1เมื่อเฟสทัสเข้ารับตำแหน่งราชการได้สามวันแล้ว จึงออกจากเมืองซีซารียาขึ้นไปยังกรุงเยรูซาเล็ม
1Nang makapasok na nga si Festo sa lalawigan, pagkaraan ng tatlong araw ay umahon sa Jerusalem mula sa Cesarea.
2มหาปุโรหิตกับคนสำคัญๆในพวกยิวมาฟ้องเปาโลต่อท่าน และได้วิงวอนท่าน
2At ang mga pangulong saserdote at ang mga maginoo sa mga Judio ay nangagbigay-alam sa kaniya laban kay Pablo; at siya'y kanilang pinamanhikan,
3ขอให้กรุณาเขาโดยสั่งให้ส่งเปาโลมายังกรุงเยรูซาเล็ม ด้วยเขาคิดจะซุ่มคอยฆ่าท่านเสียกลางทาง
3Na humihingi ng lingap laban sa kaniya, na siya'y ipahatid sa Jerusalem; na binabakayan upang siya'y mapatay sa daan.
4ฝ่ายเฟสทัสจึงตอบว่า เปาโลนั้นควรจะถูกคุมไว้ในเมืองซีซารียา และอีกหน่อยหนึ่งท่านเองก็จะกลับไปยังเมืองนั้น
4Gayon ma'y sumagot si Festo, na si Pablo ay tinatanuran sa Cesarea, at siya'y paroroon sa lalong madaling panahon.
5ท่านจึงว่า "ถ้าเปาโลมีความผิดอย่างหนึ่งอย่างใด ให้ผู้ใดในพวกท่านที่สามารถลงไปด้วยกันกับเรายื่นฟ้องเอาเถิด"
5Kaya nga, sinabi niya, ang mga may kapangyarihan sa inyo ay magsisamang lumusong sa akin, at kung may anomang pagkakasala ang taong ito, ay isakdal siya nila.
6เมื่อท่านพักอยู่ที่นั่นเกินกว่าสิบวันแล้ว ก็ได้ลงไปยังเมืองซีซารียา ครั้นรุ่งขึ้นท่านจึงนั่งบัลลังก์พิพากษา และสั่งให้พาเปาโลเข้ามา
6At nang siya'y makatira na sa kanila na hihigit sa walo o sangpung araw, ay lumusong siya sa Cesarea: at nang kinabukasa'y lumuklok siya sa hukuman, at ipinaharap sa kaniya si Pablo.
7ครั้นเปาโลเข้ามาแล้ว พวกยิวที่ลงมาจากกรุงเยรูซาเล็มก็ยืนล้อมไว้รอบ และกล่าวความอุกฉกรรจ์ใส่เปาโลหลายข้อ แต่พิสูจน์ไม่ได้
7At nang siya'y dumating, ay niligid siya ng mga Judio na nagsilusong na galing sa Jerusalem, na may dalang marami at mabibigat na sakdal laban sa kaniya, na pawang hindi nila mapatunayan;
8เปาโลจึงแก้คดีเองว่า "ข้าพเจ้าไม่ได้กระทำอะไรผิดกฎหมายของพวกยิว หรือต่อพระวิหาร หรือต่อซีซาร์"
8Samantalang sinasabi ni Pablo sa kaniyang pagsasanggalang, Laban man sa kautusan ng mga Judio, ni laban sa templo, ni laban kay Cesar, ay hindi ako nagkakasala ng anoman.
9ฝ่ายเฟสทัสอยากได้ความชอบจากพวกยิวจึงถามเปาโลว่า "เจ้าจะขึ้นไปยังกรุงเยรูซาเล็มให้เราชำระความเรื่องนี้ที่นั่นหรือ"
9Datapuwa't si Festo, sa pagkaibig na siya'y kalugdan ng mga Judio, ay sumagot kay Pablo, at nagsabi, Ibig mo bagang umahon sa Jerusalem, at doon ka hatulan sa mga bagay na ito sa harapan ko?
10เปาโลตอบว่า "ข้าพเจ้าก็กำลังยืนอยู่ต่อหน้าบัลลังก์พิพากษาของซีซาร์อยู่แล้ว ก็สมควรจะพิพากษาข้าพเจ้าเสียที่นี่ตามที่ท่านทราบดีอยู่แล้วว่า ข้าพเจ้าไม่ได้กระทำผิดต่อพวกยิว
10Datapuwa't sinabi ni Pablo, Nakatayo ako sa harapan ng hukuman ni Cesar, na doon ako dapat hatulan: wala akong ginawang anomang kasamaan sa mga Judio, gaya rin naman ng pagkatalastas mong mabuti.
