1БАЪД аз ин Ӯ дар шаҳрҳо ва деҳот гашта, мавъиза мекард ва Малакути Худоро башорат медод, ва бо Ӯ он дувоздаҳ буданд,
1At nangyari pagkatapos ng kaunting panahon, na siya'y naglalakad sa mga bayan at mga nayon, na ipinangangaral at dinadala ang mabubuting balita ng kaharian ng Dios, at kasama niya ang labingdalawa,
2Ва ҳамчунин баъзе заноне ки Ӯ аз арвоҳи палид ва касалиҳо шифо дода буд: Марьям, ки Маҷдалия номида мешуд, ва аз вай ҳафт дев берун рафта буд,
2At ang ilang babae na pinagaling sa masasamang espiritu at sa mga sakit, si Maria, na tinatawag na Magdalena, na sa kaniya'y pitong demonio ang nagsilabas,
3Ва Юҳона, ҳамсари Кузо, ки девонбегии Ҳиродус буд, ва Сусан, ва бисьёри дигарон, ки бо дороии худ ба Ӯ хизмат мекарданд.
3At si Juana na asawa ni Chuza, katiwala ni Herodes, at si Susana, at iba pang marami na ipinaglilingkod sa kanila ang kanilang tinatangkilik.
4Вақте ки мардуми бисьёре ҷамъ шуданд, ва аз ҳамаи шаҳрҳо назди Ӯ омадан гирифтанд, Ӯ масале оварда, гуфт:
4At nang magkatipon ang malaking karamihang tao, at ang mga mula sa bawa't bayan na nagsadya sa kaniya, ay nagsalita siya sa pamamagitan ng isang talinghaga:
5«Корандае барои коридани тухм берун рафт; ва чун тухм мепошид, қадаре дар канори роҳ афтод ва поймол шуд, ва мурғони ҳаво онро хӯрданд;
5Ang manghahasik ay yumaon upang maghasik ng kaniyang binhi: at sa kaniyang paghahasik ang ilan ay nangahulog sa tabi ng daan; at napagyapakan, at ito'y kinain ng mga ibon sa langit.
6«Қадаре бар санглох афтод ва сабзида, хушк шуд, чунки рутубате набуд;
6At ang iba'y nahulog sa batuhan; at pagsibol, ay natuyo, sapagka't walang halumigmig.
7«Қадаре дар миёни хорҳо афтод, ва хорҳо қад кашида, онро пахш карданд;
7At ang iba'y nahulog sa mga dawagan; at tumubong kasama ang mga dawag, at yao'y ininis.
8«Кадаре дар хоки нағз афтод ва сабзида, сад баробар бор овард». Инро гуфта, нидо кард: «Ҳар кӣ гӯши шунаво дорад, бишнавад!»
8At ang iba'y nahulog sa mabuting lupa, at tumubo at nagbunga ng tigiisang daan. Pagkasabi niya ng mga bagay na ito, siya ay sumigaw, Ang may mga pakinig na ipakikinig, ay makinig.
9Ва шогирдонаш аз Ӯ пурсиданд: «Маънои ин масал чист?»
9At tinanong siya ng kaniyang mga alagad, kung ano kaya ang talinghagang ito.
10Гуфт: «Ба шумо донистани асрори Малакути Худо ато шудааст, лекин ба дигарон бо масалҳо сухан мегӯям, ба тавре ки онҳо нигоҳ мекунанд, вале намебинанд, ва гӯш медиҳанд, вале намефаҳманд.
10At sinabi niya, Sa inyo'y ipinagkaloob ang mangakaalam ng mga hiwaga ng kaharian ng Dios: datapuwa't sa mga iba'y sa mga talinghaga; upang kung magsitingin ay huwag silang mangakakita, at mangakarinig ay huwag silang mangakaunawa.
11«Чшак маънои ин масал: тухм каломи Худост.
11Ito ang talinghaga: Ang binhi ay ang salita ng Dios.
12«Афтода дар канори роҳ касоне мебошанд, ки каломро мешунаванд, лекин баъд иблис омада, онро аз дили онҳо мерабояд, мабодо онҳо имон оварда, наҷот ёбанд;
12At ang mga sa tabi ng daan, ay ang nangakinig; kung magkagayo'y dumarating ang diablo, at inaalis ang salita sa kanilang puso, upang huwag silang magsisampalataya at mangaligtas.
