1Sa katapusan ng bawa't pitong taon ay magpapatawad ka ng iyong mga pautang.
1豁免年的條例(利25:1~7)“每七年的最後一年,你要施行豁免。
2At ito ang paraan ng pagpapatawad: bawa't may pautang ay magpapatawad ng kaniyang ipinautang sa kaniyang kapuwa; huwag niyang sisingilin sa kaniyang kapuwa, at sa kaniyang kapatid; sapagka't ang pagpapatawad ng Panginoon ay ipinahayag.
2豁免的方式是這樣:債主都要把借給鄰舍的一切豁免了,不可向鄰舍和兄弟追討,因為耶和華的豁免年已經宣告了。
3Sa isang taga ibang lupa ay iyong masisingil; nguni't anomang tinatangkilik mo na nasa iyong kapatid ay ipatatawad ng iyong kamay.
3如果借給外族人,你可以向他追討,但借給你的兄弟,無論你借的是甚麼,你都要豁免。
4Nguni't hindi magkakadukha sa iyo (sapagka't pagpapalain ka nga ng Panginoon sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios na pinakamana upang iyong ariin),
4在你中間必沒有窮人,因為在耶和華你的 神賜給你作產業的地上,耶和華必大大賜福給你。
5Kung iyong didinggin lamang na masikap ang tinig ng Panginoon mong Dios, na isagawa ang buong utos na ito na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito.
5只要你留心聽從耶和華你的 神的話,謹守遵行我今日吩咐你的一切誡命。
6Sapagka't pagpapalain ka ng Panginoon mong Dios, na gaya ng ipinangako niya sa iyo: at ikaw ay magpapautang sa maraming bansa, nguni't hindi ka mangungutang; at ikaw ay magpupuno sa maraming bansa, nguni't hindi ka nila pagpupunuan.
6因為耶和華你的 神,必照著他應許你的,賜福給你;你必借貸給許多國的民,卻不會向他們借貸;你必統治許多國的民,他們卻不會統治你。
7Kung magkaroon sa iyo ng isang dukha, na isa sa iyong mga kapatid, na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan sa iyong lupaing ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios, ay huwag mong pagmamatigasin ang iyong puso, ni pagtitikuman ng iyong kamay ang iyong dukhang kapatid:
7“但是在耶和華你的 神賜給你的地上,無論哪一座城裡,在你中間如果有一個窮人,又是你的兄弟,你對這窮苦的兄弟不可硬著心腸,也不可袖手不理。
8Kundi iyo ngang bubukhin ang iyong kamay sa kaniya, at iyo ngang pauutangin siya ng sapat sa kaniyang kailangan sa kaniyang kinakailangan.
8你一定要向他伸手,照著他缺乏的借給他,補足他的缺乏。
9Pagingatan mong huwag magkaroon ng masamang pagiisip sa iyong puso, na iyong sabihin, Ang ikapitong taon, na taon ng pagpapatawad, ay malapit na; at ang iyong mata'y magmasama laban sa iyong dukhang kapatid at hindi mo siya bigyan; at siya'y dumaing sa Panginoon laban sa iyo, at maging kasalanan sa iyo.
9你要自己謹慎,不可心裡起惡念,說:‘第七年的豁免年近了’,你就冷眼對待你窮苦的兄弟,甚麼都不給他,以致他因你求告耶和華,你就有罪了。
10Siya nga'y bibigyan mo, at ang iyong puso'y huwag magdamdam pagka binibigyan mo siya; sapagka't dahil sa bagay na ito'y pagpapalain ka ng Panginoon mong Dios sa lahat ng iyong gawa, at sa lahat ng hipuin ng iyong kamay.
10你必須給他,給他的時候,你不要心裡難受,因為為了這事,耶和華你的 神必在你一切工作上,和你所辦的一切事上,賜福給你。
11Sapagka't hindi mawawalan ng dukha sa lupain kailan man: kaya't aking iniutos sa iyo, na aking sinasabi, Bubukhin mo nga ang iyong kamay sa iyong kapatid, sa nagkakailangan sa iyo, at sa dukha mo, sa iyong lupain.
