1Nang araw na yaon ay ibinigay ng haring Assuero ang bahay ni Aman na kaaway ng mga Judio kay Esther na reina. At si Mardocheo ay naparoon sa harap ng hari; sapagka't isinaysay ni Esther kung ano niya siya.
1末底改榮升高位當日,亞哈隨魯把猶大人的敵人哈曼的家產,賜給王后以斯帖;末底改也來到王的面前,因為以斯帖已經把末底改和她的關係告訴王。
2At hinubad ng hari ang kaniyang singsing na hinubad niya kay Aman, at ibinigay kay Mardocheo. At inilagay ni Esther si Mardocheo sa bahay ni Aman.
2王便摘下自己的戒指,就是從哈曼那裡取回的,給了末底改,以斯帖也委派末底改管理哈曼的家產。
3At si Esther ay nagsalita pa uli sa harap ng hari, at nagpatirapa sa kaniyang mga paa, at ipinamanhik sa kaniya na may luha, na pawiin ang kasamaan ni Aman na Agageo, at ang kaniyang banta na kaniyang ibinanta sa mga Judio.
3以斯帖求王廢除哈曼的陰謀以斯帖又在王面前說話,俯伏在王的腳前,含淚懇求王免除亞甲族人哈曼所加的災害,以及他設計要害猶大人的陰謀。
4Nang magkagayo'y inilawit ng hari kay Esther ang gintong cetro. Sa gayo'y tumindig si Esther, at tumayo sa harap ng hari.
4王向以斯帖伸出了金杖,以斯帖就起來,站在王的面前;
5At sinabi niya, Kung kinalulugdan ng hari at kung ako'y nakasumpong ng biyaya sa kaniyang paningin, at ang bagay ay inaakalang matuwid sa harap ng hari, at ako'y nakalulugod sa kaniyang mga mata, masulat na tiwaliin ang mga sulat na ibinanta ni Aman na anak ni Amedata, na Agageo, na kaniyang sinulat upang lipulin ang mga Judio na nangasa lahat na lalawigan ng hari:
5她說:“王若是同意,我若是在王面前蒙恩,就請下旨,廢除亞甲族哈米大他的兒子哈曼設計的諭文,就是他寫下要消滅在王各省的猶大人的諭文。
6Sapagka't paanong ako'y makapagtitiis na makita ang kasamaan na darating sa aking bayan? o paanong ako'y makapagtitiis na makita ang paglipol sa aking kamaganakan?
6我怎忍看見我的族人消滅呢?”
7Nang magkagayo'y sinabi ng haring Assuero kay Esther na reina, at kay Mardocheo na Judio: Narito, ibinigay ko kay Esther ang bahay ni Aman, at siya ang kanilang binitay sa bibitayan, sapagka't siya'y nagbuhat ng kaniyang kamay sa mga Judio.
7亞哈隨魯王對王后以斯帖和猶大人末底改說:“因為哈曼要下手害猶大人,我已經把哈曼的家產賜給了以斯帖,人也把哈曼掛在木架了。
8Sumulat naman kayo sa mga Judio, kung anong maibigan ninyo sa pangalan ng hari, at tatakan ninyo ng singsing ng hari: sapagka't ang sulat na nasusulat sa pangalan ng hari, at natatakan ng singsing ng hari ay walang taong makatitiwali.
8現在你們可以照著你們的意思,奉王的名為猶大人寫諭旨,用王的印戒蓋上;因為奉王的名所寫,用王的戒指蓋上印的諭旨,是沒有人可以廢除的。”
9Nang magkagayo'y tinawag ang mga kalihim ng hari ng panahong yaon, sa ikatlong buwan, na siyang buwan ng Sivan, nang ikadalawang pu't tatlo niyaon; at nasulat ayon sa lahat na iniutos ni Mardocheo sa mga Judio at sa mga satrapa, at sa mga tagapamahala at mga prinsipe ng mga lalawigan na nandoon mula sa India hanggang sa Etiopia, na isang daan at dalawang pu't pitong lalawigan, sa bawa't lalawigan ayon sa sulat niyaon, at sa bawa't bayan ayon sa wika nila, at sa mga Judio ayon sa sulat nila, at ayon sa wika nila.
