1Sapagka't nalalaman namin na kung masira ang aming bahay na tabernakulong ukol sa lupa, ay mayroong kaming isang gusaling mula sa Dios, bahay na hindi gawa ng mga kamay, walang hanggan, sa sangkalangitan.
1渴望天上的居所我們知道,如果我們在地上的帳棚拆毀了,我們必得著從 神而來的居所。那不是人手所造的,而是天上永存的房屋。
2Sapagka't tunay na sa ganito kami ay nagsisihibik, na nangagnanasang mabihisan kami ng aming tahanang mula sa langit:
2我們現今在這帳棚裡面歎息,渴望遷到那天上的住處,好像換上新的衣服;
3Na kung mabihisan nga kami niyaon ay hindi kami mangasusumpungang hubad.
3如果穿上了,就不會赤身出現了。
4Sapagka't tunay na kaming nangasa tabernakulong ito ay nagsisihibik, na nangabibigatan; hindi sa ninanasa naming maging hubad, kundi ninanasa naming kami'y bihisan, upang ang may kamatayan ay lamunin ng buhay.
4我們這些在帳棚裡面的人,勞苦歎息,是由於不願意脫去這個,卻願意穿上那個,使這必死的被生命吞滅。
5Ngayon ang gumawa sa amin ng bagay ding ito ay ang Dios, na nagbigay sa amin ng patotoo ng Espiritu.
5那在我們身上完成了工作,使我們達成這目標的,就是 神。他已經把聖靈賜給我們作憑據。
6Kaya nga kami'y laging malakas ang loob, at nalalaman namin na, samantalang kami ay nangasa tahanan sa katawan, ay wala kami sa harapan ng Panginoon.
6我們既然一向都是坦然無懼的,又知道住在身內就是與主分開
7(Sapagka't nagsisilakad kami sa pamamagitan ng pananampalataya, hindi sa pamamagitan ng paningin);
7(因為我們行事是憑著信心,不是憑著眼見),
8Na malakas ang loob namin, ang sabi ko, at ibig pa nga namin ang mawala sa katawan, at mapasa tahanan na kasama ng Panginoon.
8現在還是坦然無懼,寧願與身體分開,與主同住。
9Kaya't ang amin namang pinagsisikapan, maging sa tahanan man o di man, ay maging kalugodlugod kami sa kaniya.
9因此,我們立定志向,無論住在身內或是與身體分開,都要討主的喜悅。
10Sapagka't tayong lahat ay kinakailangang mahayag sa harapan ng hukuman ni Cristo; upang tumanggap ang bawa't isa ng mga bagay na ginawa sa pamamagitan ng katawan, ayon sa ginawa niya, maging mabuti o masama.
10因為我們眾人都必須在基督的審判臺前顯露出來,使各人按著本身所行的,或善或惡,受到報應。
11Yamang nalalaman nga ang pagkatakot sa Panginoon, ay aming hinihikayat ang mga tao, nguni't kami ay nangahahayag sa Dios; at inaasahan ko na kami ay nangahayag din naman sa inyong mga budhi.
11勸人與 神和好我們既然知道主是可畏的,就勸勉眾人。我們在 神面前是顯明的,我盼望在你們的良心裡也是顯明的。
12Hindi namin ipinagkakapuring muli ang aming sarili sa inyo, kundi binibigyan namin kayo ng dahilan na ikaluluwalhati ninyo dahil sa amin, upang kayo'y mangagkaroon ng maisasagot sa mga nagpapaluwalhati sa anyo, at hindi sa puso.
12我們不是又再向你們推薦自己,而是給你們機會以我們為樂,使你們可以應付那些只誇外貌不誇內心的人。
13Sapagka't kung kami ay maging mga ulol, ay para sa Dios; o maging kami ay mahinahon ang pagiisip, ay para sa inyo.
13如果我們瘋狂,那是為了 神;如果我們清醒,那是為了你們。
14Sapagka't ang pagibig ni Cristo ay pumipilit sa amin; sapagka't ipinasisiya namin ang ganito, na kung ang isa ay namatay dahil sa lahat, kung gayo'y lahat ay nangamatay;
14原來基督的愛催逼著我們,因為我們斷定一個人替眾人死了,眾人就都死了。
15At siya'y namatay dahil sa lahat, upang ang nangabubuhay ay huwag nang mabuhay pa sa kanilang sarili, kundi doon sa namatay dahil sa kanila at muling nabuhay.
15他替眾人死了,為的是要使活著的人不再為自己活著,卻為那替他們死而復活的主而活。
16Kaya nga mula ngayon ay hindi namin nakikilala ang sinoman ayon sa laman: bagama't nakilala namin si Cristo ayon sa laman, nguni't sa ngayo'y hindi na namin nakikilala siyang gayon.
16所以,從今以後,我們不再按照人的看法認識人;雖然我們曾經按照人的看法認識基督,但現在不再這樣了。
17Kaya't kung ang sinoman ay na kay Cristo, siya'y bagong nilalang: ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila'y pawang naging mga bago.
17如果有人在基督裡,他就是新造的人,舊事已經過去,你看,都變成新的了!
18Datapuwa't ang lahat ng mga bagay ay pawang sa Dios, na pinakipagkasundo tayo sa kaniya rin sa pamamagitan ni Cristo, at ibinigay sa amin ang ministerio sa pagkakasundo;
18這一切都是出於 神,他藉著基督使我們與他自己和好,並且把這和好的職分賜給我們,
19Sa makatuwid baga'y, na ang Dios kay Cristo ay pinakipagkasundo ang sanglibutan sa kaniya rin, na hindi ibinibilang sa kanila ang kanilang mga kasalanan, at ipinagkatiwala sa amin ang salita ng pagkakasundo.
19就是 神在基督裡使世人與他自己和好,不再追究他們的過犯,並且把和好的道理託付了我們。
20Kami nga'y mga sugo sa pangalan ni Cristo, na waring namamanhik ang Dios sa pamamagitan namin: kayo'y pinamamanhikan namin sa pangalan ni Cristo, na kayo'y makipagkasundo sa Dios.
20因此,我們就是基督的使者, 神藉著我們勸告世人。我們代替基督請求你們:跟 神和好吧!
21Yaong hindi nakakilala ng kasalanan ay kaniyang inaring may sala dahil sa atin: upang tayo'y maging sa kaniya'y katuwiran ng Dios.
21 神使那無罪的替我們成為有罪的,使我們在他裡面成為 神的義。