Syriac: NT

Tagalog 1905

Matthew

10

1ܘܩܪܐ ܠܬܪܥܤܪ ܬܠܡܝܕܘܗܝ ܘܝܗܒ ܠܗܘܢ ܫܘܠܛܢܐ ܥܠ ܪܘܚܐ ܛܢܦܬܐ ܕܢܦܩܘܢ ܘܠܡܐܤܝܘ ܟܠ ܟܐܒ ܘܟܘܪܗܢ ܀
1At pinalapit niya sa kaniya ang kaniyang labingdalawang alagad, at binigyan niya sila ng kapamahalaan laban sa mga karumaldumal na espiritu, upang mapalabas nila, at upang kanilang mapagaling ang lahat ng sarisaring sakit at ang lahat ng sarisaring karamdaman.
2ܕܝܠܗܘܢ ܕܝܢ ܕܬܪܥܤܪ ܫܠܝܚܐ ܫܡܗܐ ܐܝܬܝܗܘܢ ܗܠܝܢ ܩܕܡܝܗܘܢ ܫܡܥܘܢ ܕܡܬܩܪܐ ܟܐܦܐ ܘܐܢܕܪܐܘܤ ܐܚܘܗܝ ܘܝܥܩܘܒ ܒܪ ܙܒܕܝ ܘܝܘܚܢܢ ܐܚܘܗܝ ܀
2Ang mga pangalan nga ng labingdalawang apostol ay ito: Ang una'y si Simon na tinatawag na Pedro, at si Andres na kaniyang kapatid; si Santiago na anak ni Zebedeo, at ang kaniyang kapatid na si Juan;
3ܘܦܝܠܝܦܘܤ ܘܒܪ ܬܘܠܡܝ ܘܬܐܘܡܐ ܘܡܬܝ ܡܟܤܐ ܘܝܥܩܘܒ ܒܪ ܚܠܦܝ ܘܠܒܝ ܕܐܬܟܢܝ ܬܕܝ ܀
3Si Felipe, at si Bartolome; si Tomas, at si Mateo na maniningil ng buwis; si Santiago na anak ni Alfeo at si Tadeo;
4ܘܫܡܥܘܢ ܩܢܢܝܐ ܘܝܗܘܕܐ ܤܟܪܝܘܛܐ ܗܘ ܕܐܫܠܡܗ ܀
4Si Simon na Cananeo, at si Judas Iscariote, na siya ring sa kaniya'y nagkanulo.
5ܠܗܠܝܢ ܬܪܥܤܪ ܫܕܪ ܝܫܘܥ ܘܦܩܕ ܐܢܘܢ ܘܐܡܪ ܒܐܘܪܚܐ ܕܚܢܦܐ ܠܐ ܬܐܙܠܘܢ ܘܠܡܕܝܢܬܐ ܕܫܡܪܝܐ ܠܐ ܬܥܠܘܢ ܀
5Ang labingdalawang ito'y sinugo ni Jesus, at sila'y pinagbilinan, na sinasabi, Huwag kayong magsitungo sa alin mang daan ng mga Gentil, at huwag kayong magsipasok sa alin mang bayan ng mga taga Samaria:
6ܙܠܘ ܠܟܘܢ ܕܝܢ ܝܬܝܪܐܝܬ ܠܘܬ ܥܪܒܐ ܕܐܒܕܘ ܡܢ ܒܝܬ ܝܤܪܝܠ ܀
6Kundi bagkus magsiparoon kayo sa mga tupang nangawaglit sa bahay ni Israel.
7ܘܟܕ ܐܙܠܝܢ ܐܢܬܘܢ ܐܟܪܙܘ ܘܐܡܪܘ ܕܩܪܒܬ ܡܠܟܘܬܐ ܕܫܡܝܐ ܀
7At samantalang kayo'y nangaglalakad, ay magsipangaral kayo, na mangagsabi, Ang kaharian ng langit ay malapit na.
8ܟܪܝܗܐ ܐܤܘ ܘܓܪܒܐ ܕܟܘ ܘܕܝܘܐ ܐܦܩܘ ܡܓܢ ܢܤܒܬܘܢ ܡܓܢ ܗܒܘ ܀
8Mangagpagaling kayo ng mga may sakit, mangagpabangon kayo ng mga patay, mangaglinis kayo ng mga ketong, mangagpalabas kayo ng mga demonio: tinanggap ninyong walang bayad, ay ibigay ninyong walang bayad.
