Syriac: NT

Tagalog 1905

Matthew

20

1ܕܡܝܐ ܓܝܪ ܡܠܟܘܬܐ ܕܫܡܝܐ ܠܓܒܪܐ ܡܪܐ ܒܝܬܐ ܕܢܦܩ ܒܨܦܪܐ ܕܢܐܓܘܪ ܦܥܠܐ ܠܟܪܡܗ ܀
1Sapagka't ang kaharian ng langit ay tulad sa isang tao na puno ng sangbahayan, na lumabas pagkaumagang-umaga, upang umupa ng manggagawa sa kaniyang ubasan.
2ܩܨ ܕܝܢ ܥܡ ܦܥܠܐ ܡܢ ܕܝܢܪܐ ܒܝܘܡܐ ܘܫܕܪ ܐܢܘܢ ܠܟܪܡܗ ܀
2At nang makipagkasundo na siya sa mga manggagawa sa isang denario sa bawa't araw, ay isinugo niya sila sa kaniyang ubasan.
3ܘܢܦܩ ܒܬܠܬ ܫܥܝܢ ܘܚܙܐ ܐܚܪܢܐ ܕܩܝܡܝܢ ܒܫܘܩܐ ܘܒܛܝܠܝܢ ܀
3At siya'y lumabas nang malapit na ang ikatlong oras, at nakita ang mga iba sa pamilihan na nangakatayong walang ginagawa;
4ܘܐܡܪ ܠܗܘܢ ܙܠܘ ܐܦ ܐܢܬܘܢ ܠܟܪܡܐ ܘܡܕܡ ܕܘܠܐ ܝܗܒ ܐܢܐ ܠܟܘܢ ܀
4At sinabi niya sa kanila, Magsiparoon din naman kayo sa ubasan, at bibigyan ko kayo ng nasa katuwiran. At nagsiyaon ng kanilang lakad sa ubasan.
5ܗܢܘܢ ܕܝܢ ܐܙܠܘ ܘܢܦܩ ܬܘܒ ܒܫܬ ܘܒܬܫܥ ܫܥܝܢ ܘܥܒܕ ܗܟܘܬ ܀
5Lumabas siyang muli nang malapit na ang mga oras na ikaanim at ikasiyam, at gayon din ang ginawa.
6ܘܠܐܦܝ ܚܕܥܤܪܐ ܫܥܝܢ ܢܦܩ ܘܐܫܟܚ ܐܚܪܢܐ ܕܩܝܡܝܢ ܘܒܛܝܠܝܢ ܘܐܡܪ ܠܗܘܢ ܡܢܐ ܩܝܡܝܢ ܐܢܬܘܢ ܝܘܡܐ ܟܠܗ ܘܒܛܠܝܢ ܀
6At lumabas siya nang malapit na ang ikalabingisang oras at nakasumpong siya ng mga iba na nangakatayo; at sinabi niya sa kanila, Bakit kayo'y nangakatayo rito sa buong maghapon na walang ginagawa?
7ܐܡܪܝܢ ܠܗ ܕܠܐ ܐܢܫ ܐܓܪܢ ܐܡܪ ܠܗܘܢ ܙܠܘ ܐܦ ܐܢܬܘܢ ܠܟܪܡܐ ܘܡܕܡ ܕܘܠܐ ܢܤܒܝܢ ܐܢܬܘܢ ܀
7At sinabi nila sa kaniya, Sapagka't sinoma'y walang umupa sa amin. Sinabi niya sa kanila, Magsiparito din naman kayo sa ubasan.
8ܟܕ ܗܘܐ ܕܝܢ ܪܡܫܐ ܐܡܪ ܡܪܐ ܟܪܡܐ ܠܪܒܝܬܗ ܩܪܝ ܦܥܠܐ ܘܗܒ ܠܗܘܢ ܐܓܪܗܘܢ ܘܫܪܐ ܡܢ ܐܚܪܝܐ ܘܥܕܡܐ ܠܩܕܡܝܐ ܀
8At nang dumating ang hapon, sinabi ng panginoon ng ubasan sa kaniyang katiwala, Tawagin mo ang mga manggagawa, at bayaran mo sila ng kaupahan sa kanila, na mula sa mga huli hanggang sa mga una.
9ܘܐܬܘ ܗܢܘܢ ܕܚܕܥܤܪܐ ܫܥܝܢ ܢܤܒܘ ܕܝܢܪ ܕܝܢܪ ܀
9At paglapit ng mga inupahan nang malapit na ang ikalabingisang oras ay tumanggap bawa't tao ng isang denario.