13«Афтода бар сашлох касоне мебошанд, ки чун каломро бишнаванд, бо шодӣ қабул мекунанд, лекин реша надоранд, ва муддате имон доранд, ва дар вакти озмоиш ақиб мераванд;
13At ang mga sa batuhan, ay yaong mga pagkarinig, ay tinatanggap na may galak ang salita; at ang mga ito'y walang ugat, na sila sa sangdaling panaho'y nagsisisampalataya, at sa panahon ng tukso ay nagsisihiwalay.
14«Афтода дар миёни хорҳо касоне мебошанд, ки каломро мешунаванд, вале андешаҳо, сарват ва кайфу сафои зиндагӣ онҳоро пахш мекунад, ва онҳо самаре намеоваранд;
14At ang nahulog sa dawagan, ay ito ang nangakinig, at samantalang sila'y nagsisiyaon sa kanilang lakad ay iniinis sila ng mga pagsusumakit at mga kayamanan at mga kalayawan sa buhay na ito, at hindi nangagbubunga ng kasakdalan.
15«Ва афтода дар хоки нағз касоне мебошанд, ки каломро шунида, дар дшщ нек ва пок нигоҳ медоранд ва бо сабр самар меоваранд.
15At ang sa mabuting lupa ay ang mga pusong timtiman at mabuti, na iniingatan ang salita pagkarinig, at nangagbubunga may pagtitiis.
16«Ҳеҷ кас шамъро даргиронда, бо зарфе онро намепӯшад, ё зери кате намегузорад, балки бар шамъдон мемонад, то ҳар кӣ дарояд, рӯшноиро бубинад.
16At walang taong pagkapaningas niya ng ilawan ay tinatakpan ng isang banga, o inilalagay kaya ito sa ilalim ng isang higaan; kundi inilalagay ito sa talagang lalagyan, upang makita ng nagsisipasok ang ilaw.
17«Зеро ҳеҷ чизи ниҳоне нест, ки ошкор нагардад, ва ҳеҷ чизи махфие набошад, ки маълум ва зоҳир нашавад.
17Sapagka't walang bagay na natatago, na di mahahayag; o walang lihim, na di makikilala at mapapasa liwanag.
18«Пас, эҳтиёт кунед, ки чӣ тавр мешунавед; зеро ҳар кӣ дорад, ба вай дода шавад; ва ҳар кӣ надорад, аз вай он чи низ, ки гумон мекунад дошта бошад, гирифта шавад».
18Ingatan ninyo kung paano ang inyong pakikinig: sapagka't sino mang mayroon ay bibigyan; at ang sinomang wala, pati ng inaakala niyang nasa kaniya ay aalisin.
19Ва модар ва бародаронаш назди Ӯ омаданд, вале ба сабаби бисьёрии мардум ба Ӯ наздик шуда натавонистанд.
19At nagsiparoon sa kaniya ang kaniyang ina at mga kapatid, at sila'y hindi mangakalapit sa kaniya dahil sa karamihan ng tao.
20Ва ба Ӯ хабар дода, гуфтанд: «Модарат ва бародаронат дар берун истодаанд, ва мехоҳанд Туро бубинанд».
20At may nagsabi sa kaniya, Nangakatayo sa labas ang iyong ina at iyong mga kapatid, na ibig nilang makita ka.
21Дар ҷавоби онҳо гуфт: «Модарам ва бародаронам он касонанд, ки каломи Худоро мешунаванд ва ба ҷо меоваранд».
21Datapuwa't siya'y sumagot, at sinabi sa kanila, Ang aking ina at ang aking mga kapatid ay itong nangakikinig ng salita ng Dios, at ginagawa.
22Рӯзе Ӯ бо шогирдони Худ ба қаиқ савор шуд ва ба онҳо гуфт: «Ба он канори кӯл мегузарем». Ва қаиқро ронданд.
22Nangyari nga sa mga araw na yaon, na siya'y lumulan sa isang daong, siya at ang kaniyang mga alagad; at sinabi niya sa kanila, Magsitawid tayo sa kabilang ibayo ng dagatdagatan: at sila'y nagsitulak.
23Дар аснои роҳ Ӯро хоб рабуд. Ва ногоҳ тундбоди шадиде бар кӯл бархост, ва қаиқи онҳо аз об пур мешуд, ва онҳо дар хатар буданд.
23Datapuwa't samantalang sila'y nangaglalayag, siya'y nakatulog: at bumugso ang isang unos ng hangin sa dagatdagatan; at sila'y nangatitigib ng tubig, at nangasa kapanganiban.
