Syriac: NT

Tagalog 1905

Matthew

27

1ܟܕ ܕܝܢ ܗܘܐ ܨܦܪܐ ܡܠܟܐ ܢܤܒܘ ܥܠ ܝܫܘܥ ܟܠܗܘܢ ܪܒܝ ܟܗܢܐ ܘܩܫܝܫܐ ܕܥܡܐ ܐܝܟ ܕܢܡܝܬܘܢܝܗܝ ܀
1Pagka umaga nga, ang lahat ng mga pangulong saserdote at ang matatanda sa bayan ay nangagsanggunian laban kay Jesus upang siya'y ipapatay:
2ܘܐܤܪܘܗܝ ܘܐܘܒܠܘܗܝ ܘܐܫܠܡܘܗܝ ܠܦܝܠܛܘܤ ܗܓܡܘܢܐ ܀
2At siya'y ginapos nila, at siya'y inilabas, at kanilang ibinigay siya kay Pilato na gobernador.
3ܗܝܕܝܢ ܝܗܘܕܐ ܡܫܠܡܢܐ ܟܕ ܚܙܐ ܕܐܬܚܝܒ ܝܫܘܥ ܐܬܬܘܝ ܘܐܙܠ ܐܗܦܟ ܗܠܝܢ ܬܠܬܝܢ ܕܟܤܦܐ ܠܪܒܝ ܟܗܢܐ ܘܠܩܫܝܫܐ ܀
3Nang magkagayo'y si Judas, na nagkanulo sa kaniya, pagkakitang siya'y nahatulan na, ay nagsisi, at isinauli ang tatlongpung putol na pilak sa mga pangulong saserdote at sa matatanda,
4ܘܐܡܪ ܚܛܝܬ ܕܐܫܠܡܬ ܕܡܐ ܙܟܝܐ ܗܢܘܢ ܕܝܢ ܐܡܪܘ ܠܗ ܠܢ ܡܐ ܠܢ ܐܢܬ ܝܕܥ ܐܢܬ ܀
4Na sinasabi, Nagkasala ako sa aking pagkakanulo sa dugong walang kasalanan. Datapuwa't kanilang sinabi, Ano sa amin? ikaw ang bahala niyan.
5ܘܫܕܝܗܝ ܟܤܦܐ ܒܗܝܟܠܐ ܘܫܢܝ ܘܐܙܠ ܚܢܩ ܢܦܫܗ ܀
5At kaniyang ibinulaksak sa santuario ang mga putol na pilak, at umalis; at siya'y yumaon at nagbigti.
6ܪܒܝ ܟܗܢܐ ܕܝܢ ܫܩܠܘܗܝ ܠܟܤܦܐ ܘܐܡܪܘ ܠܐ ܫܠܝܛ ܕܢܪܡܝܘܗܝ ܒܝܬ ܩܘܪܒܢܐ ܡܛܠ ܕܛܝܡܝ ܕܡܐ ܗܘ ܀
6At kinuha ng mga pangulong saserdote ang mga putol na pilak, at sinabi, Hindi matuwid na ilagay ang pilak na iyan sa kabang-yaman, sapagka't halaga ng dugo.
7ܘܢܤܒܘ ܡܠܟܐ ܘܙܒܢܘ ܒܗ ܐܓܘܪܤܗ ܕܦܚܪܐ ܠܒܝܬ ܩܒܘܪܐ ܕܐܟܤܢܝܐ ܀
7At sila'y nangagsanggunian, at ibinili nila ang mga yaon ng bukid ng magpapalyok, upang paglibingan ng mga taga ibang bayan.
8ܡܛܠ ܗܢܐ ܐܬܩܪܝ ܐܓܘܪܤܐ ܗܘ ܩܪܝܬܐ ܕܕܡܐ ܥܕܡܐ ܠܝܘܡܢܐ ܀
8Dahil dito'y tinawag ang bukid na yaon, ang bukid ng dugo, hanggang ngayon.
