Tagalog 1905

聖經新譯本

2 Timothy

2

1Ikaw nga, anak ko, magpakalakas ka sa biyayang nasa kay Cristo Jesus.
1作基督的精兵所以,我兒啊,你應當在基督耶穌的恩典裡剛強起來,
2At ang mga bagay na iyong narinig sa akin sa gitna ng maraming saksi, ay siya mo ring ipagkatiwala sa mga taong tapat, na makapagtuturo naman sa mga iba.
2又應當把你在許多見證人面前從我這裡聽見的,交託給那些又忠心又能夠教導別人的人。
3Makipagtiis ka sa akin ng mga kahirapan, na gaya ng mabuting kawal ni Cristo Jesus.
3你應當和我同受磨難,好像基督耶穌的精兵。
4Sinomang kawal na nasa pagkakawal ay hindi nahalubilo sa mga bagay ng buhay na ito; upang siya'y kalugdan niyaong nagtala sa pagkakawal.
4當兵的人不讓世務纏身,為要使那招兵的人歡喜。
5At kung ang sinoman ay makikipaglaban naman sa mga laro, ay hindi pinuputungan maliban na kung makipaglabang matuwid.
5競賽的人若不遵守規則,就不能得冠冕。
6Ang magsasaka na nagpapagal ay siyang kailangang unang makabahagi sa mga bunga.
6勞力的農夫理當先嘗果實。
7Isipin mo ang sinasabi ko; sapagka't bibigyan ka ng Panginoon ng pagkaunawa sa lahat ng mga bagay.
7你要想想我的話,因為凡事主必給你領悟力。
8Alalahanin mo si Jesucristo na muling nabuhay sa mga patay, sa binhi ni David, ayon sa aking evangelio:
8你要記得那從死人中復活的耶穌基督,他是大衛的後裔所生的,這就是我所傳的福音。
9Na siyang pinagtitiisan ko ng kahirapan sa mga tanikala, na tulad sa tampalasan; nguni't ang salita ng Dios ay hindi natatanikalaan.
9我為了這福音受了磨難,甚至像犯人一樣被捆綁起來;可是, 神的話卻不被捆綁。
10Kaya aking tinitiis ang lahat ng mga bagay dahil sa mga hinirang, upang kamtan naman nila ang pagkaligtas na nasa kay Cristo Jesus na may kaluwalhatiang walang hanggan.
10因此,我為了選民忍受一切,好叫他們也可以得著在基督耶穌裡的救恩,和永遠的榮耀。
11Tapat ang pasabi: Sapagka't kung tayo'y nangamatay na kalakip niya, ay mangabubuhay naman tayong kasama niya:
11“我們若與基督同死,就必與他同活;
12Kung tayo'y mangagtiis, ay mangaghahari naman tayong kasama niya: kung ating ikaila siya, ay ikakaila naman niya tayo:
12我們若能堅忍,就必與他一同作王;我們若不認他,他必不認我們;
13Kung tayo'y hindi mga tapat, siya'y nananatiling tapat; sapagka't hindi makapagkakaila sa kaniyang sarili.
13我們縱然不信,他仍然是信實的,因為他不能否定自己。”這話是可信的。
14Ipaalaala mo sa kanila ang mga bagay na ito, na sila'y pagbilinan sa paningin ng Panginoon, na sila'y huwag makipagtalo tungkol sa mga salitaan na hindi mapapakinabangan, sa ikapapahamak ng mga nakikinig.
14作無愧的工人你要在 神面前把這些事提醒眾人,叮囑他們不要作無益的爭辯;這只能敗壞聽見的人。
15Pagsikapan mong humarap na subok sa Dios, manggagawang walang anomang ikahihiya, na gumagamit na matuwid ng salita ng katotohanan.
15你應當竭力在 神面前作一個蒙稱許、無愧的工人,正確地講解真理的道。
16Datapuwa't ilagan mo ang mga usapang walang kabuluhan: sapagka't sila'y lalong magpapatuloy sa kasamaan,
16總要遠避世俗的空談,因為這些必會引人進到更不敬虔的地步。
17At ang kanilang salita ay kakalat na gaya ng ganggrena: na sa mga ito ay si Himeneo at si Fileto;
17他們的話好像毒瘤一樣蔓延;他們當中有許米乃和腓理徒。
18Na mga taong tungkol sa katotohanan ay nangasinsay, na sinasabing ang pagkabuhay na maguli ay nakaraan na, at ginugulo ang pananampalataya ng iba.
18他們偏離了真道,說復活的事已經過去了,於是毀壞了一些人的信心。
19Gayon ma'y ang matibay na pinagsasaligan ng Dios ay nananatili na may tatak nito, Nakikilala ng Panginoon ang mga kaniya: at, Lumayo sa kalikuan ang bawa't isa na sumasambitla ng pangalan ng Panginoon.
19然而, 神堅固的根基已經立定,上面刻著這樣的印:“主認識屬於他的人”和“凡稱呼主名的人都應當離開不義”。
20Datapuwa't sa isang malaking bahay ay hindi lamang may mga sisidlang ginto at pilak, kundi mayroon din namang kahoy at lupa; at ang iba'y sa ikapupuri, at ang iba'y sa ikasisirang-puri.
20在富貴人的家裡(“富貴人的家裡”原文作“大房子”),不但有金器、銀器,也有木器、瓦器;有貴重的,也有卑賤的。
21Kung ang sinoman nga ay malinis sa alin man sa mga ito, ay magiging sisidlang ikapupuri, pinakabanal, marapat gamitin ng mayari, nahahanda sa lahat ng gawang mabuti.
21人若自潔,離開卑賤的事,就必作貴重的器皿,成為聖潔,合主使用,預備行各樣的善事。
22Datapuwa't layuan mo ang masasamang pita ng kabinataan, at sundin mo ang kabanalan, ang pananampalataya, ang pagibig, ang kapayapaan, kasama ng mga nagsisitawag sa Panginoon mula sa pusong malinis.
22你應當逃避年輕人的私慾,要和那些以清潔的心求告主的人,一同追求公義、信心、愛心、和平。
23Nguni't tanggihan mo ang mga usapang walang kabuluhan at hangal, yamang nalalaman mo na namumunga ng mga pagtatalo.
23你要拒絕愚蠢無知的問難;你知道這些事會引起爭論。
24At ang alipin ng Panginoon ay hindi nararapat na makipagtalo, kundi maamo sa lahat, sapat na makapagturo, matiisin,
24但主的僕人卻不可爭論,總要待人溫和,善於教導,存心忍耐,
25Na sawaying may kaamuan ang mga nagsisisalangsang; baka sakaling sila'y pagkalooban ng Dios ng pagsisisi sa ikaaalam ng katotohanan,
25以溫柔勸導那些對抗的人,或許 神給他們悔改的心,可以認識真理。
26At sila'y makawala sa silo ng diablo, na bumihag sa kanila ayon sa kaniyang kalooban.
26他們雖然曾經被魔鬼擄去,隨從他的意思而行,或許也能醒悟過來,脫離魔鬼的陷阱。