9那時是三月,就是西彎月,二十三日,王的文士都召了來,照著末底改所吩咐一切有關猶大人的事,用各省的文字、各族的方言寫了諭旨,從印度到古實的一百二十七省,給各省的總督、省長和領袖,也用猶大人的文字和方言寫給猶大人。
10At kaniyang sinulat sa pangalan ng haring Assuero, at tinatakan ng singsing ng hari, at nagpadala ng mga sulat sa pamamagitan ng mga sugo na nagsisipangabayo na nangakasakay sa mga matulin na kabayo na ginagamit sa paglilingkod sa hari, at sa mga batang dromedario;
10末底改奉亞哈隨魯王的名寫了諭旨,又用王的戒指蓋上印;文書由驛使騎上御養的、為國事而用的快馬,傳送到各處去。
11Na pinagkakalooban ng hari ang mga Judio na nangasa bawa't bayan, na magpipisan, at ipagsanggalang ang kanilang buhay, upang magpahamak, pumatay, at magpalipol, sa buong kapangyarihan ng bayan at lalawigan na loloob sa kanila, sa kanilang mga bata at mga babae, at kumuha ng samsam sa kanila na pinakahuli,
11文書上寫著:王准許在各城的猶大人,可以聚集起來,保護自己的性命;也可以毀滅、殺盡和滅絕那些敵對猶大人的各族和各省的勢力,包括婦孺,並且可以掠奪他們的財產;
12Sa isang araw sa lahat na lalawigan ng haring Assuero, nang ikalabing tatlong araw ng ikalabing dalawang buwan, na siyang buwan ng Adar.
12一日之間,在十二月,就是亞達月,十三日,在亞哈隨魯王的各省,開始實行。
13Isang salin ng sulat na ang pasiya'y ihayag sa bawa't lalawigan, ay nahayag sa lahat ng mga bayan, at upang ang mga Judio ay magsihanda sa araw na yaon na magsipanghiganti sa kanilang mga kaaway.
13諭旨的抄本作為御令,頒發到各省,宣告各族,使猶大人準備那日,好在仇敵身上施行報復。
14Sa gayo'y ang mga sugo na nangasasakay sa mga matulin na kabayo na ginagamit sa paglilingkod sa hari ay nagsilabas, na nangagmamadali at nangagtutumulin sa utos ng hari; at ang pasiya ay nahayag sa Susan na bahay-hari.
14於是,騎上為國事而用的快馬的驛使,迫於王命,就急急忙忙出發,諭旨傳遍書珊城。
15At si Mardocheo ay lumabas mula sa harapan ng hari na nakapanamit hari na bughaw, at puti, at may dakilang putong na ginto, at may balabal na mainam na lino at kulay ube: at ang bayan ng Susan ay humiyaw at natuwa.
15末底改穿著紫藍色和白色的朝服,戴著碩大的金冠冕,又披上紫色細麻布的外袍,從王面前出來;書珊城的人都歡呼快樂。
16Nagkaroon ang mga Judio ng kaliwanagan at ng kasayahan, at ng kagalakan at ng karangalan.
16猶大人得到了光彩、歡喜、快樂和尊榮。
17At sa bawa't lalawigan, at sa bawa't bayan, saan man dumating ang utos ng hari at pasiya niya, ay nagkaroon ang mga Judio ng kasayahan at kagalakan, ng kapistahan at mabuting araw. At marami na mula sa mga bayan ng lupain ay naging mga Judio; sapagka't ang takot sa mga Judio ay suma kanila.
17在各省各城中,王的命令和諭旨所到之處,猶大人都歡喜快樂,飲宴放假;那地的人民,有許多因為懼怕猶大人,就都自認是猶大人。