1ܘܡܚܕܐ ܒܨܦܪܐ ܥܒܕܘ ܡܠܟܐ ܪܒܝ ܟܗܢܐ ܥܡ ܩܫܝܫܐ ܘܥܡ ܤܦܪܐ ܘܥܡ ܟܠܗ ܟܢܘܫܬܐ ܘܐܤܪܘ ܠܝܫܘܥ ܘܐܘܒܠܘܗܝ ܘܐܫܠܡܘܗܝ ܠܦܝܠܛܘܤ ܀
1At pagdaka, pagkaumaga ay nangagsangusapan ang mga pangulong saserdote pati ng matatanda at mga eskriba, at ang buong Sanedrin, at ginapos si Jesus, at inilabas siya, at ibinigay siya kay Pilato.
2ܘܫܐܠܗ ܦܝܠܛܘܤ ܐܢܬ ܗܘ ܡܠܟܐ ܕܝܗܘܕܝܐ ܗܘ ܕܝܢ ܥܢܐ ܘܐܡܪ ܠܗ ܐܢܬ ܐܡܪܬ ܀
2At itinanong sa kaniya ni Pilato, Ikaw baga ang Hari ng mga Judio? At pagsagot niya ay sinabi sa kaniya, Ikaw ang nagsasabi.
3ܘܐܟܠܝܢ ܗܘܘ ܩܪܨܘܗܝ ܪܒܝ ܟܗܢܐ ܒܤܓܝܐܬܐ ܀
3At isinakdal siya sa maraming bagay ng mga pangulong saserdote.
4ܗܘ ܕܝܢ ܦܝܠܛܘܤ ܬܘܒ ܫܐܠܗ ܘܐܡܪ ܠܗ ܠܐ ܡܦܢܐ ܐܢܬ ܦܬܓܡܐ ܚܙܝ ܟܡܐ ܡܤܗܕܝܢ ܥܠܝܟ ܀
4At muling tinanong siya ni Pilato, na sinasabi, Hindi ka sumasagot ng anoman? tingnan mo kung gaano karaming bagay ang kanilang isinasakdal laban sa iyo.
5ܗܘ ܕܝܢ ܝܫܘܥ ܡܕܡ ܦܬܓܡܐ ܠܐ ܝܗܒ ܐܝܟܢܐ ܕܢܬܕܡܪ ܦܝܠܛܘܤ ܀
5Datapuwa't si Jesus ay hindi na sumagot ng anoman; ano pa't nanggilalas si Pilato.
6ܡܥܕ ܗܘܐ ܕܝܢ ܒܟܠ ܥܐܕܐ ܠܡܫܪܐ ܠܗܘܢ ܐܤܝܪܐ ܚܕ ܐܝܢܐ ܕܫܐܠܝܢ ܀
6Sa kapistahan nga ay pinagkaugalian niya na pawalan sa kanila ang isang bilanggo, na kanilang hingin sa kaniya.
7ܘܐܝܬ ܗܘܐ ܚܕ ܕܡܬܩܪܐ ܒܪ ܐܒܐ ܕܐܤܝܪ ܗܘܐ ܥܡ ܥܒܕܝ ܐܤܛܤܝܢ ܗܢܘܢ ܕܩܛܠܐ ܒܐܤܛܤܝܢ ܥܒܕܘ ܀
7At mayroong isa na kung tawagin ay Barrabas, na nagagapos na kasama ng nangaghimagsik, mga taong nagsipatay ng mga tao sa panghihimagsik.
8ܘܩܥܘ ܥܡܐ ܘܫܪܝܘ ܠܡܫܐܠ ܐܝܟ ܕܡܥܕ ܗܘܐ ܥܒܕ ܠܗܘܢ ܀
8At nagsipanhik ang karamihan at nangagpasimulang hingin sa kaniya na sa kanila'y gawin ang gaya ng sa kanila'y laging ginagawa.
9ܗܘ ܕܝܢ ܦܝܠܛܘܤ ܥܢܐ ܘܐܡܪ ܨܒܝܢ ܐܢܬܘܢ ܐܫܪܐ ܠܟܘܢ ܡܠܟܐ ܕܝܗܘܕܝܐ ܀
9At sinagot sila ni Pilato, na sinasabi, Ibig baga ninyo na pawalan ko sa inyo ang Hari ng mga Judio?
