1ดูเถิด วันแห่งพระเยโฮวาห์มาใกล้แล้ว เมื่อทรัพย์สินที่เขาริบไปจากเจ้านั้น เขาจะแบ่งกันท่ามกลางเจ้า
1Narito ang araw ng Panginoon ay dumarating, na ang iyong samsam ay babahagihin sa gitna mo.
2เพราะเราจะรวบรวมประชาชาติทั้งสิ้นให้ทำศึกกับเยรูซาเล็ม เมืองนั้นจะถูกยึด บ้านเรือนจะถูกปล้นสะดมและผู้หญิงจะถูกข่มขืน พลเมืองครึ่งหนึ่งจะตกไปเป็นเชลย ประชาชนส่วนที่เหลืออยู่จะไม่ถูกตัดออกเสียจากเมือง
2Sapagka't aking pipisanin ang lahat na bansa laban sa Jerusalem sa pagbabaka; at ang bayan ay masasakop, at ang mga bahay ay lolooban, at ang mga babae ay dadahasin; at ang kalahati ng bayan ay yayaon sa pagkabihag, at ang nalabi sa bayan ay hindi mahihiwalay sa bayan.
3แล้วพระเยโฮวาห์จะเสด็จออกไปต่อสู้กับประชาชาติเหล่านั้น เหมือนเมื่อพระองค์ทรงต่อสู้ในวันสงคราม
3Kung magkagayo'y lalabas ang Panginoon, at makikipaglaban sa mga bansang yaon, gaya nang siya'y makipaglaban sa araw ng pagbabaka.
4ในวันนั้นพระบาทของพระองค์จะยืนอยู่ที่ภูเขามะกอกเทศ ซึ่งอยู่หน้าเมืองเยรูซาเล็มด้านตะวันออก และภูเขามะกอกเทศนั้นจะแยกออกตรงกลางจากทิศตะวันออกไปทิศตะวันตก โดยมีหุบเขากว้างมากคั่นอยู่ ภูเขาครึ่งหนึ่งจึงจะถอยไปทางเหนือ และอีกครึ่งหนึ่งจะถอยไปทางใต้
4At ang kaniyang mga paa ay magsisitayo sa araw na yaon sa bundok ng mga Olivo, na nasa tapat ng Jerusalem sa dakong silanganan; at ang bundok ng mga Olivo ay mahahati sa gitna niya, sa dakong silanganan at sa dakong kalunuran, at magiging totoong malaking libis; at ang kalahati ng bundok ay malilipat sa dakong hilagaan, at ang kalahati ay sa dakong timugan.
5และท่านทั้งหลายจะหนีไปยังหุบเขาแห่งบรรดาภูเขา เพราะว่าหุบเขาแห่งบรรดาภูเขาจะมาจดอาซาลและท่านทั้งหลายจะต้องหนีไป อย่างที่หนีจากแผ่นดินไหวสมัยอุสซียาห์กษัตริย์ประเทศยูดาห์ แล้วพระเยโฮวาห์พระเจ้าของข้าพเจ้าจะเสด็จมา และพวกวิสุทธิชนทั้งสิ้นจะมากับพระองค์
5At kayo'y magsisitakas sa libis ng aking mga bundok; sapagka't ang libis ng mga bundok ay magsisiabot hanggang sa Azel; oo, kayo'y magsisitakas gaya nang kayo'y tumakas mula sa lindol nang mga kaarawan ni Uzzias na hari sa Juda; at ang Panginoon kong Dios ay darating, at ang lahat na banal na kasama niya.
6ต่อมาในวันนั้นแสงสว่างจะไม่แจ่มใสหรือจะไม่มืดมัว
6At mangyayari sa araw na yaon, na hindi magkakaroon ng liwanag; at ang mga nagniningning ay uurong.
7แต่จะเป็นวันหนึ่งที่พระเยโฮวาห์ทรงทราบแล้ว ไม่ใช่วันหรือคืน แต่ต่อมาเวลาเย็นจะมีแสงสว่าง
7Nguni't magiging isang araw na kilala sa Panginoon; hindi araw, at hindi gabi; nguni't mangyayari, na sa gabi ay magliliwanag.
