1Ipalagay nga kami ng sinoman na mga ministro ni Cristo, at mga katiwala ng mga hiwaga ng Dios.
1基督的使徒遭人輕視這樣,人應該把我們看作基督的僕人, 神奧祕的事的管家。
2Bukod dito'y kinakailangan sa mga katiwala, na ang bawa't isa ay maging tapat.
2對於管家的要求,就是要他忠心。
3Datapuwa't sa ganang akin ay isang bagay na totoong maliit ang ako'y siyasatin ninyo, o ng pagsisiyasat ng tao: oo, ako'y hindi nagsisiyasat sa aking sarili.
3我被你們論斷,或被人間法庭審判,我都認為是極小的事,連我自己也不論斷自己。
4Sapagka't wala akong nalalamang anomang laban sa aking sarili; bagaman hindi dahil dito'y inaaring-ganap ako: sapagka't ang nagsisiyasat sa akin ay ang Panginoon.
4我雖然問心無愧,卻不能因此自以為義,因為判斷我的是主。
5Kaya nga huwag muna kayong magsihatol ng anoman, hanggang sa dumating ang Panginoon, na siya ang maghahayag ng mga bagay na nalilihim sa kadiliman, at ipahahayag naman ang mga haka ng mga puso; at kung magkagayon ang bawa't isa ay magkakaroon ng kapurihan sa Dios.
5所以時候還沒有到,你們不要批評,直等到主來;他要照出黑暗中的隱情,顯明人心裡的動機。那時,各人要從 神那裡得著稱讚。
6Ang mga bagay ngang ito, mga kapatid, ay inianyo ko sa halimbawa sa aking sarili at kay Apolos dahil sa inyo; upang sa amin ay mangatuto kayo na huwag magsihigit sa mga bagay na nangasusulat; upang ang sinoman sa inyo ay huwag magpalalo ang isa laban sa iba.
6弟兄們,我為你們的緣故,拿了這些事來比擬自己和亞波羅,讓你們在我們身上學到的,不會超過聖經所記的,免得你們中間有人自高自大,看重這個輕視那個。
7Sapagka't sino ang gumawa na ikaw ay matangi? at anong nasa iyo na hindi mo tinanggap? nguni't kung tinanggap mo, ay bakit mo ipinagmamapuri na tulad sa hindi mo tinanggap?
7使你與人不同的是誰呢?你有甚麼不是領受的呢?既然是領受的,為甚麼要自誇,好像不是領受的呢?
8Kayo'y mga busog na, kayo'y mayayaman na, kayo'y nangaghari nang wala kami: at ibig ko sanang mangaghari kayo, upang kami nama'y mangagharing kasama ninyo.
8你們已經滿足了,已經豐富了,不需要我們,自己作王了。我恨不得你們真的作了王,讓我們也可以跟你們一同作王!
9Sapagka't iniisip ko, na pinalitaw ng Dios kaming mga apostol na mga kahulihulihan sa lahat, na tulad sa mga itinalaga sa kamatayan: sapagka't kami'y ginawang panoorin ng sanglibutan, at ng mga anghel, at ng mga tao.
9我想 神是把我們作使徒的列在最後,好像定了死刑的人,因為我們成了一臺戲給宇宙觀看,就是給天使和世人觀看!
10Kami'y mga mangmang dahil kay Cristo, nguni't kayo'y marurunong kay Cristo; kami'y mahihina, nguni't kayo'y malalakas; kayo'y may karangalan, datapuwa't kami ay walang kapurihan.
10我們為基督的緣故,成了愚笨的;你們在基督裡,倒成了聰明的。我們軟弱,你們倒強壯;你們受人尊敬,我們倒被輕視。
11Hanggang sa oras na ito'y nangagugutom kami, at nangauuhaw, at mga hubad, at mga tinampal, at wala kaming tiyak na tahanan;
11直到現在,我們還是又飢又渴,衣不蔽體,又挨打,又沒有棲身的地方,
12At kami'y nangagpapagal, na nangagsisigawa ng aming sariling mga kamay: bagama't inuupasala, ay kami'y nangagpapala; bagama't mga pinaguusig, ay nangagtitiis kami;
12並且勞苦,親手作工。被人咒罵,我們就祝福;遭受迫害,我們就忍受;
13Bagama't mga sinisiraangpuri, ay aming pinamamanhikan: kami'y naging tulad ng yagit sa sanglibutan, sukal ng lahat ng mga bagay hanggang ngayon.
13被人毀謗,我們卻好好地勸導;直到現在,人還是把我們當作世上的垃圾,萬物的渣滓。
14Hindi ko isinusulat ang mga bagay na ito upang kayo'y hiyain, kundi upang paalalahanan kayong tulad sa aking mga minamahal na anak.
14我寫這些話,不是要叫你們羞愧,而是把你們當作我親愛的兒女一樣勸戒你們。
15Sapagka't bagaman mangagkaroon kayo ng sampung libong mga guro kay Cristo, ay wala nga kayong maraming mga ama; sapagka't kay Cristo Jesus ipinanganak ko kayo sa pamamagitan ng evangelio.
15縱然你們在基督裡有上萬的啟蒙教師,可是父親卻不多,因為是我在基督耶穌裡藉著福音生了你們。
16Ipinamamanhik ko nga sa inyo, na kayo'y maging mga tagatulad sa akin.
16所以我勸你們要效法我。
17Dahil dito'y aking sinugo sa inyo si Timoteo, na aking minamahal at tapat na anak sa Panginoon, na siya ang sa inyo'y magpapaalaala ng aking mga daang nanga kay Cristo, gaya ng itinuturo ko saan mang dako sa bawa't iglesia.
17因此,我打發提摩太到你們那裡去。他是我在主裡親愛又忠心的兒子,他要提醒你們我在基督裡是怎樣行事為人,正如我在各處教會中所教導的一樣。
18Ang mga iba nga'y nangagpapalalo, na waring hindi na ako mapapariyan sa inyo.
18有人以為我不會到你們那裡去,就自高自大。
19Nguni't ako'y paririyan agad sa inyo, kung loloobin ng Panginoon; at aking aalamin, hindi ang salita ng nangagpapalalo, kundi ang kapangyarihan.
19然而主若願意,我很快就要到你們那裡去;到時我要知道的,不是那些自高自大的人所講的,而是他們的能力。
20Sapagka't ang kaharian ng Dios ay hindi sa salita, kundi sa kapangyarihan.
20因為 神的國不在乎言語,而在乎權能。
21Anong ibig ninyo? paririyan baga ako sa inyo na may panghampas, o sa pagibig, at sa espiritu ng kahinahunan?
21你們願意怎麼樣呢?要我帶著刑杖到你們那裡去,還是以溫柔的靈,帶著愛心去呢?