܗ ܘܐܡܪ ܗܢܐ ܐܠܘ ܢܒܝܐ ܗܘܐ ܝܕܥ ܗܘܐ ܡܢ ܗܝ ܘܡܐ ܛܒܗ ܕܚܛܝܬܐ ܗܝ ܐܢܬܬܐ ܗܝ ܕܩܪܒܬ ܠܗ ܀
39Nang makita nga ito ng Fariseo na sa kaniya'y naganyaya, ay nagsalita sa kaniyang sarili, na sinasabi, Ang taong ito, kung siya'y isang propeta ay nakikilala niya kung sino at kung ano ang babaing ito na sa kaniya'y humihipo, na siya'y makasalanan.
40ܥܢܐ ܕܝܢ ܝܫܘܥ ܘܐܡܪ ܠܗ ܫܡܥܘܢ ܡܕܡ ܐܝܬ ܠܝ ܕܐܡܪ ܠܟ ܗܘ ܕܝܢ ܐܡܪ ܠܗ ܐܡܪ ܪܒܝ ܐܡܪ ܠܗ ܝܫܘܥ ܀
40At pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kaniya, Simon, ako'y may isang bagay na sasabihin sa iyo. At sinabi niya, Guro, sabihin mo.
41ܬܪܝܢ ܚܝܒܐ ܐܝܬ ܗܘܘ ܠܚܕ ܡܪܐ ܚܘܒܐ ܚܕ ܚܝܒ ܗܘܐ ܕܝܢܪܐ ܚܡܫܡܐܐ ܘܐܚܪܢܐ ܕܝܢܪܐ ܚܡܫܝܢ ܀
41Isang may pautang ay may dalawang may utang sa kaniya: at ang isa'y may utang na limang daang denario, at ang isa'y limangpu.
42ܘܕܠܝܬ ܗܘܐ ܠܗܘܢ ܠܡܦܪܥ ܠܬܪܝܗܘܢ ܫܒܩ ܐܝܢܐ ܗܟܝܠ ܡܢܗܘܢ ܝܬܝܪ ܢܚܒܝܘܗܝ ܀
42Nang sila'y walang maibayad, ay kapuwa pinatawad niya. Alin nga sa kanila ang lalong iibig sa kaniya?
43ܥܢܐ ܫܡܥܘܢ ܘܐܡܪ ܤܒܪ ܐܢܐ ܕܗܘ ܕܐܫܬܒܩ ܠܗ ܤܓܝ ܐܡܪ ܠܗ ܝܫܘܥ ܬܪܝܨܐܝܬ ܕܢܬ ܀
43Sumagot si Simon at sinabi, Inaakala ko na yaong pinatawad niya ng lalong malaki. At sinabi niya sa kaniya, Matuwid ang pagkahatol mo.
44ܘܐܬܦܢܝ ܠܘܬ ܗܝ ܐܢܬܬܐ ܘܐܡܪ ܠܫܡܥܘܢ ܚܙܐ ܐܢܬ ܐܢܬܬܐ ܗܕܐ ܠܒܝܬܟ ܥܠܬ ܡܝܐ ܠܪܓܠܝ ܠܐ ܝܗܒܬ ܗܕܐ ܕܝܢ ܒܕܡܥܝܗ ܪܓܠܝ ܨܒܥܬ ܘܒܤܥܪܗ ܫܘܝܬ ܐܢܝܢ ܀
44At paglingon sa babae, ay sinabi niya kay Simon, Nakikita mo baga ang babaing ito? Pumasok ako sa iyong bahay, hindi mo ako binigyan ng tubig na ukol sa aking mga paa: datapuwa't dinilig niya ang aking mga ng kaniyang mga luha, at kinuskos ng kaniyang buhok.
45ܐܢܬ ܠܐ ܢܫܩܬܢܝ ܗܕܐ ܕܝܢ ܗܐ ܡܢ ܕܥܠܬ ܠܐ ܫܠܝܬ ܪܓܠܝ ܠܡܢܫܩܘ ܀
45Hindi mo ako binigyan ng halik: datapuwa't siya, buhat nang ako'y pumasok ay hindi humihinto ng paghalik sa aking mga paa.
46ܐܢܬ ܡܫܚܐ ܠܪܫܝ ܠܐ ܡܫܚܬ ܗܕܐ ܕܝܢ ܒܡܫܚܐ ܕܒܤܡܐ ܪܓܠܝ ܡܫܚܬ ܀
46Hindi mo pinahiran ng langis ang aking ulo: datapuwa't pinahiran niya ng unguento ang aking mga paa.
47ܚܠܦ ܗܕܐ ܐܡܪ ܐܢܐ ܠܟ ܕܫܒܝܩܝܢ ܠܗ ܚܛܗܝܗ ܤܓܝܐܐ ܡܛܠ ܕܐܚܒܬ ܤܓܝ ܗܘ ܕܝܢ ܕܩܠܝܠ ܡܫܬܒܩ ܠܗ ܩܠܝܠ ܡܚܒ ܀
47Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Ipinatatawad ang kaniyang maraming kasalanan; sapagka't siya ay umibig ng malaki: datapuwa't sa pinatatawad ng kaunti, ay kakaunti ang pagibig.
48ܘܐܡܪ ܠܗܝ ܐܢܬܬܐ ܫܒܝܩܝܢ ܠܟܝ ܚܛܗܝܟܝ ܀
48At sinabi niya sa babae, Ipinatatawad ang iyong mga kasalanan.
49ܫܪܝܘ ܕܝܢ ܗܢܘܢ ܕܤܡܝܟܝܢ ܐܡܪܝܢ ܒܢܦܫܗܘܢ ܡܢܘ ܗܢܐ ܕܐܦ ܚܛܗܐ ܫܒܩ ܀
49At ang mga kasalo niyang nangakaupo sa dulang ng pagkain ay nagpasimulang nangagsabi sa kanilang sarili, Sino ito, na nagpapatawad pati ng mga kasalanan?
50ܝܫܘܥ ܕܝܢ ܐܡܪ ܠܗܝ ܐܢܬܬܐ ܗܝܡܢܘܬܟܝ ܐܚܝܬܟܝ ܙܠܝ ܒܫܠܡܐ ܀
50At sinabi niya sa babae, Iniligtas ka ng iyong pananampalataya; yumaon kang payapa.