10ܝܕܥ ܗܘܐ ܓܝܪ ܦܝܠܛܘܤ ܕܡܢ ܚܤܡܐ ܐܫܠܡܘܗܝ ܪܒܝ ܟܗܢܐ ܀
10Sapagka't natatalastas niya na sa kapanaghilian ay ibinigay siya ng mga pangulong saserdote.
11ܪܒܝ ܟܗܢܐ ܕܝܢ ܝܬܝܪܐܝܬ ܚܦܛܘ ܠܟܢܫܐ ܕܠܒܪ ܐܒܐ ܢܫܪܐ ܠܗܘܢ ܀
11Datapuwa't inudyukan ng mga pangulong saserdote ang karamihan, na si Barrabas na muna ang siya niyang pawalan sa kanila.
12ܗܘ ܕܝܢ ܦܝܠܛܘܤ ܐܡܪ ܠܗܘܢ ܡܢܐ ܗܟܝܠ ܨܒܝܢ ܐܢܬܘܢ ܐܥܒܕ ܠܗܢܐ ܕܩܪܝܢ ܐܢܬܘܢ ܡܠܟܐ ܕܝܗܘܕܝܐ ܀
12At sumagot na muli si Pilato at sa kanila'y sinabi, Ano nga ang aking gagawin sa inyong tinatawag na Hari ng mga Judio?
13ܗܢܘܢ ܕܝܢ ܬܘܒ ܩܥܘ ܙܩܘܦܝܗܝ ܀
13At sila'y muling nagsigawan, Ipako siya sa krus.
14ܗܘ ܕܝܢ ܦܝܠܛܘܤ ܐܡܪ ܠܗܘܢ ܡܢܐ ܓܝܪ ܕܒܝܫ ܥܒܕ ܘܗܢܘܢ ܝܬܝܪܐܝܬ ܩܥܝܢ ܗܘܘ ܙܩܘܦܝܗܝ ܀
14At sinabi sa kanila ni Pilato, Bakit, anong masama ang kaniyang ginawa? Datapuwa't sila'y lalong nagsigawan, Ipako siya sa krus.
15ܦܝܠܛܘܤ ܕܝܢ ܨܒܐ ܕܢܥܒܕ ܨܒܝܢܐ ܠܟܢܫܐ ܘܫܪܐ ܠܗܘܢ ܠܒܪ ܐܒܐ ܘܐܫܠܡ ܠܗܘܢ ܠܝܫܘܥ ܟܕ ܡܢܓܕ ܕܢܙܕܩܦ ܀
15At sa pagkaibig ni Pilato na magbigay-loob sa karamihan, ay pinawalan sa kanila si Barrabas, at ibinigay si Jesus, pagkatapos na siya'y mahampas niya, upang siya'y ipako sa krus.
16ܐܤܛܪܛܝܘܛܐ ܕܝܢ ܐܘܒܠܘܗܝ ܠܓܘ ܕܪܬܐ ܕܐܝܬܝܗ ܦܪܛܘܪܝܢ ܘܩܪܘ ܠܟܠܗ ܐܤܦܝܪ ܀
16At dinala siya ng mga kawal sa looban, na siyang Pretorio; at kanilang tinipon ang buong pulutong.
17ܘܐܠܒܫܘܗܝ ܐܪܓܘܢܐ ܘܓܕܠܘ ܤܡܘ ܠܗ ܟܠܝܠܐ ܕܟܘܒܐ ܀
17At siya'y kanilang dinamtan ng kulay-ube, at nang makapagkamakama ng isang putong na tinik, ay ipinutong nila sa kaniya.
18ܘܫܪܝܘ ܠܡܫܐܠ ܒܫܠܡܗ ܫܠܡ ܡܠܟܐ ܕܝܗܘܕܝܐ ܀
18At nagpasimula silang siya'y batiin, Aba, Hari ng mga Judio!
19ܘܡܚܝܢ ܗܘܘ ܠܗ ܥܠ ܪܫܗ ܒܩܢܝܐ ܘܪܩܝܢ ܗܘܘ ܒܐܦܘܗܝ ܘܒܪܟܝܢ ܗܘܘ ܥܠ ܒܘܪܟܝܗܘܢ ܘܤܓܕܝܢ ܠܗ ܀
19At sinaktan nila ang kaniyang ulo ng isang tambo, at siya'y niluluraan, at pagkaluhod nila, siya'y sinamba.