9ܗܝܕܝܢ ܐܬܡܠܝ ܡܕܡ ܕܐܬܐܡܪ ܒܝܕ ܢܒܝܐ ܕܐܡܪ ܕܢܤܒܬ ܬܠܬܝܢ ܕܟܤܦܐ ܕܡܘܗܝ ܕܝܩܝܪܐ ܕܩܨܘ ܡܢ ܒܢܝ ܐܝܤܪܝܠ ܀
9Nang magkagayo'y natupad ang sinalita sa pamamagitan ng propeta Jeremias, na nagsasabi, At kinuha nila ang tatlongpung putol na pilak, halaga noong hinalagahan, na inihalaga ng mga anak ng Israel;
10ܘܝܗܒܬ ܐܢܘܢ ܠܐܓܘܪܤܗ ܕܦܚܪܐ ܐܝܟ ܕܦܩܕ ܠܝ ܡܪܝܐ ܀
10At kanilang ibinigay ang mga yaon na pinakabayad sa bukid ng magpapalyok, ayon sa iniutos sa akin ng Panginoon.
11ܗܘ ܕܝܢ ܝܫܘܥ ܩܡ ܩܕܡ ܗܓܡܘܢܐ ܘܫܐܠܗ ܗܓܡܘܢܐ ܘܐܡܪ ܠܗ ܐܢܬ ܗܘ ܡܠܟܐ ܕܝܗܘܕܝܐ ܐܡܪ ܠܗ ܝܫܘܥ ܐܢܬ ܐܡܪܬ ܀
11Si Jesus nga ay nakatayo sa harap ng gobernador: at tinanong siya ng gobernador, na nagsasabi, Ikaw baga ang Hari ng mga Judio? At sinabi sa kaniya ni Jesus, Ikaw ang nagsasabi.
12ܘܟܕ ܐܟܠܝܢ ܗܘܘ ܩܪܨܘܗܝ ܪܒܝ ܟܗܢܐ ܘܩܫܝܫܐ ܡܕܡ ܦܬܓܡܐ ܗܘ ܠܐ ܦܢܝ ܀
12At nang siya'y isakdal ng mga pangulong saserdote at ng matatanda, ay hindi siya sumagot ng anoman.
13ܗܝܕܝܢ ܐܡܪ ܠܗ ܦܝܠܛܘܤ ܠܐ ܫܡܥ ܐܢܬ ܟܡܐ ܡܤܗܕܝܢ ܥܠܝܟ ܀
13Nang magkagayo'y sinabi sa kaniya ni Pilato, Hindi mo baga naririnig kung gaano karaming bagay ang kanilang sinasaksihang laban sa iyo?
14ܘܠܐ ܝܗܒ ܠܗ ܦܬܓܡܐ ܘܠܐ ܒܚܕܐ ܡܠܐ ܘܥܠ ܗܕܐ ܐܬܕܡܪ ܛܒ ܀
14At hindi siya sinagot niya, ng kahit isang salita man lamang: ano pa't nanggilalas na mainam ang gobernador.
15ܒܟܠ ܥܐܕܐ ܕܝܢ ܡܥܕ ܗܘܐ ܗܓܡܘܢܐ ܕܢܫܪܐ ܐܤܝܪܐ ܚܕ ܠܥܡܐ ܐܝܢܐ ܕܗܢܘܢ ܨܒܝܢ ܗܘܘ ܀
15Sa kapistahan nga ay pinagkaugalian ng gobernador na pawalan sa karamihan ang isang bilanggo, na sinoman ang kanilang ibigin.
16ܐܤܝܪ ܗܘܐ ܠܗܘܢ ܕܝܢ ܐܤܝܪܐ ܝܕܝܥܐ ܕܡܬܩܪܐ ܒܪ ܐܒܐ ܀
16At noo'y sila'y may isang bilanggong bantog, na tinatawag na Barrabas.
17ܘܟܕ ܟܢܝܫܝܢ ܐܡܪ ܠܗܘܢ ܦܝܠܛܘܤ ܠܡܢ ܨܒܝܢ ܐܢܬܘܢ ܕܐܫܪܐ ܠܟܘܢ ܠܒܪ ܐܒܐ ܐܘ ܠܝܫܘܥ ܕܡܬܩܪܐ ܡܫܝܚܐ ܀
17Nang sila'y mangagkatipon nga, ay sinabi sa kanila ni Pilato, Sino ang ibig ninyong sa inyo'y aking pawalan? si Barrabas, o si Jesus na tinatawag na Cristo?
