1At sinabi ng Panginoon kay Moises, May isang salot pa akong dadalhin kay Faraon at sa Egipto; pagkatapos niyaon ay pahihintulutan niyang kayo'y umalis dito: pagpapahintulot niya sa inyong yumaon, ay tunay na kayo'y samasamang palalayasin niya rito.
1滅頭生之災耶和華對摩西說:“我再使一種災禍臨到法老和埃及,然後法老他必讓你們離開這裡。他讓你們離開的時候,必全部趕逐你們離開這地。
2Magsalita ka ngayon sa pakinig ng bayan, at humingi ang bawa't lalake sa kaniyang kapuwa, at bawa't babae sa kaniyang kapuwa, ng mga hiyas na pilak, at ng mga hiyas na ginto.
2現在你要告訴人民,叫他們男女各人向自己的鄰舍索取銀器金器。”
3At pinagbiyayaan ng Panginoon ang bayan, sa paningin ng mga Egipcio. Saka si Moises ay lalaking naging dakila sa lupain ng Egipto, sa paningin ng mga lingkod ni Faraon, at sa paningin ng bayan.
3耶和華使人民在埃及人眼前蒙恩,同時摩西在埃及地,在法老臣僕的眼前和人民的眼前都成了偉大的人物。
4At sinabi ni Moises, Ganito ang sinasabi ng Panginoon, Sa may hating gabi ay lalabas ako sa gitna ng Egipto:
4摩西說:“耶和華這樣說:‘大約半夜的時候,我要出去巡行埃及地。
5At lahat ng mga panganay sa lupain ng Egipto ay mamamatay, mula sa panganay ni Faraon, na nakaluklok sa kaniyang luklukan, hanggang sa panganay ng aliping babaing nasa likuran ng gilingan; at ang lahat ng mga panganay sa mga hayop.
5在埃及地所有頭生的都必死亡,就是從坐王位的法老的長子,直到推磨的婢女的長子,以及一切頭生的牲畜都必死亡。
6At magkakaroon ng malakas na hiyawan sa buong lupain ng Egipto, na hindi nagkaroon ng kaparis, at hindi na magkakaroon pa ng kaparis.
6在埃及全地必有大哀號;這樣的哀號從前未曾有過,以後也必再沒有。
7Datapuwa't sa lahat ng anak ng Israel mula sa tao hanggang sa hayop, ay walang maggagalaw kahit isang aso ng kaniyang dila laban sa tao o sa hayop: upang inyong makilala kung paano ang pagkakalagay ng pagkakaiba ng Panginoon sa mga Egipcio at sa Israel.
7但是對於所有的以色列人,無論是人或是牲畜,連狗也不敢向他們叫吠;為要使你們知道耶和華是把埃及人和以色列人分別出來的’。
8At bababain ako nitong lahat na iyong lingkod, at magsisiyukod sa akin, na magsasabi, Umalis ka, at ang buong bayan na sumusunod sa iyo: at pagkatapos niyaon ay aalis ako. At siya'y umalis sa harap ni Faraon na may maalab na galit.
8你所有的臣僕都必下到我這裡來,向我下跪說:‘你和所有跟從你的人民都出去吧’,然後我才出去。”於是摩西氣忿忿地離開法老出去了。
9At sinabi ng Panginoon kay Moises, Hindi kayo didinggin ni Faraon: upang ang aking mga kababalaghan ay dumami sa lupain ng Egipto.
9耶和華對摩西說:“法老必不聽你們的話,好使我的神蹟在埃及地加增起來。”
10At ginawa ni Moises at ni Aaron ang lahat ng mga kababalaghang ito sa harap ni Faraon: at pinapagmatigas ng Panginoon ang puso ni Faraon, at hindi niya pinahintulutan ang mga anak ni Israel ay umalis sa kaniyang lupain.
10摩西和亞倫在法老面前行了這一切神蹟;但耶和華使法老的心剛硬,所以他不肯讓以色列人離開他的地。