10ܘܟܕ ܐܬܘ ܩܕܡܝܐ ܤܒܪܘ ܕܝܬܝܪ ܫܩܠܝܢ ܘܫܩܠܘ ܕܝܢܪ ܕܝܢܪ ܐܦ ܗܢܘܢ ܀
10At nang magsilapit ang mga nauna, ang isip nila'y magsisitanggap sila ng higit; at sila'y nagsitanggap din bawa't tao ng isang denario.
11ܘܟܕ ܫܩܠܘ ܪܛܢܘ ܥܠ ܡܪܐ ܒܝܬܐ ܀
11At nang kanilang tanggapin ay nangagbulongbulong laban sa puno ng sangbahayan,
12ܘܐܡܪܝܢ ܗܠܝܢ ܐܚܪܝܐ ܚܕܐ ܫܥܐ ܥܒܕܘ ܘܐܫܘܝܬ ܐܢܘܢ ܥܡܢ ܕܫܩܠܢ ܝܘܩܪܗ ܕܝܘܡܐ ܘܚܘܡܗ ܀
12Na nangagsasabi, Isa lamang oras ang ginugol nitong mga huli, sila'y ipinantay mo sa amin, na aming binata ang hirap sa maghapon at ang init na nakasusunog.
13ܗܘ ܕܝܢ ܥܢܐ ܘܐܡܪ ܠܚܕ ܡܢܗܘܢ ܚܒܪܝ ܠܐ ܡܥܘܠ ܐܢܐ ܒܟ ܠܐ ܗܘܐ ܒܕܝܢܪ ܩܨܬ ܥܡܝ ܀
13Datapuwa't siya'y sumagot at sinabi sa isa sa kanila, Kaibigan, hindi kita iniiring: hindi baga nakipagkayari ka sa akin sa isang denario?
14ܤܒ ܕܝܠܟ ܘܙܠ ܨܒܐ ܐܢܐ ܕܝܢ ܕܠܗܢܐ ܐܚܪܝܐ ܐܬܠ ܐܝܟ ܕܠܟ ܀
14Kunin mo ang ganang iyo, at humayo ka sa iyong lakad; ibig kong bigyan itong huli, nang gaya rin sa iyo.
15ܐܘ ܠܐ ܫܠܝܛ ܠܝ ܕܡܕܡ ܕܨܒܐ ܐܢܐ ܐܥܒܕ ܒܕܝܠܝ ܐܘ ܥܝܢܟ ܒܝܫܐ ܕܐܢܐ ܛܒ ܐܢܐ ܀
15Hindi baga matuwid sa aking gawin ang ibig ko sa aking pag-aari? o masama ang mata mo, sapagka't ako'y mabuti?
16ܗܟܢܐ ܢܗܘܘܢ ܐܚܪܝܐ ܩܕܡܝܐ ܘܩܕܡܝܐ ܐܚܪܝܐ ܤܓܝܐܝܢ ܐܢܘܢ ܓܝܪ ܩܪܝܐ ܘܙܥܘܪܝܢ ܓܒܝܐ ܀
16Kaya't ang mga una'y mangahuhuli, at ang mga huli ay mangauuna.
17ܥܬܝܕ ܗܘܐ ܕܝܢ ܝܫܘܥ ܕܢܤܩ ܠܐܘܪܫܠܡ ܘܕܒܪ ܠܬܪܥܤܪ ܬܠܡܝܕܘܗܝ ܒܝܢܘܗܝ ܘܠܗܘܢ ܒܐܘܪܚܐ ܘܐܡܪ ܠܗܘܢ ܀
17Samantalang umaahon si Jesus, ay bukod niyang isinama ang labingdalawang alagad, at sa daa'y sinabi niya sa kanila,
18ܗܐ ܤܠܩܝܢ ܚܢܢ ܠܐܘܪܫܠܡ ܘܒܪܗ ܕܐܢܫܐ ܡܫܬܠܡ ܠܪܒܝ ܟܗܢܐ ܘܠܤܦܪܐ ܘܢܚܝܒܘܢܝܗܝ ܠܡܘܬܐ ܀
18Narito, nagsisiahon tayo sa Jerusalem; at ibibigay ang Anak ng tao sa mga pangulong saserdote at sa mga eskriba; at kanilang hahatulang siya'y patayin,
19ܘܢܫܠܡܘܢܝܗܝ ܠܥܡܡܐ ܘܢܒܙܚܘܢ ܒܗ ܘܢܢܓܕܘܢܝܗܝ ܘܢܙܩܦܘܢܝܗܝ ܘܠܝܘܡܐ ܕܬܠܬܐ ܢܩܘܡ ܀
19At ibibigay siya sa mga Gentil upang siya'y kanilang alimurahin, at hampasin, at ipako sa krus: at sa ikatlong araw siya'y ibabangon.