24Ва пеш омада, Ӯро бедор карданд ва гуфтанд: «Ӯстод! Ӯстод! Ҳалок мешавем». Ӯ бархоста, бод ва ғалаёни обро манъ кард, ва онҳо қатъ гардиданд, ва оромӣ барқарор шуд.
24At sila'y nangagsilapit sa kaniya at siya'y ginising, na nangagsasabi, Guro, guro, tayo'y mangamamatay. At siya'y gumising, at sinaway ang hangin at ang galit ng tubig: at nangagsitigil, at humusay ang panahon.
25Ба онҳо гуфт: «Имони шумо куҷост?» Онҳо бо тарсу ҳарос ва тааҷҷуб ба якдигар гуфтанд: «Ин кист, ки ба бодҳо ва об низ амр мефармояд, ва онҳо ба Ӯ итоат мекунанд?»
25At sinabi niya sa kanila, Saan naroon ang inyong pananampalataya? At palibhasa'y nangatakot sila'y nagsisipanggilalas, na sinasabi ng isa sa iba, Sino nga ito, na siya'y naguutos maging sa hangin at sa tubig, at siya'y tinatalima nila?
26Ва онҳо ба сарзамини ҷадариён, ки дар рӯ ба рӯи Ҷалил аст, расиданд.
26At sila'y nagsidating sa lupain ng mga Gadareno, na nasa tapat ng Galilea.
27Вақте ки Ӯ ба соҳил баромад, марде аз аҳли он шаҳр ба Ӯ рӯ ба рӯ шуд, ки гирифтори девҳо буд, дер вақт боз либосе намепӯшид, ва на дар хона, балки дар миёни қабрҳо зиндагй мекард.
27At pagkalunsad niya sa lupa, siya'y sinalubong ng isang lalaking galing sa bayan, na may mga demonio; at malaong panahon na hindi siya nagdaramit, at hindi tumatahan sa bahay, kundi sa mga libingan.
28Ҳамин ки Исоро дид, фарьед зада, пеши Ӯ афтод ва бо овози баланд гуфт: «Туробоман чӣ кораст, эй Исо, Писари Худои Таоло? Аз Ту илтимос мекунам, ки маро азоб надиҳӣ!»
28At nang makita niya si Jesus, siya'y sumigaw, at nagpatirapa sa harap niya, at sinabi ng malakas na tinig, Ano ang pakialam ko sa iyo, Jesus, ikaw na Anak ng Dios na Kataastaasan? Ipinamamanhik ko sa iyo, na huwag mo akong pahirapan.
29Зеро Ӯ ба рӯҳи палид амр фармуда буд, ки аз ин мард берун равад; чунки вай муддати дуру дарозе ӯро азоб медод, ба тавре ки ӯро бо завлона ва занҷирхо баста, нигоҳ медоштанд, лекин ӯ он бандҳоро пора мекард, ва дев ӯро ба биёбонҳо меронд.
29Sapagka't ipinagutos niya sa karumaldumal na espiritu na lumabas sa tao. Sapagka't madalas siyang inaalihan: at siya'y binabantayan at gapos ng mga tanikala at mga damal; at pagka pinapatid ang gapos ay siya'y itinataboy ng demonio sa mga ilang.
30Исо аз вай пурсид: «Номи ту чист?» Гуфт: «Легион», ҷунки девҳои бисьёр ба дарунаш даромада буданд.
30At tinanong siya ni Jesus, Ano ang pangalan mo? At sinabi niya, Pulutong; sapagka't maraming demonio ang nagsipasok sa kaniya.
31Ва онҳоазӮ илтимоскарданд, ки онҳоро амр фармуда ба ҳовия нафиристад.
31At ipinamamanhik nila sa kaniya na huwag silang paparoonin sa kalalimlaliman.
32Дар ҳамон ҷо галаи бузурги хукҳо дар болои кӯҳ мечарид; ва девҳо илтимос карданд, ки иҷозат диҳад ба даруни хукҳо дароянд. Ӯ ба онҳо иҷозат дод.
32Doon nga'y may isang kawan ng maraming baboy na nagsisipanginain sa bundok: at ipinamanhik nila sa kaniya na pabayaang sila'y magsipasok sa mga yaon. At sila'y pinahintulutan niya.
33Ва девҳо аз он мард берун шуда, ба хукҳо даромаданд; ва он гала аз баландӣ якбора ба кӯл ҷаст, ва ғарқ шуд.