18ܝܕܥ ܗܘܐ ܓܝܪ ܦܝܠܛܘܤ ܕܡܢ ܚܤܡܐ ܐܫܠܡܘܗܝ ܀
18Sapagka't natatalastas niya na dahil sa kapanaghilian ay ibinigay siya nila sa kaniya.
19ܟܕ ܝܬܒ ܕܝܢ ܗܓܡܘܢܐ ܥܠ ܒܝܡ ܕܝܠܗ ܫܠܚܬ ܠܗ ܐܢܬܬܗ ܘܐܡܪܐ ܠܗ ܠܐ ܠܟ ܘܠܗܘ ܙܕܝܩܐ ܤܓܝ ܓܝܪ ܚܫܬ ܒܚܠܡܝ ܝܘܡܢܐ ܡܛܠܬܗ ܀
19At samantalang nakaupo siya sa luklukan ng pagkahukom, ay nagsugo sa kaniya ang kaniyang asawa, na nagsasabi, Huwag kang makialam sa matuwid na taong iyan; sapagka't ngayong araw na ito'y naghirap ako ng maraming bagay sa panaginip dahil sa kaniya.
20ܪܒܝ ܟܗܢܐ ܕܝܢ ܘܩܫܝܫܐ ܐܦܝܤܘ ܠܟܢܫܐ ܕܢܫܐܠܘܢ ܠܒܪ ܐܒܐ ܠܝܫܘܥ ܕܝܢ ܕܢܘܒܕܘܢ ܀
20Inudyukan ng mga pangulong saserdote at ng matatanda ang mga karamihan na hingin nila si Barrabas, at puksain si Jesus.
21ܘܥܢܐ ܗܓܡܘܢܐ ܘܐܡܪ ܠܗܘܢ ܠܡܢ ܨܒܝܢ ܐܢܬܘܢ ܕܐܫܪܐ ܠܟܘܢ ܡܢ ܬܪܝܗܘܢ ܗܢܘܢ ܕܝܢ ܐܡܪܘ ܠܒܪ ܐܒܐ ܀
21Datapuwa't sumagot ang gobernador at sa kanila'y sinabi, Alin sa dalawa ang ibig ninyong sa inyo'y aking pawalan? At sinabi nila, Si Barrabas.
22ܐܡܪ ܠܗܘܢ ܦܝܠܛܘܤ ܘܠܝܫܘܥ ܕܡܬܩܪܐ ܡܫܝܚܐ ܡܢܐ ܐܥܒܕ ܠܗ ܐܡܪܝܢ ܟܠܗܘܢ ܢܙܕܩܦ ܀
22Sinabi sa kanila ni Pilato, Ano ang gagawin kay Jesus na tinatawag na Cristo? Sinabi nilang lahat, Mapako siya sa krus.
23ܐܡܪ ܠܗܘܢ ܗܓܡܘܢܐ ܡܢܐ ܓܝܪ ܕܒܝܫ ܥܒܕ ܗܢܘܢ ܕܝܢ ܝܬܝܪܐܝܬ ܩܥܘ ܘܐܡܪܘ ܢܙܕܩܦ ܀
23At sinabi niya, Bakit, anong kasamaan ang kaniyang ginawa? Datapuwa't sila'y lalong nangagsigawan, na nangagsasabi, Mapako siya sa krus.
24ܦܝܠܛܘܤ ܕܝܢ ܟܕ ܚܙܐ ܕܡܕܡ ܠܐ ܡܘܬܪ ܐܠܐ ܝܬܝܪܐܝܬ ܪܘܒܐ ܗܘܐ ܫܩܠ ܡܝܐ ܐܫܝܓ ܐܝܕܘܗܝ ܠܥܝܢ ܟܢܫܐ ܘܐܡܪ ܡܚܤܝ ܐܢܐ ܡܢ ܕܡܗ ܕܗܢܐ ܙܕܝܩܐ ܐܢܬܘܢ ܬܕܥܘܢ ܀
24Kaya't nang makita ni Pilato na wala siyang magawa, kundi bagkus pa ngang lumalala ang kaguluhan, siya'y kumuha ng tubig, at naghugas ng kaniyang mga kamay sa harap ng karamihan, na sinasabi, Wala akong kasalanan sa dugo nitong matuwid na tao; kayo ang bahala niyan.