20ܘܟܕ ܒܙܚܘ ܒܗ ܐܫܠܚܘܗܝ ܐܪܓܘܢܐ ܘܐܠܒܫܘܗܝ ܡܐܢܘܗܝ ܘܐܦܩܘܗܝ ܕܢܙܩܦܘܢܝܗܝ ܀
20At nang siya'y kanilang malibak na, ay inalis nila sa kaniya ang kulay-ube, at isinuot sa kaniya ang kanyang mga damit. At siya'y kanilang inilabas upang ipako siya sa krus.
21ܘܫܚܪܘ ܚܕ ܕܥܒܪ ܗܘܐ ܫܡܥܘܢ ܩܘܪܝܢܝܐ ܕܐܬܐ ܗܘܐ ܡܢ ܩܪܝܬܐ ܐܒܘܗܝ ܕܐܠܟܤܢܕܪܘܤ ܘܕܪܘܦܘܤ ܕܢܫܩܘܠ ܙܩܝܦܗ ܀
21At kanilang pinilit ang isang nagdaraan, si Simon na taga Cirene, na ama ni Alejandro at ni Rufo, na nanggagaling sa bukid, upang sumama sa kanila, upang pasanin niya ang kaniyang krus.
22ܘܐܝܬܝܘܗܝ ܠܓܓܘܠܬܐ ܕܘܟܬܐ ܕܡܬܦܫܩܐ ܩܪܩܦܬܐ ܀
22At siya'y kanilang dinala sa dako ng Golgota, na kung liliwanagin ay, Ang dako ng bungo.
23ܘܝܗܒܘ ܠܗ ܠܡܫܬܐ ܚܡܪܐ ܕܚܠܝܛ ܒܗ ܡܘܪܐ ܗܘ ܕܝܢ ܠܐ ܢܤܒ ܀
23At siya'y dinulutan nila ng alak na hinaluan ng mirra: datapuwa't hindi niya tinanggap.
24ܘܟܕ ܙܩܦܘܗܝ ܦܠܓܘ ܡܐܢܘܗܝ ܘܐܪܡܝܘ ܥܠܝܗܘܢ ܦܤܐ ܡܢܘ ܡܢܐ ܢܤܒ ܀
24At siya'y kanilang ipinako sa krus, at kanilang pinaghatihatian ang kaniyang mga damit, na kanilang pinagsapalaran, kung alin ang dadalhin ng bawa't isa.
25ܐܝܬ ܗܘܐ ܕܝܢ ܫܥܐ ܬܠܬ ܟܕ ܙܩܦܘܗܝ ܀
25At ikatlo na ang oras, at siya'y kanilang ipinako sa krus.
26ܘܟܬܝܒܐ ܗܘܬ ܥܠܬܐ ܕܡܘܬܗ ܒܟܬܒܐ ܗܢܐ ܗܘ ܡܠܟܐ ܕܝܗܘܕܝܐ ܀
26At ang pamagat ng pagkasakdal sa kaniya ay isinulat sa ulunan, ANG HARI NG MGA JUDIO.
27ܘܙܩܦܘ ܥܡܗ ܬܪܝܢ ܠܤܛܝܐ ܚܕ ܡܢ ܝܡܝܢܗ ܘܚܕ ܡܢ ܤܡܠܗ ܀
27At ipinako sa krus na kasama niya ang dalawang tulisan; isa sa kaniyang kanan, at isa sa kaniyang kaliwa.
28ܘܫܠܡ ܟܬܒܐ ܕܐܡܪ ܕܥܡ ܥܘܠܐ ܐܬܚܫܒ ܀
28At natupad ang kasulatan, na nagsasabi: At siya'y ibinilang sa mga suwail.
29ܘܐܦ ܐܝܠܝܢ ܕܝܢ ܕܥܒܪܝܢ ܗܘܘ ܡܓܕܦܝܢ ܗܘܘ ܥܠܘܗܝ ܘܡܢܝܕܝܢ ܪܫܝܗܘܢ ܘܐܡܪܝܢ ܐܘܢ ܫܪܐ ܗܝܟܠܐ ܘܒܢܐ ܠܗ ܠܬܠܬܐ ܝܘܡܝܢ ܀
29At siya'y inalipusta ng nagsisipagdaan na pinatatangotango ang kanilang mga ulo, at sinasabi, Ah! ikaw na iginigiba mo ang templo, at sa tatlong araw ay iyong itinatayo,
30ܦܨܐ ܢܦܫܟ ܘܚܘܬ ܡܢ ܙܩܝܦܐ ܀
30Iyong iligtas ang sarili mo, at bumaba ka sa krus.
