Tagalog 1905

聖經新譯本

Daniel

5

1Si Belsasar na hari ay gumawa ng malaking piging sa isang libo na kaniyang mga mahal na tao, at uminom ng alak sa harap ng sanglibo.
1伯沙撒王大宴群臣伯沙撒王為他的一千大臣大擺筵席,他和他們一同喝酒。
2Samantalang nilalasap ni Belsasar ang alak, ay nagutos na dalhin doon ang mga ginto at pilak na sisidlan na kinuha ni Nabucodonosor na kaniyang ama sa templo na nasa Jerusalem; upang mainuman ng hari, ng kaniyang mga mahal na tao, ng kaniyang mga asawa, at ng kaniyang mga babae.
2伯沙撒喝酒歡暢的時候,下令把他先祖尼布甲尼撒從耶路撒冷聖殿裡掠取的金銀器皿拿來,好讓他和他的大臣、妻妾、妃嬪用這些器皿來喝酒。
3Nang magkagayo'y dinala nila ang mga gintong sisidlan na kinuha sa templo ng bahay ng Dios na nasa Jerusalem; at ininuman ng hari at ng kaniyang mga mahal na tao, at ng kaniyang mga asawa at ng kaniyang mga babae.
3於是人把從耶路撒冷聖殿裡,就是 神的殿裡,掠來的金銀器皿拿來;王和他的大臣、妻妾、妃嬪就用這些器皿來喝酒。
4Sila'y nangaginuman ng alak, at nagsipuri sa mga dios na ginto, at pilak, tanso, bakal, kahoy, at bato.
4他們喝酒,讚美那些用金、銀、銅、鐵、木、石所做的神。
5Nang oras ding yaon ay may lumabas na mga daliri ng kamay ng isang tao at sumulat sa tapat ng kandelero sa panig na may palitada ng palacio: at nakita ng hari ang bahagi ng kamay na sumulat.
5指頭在牆上寫字當時,忽然有人手的指頭出現,在王宮裡燈臺對面的粉牆上寫字;王看見了那隻正在寫字的手掌,
6Nang magkagayo'y nagbago ang pagmumukha ng hari, at binagabag siya ng kaniyang mga pagiisip; at ang pagkakasugpong ng kaniyang mga balakang ay nakalag, at ang kaniyang mga tuhod ay nagkaumpugan.
6就臉色大變,心意驚惶,兩腳無力,雙膝彼此相碰。
7Ang hari ay sumigaw ng malakas, na papasukin ang mga enkantador, mga Caldeo, at mga manghuhula. Ang hari ay nagsalita, at nagsabi sa mga pantas sa Babilonia, Sinomang makababasa ng sulat na ito, at makapagpapaaninaw sa akin ng kahulugan niyan, magdadamit ng kulay morado, at magkakaroon ng kuwintas na ginto sa palibot ng kaniyang leeg, at magiging ikatlong puno sa kaharian.
7王大聲呼叫,吩咐人把那些用法術的和迦勒底人,以及占星家都領進來;王對巴比倫的智慧人說:“誰能讀這文字,又能向我解釋它的意思,他必身穿紫袍,頸戴金鍊,在國中掌權,位列第三。”
8Nang magkagayo'y nagsipasok ang lahat na pantas ng hari; nguni't hindi nila nabasa ang sulat, o naipaaninaw man sa hari ang kahulugan niyaon.
8於是王所有的智慧人都進來,卻不能讀那文字,也不能把意思向王說明。
9Nang magkagayo'y nabagabag na mainam ang haring Belsasar, at ang kaniyang pagmumukha ay nabago, at ang kaniyang mga mahal na tao ay nangatitigilan.
9伯沙撒王就非常驚惶,臉色大變;他的大臣也都不知所措。
10Ang reina, dahil sa mga salita ng hari at ng kaniyang mga mahal na tao ay pumasok sa bahay na pinagpigingan: ang reina ay nagsalita, at nagsabi, Oh hari, mabuhay ka magpakailan man; huwag kang bagabagin ng iyong mga pagiisip, o mabago man ang iyong pagmumukha.