25ܘܥܢܘ ܟܠܗ ܥܡܐ ܘܐܡܪܘ ܕܡܗ ܥܠܝܢ ܘܥܠ ܒܢܝܢ ܀
25At sumagot ang buong bayan at nagsabi, Mapasa amin ang kaniyang dugo, at sa aming mga anak.
26ܗܝܕܝܢ ܫܪܐ ܠܗܘܢ ܠܒܪ ܐܒܐ ܘܢܓܕ ܒܦܪܓܠܐ ܠܝܫܘܥ ܘܐܫܠܡܗ ܕܢܙܕܩܦ ܀
26Nang magkagayo'y pinawalan niya sa kanila si Barrabas; nguni't si Jesus ay hinampas at ibinigay upang ipako sa krus.
27ܗܝܕܝܢ ܐܤܛܪܛܝܘܛܐ ܕܗܓܡܘܢܐ ܕܒܪܘܗܝ ܠܝܫܘܥ ܠܦܪܛܘܪܝܢ ܘܟܢܫܘ ܥܠܘܗܝ ܠܟܠܗ ܐܤܦܝܪ ܀
27Nang magkagayo'y dinala si Jesus ng mga kawal ng gobernador sa Pretorio, at nagkatipon sa kaniya ang buong pulutong.
28ܘܐܫܠܚܘܗܝ ܘܐܠܒܫܘܗܝ ܟܠܡܝܤ ܕܙܚܘܪܝܬܐ ܀
28At siya'y kanilang hinubdan, at dinamtan siya ng isang balabal na kulay-ube.
29ܘܓܕܠܘ ܟܠܝܠܐ ܕܥܘܙܢܝܐ ܘܤܡܘ ܒܪܫܗ ܘܩܢܝܐ ܒܝܡܝܢܗ ܘܒܪܟܘ ܥܠ ܒܘܪܟܝܗܘܢ ܩܕܡܘܗܝ ܘܡܒܙܚܝܢ ܗܘܘ ܒܗ ܘܐܡܪܝܢ ܫܠܡ ܡܠܟܐ ܕܝܗܘܕܝܐ ܀
29At sila'y nangagkamakama ng isang putong na tinik, at ipinutong sa kaniyang ulo, at inilagay sa kanang kamay niya ang isang tambo; at sila'y nagsiluhod sa harap niya at siya'y kanilang nilibak, na nagsisipagsabi, Magalak, Hari ng mga Judio!
30ܘܪܩܘ ܒܦܪܨܘܦܗ ܘܫܩܠܘ ܩܢܝܐ ܘܡܚܝܢ ܗܘܘ ܠܗ ܥܠ ܪܫܗ ܀
30At siya'y kanilang niluluraan, at kinuha nila ang tambo at sinaktan siya sa ulo.
31ܘܟܕ ܒܙܚܘ ܒܗ ܐܫܠܚܘܗܝ ܟܠܡܝܤ ܘܐܠܒܫܘܗܝ ܢܚܬܘܗܝ ܘܐܘܒܠܘܗܝ ܕܢܙܕܩܦ ܀
31At nang siya'y kanilang malibak, ay hinubdan nila siya ng balabal, at isinuot sa kaniya ang kaniyang mga damit, at kanilang inilabas siya upang ipako sa krus.
32ܘܟܕ ܢܦܩܝܢ ܐܫܟܚܘ ܓܒܪܐ ܩܘܪܝܢܝܐ ܕܫܡܗ ܫܡܥܘܢ ܠܗܢܐ ܫܚܪܘ ܕܢܫܩܘܠ ܙܩܝܦܗ ܀
32At paglabas nila'y kanilang nasalubong ang isang taong taga Cirene, na ang pangala'y Simon: ito'y kanilang pinilit na sumama sa kanila, upang pasanin niya ang kaniyang krus.