8ในวันนั้นน้ำแห่งชีวิตจะไหลออกจากเยรูซาเล็ม ครึ่งหนึ่งจะไหลไปสู่ทะเลด้านตะวันออก และครึ่งหนึ่งจะไหลไปสู่ทะเลด้านตะวันตก ในฤดูร้อนก็จะไหลเรื่อยไปดังในฤดูหนาว
8At mangyayari sa araw na yaon, na ang buhay na tubig ay magsisibalong mula sa Jerusalem; kalahati niyao'y sa dakong dagat silanganan, at kalahati niyao'y sa dakong dagat kalunuran: sa taginit at sa tagginaw mangyayari.
9และพระเยโฮวาห์จะทรงเป็นกษัตริย์เหนือพิภพทั้งสิ้น ในวันนั้นพระเยโฮวาห์จะทรงเป็นเอก และพระนามของพระองค์ก็เป็นเอก
9At ang Panginoo'y magiging Hari sa buong lupa: sa araw na yao'y magiging ang Panginoon ay isa, at ang kaniyang pangalan ay isa.
10แผ่นดินทั้งสิ้นจะกลายเป็นที่ราบจากเกบาถึงริมโมนใต้เยรูซาเล็ม แต่เยรูซาเล็มจะดำรงสูงเด่นอยู่ในที่ตั้งของเมืองนั้น จากประตูเบนยามินถึงสถานที่ที่เป็นประตูเก่า ถึงประตูมุมและจากหอคอยฮานันเอล ถึงบ่อย่ำองุ่นของกษัตริย์
10Ang buong lupain ay magiging gaya ng Araba, mula sa Geba hanggang sa Rimmon na timugan ng Jerusalem; at siya'y matataas, at tatahan sa kaniyang dako, mula sa pintuang-bayan ng Benjamin hangang sa dako ng unang pintuang-bayan, hanggang sa sulok na pintuang-bayan, at mula sa moog ng Hananel hanggang sa pisaan ng ubas ng hari.
11และจะมีผู้คนอาศัยอยู่เพราะไม่มีการทำลายเสียสิ้นอีกแล้ว แต่เยรูซาเล็มจะอาศัยอยู่ได้อย่างปลอดภัย
11At ang mga tao'y magsisitahan doon, at hindi na magkakaroon pa ng sumpa; kundi ang Jerusalem ay tatahang tiwasay.
12ต่อไปนี้เป็นภัยพิบัติซึ่งพระเยโฮวาห์จะทรงใช้โจมตีบรรดาชนชาติทั้งหลายที่ทำสงครามกับเยรูซาเล็ม คือเนื้อของเขาจะเน่าไปเมื่อเขายังยืนอยู่ได้ ตาของเขาจะเน่าคาเบ้าตา และลิ้นของเขาจะเน่าคาปาก
12At ito ang salot na ipananalot ng Panginoon sa lahat na bayan na nakipagdigma laban sa Jerusalem: ang kanilang laman ay matutunaw samantalang sila'y nangakatayo ng kanilang mga paa, at ang kanilang mga mata'y mangatutunaw sa kanilang ukit, at ang kanilang dila ay matutunaw sa kanilang bibig.
13ต่อมาในวันนั้นการสับสนอลหม่านอย่างใหญ่โตจากพระเยโฮวาห์จะอยู่ท่ามกลางเขาทั้งหลาย เพราะฉะนั้นคนหนึ่งจะจับกุมเพื่อนบ้านของตน และเขาจะยกมือขึ้นต่อสู้กันและกัน
13At mangyayari sa araw na yaon, na magkakaroon ng isang malaking kaingay sa gitna nila na mula sa Panginoon; at hahawak ang bawa't isa sa kanila sa kamay ng kaniyang kapuwa, at ang kamay niya'y mabubuhat laban sa kamay ng kaniyang kapuwa.
14แม้ว่ายูดาห์ก็จะต่อสู้กันที่เยรูซาเล็ม ทรัพย์สมบัติของประชาชาติทั้งสิ้นที่อยู่ล้อมรอบจะถูกเก็บ มีทองคำ เงิน และเสื้อผ้ามากมาย
14At ang Juda naman ay makikipaglaban sa Jerusalem; at ang kayamanan ng lahat na bansa sa palibot ay mapipisan, ginto, at pilak, at kasuutan, na totoong sagana.