10太后舉薦但以理太后因王和他的大臣所說的話,就進入宴會的大廳,對王說:“願王萬歲!你的心意不要驚惶,也不要臉色大變。
11May isang lalake sa iyong kaharian na kinaroroonan ng espiritu ng mga banal na dios; at sa mga kaarawan ng iyong ama, ay nasumpungan sa kaniya ang liwanag at unawa at karunungan, na gaya ng karunungan ng mga dios; at ang haring Nabucodonosor, na iyong ama, ang hari, sinasabi ko, ang iyong ama, ay ginawa niya siyang panginoon ng mga mago, ng mga enkantador, ng mga Caldeo, at ng mga manghuhula;
11在你國中有一個人,他裡面有聖神的靈;你先祖在世的日子,發現這人有灼見,有聰明,有智慧,好像神的智慧一樣。你先祖尼布甲尼撒王,就是王的先祖,曾立他為術士、用法術的,以及迦勒底人和占星家的領袖。
12Palibhasa'y isang marilag na espiritu, at kaalaman, at unawa, pagpapaaninaw ng mga panaginip, at pagpapakilala ng mga malabong salita, at pagpapaliwanag ng pagaalinlangan, ay nangasumpungan sa Daniel na iyan, na pinanganlan ng hari na Beltsasar. Tawagin nga si Daniel, at kaniyang ipaaaninaw ang kahulugan.
12這都因為在這但以理裡面有美好的靈性,有知識,有聰明,能解夢,釋謎語,能解答難題;這人尼布甲尼撒王曾給他起名叫伯提沙撒。現在可以把但以理召來,他必能解釋牆上文字的意思。”
13Nang magkagayo'y dinala si Daniel sa harap ng hari. Ang hari ay nagsalita, at nagsabi kay Daniel, Ikaw baga'y si Daniel na sa mga anak ng pagkabihag sa Juda, na kinuha sa Juda ng haring aking ama?
13於是但以理被帶到王面前,王問但以理說:“你就是我先王從猶大擄來的猶大人但以理嗎?
14Nabalitaan kita, na ang espiritu ng mga dios ay sumasa iyo, at ang liwanag at unawa at marilag na karunungan ay masusumpungan sa iyo.
14我聽說你裡面有神的靈,有灼見,有聰明,有高超的智慧。
15At ang mga pantas nga, ang mga enkantador, dinala sa harap ko, upang kanilang basahin ang sulat na ito, at ipaaninaw sa akin ang kahulugan; nguni't hindi nila naipaaninaw ang kahulugan ng bagay.
15現在智慧人和用法術的都被帶到我面前了,我要他們讀這文字,把文字的意思向我說明,可是他們都不能解釋這文字的意思。
16Nguni't nabalitaan kita, na ikaw ay makapagpapaaninaw ng mga kahulugan, at makapagpapaliwanag ng alinlangan: kung iyo ngang mabasa ang sulat, at maipaaninaw sa akin ang kahulugan, mananamit ka ng kulay morado, at magkakaroon ng kuwintas na ginto sa palibot ng iyong leeg, at ikaw ay magiging ikatlong puno sa kaharian.
16我聽說你能解釋異夢,也能解答難題。現在你若能讀這文字,把它的意思向我說明,就必身穿紫袍,頸戴金鍊,在國中掌權,位列第三。”
17Nang magkagayo'y sumagot, at nagsabi si Daniel sa harap ng hari, Iyo na ang iyong mga kaloob, at ibigay mo ang iyong mga ganting pala sa iba; gayon ma'y aking babasahin sa hari ang sulat, at ipaaninaw ko sa kaniya ang kahulugan.
17但以理直言責王但以理在王面前回答說:“你的禮物可以歸你自己,你的賞賜可以歸給別人;我卻要為王讀這文字,也要把意思向王說明。
18Oh ikaw na hari, ang Kataastaasang Dios, nagbigay kay Nabucodonosor na iyong ama ng kaharian, at kadakilaan, at kaluwalhatian, at kamahalan:
18王啊!至高的 神曾把國位、權勢、光榮和威嚴賜給你先祖尼布甲尼撒。
19At dahil sa kadakilaan na ibinigay niya sa kaniya, nanginig at natakot sa harap niya lahat ng mga bayan, bansa, at wika: ang kaniyang ibiging patayin ay kaniyang pinapatay, at ang kaniyang ibiging buhayin ay kaniyang binubuhay; at ang ibiging itaas ay kaniyang itinataas, at ang ibiging ibaba ay kaniyang ibinababa.