9ܠܐ ܬܩܢܘܢ ܕܗܒܐ ܘܠܐ ܤܐܡܐ ܘܠܐ ܢܚܫܐ ܒܟܝܤܝܟܘܢ ܀
9Huwag kayong mangagbaon ng ginto, kahit pilak, kahit tanso sa inyong mga supot:
10ܘܠܐ ܬܪܡܠܐ ܠܐܘܪܚܐ ܘܠܐ ܬܪܬܝܢ ܟܘܬܝܢܝܢ ܘܠܐ ܡܤܢܐ ܘܠܐ ܫܒܛܐ ܫܘܐ ܗܘ ܓܝܪ ܦܥܠܐ ܤܝܒܪܬܗ ܀
10Kahit supot ng pagkain sa paglalakad, kahit dalawang tunika, kahit mga pangyapak, o tungkod: sapagka't ang manggagawa ay karapatdapat sa kaniyang pagkain.
11ܠܐܝܕܐ ܕܝܢ ܡܕܝܢܬܐ ܐܘ ܩܪܝܬܐ ܕܥܐܠܝܢ ܐܢܬܘܢ ܠܗ ܫܐܠܘ ܡܢܘ ܫܘܐ ܒܗ ܘܬܡܢ ܗܘܘ ܥܕܡܐ ܕܢܦܩܝܢ ܐܢܬܘܢ ܀
11At sa alin mang bayan o nayon na inyong pasukin, siyasatin ninyo kung sino roon ang karapatdapat; at magsitahan kayo roon hanggang sa kayo'y magsialis.
12ܘܡܐ ܕܥܐܠܝܢ ܐܢܬܘܢ ܠܒܝܬܐ ܫܐܠܘ ܫܠܡܗ ܕܒܝܬܐ ܀
12At pagpasok ninyo sa bahay, ay batiin ninyo ito.
13ܘܐܢ ܗܘ ܕܫܘܐ ܒܝܬܐ ܫܠܡܟܘܢ ܢܐܬܐ ܥܠܘܗܝ ܐܢ ܕܝܢ ܠܐ ܫܘܐ ܫܠܡܟܘܢ ܥܠܝܟܘܢ ܢܦܢܐ ܀
13At kung karapatdapat ang bahay, ay dumoon ang inyong kapayapaan: datapuwa't kung hindi karapatdapat, ay mabalik sa inyo ang kapayapaan ninyo.
14ܡܢ ܕܠܐ ܕܝܢ ܡܩܒܠ ܠܟܘܢ ܘܠܐ ܫܡܥ ܡܠܝܟܘܢ ܟܕ ܢܦܩܝܢ ܐܢܬܘܢ ܡܢ ܒܝܬܐ ܐܘ ܡܢ ܩܪܝܬܐ ܗܝ ܦܨܘ ܚܠܐ ܡܢ ܪܓܠܝܟܘܢ ܀
14At sinomang hindi tumanggap sa inyo, ni duminig sa inyong mga pananalita, pagalis ninyo sa bahay o bayang yaon, ay ipagpag ninyo ang alabok ng inyong mga paa.
15ܘܐܡܝܢ ܐܡܪ ܐܢܐ ܠܟܘܢ ܕܠܐܪܥܐ ܕܤܕܘܡ ܘܕܥܡܘܪܐ ܢܗܘܐ ܢܝܚ ܒܝܘܡܐ ܕܕܝܢܐ ܐܘ ܠܡܕܝܢܬܐ ܗܝ ܀
15Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Higit na mapagpapaumanhinan ang lupa ng Sodoma at ng Gomorra sa araw ng paghuhukom, kay sa bayang yaon.
16ܗܐ ܐܢܐ ܡܫܕܪ ܐܢܐ ܠܟܘܢ ܐܝܟ ܐܡܪܐ ܒܝܢܝ ܕܐܒܐ ܗܘܘ ܗܟܝܠ ܚܟܝܡܐ ܐܝܟ ܚܘܘܬܐ ܘܬܡܝܡܐ ܐܝܟ ܝܘܢܐ ܀
16Narito, sinusugo ko kayong gaya ng mga tupa sa gitna ng mga lobo: mangagpakatalino nga kayong gaya ng mga ahas at mangagpakatimtimang gaya ng mga kalapati.
