1БАЪД аз ин ман назар андохтам, ва инак, даре бар осмон кушода шуд, ва он овози пештара, ки ҳамчун садои карнай шунида будам, ки бо ман сухан меронд, гуфт: «Ба ин ҷо сууд намо, то он чиро, ки баъд аз ин бояд ба вуқӯъ ояд, ба ту нишон диҳам».
1Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako, at narito, ang isang pintong bukas sa langit, at ang unang tinig na aking narinig, na gaya ng sa pakakak, na nakikipagusap sa akin, ay sa isang nagsasabi, Umakyat ka rito, at ipakikita ko sa iyo ang mga bagay na dapat mangyari sa haharapin.
2Ва дарҳол ман дар Рӯҳ шудам; ва инак, тахте дар осмон меистод, ва бар тахт Нишинандае буд;
2Pagdaka'y napasa Espiritu ako: at narito, may isang luklukang nalalagay sa langit, at sa ibabaw ng luklukan ay may isang nakaupo;
3Ва намуди Он Нишинанда монанди санги яшм ва ақиқ буд, ва рангинкамоне гирдогирди тахт, ва намуди он монанди зумуррад.
3At ang nakaupo ay katulad ng isang batong jaspe at isang sardio: at naliligid ng isang bahaghari na tulad sa anyo ng isang esmeralda.
4Ва гирдогирди тахт бисту чор тахт; ва бар тахтҳо бисту чор пирро нишаста Дидам, ки либосҳои сафед дар бар карда буданд ва бар сарҳошон тоҷҳои тилло доштанд.
4At sa palibot ng luklukan ay may dalawangpu't apat na luklukan: at sa mga luklukan ay nakita kong nangakaupo ang dalawangpu't apat na matatanda, na nadaramtan ng mapuputing damit; at sa kanilang mga ulo ay may mga putong na ginto.
5Ва аз тахт барқҳо ва раъдҳо ва овозҳо мебаромаданд, ва ҳафт машъали оташин дар пеши тахт фурӯзон буданд, ки онҳо ҳафт рӯҳи Худо мебошанд.
5At mula sa luklukan ay may lumalabas na kidlat, at mga tinig at mga kulog. At may pitong ilawang apoy na mga nagliliyab sa harapan ng luklukan, na siyang pitong Espiritu ng Dios;
6Ва дар пеши тахт баҳре аз шиша, монанди булӯр; ва дар миёнаи тахт ва гирдогирди тахт чор ҳайвон, ки аз пеш ва аз пас пур аз чашмон буданд.
6At sa harapan ng luklukan, ay wari na may isang dagat na bubog na katulad ng salamin; at sa gitna ng luklukan, at sa palibot ng luklukan, ay may apat na nilalang na buhay na puno ng mga mata sa harapan at sa likuran.
7Ва ҳаивони якум монанди шер, ва ҳайвони дуюм монанди гӯсола, ва хайвони сеюм қиёфае мисли одам дошт, ва ҳайвони чорум монанди уқобе ки дар парвоз бошад.
7At ang unang nilalang ay katulad ng isang leon, at ang ikalawang nilalang ay katulad ng isang guyang baka, at ang ikatlong nilalang ay may mukhang katulad ng sa isang tao, at ang ikaapat na nilalang ay katulad ng isang agila na lumilipad.
8Ва ҳар яке аз он чор ҳайвон гирдогирд шаш бол дошт, ва онҳо аз дарун пур аз чашмонанд, ва шабу рӯз ором нагирифта, мегӯянд: «Қуддус аст, куддус аст, куддус аст Худованд Худои Қодири Мутлақ, ки Ӯ буд, ҳаст ва ҳоҳад омад».
8At ang apat na nilalang na buhay, na may anim na pakpak bawa't isa sa kanila, ay mga puno ng mata sa palibot at sa loob; at sila'y walang pahinga araw at gabi, na nagsasabi, Banal, banal, banal, ang Panginoong Dios, ang Makapangyarihan sa lahat, na nabuhay at nabubuhay at siyang darating.
9Ва ҳангоме ки он ҳайвонҳо ба Нишинандаи тахт, ки то абад Зинда аст, ҷалол ва шавкат ва сипос медиҳанд, -
9At pagka ang mga nilalang na buhay ay nangagpupuri, at nangagpaparangal at nangagpapasalamat sa nakaupo sa luklukan, doon sa nabubuhay magpakailan kailan man,
10Он бисту чор пир пеши Нишинандаи тахт афтода, ба Ӯ, ки то абад Зинда аст, саҷда мекунанд, ва тоҷҳои ҳудро пеши таҳт гузошта, мегӯянд:
10Ang dalawangpu't apat na matatanda ay mangagpapatirapa sa harapan niyaong nakaupo sa luklukan, at mangagsisisamba doon sa nabubuhay magpakailan kailan man, at ilalagay ang kanilang putong sa harapan ng luklukan na nangagsasabi,
11«Эй Худованд, Ту сазовори он ҳастй, ки ҷалол, шавкат ва кудрат биёбӣ, зеро ки Ту ҳама чизро офаридаӣ, ва ҳама чиз бар тибқи иродаи Ту вуҷуд дорад ва офарида шудааст».
11Marapat ka, Oh Panginoon namin at Dios namin, na tumanggap ng kaluwalhatian at ng kapurihan at ng kapangyarihan: sapagka't nilikha mo ang lahat ng mga bagay at dahil sa iyong kalooban ay nangagsilitaw, at nangalikha.