Tagalog 1905

聖經新譯本

2 Corinthians

8

1Bukod dito, mga kapatid, ay ipinatatalastas namin sa inyo ang biyaya ng Dios na ipinagkaloob sa mga iglesia ng Macedonia;
1馬其頓聖徒樂捐的榜樣弟兄們,我現在把 神賜給馬其頓眾教會的恩典告訴你們:
2Kung paanong sa maraming pagsubok sa kapighatian ang kasaganaan ng kanilang katuwaan at ang kanilang malabis na karukhaan ay sumagana sa kayamanan ng kanilang kagandahang-loob.
2他們在患難中受到極大的考驗的時候,他們滿溢的喜樂和極度的貧乏,匯流出豐厚的慷慨來。
3Sapagka't ayon sa kanilang kaya, ay nagpapatotoo ako at higit pa sa kanilang kaya, ay nagsiabuloy sila sa sariling kalooban,
3我可以作證,他們是按著能力,並且是超過了能力,
4Na lubhang ipinamamanhik sa amin ang tungkol sa biyayang ito at sa pakikisama sa pangangasiwa ng mga abuloy sa mga banal:
4自動地再三懇求我們,准許他們在供應聖徒的事上有分。
5At ito, ay hindi ayon sa aming inaasahan, kundi ibinigay muna nila ang kanilang sarili sa Panginoon, at sa amin sa pamamagitan ng kalooban ng Dios.
5他們超過了我們所期望的,照著 神的旨意,先把自己獻給主,然後獻給我們。
6Ano pa't namanhik kami kay Tito, na yamang siya'y nagpasimula nang una, ay siya na rin ang gumanap sa inyo ng biyayang ito.
6因此,我們勉勵提多,既然開始了這慈善的事,就應當在你們那裡把這事辦好。
7Datapuwa't yamang kayo'y nagsisisagana sa lahat ng mga bagay, sa pananampalataya, at pananalita, at kaalaman, at sa buong kasipagan, at sa inyong pagibig sa amin ay magsisagana naman kayo sa biyayang ito.
7你們在一切事上,就如信心、口才、知識、熱情和愛我們的心,既然都是富足的,那麼,在這慈善的事上,也要顯出你們是富足的。
8Hindi ako nangungusap na tulad sa naguutos, kundi gaya ng sumusubok sa pamamagitan ng kasipagan ng iba ang katapatan naman ng inyong pagibig.
8勸信徒完成慈善的事我這樣說,不是吩咐你們,而是藉著別人的熱心來考驗你們的愛心是否真實。
9Sapagka't nalalaman ninyo ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo, na, bagaman siya'y mayaman, gayon ma'y nagpakadukha dahil sa inyo, upang sa pamamagitan ng kaniyang karukhaan ay magsiyaman kayo.
9你們是知道我們的主耶穌基督的恩典的:他本來富足,卻為你們成了貧窮,要使你們因他的貧窮成為富足。
10At sa ganito'y ibinibigay ko ang aking pasiya: sapagka't ito'y nararapat sa inyo, na naunang nangagpasimula na may isang taon na, hindi lamang sa paggawa, kundi naman sa pagnanais.
10我在這裡表示我的意見,這對你們是有益的:你們不僅一年前就在辦這事,而且早就想這樣作了,
11Datapuwa't ngayo'y tapusin din naman ninyo ang paggawa; upang kung paanong nagkaroon ng sikap ng pagnanais, ay gayon din namang magkaroon ng pagkatapos ayon sa inyong kaya.
11現在就應當把這事辦好;這樣,你們既然有願意作的心,因著你們盡了自己所能的,就可以完成。
12Sapagka't kung may sikap, ay tinatanggap ayon sa tinataglay, hindi ayon sa di tinataglay.
12因為人要是有願意作的心,按照他所有的,必蒙悅納,不是按照他所沒有的。
13Sapagka't hindi ko sinasabi ito upang ang mga iba ay magaanan at kayo'y mabigatan;
13這不是要別人輕省,你們受累,而是要大家都均等。
14Kundi ayon sa pagkakapantay-pantay: ang inyong kasaganaan ay naging abuloy sa panahong ito sa kanilang kakulangan, upang ang kanilang kasaganaan naman ay maging abuloy sa inyong kailangan; upang magkaroon ng pagkakapantaypantay.
14現在你們富裕,就要補助他們的缺乏,到了他們富裕的時候,也可以補助你們的缺乏,這樣就均等了;
15Gaya ng nasusulat, Ang nagtipon ng marami ay hindi naglabis; at ang nagtipon ng kaunti ay hindi kinulang.
15正如經上所記:“多的,沒有剩餘,少的,也不缺乏。”
16Datapuwa't salamat sa Dios, na naglalagay sa puso ni Tito niyaong masikap na pagiingat sa inyo.
16感謝 神,他把我對你們那樣的熱情,放在提多的心裡。
17Sapagka't tunay na tinanggap niya ang aming pamanhik, nguni't palibhasa'y lubha siyang masikap, ay napariyan sa inyo sa kaniyang sariling kalooban.
17提多一方面接受了勸勉,但他自己更加熱心,自願到你們那裡去。
18At sinugo naming kasama niya ang kapatid na ang kaniyang kapurihan sa evangelio ay sa lahat ng mga iglesia;
18我們還派了一位弟兄和他同去,(這人在福音的事工上,得到了眾教會的稱讚。
19At hindi lamang gayon, kundi siya naman ang inihalal ng mga iglesia na maglakbay na kasama namin tungkol sa biyayang ito, na pinangangasiwaan namin sa ikaluluwalhati ng Panginoon, at upang ipamalas ang aming sikap:
19不但這樣,眾教會更選派了他作我們的旅伴。我們辦理這慈善的事,是為了主的榮耀,也是為了我們的心願。)
20Na iniilagan ito, na sinoma'y huwag kaming sisihin tungkol sa abuloy na ito na aming pinangangasiwaan:
20免得有人因為我們經管的捐款太多,就毀謗我們。
21Sapagka't iniisip namin ang mga bagay na kapuripuri, hindi lamang sa paningin ng Panginoon, kundi naman sa paningin ng mga tao.
21因為我們努力去作的,不僅是主認為是美的事,也是眾人認為是美的事。
22At aming sinugong kasama nila ang aming kapatid, na aming nasubok na madalas na masikap sa maraming bagay, datapuwa't ngayon ay lalo nang masikap, dahil sa malaking pagkakatiwala niya sa inyo.
22我們還派了另一位弟兄與他們同去;我們在許多的事上多次考驗過他,知道他很熱心;現在他對你們大有信心,就更加熱心了。
23Kung may magsiyasat tungkol kay Tito, siya'y aking kasama at kamanggagawa sa pagpapagal sa inyo; o sa aming mga kapatid, sila'y mga sugo ng mga iglesia, at kaluwalhatian ni Cristo.
23至於提多,他是我的同伴,為你們的緣故作了我的同工;還有我們那兩位弟兄,他們是眾教會所派的,是基督的榮耀。
24Inyo ngang ipakita sa kanila sa harapan ng mga iglesia ang katunayan ng inyong pagibig, at ng aming pagmamapuri dahil sa inyo.
24所以,你們要在眾教會面前,向他們證明你們的愛心和我們所誇耀你們的。