15และภัยพิบัติอย่างหนึ่งที่เหมือนภัยพิบัติอย่างนี้จะบังเกิดแก่ม้า ล่อ อูฐ ลา และไม่ว่าสัตว์ชนิดใดซึ่งมีอยู่ในเต็นท์เหล่านั้น
15At magiging gayon ang salot sa kabayo, sa mula, sa kamelyo, at sa asno, at sa lahat ng hayop na naroroon, sa mga kampamentong yaon, na gaya ng salot na ito.
16และอยู่มาบรรดาคนที่เหลืออยู่ในประชาชาติทั้งปวงซึ่งยกขึ้นมาสู้รบกับเยรูซาเล็ม จะขึ้นไปนมัสการกษัตริย์ปีแล้วปีเล่า คือพระเยโฮวาห์จอมโยธา และจะถือเทศกาลอยู่เพิง
16At mangyayari, na bawa't maiwan, sa lahat na bansa na naparoon laban sa Jerusalem ay aahon taon-taon upang sumamba sa Hari, sa Panginoon ng mga hukbo, at upang ipangilin ang mga kapistahan ng mga balag.
17ถ้าครอบครัวใดในพื้นพิภพไม่ขึ้นไปยังเยรูซาเล็มเพื่อนมัสการกษัตริย์ คือพระเยโฮวาห์จอมโยธา ฝนก็จะไม่ตกเหนือเขาเหล่านั้น
17At mangyayari, na ang sinoman sa mga angkan sa lupa na hindi umahon sa Jerusalem upang sumamba sa Hari, sa Panginoon ng mga hukbo, sila'y mawawalan ng ulan.
18และถ้าครอบครัวแห่งอียิปต์ ซึ่งขาดฝนแล้ว ไม่ขึ้นไปปรากฏตัวที่นั่น ก็จะบังเกิดภัยพิบัติด้วย ซึ่งพระเยโฮวาห์ทรงใช้โจมตีประชาชาติอื่นๆซึ่งไม่ขึ้นไปถือเทศกาลอยู่เพิง
18At kung ang angkan ng Egipto ay hindi umahon at hindi pumaroon, mawawalan din ng ulan sila, magkakaroon ng salot, na ipinanalot ng Panginoon sa mga bansa na hindi magsisiahon upang ipagdiwang ang kapistahan ng mga balag.
19ที่กล่าวนี้จะเป็นการลงทัณฑ์อียิปต์และเป็นการลงทัณฑ์ประชาชาติทั้งสิ้น ซึ่งไม่ขึ้นไปถือเทศกาลอยู่เพิง
19Ito ang magiging kaparusahan sa Egipto, at kaparusahan sa lahat na bansa na hindi magsisiahon upang ipagdiwang ang kapistahan ng mga balag.
20และในวันนั้นลูกพรวนที่ผูกม้าจะมีคำจารึกว่า "บริสุทธิ์แด่พระเยโฮวาห์" และหม้อซึ่งอยู่ในพระนิเวศของพระเยโฮวาห์จะเป็นเหมือนชามซึ่งอยู่หน้าแท่นบูชา
20Sa araw na yaon ay magkakaroon sa mga kampanilya ng mga kabayo, KABANALAN SA PANGINOON; at ang mga palyok sa bahay ng Panginoon ay magiging gaya ng mga taza sa harap ng dambana.
21เออ และหม้อทุกลูกในเยรูซาเล็มและยูดาห์จะเป็นของบริสุทธิ์แด่พระเยโฮวาห์จอมโยธา เพื่อว่าทุกคนที่มาถวายสัตวบูชาจะเอาหม้อไปบ้าง และจะต้มเนื้อในหม้อเหล่านั้น ในวันนั้นจะไม่มีคนคานาอันในพระนิเวศของพระเยโฮวาห์จอมโยธาอีกต่อไป
21Oo, bawa't palyok sa Jerusalem at sa Juda ay aariing banal sa Panginoon ng mga hukbo; at silang lahat na nangaghahain ay magsisiparoon at magsisikuha niyaon, at magpapakulo roon: at sa araw na yaon ay hindi na magkakaroon pa ng Cananeo sa bahay ng Panginoon ng mga hukbo.