11既然在地上必有窮人存在,所以我吩咐你說:‘你總要向你地上的困苦和貧窮的兄弟大伸援助之手。’
12Kung ang iyong kapatid, na Hebreong lalake o babae, ay ipagbili sa iyo, at maglingkod sa iyong anim na taon; sa ikapitong taon nga ay iyong papagpapaalaming laya sa iyo.
12對待奴婢的條例(出21:1~11)“你的兄弟,無論是希伯來男人,或是希伯來女人,如果賣身給你,要服事你六年;到第七年,就要讓他離開你得自由。
13At pagka iyong papagpapaalaming laya sa iyo, ay huwag mo siyang papagpapaalaming walang dala:
13你使他自由離開的時候,不可讓他空手而去;
14Iyo siyang papagbabaunin na may kasaganaan ng bunga ng iyong kawan, at ng iyong giikan, at ng iyong pisaan ng ubas, kung paano ang ipinagpala sa iyo ng Panginoon mong Dios, ay bibigyan mo siya.
14要從你的羊群、禾場、榨酒池中,多多地供給他;耶和華你的 神怎樣賜福給你,你也要怎樣分給他。
15At iyong aalalahanin na ikaw ay alipin sa lupain ng Egipto, at tinubos ka ng Panginoon mong Dios: kaya't iniuutos ko sa iyo ngayon ang bagay na ito.
15你要記得你在埃及地作過奴僕,耶和華你的 神救贖了你;因此我今日吩咐你這件事。
16At mangyayari, na kung sabihin niya sa iyo, Hindi ako aalis sa iyo; sapagka't iniibig ka niya at ang iyong bahay, sapagka't kinalulugdan mo siya;
16如果他對你說:‘我不願離開你。’他說這話是因為他愛你和你的家,又因為他喜歡和你相處,
17At kukuha ka nga ng isang pangbutas at ibutas mo sa kaniyang tainga sa pintuan, at siya'y magiging iyong alipin magpakailan man. At sa iyong aliping babae man ay gayon din ang iyong gagawin.
17那麼,你就要拿錐子,把他的耳朵在門上刺透,他就永遠作你的奴僕;對待你的婢女,你也要這樣行。
18Huwag mong mamabigatin, pagka iyong papagpapaalaming laya sa iyo: sapagka't ibayo ng kaupahang magpapaupa ang kaniyang ipinaglingkod sa iyo sa anim na taon: at pagpapalain ka ng Panginoon mong Dios sa lahat ng iyong ginagawa.
18你使他自由離開你的時候,不要為難,因為他服事了你六年,應得雇工雙倍的工資;這樣,耶和華你的 神必在你所作的一切事上,賜福給你。
19Lahat ng panganay na lalake na ipinanganak sa iyong bakahan, at sa iyong kawan ay iyong itatalaga sa Panginoon mong Dios: huwag mong pagagawin ang panganay ng iyong baka, ni huwag mong gugupitan ang panganay ng iyong kawan.
19頭生牛羊的條例“你的牛群羊群中所生,是頭生雄性的,你都要把牠分別為聖歸給耶和華你的 神。你的牛群中頭生的,你不可用牠去耕田;你的羊群中頭生的,你不可給牠剪毛。
20Iyong kakanin sa harap ng Panginoon mong Dios taontaon sa dakong pipiliin ng Panginoon, kakanin mo, at ng iyong mga sangbahayan.
20你和你的家人,年年要在耶和華選擇的地方,在耶和華你的 神面前,吃這頭生的牲畜。
21At kung may anomang kapintasan, na pilay o bulag, anomang masamang kapintasan, ay huwag mong ihahain sa Panginoon mong Dios.
21這頭生的,如果有甚麼殘疾,像瘸腿或是瞎眼,無論有任何嚴重的殘疾,你都不可獻給耶和華你的 神。
22Iyong kakanin sa loob ng iyong mga pintuang-daan: ang marumi at ang malinis ay kapuwa kakain, na gaya ng maliit na usa at gaya ng malaking usa.
22你可以在家裡吃,不潔淨的人和潔淨的人都一樣可以吃,像吃羚羊和鹿一樣。
23Huwag mo lamang kakanin ang dugo niyaon; iyong ibubuhos sa ibabaw ng lupa na parang tubig.
23只是不可吃牠的血;要把血倒在地上,像倒水一樣。”