20ܗܝܕܝܢ ܩܪܒܬ ܠܗ ܐܡܗܘܢ ܕܒܢܝ ܙܒܕܝ ܗܝ ܘܒܢܝܗ ܘܤܓܕܬ ܠܗ ܘܫܐܠܐ ܗܘܬ ܠܗ ܡܕܡ ܀
20Nang magkagayo'y lumapit sa kaniya ang ina ng mga anak na lalake ni Zebedeo, na kasama ang kaniyang mga anak na lalake na siya'y sinamba, at may hinihinging isang bagay sa kaniya.
21ܗܘ ܕܝܢ ܐܡܪ ܠܗ ܡܢܐ ܨܒܝܐ ܐܢܬܝ ܐܡܪܐ ܠܗ ܐܡܪ ܕܢܬܒܘܢ ܗܠܝܢ ܬܪܝܢ ܒܢܝ ܚܕ ܡܢ ܝܡܝܢܟ ܘܚܕ ܡܢ ܤܡܠܟ ܒܡܠܟܘܬܟ ܀
21At sinabi niya sa kaniya, Ano ang ibig mo? Sinabi niya sa kaniya, Ipagutos mo na itong aking dalawang anak ay magsiupo, ang isa sa iyong kanan, at ang isa sa iyong kaliwa, sa iyong kaharian.
22ܥܢܐ ܝܫܘܥ ܘܐܡܪ ܠܐ ܝܕܥܝܢ ܐܢܬܘܢ ܡܢܐ ܫܐܠܝܢ ܐܢܬܘܢ ܡܫܟܚܝܢ ܐܢܬܘܢ ܠܡܫܬܐ ܟܤܐ ܕܐܢܐ ܥܬܝܕ ܠܡܫܬܐ ܐܘ ܡܥܡܘܕܝܬܐ ܕܐܢܐ ܥܡܕ ܐܢܐ ܬܥܡܕܘܢ ܐܡܪܝܢ ܠܗ ܡܫܟܚܝܢ ܚܢܢ ܀
22Nguni't sumagot si Jesus at sinabi, Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi. Mangyayari bagang inuman ninyo ang sarong malapit nang aking iinuman? Sa kaniya'y sinabi nila, Mangyayari.
23ܐܡܪ ܠܗܘܢ ܟܤܝ ܬܫܬܘܢ ܘܡܥܡܘܕܝܬܐ ܕܐܢܐ ܥܡܕ ܐܢܐ ܬܥܡܕܘܢ ܕܬܬܒܘܢ ܕܝܢ ܡܢ ܝܡܝܢܝ ܘܡܢ ܤܡܠܝ ܠܐ ܗܘܬ ܕܝܠܝ ܕܐܬܠ ܐܠܐ ܠܐܝܠܝܢ ܕܐܬܛܝܒܬ ܡܢ ܐܒܝ ܀
23Sinabi niya sa kanila, Katotohanang iinuman ninyo ang aking saro: datapuwa't ang maupo sa aking kanan, at sa aking kaliwa, ay hindi sa akin ang pagbibigay; datapuwa't yaon ay para sa kanila na mga pinaghandaan ng aking Ama.
24ܟܕ ܕܝܢ ܫܡܥܘ ܥܤܪܐ ܪܓܙܘ ܥܠ ܗܢܘܢ ܬܪܝܢ ܐܚܝܢ ܀
24At nang marinig ito ng sangpu, ay nangagalit laban sa dalawang magkapatid.
25ܘܩܪܐ ܐܢܘܢ ܝܫܘܥ ܘܐܡܪ ܠܗܘܢ ܝܕܥܝܢ ܐܢܬܘܢ ܕܪܫܝܗܘܢ ܕܥܡܡܐ ܡܪܝܗܘܢ ܐܢܘܢ ܘܪܘܪܒܢܝܗܘܢ ܫܠܝܛܝܢ ܥܠܝܗܘܢ ܀
25Datapuwa't sila'y pinalapit ni Jesus sa kaniya, at sinabi, Nalaman ninyo na ang mga pinuno ng mga Gentil ay nangapapapanginoon sa kanila, at ang kanilang mga dakila ay nagsisigamit ng kapamahalaan sa kanila.