19因 神所賜給他的權勢,各國、各族和說各種語言的人,都在他面前戰兢恐懼;他要殺誰,就殺誰;要誰活著,誰就可以活著;要提升誰,就提升誰;要貶低誰,就貶低誰。
20Nguni't nang ang kaniyang puso ay magpakataas, at ang kaniyang espiritu ay magmatigas na siya'y gumawang may kapalaluan, siya'y ibinaba sa kaniyang luklukang pagkahari, at inalis nila ang kaniyang kaluwalhatian:
20但他心高氣傲、妄自尊大的時候,就從國位上被趕下來,他的尊榮也被奪去。
21At siya'y pinalayas sa mga anak ng mga tao, at ang kaniyang puso ay naging gaya ng sa mga hayop, at ang kaniyang tahanan ay napasama sa maiilap na mga asno; siya'y pinakain ng damo na gaya ng mga baka, at ang kaniyang katawan ay nabasa ng hamog ng langit; hanggang sa kaniyang naalaman na ang Kataastaasang Dios ay nagpupuno sa kaharian ng mga tao, at iniluklok niya roon ang sinomang kaniyang ibigin.
21他被趕逐,離開人群,他的心變如獸心,他和野驢同住,像牛一樣吃草,身體被天露滴濕;等到他承認至高的 神在世人的國中掌權,他喜歡誰,就立誰執掌國權。
22At ikaw na kaniyang anak, Oh Belsasar, hindi mo pinapagpakumbaba ang iyong puso, bagaman iyong nalalaman ang lahat na ito,
22伯沙撒啊!你是他的子孫,你雖然知道這一切,你的心仍不謙卑,
23Kundi ikaw ay nagpakataas laban sa Panginoon ng langit; at kanilang dinala ang mga kasangkapan ng kaniyang bahay sa harap mo, at ikaw, at ang iyong mga mahal na tao, ang iyong mga asawa at ang iyong mga babae, ay nagsiinom ng alak sa mga yaon; at iyong pinuri ang mga dios na pilak, at ginto, tanso, bakal, kahoy at bato, na hindi nangakakakita, o nangakakarinig man, o nakakaalam man; at ang Dios na kinaroroonan ng iyong hininga, at kinaroroonan ng lahat na iyong lakad, hindi mo niluwalhati.
23竟高抬自己,敵對天上的主,使人把他殿中的器皿拿到你面前來,你和你的大臣、妻妾、妃嬪用這些器皿喝酒;你又讚美那些不能看見、不能聽見、甚麼都不能知道,用金、銀、銅、鐵、木、石所做的神,卻沒有把榮耀歸給那手中有你的氣息,和那掌管你一切命途的 神。
24Nang magkagayo'y ang bahagi nga ng kamay ay sinugo mula sa harap niya, at ang sulat na ito'y nalagda.
24因此,有手從 神那裡伸出來,寫了這文字。
25At ito ang sulat na nalagda, MENE, MENE, TEKEL, UPHARSIN.
25解釋牆上文字的意義“所寫的文字是:‘彌尼,彌尼,提客勒,烏法珥新。’
26Ito ang kahulugan ng bagay: MENE; binilang ng Dios ang iyong kaharian, at niwakasan.
26這文字的意思是這樣:‘彌尼’就是 神已數算了你國度的年日,使國終止;
27TEKEL; ikaw ay tinimbang sa timbangan, at ikaw ay nasumpungang kulang.
27‘提客勒’就是你被稱在天平上,顯出你的缺欠;
28PERES; ang iyong kaharian ay hinati at ibinigay sa mga taga Media at taga Persia.
28‘毗勒斯’(“毗勒斯”即“烏法珥新”的單數式)就是你的國要分裂,歸給瑪代人和波斯人。”
29Nang magkagayo'y nagutos si Belsasar, at pinanamit nila si Daniel ng kulay morado, at nilagyan ng kuwintas na ginto sa palibot ng leeg niya, at nagtanyag tungkol sa kaniya, na siya'y ikatlong puno sa kaharian.
29於是伯沙撒下令,人就把紫袍給但以理穿上,把金鍊戴在他的頸上,又宣告他在國中掌權,位列第三。
30Nang gabing yaon ay napatay si Belsasar na hari ng mga taga Caldea.
30伯沙撒王被殺而亡國當夜,迦勒底人的王伯沙撒被殺。
31At tinanggap ni Dario na taga Media ang kaharian, na noo'y anim na pu't dalawang taon ang gulang niya.
31瑪代人大利烏奪取了迦勒底國;那時他六十二歲。(本節在《馬索拉抄本》為6:1)