33ܘܐܬܘ ܠܕܘܟܬܐ ܕܡܬܩܪܝܐ ܓܓܘܠܬܐ ܗܝ ܕܡܬܦܫܩܐ ܩܪܩܦܬܐ ܀
33At nang sila'y magsirating sa isang dakong tinatawag na Golgota, sa makatuwid baga'y, Ang dako ng bungo,
34ܘܝܗܒܘ ܠܗ ܕܢܫܬܐ ܚܠܐ ܕܚܠܝܛ ܒܡܪܪܬܐ ܘܛܥܡ ܘܠܐ ܨܒܐ ܠܡܫܬܐ ܀
34Ay pinainom nila siya ng alak na may kahalong apdo: at nang kaniyang matikman, ay ayaw niyang inumin.
35ܘܟܕ ܙܩܦܘܗܝ ܦܠܓܘ ܢܚܬܘܗܝ ܒܦܤܐ ܀
35At nang siya'y kanilang maipako sa krus ay kanilang binahagi ang kaniyang mga damit, na kanilang pinagsapalaran;
36ܘܝܬܒܝܢ ܗܘܘ ܘܢܛܪܝܢ ܠܗ ܬܡܢ ܀
36At sila'y nangagsiupo at binantayan siya roon.
37ܘܤܡܘ ܠܥܠ ܡܢ ܪܫܗ ܥܠܬܐ ܕܡܘܬܗ ܒܟܬܒܐ ܗܢܘ ܝܫܘܥ ܡܠܟܐ ܕܝܗܘܕܝܐ ܀
37At inilagay nila sa kaniyang ulunan ang pamagat sa kaniya, na nasusulat: ITO'Y SI JESUS, ANG HARI NG MGA JUDIO.
38ܘܐܙܕܩܦܘ ܥܡܗ ܬܪܝܢ ܠܤܛܝܐ ܚܕ ܡܢ ܝܡܝܢܗ ܘܚܕ ܡܢ ܤܡܠܗ ܀
38Nang magkagayo'y ipinakong kasama niya ang dalawang tulisan, isa sa kanan at isa sa kaliwa.
39ܐܝܠܝܢ ܕܝܢ ܕܥܒܪܝܢ ܗܘܘ ܡܓܕܦܝܢ ܗܘܘ ܥܠܘܗܝ ܘܡܢܝܕܝܢ ܪܫܝܗܘܢ ܀
39At siya'y nililibak ng nangagdaraan, na iginagalaw ang kanilang mga ulo,
40ܘܐܡܪܝܢ ܤܬܪ ܗܝܟܠܐ ܘܒܢܐ ܠܗ ܠܬܠܬܐ ܝܘܡܝܢ ܦܨܐ ܢܦܫܟ ܐܢ ܒܪܗ ܐܢܬ ܕܐܠܗܐ ܘܚܘܬ ܡܢ ܙܩܝܦܐ ܀
40At nangagsasabi, Ikaw na igigiba mo ang templo, at sa tatlong araw ay iyong itatayo, iyong iligtas ang sarili mo: kung ikaw ay Anak ng Dios, ay bumaba ka sa krus.
41ܗܟܘܬ ܐܦ ܪܒܝ ܟܗܢܐ ܡܒܙܚܝܢ ܗܘܘ ܥܡ ܤܦܪܐ ܘܩܫܝܫܐ ܘܦܪܝܫܐ ܀
41Gayon din naman ang paglibak sa kaniya ng mga pangulong saserdote, pati ng mga eskriba at ng matatanda, na nagsipagsabi,
42ܘܐܡܪܝܢ ܠܐܚܪܢܐ ܐܚܝ ܢܦܫܗ ܠܐ ܡܫܟܚ ܠܡܚܝܘ ܐܢ ܡܠܟܗ ܗܘ ܕܐܝܤܪܝܠ ܢܚܘܬ ܗܫܐ ܡܢ ܙܩܝܦܐ ܘܢܗܝܡܢ ܒܗ ܀
42Nagligtas siya sa mga iba; sa kaniyang sarili ay hindi makapagligtas. Siya ang Hari ng Israel; bumaba siya ngayon sa krus, at tayo'y magsisisampalataya sa kaniya.