17ܐܙܕܗܪܘ ܕܝܢ ܡܢ ܒܢܝܢܫܐ ܡܫܠܡܝܢ ܠܟܘܢ ܓܝܪ ܠܒܝܬ ܕܝܢܐ ܘܒܟܢܘܫܬܗܘܢ ܢܢܓܕܘܢܟܘܢ ܀
17Datapuwa't mangagpakaingat kayo sa mga tao: sapagka't kayo'y ibibigay nila sa mga Sanedrin at kayo'y hahampasin sa kanilang mga sinagoga;
18ܘܩܕܡ ܗܓܡܘܢܐ ܘܡܠܟܐ ܡܩܪܒܝܢ ܠܟܘܢ ܡܛܠܬܝ ܠܤܗܕܘܬܐ ܕܝܠܗܘܢ ܘܕܥܡܡܐ ܀
18Oo at kayo'y dadalhin sa harap ng mga gobernador at mga hari dahil sa akin, sa pagpapatotoo sa kanila at sa mga Gentil.
19ܐܡܬܝ ܕܝܢ ܕܢܫܠܡܘܢܟܘܢ ܠܐ ܬܐܨܦܘܢ ܐܝܟܢܐ ܐܘ ܡܢܐ ܬܡܠܠܘܢ ܡܬܝܗܒ ܠܟܘܢ ܓܝܪ ܒܗܝ ܫܥܬܐ ܡܐ ܕܬܡܠܠܘܢ ܀
19Datapuwa't pagka kayo'y ibinigay nila, huwag ninyong ikabalisa kung paano o kung ano ang inyong sasabihin: sapagka't sa oras na yaon ay ipagkakaloob sa inyo ang inyong sasabihin.
20ܠܐ ܗܘܐ ܓܝܪ ܐܢܬܘܢ ܡܡܠܠܝܢ ܐܠܐ ܪܘܚܐ ܕܐܒܘܟܘܢ ܡܡܠܠܐ ܒܟܘܢ ܀
20Sapagka't hindi kayo ang mangagsasalita, kundi ang Espiritu ng inyong Ama ang sa inyo'y magsasalita.
21ܢܫܠܡ ܕܝܢ ܐܚܐ ܠܐܚܘܗܝ ܠܡܘܬܐ ܘܐܒܐ ܠܒܪܗ ܘܢܩܘܡܘܢ ܒܢܝܐ ܥܠ ܐܒܗܝܗܘܢ ܘܢܡܝܬܘܢ ܐܢܘܢ ܀
21At ibibigay ng kapatid ang kapatid sa kamatayan, at ng ama ang kaniyang anak: at mangaghihimagsik ang mga anak laban sa kanilang mga magulang, at sila'y ipapapatay.
22ܘܬܗܘܘܢ ܤܢܝܐܝܢ ܡܢ ܟܠܢܫ ܡܛܠ ܫܡܝ ܐܝܢܐ ܕܝܢ ܕܢܤܝܒܪ ܥܕܡܐ ܠܚܪܬܐ ܗܘ ܢܚܐ ܀
22At kayo'y kapopootan ng lahat ng mga tao dahil sa aking pangalan: datapuwa't ang magtitiis hanggang sa wakas, ay siyang maliligtas.
23ܡܐ ܕܪܕܦܝܢ ܠܟܘܢ ܕܝܢ ܒܡܕܝܢܬܐ ܗܕܐ ܥܪܘܩܘ ܠܟܘܢ ܠܐܚܪܬܐ ܐܡܝܢ ܓܝܪ ܐܡܪ ܐܢܐ ܠܟܘܢ ܕܠܐ ܬܫܠܡܘܢ ܐܢܝܢ ܟܠܗܝܢ ܡܕܝܢܬܐ ܕܒܝܬ ܐܝܤܪܝܠ ܥܕܡܐ ܕܢܐܬܐ ܒܪܗ ܕܐܢܫܐ ܀
23Datapuwa't pagka kayo'y pinagusig nila sa isang bayang ito, ay magsitakas kayo tungo sa kasunod na bayan: sapagka't sa katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi ninyo matatapos libutin ang mga bayan ng Israel, hanggang sa pumarito ang Anak ng tao.
24ܠܝܬ ܬܠܡܝܕܐ ܕܝܬܝܪ ܡܢ ܪܒܗ ܘܠܐ ܥܒܕܐ ܡܢ ܡܪܗ ܀
24Hindi mataas ang alagad sa kaniyang guro, ni hindi rin mataas ang alila sa kaniyang panginoon.