33At nagsilabas ang mga demonio sa tao, at nagsipasok sa mga baboy: at ang kawan ay napadaluhong sa bangin hanggang sa dagatdagatan, at nangalunod.
34Хукбонон ин вокеаро дида, давида рафтанду дар шаҳр ва дар деҳот нақл карданд.
34At nang makita ng nagsisipagalaga ng mga yaon ang nangyari, ay nagsitakas, at isinaysay sa bayan at sa bukid.
35Мардум барои дидани воқеа берун рафтанд, ва назди Исо омада, он мардро, ки аз дарунаш девҳо баромада буданд, диданд, ки либос дар тан ва ақлаш солим пеши пойҳои Исо нишастааст; ва ҳаросон шуданд.
35At sila'y nagsilabas upang makita ang nangyari; at nagsilapit sila kay Jesus, at kanilang naratnan sa paanan ni Jesus ang taong nilabasan ng mga demonio, na nakaupo, may pananamit, at matino ang kaniyang bait: at sila'y nangatakot.
36Ва касоне ки воқеаро дида буданд, ба онҳо нақл карданд, ки он девона чй гуна шифо ёфт.
36At sa kanila'y isinaysay ng nangakakita kung paanong pinagaling ang inaalihan ng mga demonio.
37Ва тамоми мардуми сарзамини ҷадариён аз Ӯ илтимос карданд, ки аз пеши онҳо баромада равад, чунки тарсу ҳароси азиме онҳоро фаро гирифта буд. Ва Ӯ ба қаиқ савор шуда, баргашт.
37At ipinamanhik sa kaniya ng lahat ng mga tao sa palibotlibot ng lupain ng mga Gadareno na siya'y umalis sa kanila, sapagka't sila'y napipigilan ng malaking takot: at siya'y lumulan sa daong, at nagbalik.
38Он марде ки аз дарунаш девҳо баромада буданд, аз Ӯ илтимос кард, ки бо Ӯ бошад. Лекин Ӯ вайро ба хонааш фиристода, гуфт:
38Datapuwa't namanhik sa kaniya ang taong nilabasan ng mga demonio, na siya'y ipagsama niya: datapuwa't siya'y pinaalis niya, na sinasabi,
39«Ба ҳонаи худ баргард ва он чиро, ки Худо ба ту кардааст, нақл намо». Вай равона шуда, он чиро, ки Исо ба вай карда буд, дар тамоми шаҳр мавъиза намуд.
39Umuwi ka sa iyong bahay, at ipahayag mo kung gaano kadakilang mga bagay ang ginawa ng Dios sa iyo. At siya'y yumaon ng kaniyang lakad, na ibinabalita sa buong bayan, kung gaanong kadakilang mga bagay ang sa kaniya'y ginawa ni Jesus.
40Вақте ки Исо баргашт, мардум Ӯро пазироӣ карданд, чунки ҳама мунтазири Ӯ буданд.
40At sa pagbalik ni Jesus, ay sinalubong siyang may galak ng karamihan; sapagka't hinihintay siya nilang lahat.
41Ва инак, марде ки Ёир ном дошт ва сардори куништ буд, омада, пеши пойҳои Исо афтод ва аз Ӯ илтимос кард, ки ба хонаи вай биёяд.
41At narito, lumapit ang isang lalaking nagngangalang Jairo, at siya'y isang pinuno sa sinagoga: at siya'y nagpatirapa sa paanan ni Jesus, at ipinamamanhik sa kaniya, na pumasok sa kaniyang bahay;
42Чунки духтари ягонаи вай, ки тақрибан дувоздаҳсола буд, ба ҳолати назъ расида буд. Вақте ки Ӯ ба он ҷо мерафт, мардуми бисьёре аз ҳар тараф Ӯро фишор медоданд.
42Sapagka't siya'y may isang bugtong na anak na babae, na may labingdalawang taong gulang, at siya'y naghihingalo. Datapuwa't samantalang siya'y lumalakad ay sinisiksik siya ng karamihan.
43Ва зане ки дувоздаҳ сол боз гирифтори хунравй буда, тамоми дороии худро ба табибон сарф карда буд, лекин ҳеҷ яке вайро шифо дода натавониста буд, -
43At isang babae na may labingdalawang taon nang inaagasan, na ginugol sa mga manggagamot ang lahat niyang pagkabuhay, at sinoma'y walang makapagpagaling sa kaniya,
44Аз қафо наздик шуда, домани Ӯро ламс намуд, ва дарҳол хунравии вай қатъ шуд.