11ถ้าข้าพเจ้าเป็นผู้กระทำผิด หรือได้กระทำอะไรที่ควรจะมีโทษถึงตาย ข้าพเจ้าก็ยอมตายไม่ขัดขืน แต่ถ้าเรื่องที่เขาฟ้องข้าพเจ้านั้นไม่จริงแล้ว ไม่มีผู้ใดมีอำนาจจะมอบข้าพเจ้าให้เขาได้ ข้าพเจ้าขออุทธรณ์ถึงซีซาร์"
11Kung ako nga'y isang makasalanan, at nakagawa ng anomang bagay na marapat sa kamatayan, ay hindi ako tumatangging mamatay; datapuwa't kung walang katotohanan ang mga bagay na ipinagsasakdal ng mga ito laban sa akin, ay hindi ako maibibigay ninoman sa kanila. Maghahabol ako kay Cesar.
12ฝ่ายเฟสทัสเมื่อพูดกับที่ปรึกษาแล้วจึงตอบว่า "เจ้าได้ขออุทธรณ์ถึงซีซาร์แล้วหรือ เจ้าก็จะต้องไปเฝ้าซีซาร์"
12Nang magkagayon si Festo, nang makapagpanayam na sa Sanedrin, ay sumagot, Naghabol ka kay Cesar; kay Cesar ka paparoon.
13ครั้นล่วงไปหลายวัน กษัตริย์อากริปปากับพระนางเบอร์นิสก็เสด็จมาเยี่ยมคำนับเฟสทัสยังเมืองซีซารียา
13Nang makaraan nga ang ilang mga araw, si Agripa na hari at si Bernice ay nangagsidating sa Cesarea, at nagsibati kay Festo.
14ขณะที่ท่านค้างอยู่ที่นั่นหลายวัน เฟสทัสก็เล่าเรื่องคดีของเปาโลให้กษัตริย์ฟังว่า "มีชายคนหนึ่งซึ่งเฟลิกซ์ได้ขังทิ้งไว้
14At nang sila'y magsitira roong maraming araw, ay isinaysay ni Festo sa hari ang usapin ni Pablo, na sinasabi, May isang taong bilanggo na iniwan ni Felix:
15เมื่อข้าพเจ้าไปกรุงเยรูซาเล็ม พวกปุโรหิตใหญ่กับพวกผู้ใหญ่ของพวกยิวมาฟ้องขอให้ข้าพเจ้าตัดสินลงโทษเขา
15Tungkol sa kaniya nang ako'y nasa Jerusalem, ang mga pangulong saserdote at ang mga matanda sa mga Judio ay nangagbigay-alam sa akin, na hinihinging ako'y humatol laban sa kaniya.
16ข้าพเจ้าจึงตอบพวกเขาว่า ไม่ใช่ธรรมเนียมของชาวโรมที่จะมอบตัวจำเลยให้ตายก่อนที่โจทก์กับจำเลยมาพร้อมหน้ากัน และให้จำเลยมีโอกาสแก้คดีในข้อหานั้น
16Sa kanila'y aking isinagot, na hindi kaugalian ng mga taga Roma na ibigay ang sinomang tao, hanggang hindi nahaharap ang isinasakdal sa mga nagsisipagsakdal, at siya'y magkaroon ng pagkakataong makagawa ng kaniyang pagsasanggalang tungkol sa sakdal laban sa kaniya.
17ครั้นพวกเขามาถึงที่นี่แล้ว ข้าพเจ้าจึงมิได้รอช้า ในวันรุ่งขึ้นข้าพเจ้าได้นั่งบัลลังก์พิพากษาและสั่งให้พาจำเลยเข้ามา
17Nang sila nga'y mangagkatipon dito, ay hindi ako nagpaliban, kundi nang sumunod na araw ay lumuklok ako sa hukuman, at ipinaharap ko ang tao.
18เมื่อพวกโจทก์ยืนขึ้น เขามิได้กล่าวหาจำเลยเหมือนที่ข้าพเจ้าคาดไว้นั้น
18Tungkol sa kaniya, nang magsitindig ang mga nagsisipagsakdal, ay walang anomang sakdal na masamang bagay na maiharap sila na gaya ng aking sinapantaha;
19เป็นแต่เพียงปัญหาเถียงกันด้วยเรื่องลัทธิศาสนาของเขาเอง และด้วยเรื่องคนหนึ่งที่ชื่อเยซูซึ่งตายแล้ว แต่เปาโลยืนยันว่ายังเป็นอยู่
19Kundi may ilang mga suliranin laban sa kaniya tungkol sa kanilang sariling relihion, at sa isang Jesus, na namatay, na pinatutunayan ni Pablo na ito'y buhay.