25ܤܦܩ ܠܗ ܠܬܠܡܝܕܐ ܕܢܗܘܐ ܐܝܟ ܪܒܗ ܘܠܥܒܕܐ ܐܝܟ ܡܪܗ ܐܢ ܠܡܪܗ ܕܒܝܬܐ ܩܪܘ ܒܥܠܙܒܘܒ ܚܕ ܟܡܐ ܠܒܢܝ ܒܝܬܗ ܀
25Sukat na sa alagad ang maging katulad ng kaniyang guro, at sa alila ang maging katulad ng kaniyang panginoon. Kung pinanganlan nilang Beelzebub ang panginoon ng sangbahayan, gaano pa kaya ang mga kasangbahay niya!
26ܠܐ ܗܟܝܠ ܬܕܚܠܘܢ ܡܢܗܘܢ ܠܝܬ ܓܝܪ ܡܕܡ ܕܟܤܐ ܕܠܐ ܢܬܓܠܐ ܘܕܡܛܫܝ ܕܠܐ ܢܬܝܕܥ ܀
26Huwag nga ninyo silang katakutan: sapagka't walang bagay na natatakpan, na hindi mahahayag; at natatago na hindi malalaman.
27ܡܕܡ ܕܐܡܪ ܐܢܐ ܠܟܘܢ ܒܚܫܘܟܐ ܐܘܡܪܘܗܝ ܐܢܬܘܢ ܒܢܗܝܪܐ ܘܡܕܡ ܕܒܐܕܢܝܟܘܢ ܫܡܥܝܢ ܐܢܬܘܢ ܐܟܪܙܘ ܥܠ ܐܓܪܐ ܀
27Ang sinasabi ko sa inyo sa kadiliman, ay sabihin ninyo sa kaliwanagan; at ang narinig ninyo sa bulong, ay inyong ipagsigawan sa mga bubungan.
28ܘܠܐ ܬܕܚܠܘܢ ܡܢ ܐܝܠܝܢ ܕܩܛܠܝܢ ܦܓܪܐ ܢܦܫܐ ܕܝܢ ܠܐ ܡܫܟܚܝܢ ܠܡܩܛܠ ܕܚܠܘ ܕܝܢ ܝܬܝܪܐܝܬ ܡܢ ܡܢ ܕܡܫܟܚ ܕܠܢܦܫܐ ܘܠܦܓܪܐ ܢܘܒܕ ܒܓܗܢܐ ܀
28At huwag kayong mangatakot sa mga nagsisipatay ng katawan, datapuwa't hindi nangakakapatay sa kaluluwa: kundi bagkus ang katakutan ninyo'y yaong makapupuksa sa kaluluwa at sa katawan sa impierno.
29ܠܐ ܬܪܬܝܢ ܨܦܪܝܢ ܡܙܕܒܢܢ ܒܐܤܪ ܘܚܕܐ ܡܢܗܝܢ ܒܠܥܕ ܡܢ ܐܒܘܟܘܢ ܠܐ ܢܦܠܐ ܥܠ ܐܪܥܐ ܀
29Hindi baga ipinagbibili ng isang beles ang dalawang maya? at kahit isa sa kanila'y hindi mahuhulog sa lupa kung hindi pahintulot ng inyong Ama:
30ܕܝܠܟܘܢ ܕܝܢ ܐܦ ܡܢܐ ܕܪܫܟܘܢ ܟܠܗܝܢ ܡܢܝܢ ܐܢܝܢ ܀
30Datapuwa't maging ang mga buhok ng inyong ulo ay pawang bilang na lahat.
31ܠܐ ܗܟܝܠ ܬܕܚܠܘܢ ܡܢ ܨܦܪܐ ܤܓܝܐܬܐ ܡܝܬܪܝܢ ܐܢܬܘܢ ܀
31Huwag nga kayong mangatakot: kayo'y lalong mahalaga kay sa maraming maya.
32ܟܠܢܫ ܗܟܝܠ ܕܢܘܕܐ ܒܝ ܩܕܡ ܒܢܝܢܫܐ ܐܘܕܐ ܒܗ ܐܦ ܐܢܐ ܩܕܡ ܐܒܝ ܕܒܫܡܝܐ ܀
32Kaya't ang bawa't kumikilala sa akin sa harap ng mga tao, ay kikilalanin ko naman siya sa harap ng aking Ama na nasa langit.
33ܡܢ ܕܝܢ ܕܢܟܦܘܪ ܒܝ ܩܕܡ ܒܢܝܢܫܐ ܐܟܦܘܪ ܒܗ ܐܦ ܐܢܐ ܩܕܡ ܐܒܝ ܕܒܫܡܝܐ ܀
33Datapuwa't sinomang sa aki'y magkaila sa harap ng mga tao, ay ikakaila ko naman siya sa harap ng aking Ama na nasa langit.