31ܘܗܟܢܐ ܐܦ ܪܒܝ ܟܗܢܐ ܓܚܟܝܢ ܗܘܘ ܚܕ ܥܡ ܚܕ ܘܤܦܪܐ ܘܐܡܪܝܢ ܐܚܪܢܐ ܐܚܝ ܢܦܫܗ ܠܐ ܡܫܟܚ ܠܡܚܝܘ ܀
31Gayon din naman ang mga pangulong saserdote pati ng mga eskriba, siya'y minumura na nangagsasalitaan sila-sila na sinasabi, Nagligtas siya sa mga iba; sa kaniyang sarili ay hindi makapagligtas.
32ܡܫܝܚܐ ܡܠܟܗ ܕܐܝܤܪܝܠ ܢܚܘܬ ܗܫܐ ܡܢ ܙܩܝܦܐ ܕܢܚܙܐ ܘܢܗܝܡܢ ܒܗ ܘܐܦ ܗܢܘܢ ܕܝܢ ܕܙܩܝܦܝܢ ܗܘܘ ܥܡܗ ܡܚܤܕܝܢ ܗܘܘ ܠܗ ܀
32Bumaba ngayon mula sa krus ang Cristo, ang Hari ng Israel, upang aming makita at sampalatayanan. At minumura siya ng mga kasama niyang nangapapako.
33ܘܟܕ ܗܘܝ ܫܬ ܫܥܝܢ ܗܘܐ ܚܫܘܟܐ ܥܠ ܟܠܗ ܐܪܥܐ ܥܕܡܐ ܠܫܥܐ ܬܫܥ ܀
33At nang dumating ang ikaanim na oras, ay nagdilim sa buong lupa hanggang sa oras na ikasiyam.
34ܘܒܬܫܥ ܫܥܝܢ ܩܥܐ ܝܫܘܥ ܒܩܠܐ ܪܡܐ ܘܐܡܪ ܐܝܠ ܐܝܠ ܠܡܢܐ ܫܒܩܬܢܝ ܕܐܝܬܝܗ ܐܠܗܝ ܐܠܗܝ ܠܡܢܐ ܫܒܩܬܢܝ ܀
34At nang oras na ikasiyam ay sumigaw si Jesus ng malakas na tinig: Eloi, Eloi, lama sabacthani? na kung liliwanagin ay, Dios ko, Dios ko, bakit mo ako pinabayaan?
35ܘܐܢܫܝܢ ܕܫܡܥܘ ܡܢ ܗܢܘܢ ܕܩܝܡܝܢ ܐܡܪܝܢ ܗܘܘ ܠܐܠܝܐ ܩܪܐ ܀
35At nang marinig ng ilang nangaroon, ay sinabi nila, Narito, tinatawag niya si Elias.
36ܪܗܛ ܕܝܢ ܚܕ ܘܡܠܐ ܐܤܦܘܓܐ ܚܠܐ ܘܐܤܪ ܒܩܢܝܐ ܕܢܫܩܝܘܗܝ ܘܐܡܪܘ ܫܒܘܩܘ ܢܚܙܐ ܐܢ ܐܬܐ ܐܠܝܐ ܡܚܬ ܠܗ ܀
36At tumakbo ang isa, at binasa ng suka ang isang espongha, saka inilagay sa isang tambo, at ipinainom sa kaniya, na sinasabi, Pabayaan ninyo; tingnan natin kung paririto si Elias upang siya'y ibaba.
37ܗܘ ܕܝܢ ܝܫܘܥ ܩܥܐ ܒܩܠܐ ܪܡܐ ܘܫܠܡ ܀
37At si Jesus ay sumigaw ng malakas na tinig, at nalagot ang hininga.
38ܘܐܦܝ ܬܪܥܐ ܕܗܝܟܠܐ ܐܨܛܪܝ ܠܬܪܝܢ ܡܢ ܠܥܠ ܥܕܡܐ ܠܬܚܬ ܀
38At ang tabing ng templo ay nahapak na nagkadalawa mula sa itaas hanggang sa ibaba.
39ܟܕ ܚܙܐ ܕܝܢ ܩܢܛܪܘܢܐ ܗܘ ܕܩܐܡ ܗܘܐ ܠܘܬܗ ܕܗܟܢܐ ܩܥܐ ܘܫܠܡ ܐܡܪ ܫܪܝܪܐܝܬ ܗܢܐ ܓܒܪܐ ܒܪܗ ܗܘܐ ܕܐܠܗܐ ܀
39At ang senturiong nakatayo sa tapat niya, nang makitang malagot ang hininga niya, ay kaniyang sinabi, Katotohanang ang taong ito ay Anak ng Dios.