43ܬܟܝܠ ܥܠ ܐܠܗܐ ܢܦܪܩܝܘܗܝ ܗܫܐ ܐܢ ܨܒܐ ܒܗ ܐܡܪ ܓܝܪ ܕܒܪܗ ܐܢܐ ܕܐܠܗܐ ܀
43Nananalig siya sa Dios; iligtas niya siya ngayon, kung siya'y iniibig: sapagka't sinabi niya, Ako'y Anak ng Dios.
44ܗܟܘܬ ܐܦ ܓܝܤܐ ܗܢܘܢ ܕܐܙܕܩܦܘ ܥܡܗ ܡܚܤܕܝܢ ܗܘܘ ܠܗ ܀
44At minumura din naman siya ng mga tulisang kasama niyang nangapapako sa krus.
45ܡܢ ܫܬ ܫܥܝܢ ܕܝܢ ܗܘܐ ܚܫܘܟܐ ܥܠ ܟܠܗ ܐܪܥܐ ܥܕܡܐ ܠܫܥܐ ܬܫܥ ܀
45Mula nga nang oras na ikaanim ay nagdilim sa ibabaw ng buong sangkalupaan hanggang sa oras na ikasiyam.
46ܘܠܐܦܝ ܬܫܥ ܫܥܝܢ ܩܥܐ ܝܫܘܥ ܒܩܠܐ ܪܡܐ ܘܐܡܪ ܐܝܠ ܐܝܠ ܠܡܢܐ ܫܒܩܬܢܝ ܀
46At nang malapit na ang oras na ikasiyam ay sumigaw si Jesus ng malakas na tinig, na sinasabi: Eli, Eli, lama sabachthani? sa makatuwid baga'y, Dios ko, Dios ko bakit mo ako pinabayaan?
47ܐܢܫܝܢ ܕܝܢ ܡܢ ܗܢܘܢ ܕܩܝܡܝܢ ܗܘܘ ܬܡܢ ܟܕ ܫܡܥܘ ܐܡܪܝܢ ܗܘܘ ܗܢܐ ܠܐܠܝܐ ܩܪܐ ܀
47At nang marinig ito ng ilan sa nangakatayo roon, ay sinabi, Tinatawag ng taong ito si Elias.
48ܘܒܗ ܒܫܥܬܐ ܪܗܛ ܚܕ ܡܢܗܘܢ ܘܫܩܠ ܐܤܦܘܓܐ ܘܡܠܗ ܚܠܐ ܘܤܡܗ ܒܩܢܝܐ ܘܡܫܩܐ ܗܘܐ ܠܗ ܀
48At pagkaraka'y tumakbo ang isa sa kanila, at kumuha ng isang espongha, at binasa ng suka, saka inilagay sa isang tambo, at ipinainom sa kaniya.
49ܫܪܟܐ ܕܝܢ ܐܡܪܝܢ ܗܘܘ ܫܒܘܩܘ ܢܚܙܐ ܐܢ ܐܬܐ ܐܠܝܐ ܠܡܦܪܩܗ ܀
49At sinabi ng mga iba, Pabayaan ninyo; tingnan natin kung paririto si Elias upang siya'y iligtas.
50ܗܘ ܕܝܢ ܝܫܘܥ ܬܘܒ ܩܥܐ ܒܩܠܐ ܪܡܐ ܘܫܒܩ ܪܘܚܗ ܀
50At muling sumigaw si Jesus ng malakas na tinig, at nalagot ang kaniyang hininga.