34ܠܐ ܬܤܒܪܘܢ ܕܐܬܝܬ ܕܐܪܡܐ ܫܝܢܐ ܒܐܪܥܐ ܠܐ ܐܬܝܬ ܕܐܪܡܐ ܫܝܢܐ ܐܠܐ ܚܪܒܐ ܀
34Huwag ninyong isiping ako'y naparito upang magdala ng kapayapaan sa lupa: hindi ako naparito upang magdala ng kapayapaan, kundi tabak.
35ܐܬܝܬ ܓܝܪ ܕܐܦܠܘܓ ܓܒܪܐ ܥܠ ܐܒܘܗܝ ܘܒܪܬܐ ܥܠ ܐܡܗ ܘܟܠܬܐ ܥܠ ܚܡܬܗ ܀
35Sapagka't ako'y naparito upang papagalitin ang lalake laban sa kaniyang ama, at ang anak na babae laban sa kaniyang ina, at ang manugang na babae laban sa kaniyang biyanang babae:
36ܘܒܥܠܕܒܒܘܗܝ ܕܓܒܪܐ ܒܢܝ ܒܝܬܗ ܀
36At ang magiging kaaway ng tao ay ang kaniya ring sariling kasangbahay.
37ܡܢ ܕܪܚܡ ܐܒܐ ܐܘ ܐܡܐ ܝܬܝܪ ܡܢ ܕܠܝ ܠܐ ܫܘܐ ܠܝ ܘܡܢ ܕܪܚܡ ܒܪܐ ܐܘ ܒܪܬܐ ܝܬܝܪ ܡܢ ܕܠܝ ܠܐ ܫܘܐ ܠܝ ܀
37Ang umiibig sa ama o sa ina ng higit kay sa akin ay hindi karapatdapat sa akin; at ang umiibig sa anak na lalake o anak na babae ng higit kay sa akin ay hindi karapatdapat sa akin.
38ܘܟܠ ܕܠܐ ܫܩܠ ܙܩܝܦܗ ܘܐܬܐ ܒܬܪܝ ܠܐ ܫܘܐ ܠܝ ܀
38At ang hindi nagpapasan ng kaniyang krus at sumusunod sa akin, ay hindi karapatdapat sa akin.
39ܡܢ ܕܐܫܟܚ ܢܦܫܗ ܢܘܒܕܝܗ ܘܡܢ ܕܢܘܒܕ ܢܦܫܗ ܡܛܠܬܝ ܢܫܟܚܝܗ ܀
39Ang nakasusumpong ng kaniyang buhay ay mawawalan nito; at ang mawalan ng buhay dahil sa akin ay makasusumpong niyaon.
40ܡܢ ܕܡܩܒܠ ܠܟܘܢ ܠܝ ܡܩܒܠ ܘܡܢ ܕܠܝ ܡܩܒܠ ܠܡܢ ܕܫܠܚܢܝ ܡܩܒܠ ܀
40Ang tumatanggap sa inyo ay ako ang tinatanggap, at ang tumatanggap sa akin ay tinatanggap ang nagsugo sa akin.
41ܡܢ ܕܡܩܒܠ ܢܒܝܐ ܒܫܡ ܢܒܝܐ ܐܓܪܐ ܕܢܒܝܐ ܢܤܒ ܘܡܢ ܕܡܩܒܠ ܙܕܝܩܐ ܒܫܡ ܙܕܝܩܐ ܐܓܪܐ ܕܙܕܝܩܐ ܢܤܒ ܀ 42 ܘܟܠ ܕܡܫܩܐ ܠܚܕ ܡܢ ܗܠܝܢ ܙܥܘܪܐ ܟܤܐ ܕܩܪܝܪܐ ܒܠܚܘܕ ܒܫܡܐ ܕܬܠܡܝܕܐ ܐܡܝܢ ܐܡܪ ܐܢܐ ܠܟܘܢ ܕܠܐ ܢܘܒܕ ܐܓܪܗ ܀
41Ang tumatanggap sa isang propeta dahil sa pangalan ng propeta ay tatanggap ng ganti ng isang propeta: at ang tumatanggap sa isang taong matuwid dahil sa pangalan ng isang taong matuwid ay tatanggap ng ganti ng isang taong matuwid.
42
42At sinomang magpainom sa isa sa maliliit na ito ng kahit isang sarong tubig na malamig, dahil sa pangalang alagad, katotohanang sinasabi ko sa inyo na hindi mawawala ang ganti sa kaniya.