40ܐܝܬ ܗܘܝ ܕܝܢ ܐܦ ܢܫܐ ܡܢ ܪܘܚܩܐ ܕܚܙܝܢ ܗܘܝ ܡܪܝܡ ܡܓܕܠܝܬܐ ܘܡܪܝܡ ܐܡܗ ܕܝܥܩܘܒ ܙܥܘܪܐ ܘܕܝܘܤܐ ܘܫܠܘܡ ܀
40At mayroon din namang mga babae na nagsisitanaw mula sa malayo: na sa mga yao'y nangaroroon kapuwa si Maria Magdalena, at si Mariang ina ni Santiago na bata at ni Jose, at si Salome;
41ܗܢܝܢ ܕܟܕ ܗܘ ܒܓܠܝܠܐ ܢܩܝܦܢ ܗܘܝ ܠܗ ܘܡܫܡܫܢ ܠܗ ܘܐܚܪܢܝܬܐ ܤܓܝܐܬܐ ܕܤܠܩ ܗܘܝ ܥܡܗ ܠܐܘܪܫܠܡ ܀
41Na, nang siya'y nasa Galilea, ay nagsisunod sila sa kaniya, at siya'y pinaglilingkuran nila; at mga iba pang maraming babae na nagsiahong kasama niya sa Jerusalem.
42ܘܟܕ ܗܘܐ ܪܡܫܐ ܕܥܪܘܒܬܐ ܕܐܝܬܝܗ ܩܕܡ ܫܒܬܐ ܀
42At nang kinahapunan, sapagka't noo'y Paghahanda, sa makatuwid baga'y ang araw na nauuna sa sabbath,
43ܐܬܐ ܝܘܤܦ ܗܘ ܕܡܢ ܪܡܬܐ ܡܝܩܪܐ ܒܘܠܘܛܐ ܐܝܢܐ ܕܐܦ ܗܘ ܡܤܟܐ ܗܘܐ ܠܡܠܟܘܬܐ ܕܐܠܗܐ ܘܐܡܪܚ ܘܥܠ ܠܘܬ ܦܝܠܛܘܤ ܘܫܐܠ ܦܓܪܗ ܕܝܫܘܥ ܀
43Dumating si Jose na taga Arimatea, isang kasangguni na may marangal na kalagayan, na naghihintay rin naman ng kaharian ng Dios; at pinangahasan niyang pinasok si Pilato, at hiningi ang bangkay ni Jesus.
44ܦܝܠܛܘܤ ܕܝܢ ܬܡܗ ܕܐܢ ܡܢ ܟܕܘ ܡܝܬ ܘܩܪܐ ܠܩܢܛܪܘܢܐ ܘܫܐܠܗ ܕܐܢ ܡܢ ܩܕܡ ܥܕܢܐ ܡܝܬ ܀
44At nanggilalas si Pilato kung siya'y patay na: at nang mapalapit niya sa kaniya ang senturion, ay itinanong niya sa kaniya kung malaon nang patay.
45ܘܟܕ ܝܠܦ ܝܗܒ ܦܓܪܗ ܠܝܘܤܦ ܀
45At nang matanto niya sa senturion, ay ipinagkaloob niya ang bangkay kay Jose.
46ܘܙܒܢ ܝܘܤܦ ܟܬܢܐ ܘܐܚܬܗ ܘܟܪܟܗ ܒܗ ܘܤܡܗ ܒܩܒܪܐ ܕܢܩܝܪ ܗܘܐ ܒܫܘܥܐ ܘܥܓܠ ܟܐܦܐ ܥܠ ܬܪܥܗ ܕܩܒܪܐ ܀ 47 ܡܪܝܡ ܕܝܢ ܡܓܕܠܝܬܐ ܘܡܪܝܡ ܗܝ ܕܝܘܤܐ ܚܙܝ ܐܝܟܐ ܕܐܬܬܤܝܡ ܀
46At binili niya ang isang kayong lino, at pagkababa sa kaniya sa krus, ay binalot siya ng kayong lino at inilagay siya sa isang libingan na hinukay sa isang bato; at iginulong niya ang isang bato hanggang sa pintuan ng libingan.
47
47At tinitingnan ni Maria Magdalena at ni Mariang ina ni Jose kung saan siya nalagay.