20เมื่อข้าพเจ้ายังงงงวยอยู่ว่าจะพิจารณาปัญหานั้นอย่างไรดี จึงถามเปาโลว่า จะยอมขึ้นไปยังกรุงเยรูซาเล็มให้ชำระความนั้นที่นั่นหรือไม่
20At ako, palibhasa'y naguguluhan tungkol sa kung paano kayang mapagsisiyasat ang mga bagay na ito, ay itinanong ko kung ibig niyang pumaroon sa Jerusalem at doon siya hatulan tungkol sa mga bagay na ito.
21แต่เมื่อเปาโลได้อุทธรณ์ขอให้ขังไว้เพื่อให้ออกัสตัสตัดสิน ข้าพเจ้าจึงสั่งให้คุมขังเขาไว้จนกว่าจะส่งตัวไปถึงซีซาร์ได้"
21Datapuwa't nang makapaghabol na si Pablo na siya'y ingatan upang hatulan ng emperador, ay ipinagutos kong ingatan siya hanggang sa siya'y maipadala ko kay Cesar.
22อากริปปาจึงกล่าวแก่เฟสทัสว่า "ข้าพเจ้าจะใคร่ฟังคนนั้นด้วย" เฟสทัสจึงกล่าวว่า "พรุ่งนี้ท่านจะได้ฟังเขา"
22At sinabi ni Agripa kay Festo, Ibig ko rin sanang mapakinggan ang tao. Bukas, sinasabi niya, siya'y mapapakinggan mo.
23ครั้นวันรุ่งขึ้นอากริปปากับเบอร์นิสเสด็จมาพร้อมด้วยราชบริพารเป็นที่สง่าผ่าเผยมาก จึงเข้าไปประทับในห้องพิจารณาพร้อมกับนายพันและคนสำคัญๆทั้งหลายในนครนั้น แล้วเฟสทัสจึงสั่งให้พาเปาโลเข้ามา
23Kaya't nang kinabukasan, nang dumating si Agripa, at si Bernice, na may malaking karilagan, at nang mangakapasok na sila sa hukuman na kasama ang mga pangulong kapitan at ang mga maginoo sa bayan, sa utos ni Festo ay ipinasok si Pablo.
24เฟสทัสจึงกล่าวว่า "ท่านกษัตริย์อากริปปา และท่านทั้งหลายที่อยู่ด้วยกันที่นี่ ท่านทั้งหลายเห็นชายคนนี้ที่บรรดาพวกยิวได้วิงวอนข้าพเจ้าทั้งในกรุงเยรูซาเล็มและที่นี่ด้วยร้องว่าเขาไม่ควรจะมีชีวิตอยู่ต่อไป
24At sinabi ni Festo, Haring Agripa, at lahat ng mga lalaking nangariritong kasama namin, nakikita ninyo ang taong ito, na tungkol sa kaniya'y nagsasakdal sa akin sa Jerusalem at dito naman ang buong karamihan ng mga Judio, na nangagsisigawang hindi marapat na siya'y mabuhay pa.
25แต่ข้าพเจ้าเห็นว่าเขาไม่ได้ทำผิดสิ่งไรที่ควรจะต้องตาย และเพราะเขาเองได้อุทธรณ์ถึงออกัสตัส ข้าพเจ้าตกลงใจว่าจะส่งเขาไป
25Datapuwa't aking nasumpungang siya'y walang anomang ginawang marapat sa kamatayan: at sapagka't siya rin ay naghabol sa emperador ay ipinasiya kong siya'y ipadala.
26ข้าพเจ้าไม่มีรายงานอะไรแน่ชัดเรื่องคนนี้ที่จะถวายเจ้านายของข้าพเจ้า เหตุฉะนั้นข้าพเจ้าจึงพาเขาออกมาต่อหน้าท่านทั้งหลาย และโดยเฉพาะอย่างยิ่งต่อพระพักตร์ของพระองค์ กษัตริย์อากริปปา หวังว่าเมื่อไต่สวนแล้วข้าพเจ้าจะมีเรื่องพอที่จะถวายรายงานไปได้บ้าง
26Tungkol sa kaniya'y wala akong alam na tiyak na bagay na maisusulat sa aking panginoon. Kaya dinala ko siya sa harapan ninyo, at lalong-lalo na sa harapan mo, haring Agripa, upang, pagkatapos ng pagsisiyasat, ay magkaroon ng sukat na maisulat.
27เพราะข้าพเจ้าเห็นว่า ที่จะส่งแต่จำเลยไป และมิได้ส่งข้อหาไปด้วย ก็เป็นการเหลวไหลไม่ได้เรื่อง"
27Sapagka't inaakala kong di katuwiran, na sa pagpapadala ng isang bilanggo, ay hindi magpahiwatig naman ng mga sakdal laban sa kaniya.