51ܘܡܚܕܐ ܐܦܝ ܬܪܥܐ ܕܗܝܟܠܐ ܐܨܛܪܝ ܠܬܪܝܢ ܡܢ ܠܥܠ ܥܕܡܐ ܠܬܚܬ ܘܐܪܥܐ ܐܬܬܙܝܥܬ ܘܟܐܦܐ ܐܨܛܪܝ ܀
51At narito, ang tabing ng templo'y nahapak na nagkadalawa buhat sa itaas hanggang sa ibaba; at nayanig ang lupa; at nangabaak ang mga bato;
52ܘܒܝܬ ܩܒܘܪܐ ܐܬܦܬܚܘ ܘܦܓܪܐ ܤܓܝܐܐ ܕܩܕܝܫܐ ܕܫܟܝܒܝܢ ܗܘܘ ܩܡܘ ܀
52At nangabuksan ang mga libingan; at maraming katawan ng mga banal na nangakatulog ay nangagbangon;
53ܘܢܦܩܘ ܘܒܬܪ ܩܝܡܬܗ ܥܠܘ ܠܡܕܝܢܬܐ ܩܕܝܫܬܐ ܘܐܬܚܙܝܘ ܠܤܓܝܐܐ ܀
53At paglabas sa mga libingan pagkatapos na siya'y mabuhay na maguli ay nagsipasok sila sa bayang banal at nangapakita sa marami.
54ܩܢܛܪܘܢܐ ܕܝܢ ܘܕܥܡܗ ܕܢܛܪܝܢ ܗܘܘ ܠܝܫܘܥ ܟܕ ܚܙܘ ܙܘܥܐ ܘܐܝܠܝܢ ܕܗܘܝ ܕܚܠܘ ܛܒ ܘܐܡܪܘ ܫܪܝܪܐܝܬ ܗܢܐ ܒܪܗ ܗܘܐ ܕܐܠܗܐ ܀
54Ang senturion nga, at ang mga kasamahan niya sa pagbabantay kay Jesus, nang mangakita nila ang lindol, at ang mga bagay na nangyari, ay lubhang nangatakot, na nangagsasabi, Tunay na ito ang Anak ng Dios.
55ܐܝܬ ܗܘܝ ܕܝܢ ܐܦ ܬܡܢ ܢܫܐ ܤܓܝܐܬܐ ܕܚܙܝܢ ܗܘܝ ܡܢ ܪܘܚܩܐ ܗܢܝܢ ܕܐܬܝ ܗܘܝ ܒܬܪܗ ܕܝܫܘܥ ܡܢ ܓܠܝܠܐ ܘܡܫܡܫܢ ܗܘܝ ܠܗ ܀
55At nangaroroon ang maraming babae na nagsisipanood buhat sa malayo, na nagsisunod kay Jesus buhat sa Galilea, na siya'y kanilang pinaglilingkuran:
56ܕܚܕܐ ܡܢܗܝܢ ܡܪܝܡ ܡܓܕܠܝܬܐ ܘܡܪܝܡ ܐܡܗ ܕܝܥܩܘܒ ܘܕܝܘܤܐ ܘܐܡܗܘܢ ܕܒܢܝ ܙܒܕܝ ܀
56Na sa mga yaon ay si Maria Magdalena, at si Maria na ina ni Santiago at ni Jose, at ang ina ng mga anak ni Zebedeo.
57ܟܕ ܗܘܐ ܕܝܢ ܪܡܫܐ ܐܬܐ ܓܒܪܐ ܥܬܝܪܐ ܡܢ ܪܡܬܐ ܕܫܡܗ ܝܘܤܦ ܕܐܦ ܗܘ ܐܬܬܠܡܕ ܗܘܐ ܠܝܫܘܥ ܀
57At nang hapon na ay dumating ang isang mayamang mula sa Arimatea, na nagngangalang Jose, na ito'y naging alagad din naman ni Jesus;
58ܗܢܐ ܩܪܒ ܠܘܬ ܦܝܠܛܘܤ ܘܫܐܠ ܦܓܪܗ ܕܝܫܘܥ ܘܦܩܕ ܦܝܠܛܘܤ ܕܢܬܝܗܒ ܠܗ ܦܓܪܐ ܀
58Ang taong ito'y naparoon kay Pilato, at hiningi ang bangkay ni Jesus. Nang magkagayo'y ipinagutos ni Pilato na ibigay yaon.