44Ay lumapit sa kaniyang likuran, at hinipo ang laylayan ng kaniyang damit at pagdaka'y naampat ang kaniyang agas.
45Ва Исо гуфт: «Кист, ки Маро ламс кард?» Вақте ки ҳама инкор карданд, Петрус ва онҳое ки бо Ӯ буданд, гуфтанд: «Эй Ӯстод, мардум Туро иҳота намуда, аз ҳар тараф фишор медиҳанд, - ва Ту мегӯӣ: "Кист, ки Маро ламс кард?"»
45At sinabi ni Jesus, Sino ang humipo sa akin? At nang tumatanggi ang lahat, ay sinabi ni Pedro, at ng mga kasamahan niya, Guro, iniimpit ka at sinisiksik ka ng karamihan.
46Аммо Исо гуфт: «Касе Маро ламс кардааст; зеро Ман ҳис кардам, ки куввате аз Ман берун рафт».
46Datapuwa't sinabi ni Jesus, May humipo sa akin, sapagka't naramdaman ko na may umalis na bisa sa akin.
47Он зан чун дид, ки натавонист пинҳон монад, тарсону ларзон омада, пеши Ӯ афтод ва дар хузури тамоми мардум гуфт, ки аз чӣ сабаб Ӯро ламс намуд, ва чй гуна дарҳол шифо ёфт.
47At nang makita ng babae na siya'y hindi nalingid, ay lumapit siya na nangangatal, at nagpatirapa sa harapan niya na isinasaysay sa harapan ng buong bayan ang dahil kung bakit siya'y hinipo niya, at kung paanong gumaling siya kapagdaka.
48Ба вай гуфт: «Духтарам! Имонат туро шифо бахшид; ба саломатӣ бирав».
48At sinabi niya sa kaniya, Anak, pinagaling ka ng iyong pananampalataya; yumaon kang payapa.
49Ӯ ҳанӯз сухан мегуфт, ки касе аз хонаи сардорн куништ омада, гуфт: «Духтарат мурд; Ӯстодро дигар ташвиш надеҳ».
49Samantalang nagsasalita pa siya ay dumating ang isa na mula sa bahay ng pinuno sa sinagoga, na nagsasabi, Patay na ang anak mong babae; huwag mong bagabagin ang Guro.
50Аммо Исо инро шунида, ба вай гуфт: «Натарс, фақат имон овар, ва ӯ наҷот хоҳад ёфт».
50Datapuwa't nang marinig ito ni Jesus ay sumagot sa kaniya, Huwag kang matakot: manampalataya ka lamang, at siya'y gagaling.
51Ва ҳангоме ки ба хона расид, ҷуз Петрус, Юҳанно ва Яъқуб, ва падару модари духтар, ҳеҷ касро даромадан намонд.
51At nang dumating siya sa bahay, ay hindi niya ipinahintulot na pumasok na kasama niya ang sinomang tao, maliban na kay Pedro, at kay Juan, at kay Santiago, at ang ama ng dalaga at ang ina nito.
52Ҳама барои вай гирья ва навҳа мекарданд. Вале Ӯ гуфт: «Гирья накунед; вай намурдааст, балки хуфтааст».
52At tumatangis ang lahat, at pinananambitanan ang dalaga: datapuwa't sinabi niya, Huwag kayong magsitangis; sapagka't siya'y hindi patay, kundi natutulog.
53Бар Ӯ хандиданд, зеро медонистанд, ки вай мурдааст.
53At tinawanan nila siya na nililibak, na napagaalamang siya'y patay na.
54Аммо Ӯ ҳамаро берун карда ва дасти вайро гирифта, нидо кард: «Эй дуҳтар! Бархез».
54Datapuwa't tinangnan niya sa kamay, at tinawag, na sinasabi, Dalaga, magbangon ka.
55Ва рӯҳи вай баргашт; вай дарҳол бархост; ва Ӯ фармуд, ки ба вай хӯроке диҳанд.
55At nagbalik ang kaniyang espiritu, at siya'y nagbangon pagdaka: at kaniyang ipinagutos na siya'y bigyan ng pagkain.
56Падару модари вай дар ҳайрат монданд. Ва Ӯ ба онҳо фармуд, ки ин воқеаро ба ҳеҷ кас нақл накунанд.
56At nangagtaka ang kaniyang mga magulang: datapuwa't ipinagbilin niya sa kanila na huwag sabihin kanino man ang kaniyang ginawa.