26ܠܐ ܗܟܢܐ ܢܗܘܐ ܒܝܢܬܟܘܢ ܐܠܐ ܡܢ ܕܨܒܐ ܒܟܘܢ ܕܢܗܘܐ ܪܒܐ ܢܗܘܐ ܠܟܘܢ ܡܫܡܫܢܐ ܀
26Sa inyo'y hindi magkakagayon: kundi ang sinomang magibig na dumakila sa inyo ay magiging lingkod ninyo;
27ܘܡܢ ܕܨܒܐ ܒܟܘܢ ܕܢܗܘܐ ܩܕܡܝܐ ܢܗܘܐ ܠܟܘܢ ܥܒܕܐ ܀
27At sinomang magibig na maging una sa inyo ay magiging alipin ninyo:
28ܐܝܟܢܐ ܕܒܪܗ ܕܐܢܫܐ ܠܐ ܐܬܐ ܕܢܫܬܡܫ ܐܠܐ ܕܢܫܡܫ ܘܕܢܬܠ ܢܦܫܗ ܦܘܪܩܢܐ ܚܠܦ ܤܓܝܐܐ ܀
28Gayon din naman ang Anak ng tao ay hindi naparito upang paglingkuran, kundi upang maglingkod, at ibigay ang kaniyang buhay na pangtubos sa marami.
29ܘܟܕ ܢܦܩ ܝܫܘܥ ܡܢ ܐܝܪܝܚܘ ܐܬܐ ܗܘܐ ܒܬܪܗ ܟܢܫܐ ܤܓܝܐܐ ܀
29At nang sila'y magsialis sa Jerico, ay sumunod sa kaniya ang lubhang maraming tao.
30ܘܗܐ ܤܡܝܐ ܬܪܝܢ ܝܬܒܝܢ ܗܘܘ ܥܠ ܝܕ ܐܘܪܚܐ ܘܟܕ ܫܡܥܘ ܕܝܫܘܥ ܥܒܪ ܝܗܒܘ ܩܠܐ ܘܐܡܪܝܢ ܐܬܪܚܡ ܥܠܝܢ ܡܪܝ ܒܪܗ ܕܕܘܝܕ ܀
30At narito, ang dalawang lalaking bulag na nangakaupo sa tabi ng daan, pagkarinig nilang nagdaraan si Jesus, ay nangagsisigaw, na nagsisipagsabi, Panginoon, mahabag ka sa amin, ikaw na Anak ni David.
31ܟܢܫܐ ܕܝܢ ܟܐܝܢ ܗܘܘ ܒܗܘܢ ܕܢܫܬܩܘܢ ܘܗܢܘܢ ܝܬܝܪܐܝܬ ܐܪܝܡܘ ܩܠܗܘܢ ܘܐܡܪܝܢ ܡܪܢ ܐܬܪܚܡ ܥܠܝܢ ܒܪܗ ܕܕܘܝܕ ܀
31At pinagwikaan sila ng karamihan, upang sila'y magsitahimik: datapuwa't sila'y lalong nangagsisigaw, na nagsisipagsabi, Panginoon, mahabag ka sa amin, ikaw na Anak ni David.
32ܘܩܡ ܝܫܘܥ ܘܩܪܐ ܐܢܘܢ ܘܐܡܪ ܡܢܐ ܨܒܝܢ ܐܢܬܘܢ ܕܐܥܒܕ ܠܟܘܢ ܀
32At tumigil si Jesus, at sila'y tinawag, at sinabi, Ano ang ibig ninyong gawin ko sa inyo?
33ܐܡܪܝܢ ܠܗ ܡܪܢ ܕܢܬܦܬܚܢ ܥܝܢܝܢ ܀ 34 ܘܐܬܪܚܡ ܥܠܝܗܘܢ ܝܫܘܥ ܘܩܪܒ ܠܥܝܢܝܗܘܢ ܘܒܪ ܫܥܬܗ ܐܬܦܬܚ ܥܝܢܝܗܘܢ ܘܐܙܠܘ ܒܬܪܗ ܀
33Sinabi nila sa kaniya, Panginoon, na mangadilat ang mga mata namin.
34
34At si Jesus, sa pagkahabag, ay hinipo ang kanilang mga mata, at pagdaka'y nagsitanggap sila ng kanilang paningin; at nagsisunod sa kaniya.