59ܘܫܩܠܗ ܝܘܤܦ ܠܦܓܪܐ ܘܟܪܟܗ ܒܚܝܨܐ ܕܟܬܢܐ ܢܩܕܐ ܀
59At kinuha ni Jose ang bangkay at binalot niya ng isang malinis na kayong lino,
60ܘܤܡܗ ܒܒܝܬ ܩܒܘܪܐ ܚܕܬܐ ܕܝܠܗ ܕܢܩܝܪ ܒܟܐܦܐ ܘܥܓܠܘ ܟܐܦܐ ܪܒܬܐ ܐܪܡܝܘ ܥܠ ܬܪܥܐ ܕܒܝܬ ܩܒܘܪܐ ܘܐܙܠܘ ܀
60At inilagay sa kaniyang sariling bagong libingan, na kaniyang hinukay sa bato: at iginulong niya ang isang malaking bato sa pintuan ng libingan, at umalis.
61ܐܝܬ ܗܘܝ ܕܝܢ ܬܡܢ ܡܪܝܡ ܡܓܕܠܝܬܐ ܘܡܪܝܡ ܐܚܪܬܐ ܕܝܬܒܢ ܗܘܝ ܠܩܘܒܠܗ ܕܩܒܪܐ ܀
61At nangaroon si Maria Magdalena, at ang isang Maria, at nangakaupo sa tapat ng libingan.
62ܠܝܘܡܐ ܕܝܢ ܕܡܚܪ ܕܐܝܬܘܗܝ ܒܬܪ ܥܪܘܒܬܐ ܐܬܟܢܫܘ ܪܒܝ ܟܗܢܐ ܘܦܪܝܫܐ ܠܘܬ ܦܝܠܛܘܤ ܀
62Nang kinabukasan nga, na siyang araw pagkatapos ng Paghahanda, ay nangagkatipon kay Pilato ang mga pangulong saserdote at ang mga Fariseo,
63ܘܐܡܪܝܢ ܠܗ ܡܪܢ ܐܬܕܟܪܢ ܕܗܘ ܡܛܥܝܢܐ ܐܡܪ ܗܘܐ ܟܕ ܚܝ ܕܡܢ ܒܬܪ ܬܠܬܐ ܝܘܡܝܢ ܩܐܡ ܐܢܐ ܀
63Na nagsisipagsabi, Ginoo, naaalaala namin na sinabi ng magdarayang yaon nang nabubuhay pa, Pagkaraan ng tatlong araw ay magbabangon akong muli.
64ܦܩܘܕ ܗܟܝܠ ܡܙܕܗܪܝܢ ܒܩܒܪܐ ܥܕܡܐ ܠܬܠܬܐ ܝܘܡܝܢ ܕܠܡܐ ܢܐܬܘܢ ܬܠܡܝܕܘܗܝ ܢܓܢܒܘܢܝܗܝ ܒܠܠܝܐ ܘܢܐܡܪܘܢ ܠܥܡܐ ܕܡܢ ܒܝܬ ܡܝܬܐ ܩܡ ܘܬܗܘܐ ܛܘܥܝܝ ܐܚܪܝܬܐ ܒܝܫܐ ܡܢ ܩܕܡܝܬܐ ܀
64Ipagutos mo nga na ingatan ang libingan hanggang sa ikatlong araw, baka sakaling magsiparoon ang kaniyang mga alagad at siya'y nakawin, at sabihin sa bayan, Siya'y nagbangon sa gitna ng mga patay: at lalong sasama ang huling kamalian.
65ܐܡܪ ܠܗܘܢ ܦܝܠܛܘܤ ܐܝܬ ܠܟܘܢ ܩܤܛܘܢܪܐ ܙܠܘ ܐܙܕܗܪܘ ܐܝܟܢܐ ܕܝܕܥܝܢ ܐܢܬܘܢ ܀ 66 ܗܢܘܢ ܕܝܢ ܐܙܠܘ ܐܙܕܗܪܘ ܒܩܒܪܐ ܘܚܬܡܘ ܟܐܦܐ ܗܝ ܥܡ ܩܤܛܘܢܪܐ ܀
65Sinabi sa kanila ni Pilato, Mayroon kayong bantay: magsiparoon kayo, inyong ingatan ayon sa inyong makakaya.
66
66Kaya't sila'y nagsiparoon, at iningatan nila ang libingan, tinatakan ang bato, na kasama nila ang bantay.